Legal Symposium 2005 sa Tokyo

Dax
08-10-2005, 03:35 PM
Hi,

Forward ko lang ang sa ibaba baka may interesado.

Dax


Kabayan sa Bansang Hapon:

Kumusta na? Mahalaga ka, Kabayang Migrante!

*May mga tanong ka ba tungkol sa batas sa bansang Hapon?
*May kaso o isyu ka bang gustong intindihin at wala kang mapagtanungan na awtoridad tungkol dito?
*Ok ka lang ba sa iyong trabaho sa bansang Hapon?

Bilang migrante sa bansang Hapon, mas makapaghahanda tayo ng mabuti kung may nalalaman tayo tungkol sa mga karapatan natin bilang mga migrante sa bansang Hapon at sa bansang Pilipinas.¡¡Sigurado na may mga katanungan kayo na gusto ninyong masagot tungkol sa ating mga karapatan sa bansang Hapon. Huwag tayong paalipusta, Kabayan. Mahalin natin ang ating dangal bilang tao. Narito ang isang pagkakataon para magbigay-pugay sa kahalagahan ng bawat migranteng Pilipino sa bansang Hapon.

Dahil dito, nakiisa po tayo sa Maryknoll Philippine Center kasama sina Chiquette Tanizaki at ang Kapisanan ng mga Migranteng Pilipino sa pagbubuo ng

LEGAL SYMPOSIUM 2005
Setyembre 18, 2005
12:00NN-6:00PM
Meguro Church Hall (kukumpirmahin natin ito agad)

Bakit? Dahil sina Chiquette at mga awtoridad ang hands on sa mga problema at solusyon patungkol sa mga imigrasyon at mga isyung pang-migrante bukod sa ating embahada. Isang isyu na hinahawakan ngayon ni Chiquette at Foreign Workers’ Labor Union ang kaso ng mga domestic worker na hindi kinukunsiderang laborer sa bansang Hapon. Maraming sector ng mga manggagawa - domestic worker, propesyunal, trainees, construction worker, entertainer, factory worker, driver - gayundin ang mga sector ng spouses, dependents, estudyante, Japanese children, Nikkei-jin.

ALAMIN NATIN AT MAGTANONG SA MGA PILIPINO AT HAPON NA ABOGADO, SOCIAL WORKER AT MGA LABOR UNION REPRESENTATIVE PARA SA MGA FOREIGN WORKER TUNGKOL SA MGA SUMUSUNOD:

*Labor Rights (ng kahit sinong OFW)
*Tax Refund
*Civil and family cases
*Medical / Repatriation
*Caregivers sa Japan
*Dual Citizenship
*Iba¡¯t ibang klase ng visa sa Japan
*Immigration laws sa Japan
*Migrants Act at marami pang iba

*KUNG INTERESADO, isama ang mga kaibigan sa araw na ito at magpareserba o magtanong tungkol sa mga sumusunod:

BENJIE - CP# 09098209223
E-mail cheer.me.up@t.vodafo ne.ne.jp
TONETTE - CP# 09093673872
E-mail ka.tonyang@gmail.com
CHIQUETTE ¨C CP# 09092455807
MICHINO (Phil Center Maryknoll) ¨C Tel 0332655075

Isang pagkakataon ito na hindi natin dapat palampasin. Habang kumikita tayo sa bansang Hapon, alamin natin ang ating mga karapatan at proteksyon natin sa bansang Hapon. Ito ay magaganap kasama ang mga tumutulong sa Maryknoll Philippine Center, sina Chiquette Tanizaki, isang napakasipag na social worker sa bansang Hapon at mga contact na abogado at iba pang social worker maging mga labor union contact na puwedeng magbigay ng kanilang mga insight tungkol sa mga karapatan ng mga banyagang manggagawa sa bansang Hapon.

Alamin at magtanong tayo sa mga awtoridad na magiging mga resource person natin sa Legal Symposium 2005.

Kaisa mo kami, Kabayang Migrante! Inuulit ko na mahalaga ka, Kabayang OFW! Huwag sana tayong maging kawawa sa bansang Hapon.

Ito ay isang pagkakataon para sa mga migrante at lahat ng mga tumutulong at gustong tumulong sa mga migranteng Pilipino.

Huwag tayong matakot na makiisa dahil mas nakakatakot kundi natin alam ang dapat gawin kung inaabuso tayo sa bansang Hapon.

OFW sa Tokyo at katatapos lang ng successful OFW salusalo natin sa Manila,
Tonette Binsol
www.tpmovers.org
www.ruralcomp.net

PS Sana’y sumali ang mga gustong makiisa… para sa edukasyon ng nakararami. Sa mga tumatanda ng paurong at di naniniwala, huwag na lang po dumalo. Tulungan po natin ang mga tumutulong sa mga kapwa-migrante sa pagkakataong ito. Makiisa sana tayong lahat! Bihira po ito sa Tokyo…

This is an archived page from the former Timog Forum website.