Kanji Learner's Dictionary

reon

01-11-2005, 09:24 PM

Binili ko itong Kanji Learner’s Dictionary (http://www.amazon.co.jp/exec/obidos/ASIN/4770028555/qid=1105441930/sr=1-3/ref=sr_1_10_3/249-9458749-5439514) last year, kahit meron na ako ng mas malaki at mas kompletong kanji dictionary mula sa parehong author. Bakit ko naman kailangan ng dalawang dictionary? Ang totoo, hindi naman talaga kailangan. Naisip ko lang na baka mas dumami ang alam kong kanji kung merong akong dalawang libro (kahit nandoon sa mas malaking dictionary ang lahat ng laman nitong mas maliit at kahit hindi ko binabasa masyado) :slight_smile:

http://images-jp.amazon.com/images/P/4770028555.09.MZZZZZZZ.jpg

Halos lahat tungkol dito sa librong ito ay kalahati ng mas malaking New Japanese-English Character Dictionary (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=161 ): 2,000-plus “lang” ang kanji kumpara sa 4,000-plus; halos kalahati lang ang presyo (mga 4,000 kumpara sa 8,000-plus), at kalahati lang ang bigat at laki.

Kaya mas madaling gamitin at puwedeng dalhin kung saan-saan. Puwedeng basahin sa loob ng tren, isama sa bag papunta sa trabaho o school, o basahin sa kama o ofuro, hehe.

Isang interesting na entry mula sa loob ng libro:

User Friendliness

Another feature of this dictionary is a layout that is both visually attractive and easy to use. Typographical design with the aid of cutting-edge font technology was used to achieve a harmonious blend of font styles and weights (Adobe’s Myriad and Minion multiple master fonts for English and Heisei Mincho for Japanese). Some of the world’s leading font designers, such as Adobe’s Robert Slimbach, have contributed to this effort, which has resulted in an esthetically pleasing design that stimulates a desire to browse and to truly enjoy studying kanji.

Kaya yon… kung isang kanji dictionary lang ang kaya mong bilhin, ito na 'yon. Highly recommended. Pros: reasonable size, wieght and price; user-friendly. Cons: none.

mabatag

01-14-2005, 10:46 PM

reon,

ibigay mo na lang kaya sa akin yan, di mo naman pala kailangan. hehe.

ayos din kaya kung bumili ako ng PDA, tapos lagyan ko ng kanji dictionary apps? mas madaling mag-search ng characters.

reon

01-15-2005, 11:50 AM

ibigay mo na lang kaya sa akin yan, di mo naman pala kailangan. hehe.sa yo na lang yung mas malaki, 3,000 yen na lang para sa yo, hehe.

ayos din kaya kung bumili ako ng PDA, tapos lagyan ko ng kanji dictionary apps? mas madaling mag-search ng characters.hindi ko pa nasubukan ang pda na may kanji dictionary, pero meron akong lumang canon wordtank na may mga kanji. mas madali siguro ang pag-s-search sa electronic dictionaries, pero iba din ang appeal ng totoong libro. siyempre kung minsan, kung hindi ko alam ang reading ng isang kanji, dino-drowing ko na lang sa built-in kanji finder ng windows.

pero kung totoong “aral” ng kanji, walang papantay sa libro, imho.

markemist

03-04-2007, 06:48 PM

sa yo na lang yung mas malaki, 3,000 yen na lang para sa yo, hehe.

hindi ko pa nasubukan ang pda na may kanji dictionary, pero meron akong lumang canon wordtank na may mga kanji. mas madali siguro ang pag-s-search sa electronic dictionaries, pero iba din ang appeal ng totoong libro. siyempre kung minsan, kung hindi ko alam ang reading ng isang kanji, dino-drowing ko na lang sa built-in kanji finder ng windows.

pero kung totoong "aral" ng kanji, walang papantay sa libro, imho.

tanong lang po, san makikita yung built-in kanji finder ng windows?jap xp gamit ko.tnx.

mamsu

12-15-2007, 03:26 PM

reon…tanong ko lang kung sinong author ng book na yan…onegai

sharpener

12-15-2007, 04:39 PM

reon…tanong ko lang kung sinong author ng book na yan…onegai

naku baka busy po si sir reon…di ka masagot

jack halpren po ang chief editor nyan:)

hanikami

12-15-2007, 09:03 PM

Jack Halpern, right? :slight_smile:

natandaan ko lang kasi yung naging homestay family ko sa Saitama, kaibigan nila si Jack Halpern.

naku baka busy po si sir reon…di ka masagot

jack halpren po ang chief editor nyan:)

sharpener

12-16-2007, 06:28 AM

yes its Jack Halpern

thank you po
buti napansin mo:D

twinklyblue

12-25-2007, 03:15 PM

hehe… mayroon din ako nyan a… kaso lang naiwanan ko sa pinas (bigat kasi e). niorder namin dati sya sa Powerbooks nun… mga P2500 bili ko

myuki

02-20-2008, 05:05 PM

mods reon san mo nabili yon kanji hon kase sa amazon 4000+ sya…diba 2000 lng bili mo…

This is an archived page from the former Timog Forum website.