Kalahati ng buhay ko ay naglalakad, o sumasakay ng public transportation o nagbibisikleta kung may pupuntahan.
At kalahati naman ay nakasakay sa kotse.
Lately, naisip ko na ang pinaka ideal na tirahan ay isang lugar kung saan magagawa ko ang kamihan ng kailangang gawin sa pamamagitan ng paglalakad o pagbibisikleta.
Sumasakay pa rin ako ng kotse siyempre, pero hangga’t maari ay naglalakad o sumasakay sa bisikleta. Mas mabagal, pero kailangan ba talagang palagi na lang nagmamadali?