c2ny2
10-19-2005, 10:10 AM
Kabayan, bakit kaya may mga lahing pinoy na para bang hindi sila proud na malaman sa buong mundo na sila ay may dugong Filipino? Katulad halimbawa ng magaling sa baseball player dati ng New York Mets. Magaling talaga dahil isa siya sa tumulong sa baseball team ng NY Mets na makapag advance sa World Series noong year 2000. At ngayon ay nakatulong din para maging CHAMPION ang Lotte Marines ng Pacific League sa taong ito.
Yes mga kasambahay, Si Benny Agbayani, a Filipino Samoan descent, born in Honolulu, Hawaii noong December 28, 1971. Magaling na baseball player ng Hawaii Pacific University bago kinuha ng New York Mets. Na mula noon ay gamit na ang family name na Agbayani. Pero ngayon mga kabayan binago na niya ang kanyang pangalan. Instead of using Agbayani, Benny nalang. Bakit kaya? Nahihiya kaya siya sa tunog? Anyway, congratulations sa mga fans ng Marines.
See you in Osaka para sa Japan Series.
halloween
10-19-2005, 10:56 AM
Nakakalungkot namang isipin that he dropped his last name because it caused him embarrassment. Sa kwnto mo, naisip ko yo ang personal experience ko.
Sa office kasi may English newpaper na laging nasa desk ko or nung isang foreigner teacher. Noong una, don ko na pe pleasure reading pero mag-mula ng maging controversial ang impeachment ni GMA ay inuuwi ko na lang ang dyaryo. Minsan kasi tinatanong ako ng mga Haponesa kong officemates kung ano raw balita sa Pinas, feeling ko naman alam na nila na may kaguluhan, nakikiusyoso lang. Nahihiya naman akong sabihin sa kanilang, hmmm, hows the Phil? Eto kaliwat kanan ang rally, nag-poprotesta sa pagtaas ng krudo at marami ring nakawan at patayan, ang saya noh? God, I was really tempted to say that. Definitely, its not something to be proud of. Siguro kung ang balita eh gaya ng pagkakapanalo ni Patricia Evangelista sa English speaking contest sa ENgland or the likes of Lea Salonga, sobrang ipaglalandakan ko ang dyaryo, nakbulatlat lang sa table ko dahil proud na proud ako.
Anyway, we dont know the real reason why Benny chose to drop his last name. Pwedeng for convenience lang o pwede naman na may ibang kadahilanan. Pero sa totoo lang kung kinahihiya man nya, di ko sha ma blame dahil maraming bagay ngayon ang nangyayari sa Pinas na ikahihiya mo. Nakkalungkot nga lang isipin if he’s not proud to be one of us.
Paul
10-19-2005, 11:19 AM
Probably more of convenience rather than embarassment. Benny is easier for the Japanese to pronounce and remember than Agbayani. Besides, just because he has a Filipino surname and Filipino ancestry doesn’t make him a Filipino. He was born and grew up in Hawaii, he’s definitely American.
hunky
10-19-2005, 04:15 PM
i second Paul’s opinion
c2ny2
10-19-2005, 05:10 PM
Palagay ko yun nga ang dahilan kasamang Paul and hunky. Well any way, we will welcome him here in Osaka. Madami kaming mga baliw na fan ng Hanshin Tiger dito na nag-aantay sa kanya.
ganda_girl89
10-19-2005, 08:28 PM
maybe din nakiki-uso sya.dahil sa popularity ni ichiro na gumamit ng first name sa uniform nya,madaming baseball players sa jpn ang gumagamit ng first name sa uniform nila like alex ng dragons.
OT.my forecast…
chiba in 7 games.
crister
10-19-2005, 08:31 PM
Well any way, we will welcome him here in Osaka. Madami kaming mga baliw na fan ng Hanshin Tiger dito na nag-aantay sa kanya.
Hanshin Tigers fan ka pala…natatandaan ko before nung nasa new York mets pa si Benny Agbayani (under Valentine na coach din nila ngayon sa Marines) , nabanggit din naman na talagang may dugong pinoy si Benny, tama si Paul since mahirap bigkasin ang Agbayani…saka marami na rin sigurong nagalit kay Ichiro…kasi hindi Suzuki ginamit nya…
@ganda girl
taga chiba ka ba at Marines ang prediction mo? hehehehehe
Tigers - 6 games
houseboy
10-19-2005, 11:13 PM
Hanshin Tigers fan ka pala…natatandaan ko before nung nasa new York mets pa si Benny Agbayani (under Valentine na coach din nila ngayon sa Marines) , nabanggit din naman na talagang may dugong pinoy si Benny, tama si Paul since mahirap bigkasin ang Agbayani…saka marami na rin sigurong nagalit kay Ichiro…kasi hindi Suzuki ginamit nya…
@ganda girl
taga chiba ka ba at Marines ang prediction mo? hehehehehe
Tigers - 6 games
Tama si Sir Paul…
CHIBA in 5!
gabby
10-20-2005, 12:12 AM
Palagay ko yun nga ang dahilan kasamang Paul and hunky. Well any way, we will welcome him here in Osaka. Madami kaming mga baliw na fan ng Hanshin Tiger dito na nag-aantay sa kanya.
Alam mo napaka-pilipino mo talagang mag-isip. Nai-imagine ko tuloy yung mga die hard unwashed ni Erap at FPJ.
This is an archived page from the former Timog Forum website.