At kailangan bang ipakita sa pulis ito kahit wala kang ginagawa? Kanina naglalakad lang ako papunta sa eki biglang may humarang na pulis at tinatanong ang card ko. Hindi ba pedeng magprotesta sa ganito? Hindi naman nila hinahanapan ng ID mga Hapon…
present ka ba nung nag lecture sila tungkol dito?
may nabasa akong hindi ka dapat hinihingan ng pulis ng gaijin card ng walang dahilan. ung mga hapon nga hindi nila hinihingan ng ID puro mga foreigners lang
Hindi nila tinatanong ang ID ng mga Hapon dahil 1.) wala silang makikitang visa violation doon, at 2.) makakarinig sila ng hindi kaaya-ayang salita, at 3.) walang obligasyon ang Hapon na magpakita ng ID sa mga pulis.
Kung gusto mo puwede kang magprotesta (“Bakit ninyo hinahanap ang residence card ko? May ginagawa ba akong masama?”) pero anong magagawa niyan bukod sa hahaba lang ang usapan? Kailangan mo pa ring ipakita ang residence card mo.
parents been here 35 years
reason why ginagawa nila yan para mahuli ang mga natitirang bilog na undetectable for 1. tax 2. what if gumawa ng crime wala sa database hndi agad maresolve ang case
20 years ago super daming bilog na they actively hinuhunt down maski sa factories nag checheck sila buti madami umuwi nung bumagsak economy ng japan 2000s and nung fukushima/tsunami time)
they’re doing it for everyones safety
kung wala ka naman itatago wala namang problema ilang minuto lng (unless you look suspicious while being inspected kasi one mire hinahanap nila ay mga drug sellers/users)
alam mo yang nababasa natin kung saan lang sa internet hindi dapat naniniwala kaagad
hindi ko alam kung anong visa mo pero kung sakaling magtatanong ka sa sensei mo sa nihongo gakko, o sa boss mo sa kaisha, o sa asawa mong hapon kung may asawa ka man, palagay ko pareho sasabihin nila sa iyo: ipakita mo ang residence card kapag hiningi ng pulis
para sa iyo din kasi yon, para wala kang maging problema lalo na kung hindi naman ganoon kagaling ang nihongo mo para makipagtalo sa pulis. kung tumagal ka na dito at alam mo na pasikotsikot at kaya mo nang makipagtalo sa pulis, bakit hindi? pero ganon din kailangan mo pa ring ipakita ang zairyu kado mo sa kanila
kung naiirita ka pa rin sa ganyan, maaring magnaturalize ka at maging hapon, para pwede mong sabihin, “wala akong zairyuu kaado dahil hindi ako foreigner.” kung masabi mo sa kanila yon nang perpektong nihongo para maniwala silang hapon ka na talaga, baka pabayaan ka na lang nila
ganoon ba talaga kahirap hugutin ang card sa wallet at ipakita sa pulis?
@tbot In Japan, does a foreigner have to show her residence card when the police asks her to?
@ryu In Japan, foreigners are required to carry their Residence Card (在留カード zairyū kādo) at all times, and they must present it to the authorities if requested, such as the police, immigration officers, or other official entities. Failure to provide the Residence Card when asked can result in penalties or legal consequences.
@ryu You’re welcome! If you have any more questions or need further assistance, feel free to ask.