Kafunshou (pollen allergy)

cyclops

03-21-2005, 10:30 PM

good Evening TFM’s:
Meron bang mga Kafun Shou members dito sa TF.
8 years ago ng mag-karoon ako nito but I’ve got allergy test I think 5 years ago of “Sugi Kafun” (cedar pollen allergy). Since then I have to go to my EENT Doctor to have a Pollen Shot. Dahil grabe talaga ang kafunshou ko.
Marng mga preventives, pero walang epekto sakin kaya every year enjections lang ang ibinibigay sakin ng doctor.
What are your preventions na ginagawa para ma-minimize or lessen ang pangangati ng mata, ilong at lalamunan?
cyclops :frowning: :frowning: :frowning:

pointblank

03-23-2005, 06:48 PM

Zannen nagara, WALA! :frowning: Wala kang magagawa, dahil the moment you get kafun-shou, you have it for life. Kaya importante ang preventive measures para di mo simulan ito, specially like this year na ang pollen na lumulutang sa hangin ay 17 times more than last year sa Tokyo, at 30 times sa Osaka.

Pag mainit daw ang summer, magiging grabe ang kafun output the next year. Pag nagkaroon ng kahit na isang mainit na araw sa winter (katulad ng nangyari last month), magsisimula nang mag-release ng pollen ang mga sugi, at hindi na yan hihinto kahit na maging maginaw uli.

National problem na ito sa Japan, kay nagdi-develop ang mga Hapon ng mga cedar tree na walang gaanong pollen, pero matagal pa ito magiging feasible solution, dahil decades ang cycle ng tree re-planting (di mo naman pwedeng palitan ang lahat ng gubat dito in one year). Wala pa ring effective na shots, at ang vaccine daw laban sa pollen allergy ay at least 3 or 5 years away pa raw bago pwedeng i-release sa market!

In the meantime, ang talagang pwede mo lang gawin ay i-prevent ang contact ng pollen with any of your inner body parts: kailangan mag-mask para ma-protect ang ilong at bibig from exposure. Nakakatulong kung naka-salamin ka, pero mas effective ang mga goggles na binebenta ngayon dahil pati sa gilid ay di makakapasok ang pollen. Yun lang nga, mukha kang either hold-upper o kaya’y alien na naka space suit. :cool:

Huwag ka rin magdadala ng pollen sa loob ng bahay. Bumili ka ng clothes brush (kahit na 100 yen type sa Daiso), iwan mo to sa genkan niyo, para pag-uwi mo ng bahay, magpadpad ka muna ng damit sa labas ng bahay bago pumasok.

Needless to say, bawal magbukas ng bintana ng bahay in spring, at mas lalong bawal ang mag-sampay ng damit sa labas o sa balcony! Suicide yan, kabayan. Presko nga ang damit mo, pula naman ang mata at ilong mo.

Alam kong masarap lumabas at maglakad sa spring, lalo na kung nag-bloom na ang mga sakura. Pero bawal din yan sa mga may kafun-shou. Tiisin mo na lang at maghanap ka ng coffee shop na air-conditioned at may view ng sakura trees. :wink:

reon

03-23-2005, 09:35 PM

hello cyclops,

ako rin, parang meron yatang kafunsho, at nataon pa na may sipon ako. grabe sa mata at ilong; mabuti na lang at pumunta ako sa isang clinic at binigyan ako ng gamot.

(pagkapunta ko doon, sabi ko “kaze”; tinignan lang ako ng doctor nang konti tapos sabi nya, “kafunsho” yan, tapos binigyan na ako ng gamot at pinaalis na, hehe. mukhang epektib naman.)

hello pointblank,

ang hirap naman ng advice mo, spring tapos nasa loob ka ng bahay! (gustong-gusto ko na ngang matapos ang winter para makapagbabad sa araw.) pero tama ka, napaka-dense daw ng concentration ng pollen ngayong taon, ayon sa daily yomiuri (http://www.yomiuri.co.jp/index-e.htm).

Japanese weather forecasts always include a prediction of cryptomeria pollen levels. 1-9 grains per square centimeter is defined as low; 10-29 as moderate; 30-49 as high and more than 50 very high. This year, average daily levels in the Kanto and Kansai regions have already reached the 200 level, with some local areas registering highs of 600 or 700 or even more! another story from mainichi interactive: huge pollen cloud sparks wildfire scare (http://www12.mainichi.co.jp/news/mdn/search-news/926316/pollen-0-1.html):

A huge cloud of Japanese cedar pollen floating through the air sparked fears that it could have been a wildfire, prompting a firefighter brigade to head out to the scene, but finding no blaze, Kiryu region fire department said.The head of the firefighting team that thought it was going out to quench a blaze suffers from hay fever.

Upon hitting the pollen cloud, he was unable to stop sneezing and his eyes become incredibly itchy. Japanese cedar pollen is said to be the scourge of hay fever sufferers.

Dax

03-24-2005, 12:36 PM

National problem na ito sa Japan, kay nagdi-develop ang mga Hapon ng mga cedar tree na walang gaanong pollen, pero matagal pa ito magiging feasible solution, dahil decades ang cycle ng tree re-planting (di mo naman pwedeng palitan ang lahat ng gubat dito in one year). Wala pa ring effective na shots, at ang vaccine daw laban sa pollen allergy ay at least 3 or 5 years away pa raw bago pwedeng i-release sa market!

nabasa ko din ang tungkol sa pag-develop ng japanese cedar na ganyan. yung iba naman daw na “lalaking” puno ay pinuputol nila paunti-unti, kasi daw yung lalaking japanese cedar ang may matinding pollen, in contrast sa babae.
matagal pa nga yan, maiklil na siguro ang 20yrs bago malutas ang problema ng kafunshou. nagkaroon daw ng replanting ng japanese cedar sa buong japan pagkatapos ng wwii kaya noong late 60’s (after 20 yrs malalaki na yung mga puno) nagsimula tong malawakang kafunshou.
hindi maiiwasan ang kafun. kahit na mag-mask ka, mag-goggles, mag-air purifier, etc. etc. ang kaya mo lang gawin ay mabawasan ang kafun sa paligid mo para maminimize ang risk.

reon

03-24-2005, 09:33 PM

yung iba naman daw na “lalaking” puno ay pinuputol nila paunti-unti, kasi daw yung lalaking japanese cedar ang may matinding pollen, in contrast sa babae.hello dax,

pasensya ka at hindi ako expert sa mga halaman pero hindi ba ang female tree ay dapat walang pollen? (o meron din?) nga pala, dahil meron akong mild na kafunsho, kaninang pagda-drive ko papuntang trabaho, maraming sugi sa paligid na puro brown ang mga tangkay, parang ayoko nang huminga. pero dahil uminom naman ako ng gamot, medyo okey naman na kanina.

Dax

03-28-2005, 10:19 AM

hello dax,
pasensya ka at hindi ako expert sa mga halaman pero hindi ba ang female tree ay dapat walang pollen? (o meron din?) nga pala, dahil meron akong mild na kafunsho, kaninang pagda-drive ko papuntang trabaho, maraming sugi sa paligid na puro brown ang mga tangkay, parang ayoko nang huminga. pero dahil uminom naman ako ng gamot, medyo okey naman na kanina.
hello reon,

hindi pala “lalaking” puno ang pinuputol kundi mga punong maraming bulaklak na lalaki. tnx for pointing it out.

飛散を減らすために、雄花の多い木の伐採な ども行われている。
galing sa:
http://www.ne.jp/asahi/web/oki/health/kafunsho.html

lori ligon

04-03-2005, 09:09 PM

I also have kafun sho for almost the same time as you do.preventives?wala but you can minimize the discomfort. sa lalamunan,sumipsip ka ng wasabi.sa ilong,you apply vicks vapor rub on the entire surface(up to the upper level) of your nose using a cotton bud, sa mata I use eye wash, pag hindi kaya, believe it or not hinihilam ko ang mata ko ng sabon.kaya mo yon?:eek:

reon

04-04-2005, 08:37 PM

I also have kafun sho for almost the same time as you do.preventives?wala but you can minimize the discomfort. sa lalamunan,sumipsip ka ng wasabi.sa ilong,you apply vicks vapor rub on the entire surface(up to the upper level) of your nose using a cotton bud, sa mata I use eye wash, pag hindi kaya, believe it or not hinihilam ko ang mata ko ng sabon.kaya mo yon?hmm, mukhang masakit, haha. hindi mo ba nasubukang uminom ng gamot? kumuha ako sa isang clinic na malapit dito sa amin. epektib naman. minsan, pag hindi makati ang mata ko sa umaga o kaya hindi ako humatsing, hindi ko na iniinom. pag meron, iinom ako at naalis naman. pero yong ibang grabe, hindi rin yata nakukuha sa gamot.

japphi

03-06-2006, 07:57 AM

good Evening TFM’s:
Meron bang mga Kafun Shou members dito sa TF.
8 years ago ng mag-karoon ako nito but I’ve got allergy test I think 5 years ago of “Sugi Kafun” (cedar pollen allergy). Since then I have to go to my EENT Doctor to have a Pollen Shot. Dahil grabe talaga ang kafunshou ko.
Marng mga preventives, pero walang epekto sakin kaya every year enjections lang ang ibinibigay sakin ng doctor.
What are your preventions na ginagawa para ma-minimize or lessen ang pangangati ng mata, ilong at lalamunan?
cyclops :frowning: :frowning: :frowning:

Hi there…panahon na naman nang Kafun shou…haaayyyy… buhay…few years ago…talagang hidoi ang sa akin…pero may natutunan ako sa tv na masahe na talaga namang sinubukan ko…dahil sa talagang gusto kong malunasan pinag-tyagaan ko…sa gilid nang ilong,medyo maninibago…kasi sa una medyo masakit…idiin yung sa may gilid nang ilong…may tsubo daw tayo doon.Na pag yon ang imasahe mo ay giginhawa ang ilong,throat mo…ilang araw kong ginawa yon…napansin ko unti-unting nawawala.Every year pag darating na ang ganitong season…masahe to the max talaga ako.

Last week ay nag-uumpisa na naman akong atakihin nang kafun shou…makati ang mata,sneezing,makati ang lalamunan at parang nagasgas na yata sa kaka-hatsing…masahe na naman ako…at nawawala naman…good feeling ang throat…parang binubura ang gasgas o sakit…as of now ay hindi ako umiinom nang gamot(pag may trabaho lang,taihen kasi pag sinisipon)…puro masahe lang lalu na bago matulog.

Mga kapatid…subukan ninyong mag-masahe ng gilid nang ilong,gilid nang mata at kayo ay giginhawa rin.

cyclops

03-06-2006, 07:09 PM

Japphi-san good evening!
Thank You sa advice, actually last week pa nag-umpisa nanaman ang kafunsho ko.
pero today malala, as usual kati, bahing, at luha sa mata ang dinaranas ko ngayon.
sana may mga mag-bigay pa ng ibang advices no.

pahabol;
kahapon at yun palabas sa tv na maganda raw ang fuki sa kafunsho isang uri ng gulay.
may nakasubok kaya nito?

cyclops:mad: :mad: :mad:

Dax

03-07-2006, 01:11 PM

@japphi
Yung parte sa taas ng ilong na pinapatungan ng salamin? Masubukan nga! Samalat sa tip! :slight_smile:

Nagsimula na din ang “homban” ng kafunshou ko kahapon. :frowning: Ang dami kong nagamit na tissue, mga 1/3 kahon (360 pc box)! Nakaka-dehydrate. :mad: Pulang-pula pa ang ilong ko ngayon, parang si Rudolph. :open_mouth:

kikx_miles

03-07-2006, 02:20 PM

Meron din po akong kafunshou,pero may nagpa-inom sa’kin ng gamot na galing sa Pinas “Virlix” (anti-allergy).Nung nainom ko 'to hindi ako makapaniwala na meron palang gamot na medyo makakapag-paginhawa ng pakiramdam ko.Binigyan ko rin yung kapitbahay naming japanese,sabi nya effective daw talaga!

japphi

03-07-2006, 03:18 PM

@japphi
Yung parte sa taas ng ilong na pinapatungan ng salamin? Masubukan nga! Samalat sa tip! :slight_smile:

Nagsimula na din ang “homban” ng kafunshou ko kahapon. :frowning: Ang dami kong nagamit na tissue, mga 1/3 kahon (360 pc box)! Nakaka-dehydrate. :mad: Pulang-pula pa ang ilong ko ngayon, parang si Rudolph. :open_mouth:

Dax,hindi sa banda doon…tabi nang butas nang ilong natin…subukan mong idiin sa mga thumb fingers mo…mag-fist ka o i-fist mo ang mga kamay mo…then bale yung thumb finger ang nasa taas…yun bale ang gamitin mong pang masahe o pang-diin sa sinasabi kong part nang ilong…medyo maninibago ka…pero giginhawa ang ilong at lalamunan mo…sure ko yan sa’yo kung magta-tyaga ka.

Ako…ilang araw nang inaatake…lagi ay masahe lang ako at iinom lang nang gamot pag may pasok.Also…sa ulo naman…ihagod mo lang yung mga kuko mo sa ulo mo…giginhawa ka rin.Yun bang …mga fingers mo parang isusuklay mo sa ulo.Ang hirap mag demonstrate pag hindi magkaharap ano…gomen ne…sana kuha mo ang ibig kong sabihin.Try it.:slight_smile:

japphi

03-07-2006, 03:21 PM

Japphi-san good evening!
Thank You sa advice, actually last week pa nag-umpisa nanaman ang kafunsho ko.
pero today malala, as usual kati, bahing, at luha sa mata ang dinaranas ko ngayon.
sana may mga mag-bigay pa ng ibang advices no.

pahabol;
kahapon at yun palabas sa tv na maganda raw ang fuki sa kafunsho isang uri ng gulay.
may nakasubok kaya nito?

cyclops:mad: :mad: :mad:

Napanood ko rin yon…fuki na ilalagay sa mizo shiru daw…pero kailangan naman araw-arawin ano…magsasawa rin siguro.

Dax

03-08-2006, 02:43 PM

Dax,hindi sa banda doon…tabi nang butas nang ilong natin…Thanks japphi! Kaninang umaga papuntang office, nagsimula na naman ang atake (kahit naka-mask). Naalala ko yung technique mo - masahe ng konti sa gilid ng nostril at maya-maya, ok na! Galing nito ah. :wink:

jazzybabe

03-08-2006, 02:50 PM

meron din po akong Kafun Shou,pero dati yon…Tencha(甜茶),tom ato juice at yasai juice lang po kasi ang ininum ko,sa awa ng diyos di na ako inaatake.pati din po asawa ko,iyan lang ang iniinum.try nyo po,baka effective din po sa inyo.:slight_smile: :smiley:

docomo

03-08-2006, 02:53 PM

… ako din nag start na :frowning: wa poise sa kaka bahing wahihihi :smiley: mukha akong engot dami kong parapernalya sa bag ko … magastos pa sa tissue at hindi bastang tissue , lotion tissue kasi…

… effective din isa pa ang pagkain ng yogurt pangontra… pwamis! … hapi bahing mga peeps :stuck_out_tongue:

wolfgang

03-08-2006, 03:32 PM

[pahabol;
kahapon at yun palabas sa tv na maganda raw ang fuki sa kafunsho isang uri ng gulay.
may nakasubok kaya nito?

cyclops:mad: :mad: :mad:[/quote] Nakakain na po ako ng fuki kasi sa inaka ng asawa ko may tumutubong fuki sa pagkakaalam ko tuwing spring lang yon tumutubo pero di pa rin naman gumaling yung kafunsho ko eh:(

japphi

03-08-2006, 05:18 PM

Thanks japphi! Kaninang umaga papuntang office, nagsimula na naman ang atake (kahit naka-mask). Naalala ko yung technique mo - masahe ng konti sa gilid ng nostril at maya-maya, ok na! Galing nito ah. :wink:

haaaah…yokatta at may nakasubok din nang technique na yon…basta lagi mo lang gagawin yon at mapapansin mo unti-unting nawawala yan.Ako magmula noong ginawa ko yan may 2 or 3 years din yatang hindi umatake…pero this year inaatake ako ulit…pero okey naman pag minasahe ang gilid nang ilong…ganbarou ne…:stuck_out_tongue:

This is an archived page from the former Timog Forum website.