Lost in Shirahama, any Pinoys here?

hammondb3

09-10-2005, 05:07 PM

Hey mga kaibigan wla bang malapit na pilipino dito sa shirahama? 4 months na ako dito wala pa kong nakikitang pinoy. Grabe lungkot!

yosakoi-soran

09-10-2005, 05:24 PM

Hey mga kaibigan wla bang malapit na pilipino dito sa shirahama? 4 months na ako dito wala pa kong nakikitang pinoy. Grabe lungkot!
welcome hammondb3, enjoy your stay here in TF:wave: :guitar: maaaring nag-kakasalisi lang kayo ng mga Filipino riyan, tambay ka muna rito, maraming Pinoy at Pinay rito na makakausap mo, hindi ka na malulungkot niyan,:slight_smile:

mabatag

09-11-2005, 01:16 AM

welcome hammondb3!

ang suwerte mo naman, andyan ka sa shirahama. beach! pero kung 4months ka ng walang nakikitang ibang pinoy, malungkot nga siguro. sabi nga ni yosakoi-soran, tambay ka muna dito sa TF para mapawi ang iyong lungkot.

ayos yang handle name mo…

hammondb3

09-11-2005, 04:20 PM

Salamat naman at may nagreply. I’m working here in XIV Hotel as a pianist/singer. Solo lang kaya malungkot talaga pero mabuti nakakapaginternet ako dito at nadiscover ko tong site na to and I find this very friendly and helpful site.

Paul

09-11-2005, 06:49 PM

Salamat naman at may nagreply. I’m working here in XIV Hotel as a pianist/singer.
kaya pala hammond.
welcome to TF. pakibasa na lang yung Timog Forum Rules & Guidelines (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=365 ) para mas masaya ang pagbisita mo dito.
enjoy!

puting tainga

09-13-2005, 07:01 AM

Mga luagar para sa mga Pilipina:

100 yen shop, especially with parking spaces

Large-scale discount shops (Halimbawa, Costco)

Macdo, especially with parking spaces

Family restarurants malapit sa Obento factory, especialdad sa umaga
(Most married phipinas have cars and work at Obento/IT/Laundry factories, especially at night.)

Just talk to them something in Tagalog.

This is an archived page from the former Timog Forum website.