LTO temporary driver's license: any advice will be appreciated

summerghie

10-30-2005, 12:32 AM

its about drivers lisence…ksi i have a non-pro lisence and my husband told me it can be convert to japanese lisence but i should stay in the phil. for 3 months upon releasing of the lisence…so nacomplied ko nmn un ibang requirements…so eto na ngpunta n kami s maebashi to submit my requirements so i could start the written exam…then upon examining my documents they ask me a temporary lisenced which i dnt have and the LTO didnt gave me so…akala ko nun una student lisence ang ibig niyan sbihin pro hindi temporary lisence daw…so that day i wasnt able to take the exam because my documents is not complete…:rant:

so i called my uncles friend in LTO to ask about the temporary lisence then sbi nila wla n daw temporary lisence ksi after makapasa s written and actual exam that day makukuha mo un lisence mo ksi computerized n daw ksi tayo so we dnt need to wait for 1 week for the release of lisence…if ever naman u have a violations ang bali temporary lisence n lng nila eh un resibo n binibigay ng MMDA or POLICE kpg nahuli ka…before ata eh prang card n katulad ang itsura ng student lisence…(gomen im not familiar kasi), so sabi skin iexplain ko daw n bago n nga system natin…

eto n nmn ngpunta kami ng hubby ko ulit…ive tried so hard even my husband to explain n 2 yrs ago p yun system n yun at bago n ngaun system ng LTO…you know what guys di lng nmn sila naniwala at pinagpilitan prin nila n meron temporary lisence n binibigay parin ang LTO hangang ngaun…at ang nakakainis p dun mukha kming lumabas n sinungaling s knila…

well wla magawa hubby ko so i just cried…as in :cry: kasi b naman kung siguro un ibang pilipina ngsasabi din n wla n tlg temporary lisence eh siguro maniniwala p sila n ngbago n nga…ang pinagtatakahan ko lng paano sila nakakakuha ng ganun gayun wla n nga binibigay…at alam nyo ba nasagap kong tsimis…:smiley: eh yun iba ngbabayad at ngpapalakad s LTO s loob para lng makakuhang temporary lisence…eh ewan siguro malalakas yun mga taong nglakad s kanila ksi in my case meron din ako kakilala s loob pro wla tlg mgawa dhil di n tlg sila ngrerelease ng temporary lisence…kasi my ibang pilipina n yun style s pinas dinadala prin dito pati mga pekeng documents n gawa s recto meron kya un ngsasabi ng totoo at di peke ung s knila eh ayaw paniwalaan kagad…:frowning: dnt get me wrong guys db totoo nmn…

so eto until now dnt know what to do…eh kung mgaaral nmn ako ulit dito eh i cant read kanji and im not yet fluent in japanese…sorry napahaba ata kwento ko but anyway i just hope guys u can help me out …thanks and godbless all of you…:slight_smile:

hotcake

10-30-2005, 12:37 AM

Hello summerghie, welcome sa TF. Ano ba ang gusto mong ipahiwatig sa post mo? Gusto mo bang magtanong kung paano ang steps/procedures sa pagkuha ng japanese license dito sa japan? Kung sa pagkuha ng japanese drivers license ang ibig mong sabihin, dati may ganyan thread na rin dito sa TF, eto ang link …http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=233&highlight=drivers+li cense.

One more thing, please pakibasa na rin ang Timog forum rules and guidelines, specially sa part ng posting styles…:slight_smile: eto naman ang link niya…http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=365

crispee

10-30-2005, 12:41 AM

Hello summerghie, welcome sa TF. May thread na ganyan na rin dito sa TF, eto ang link …http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=233&highlight=drivers+li cense.

One more thing, please pakibasa na rin ang Timog forum rules and guidelines, specially sa part ng posting styles…:slight_smile: eto naman ang link niya…http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=365

Nice Hotcake:D Muntik na naman ako…:stuck_out_tongue: :doh:

hotcake

10-30-2005, 12:51 AM

Nice Hotcake:D Muntik na naman ako…:stuck_out_tongue: :doh:Easy lang Crispee, ang puso mo baka malaglag…:smiley: Kaya nga inunahan ko na nga e …:slight_smile:

ganda_girl89

10-30-2005, 02:16 AM

manong at hotcake,yung mga puso nyo.malapit na ang pasko…

nilalabas lng siguro ni summerghie ang mga frustrations nya sa licensing center sa gunma.iba-ibang klase kasi yung style ng mga prefectures sa pagpapatupad ng rules sa gaimen kirikae.iba-iba ang hinahanap kung minsan.

maybe yung hinahanap nila ay yung papel na binibigay na temporary na kapalit ng ID license pansamantala.

summerghie,kung yun talaga ang gusto nila at gusto mo talagang magkaroon ng temp license na kailangan sa maebashi LC,i-renew mo ang LTO license mo ng mas maaga pa sa 2months before expiration.
kapag early renewal,di sila nagbibigay ng ID license kaagad.dito,pwede mong i-reason sa LTO na mag aabroad ka kaya maaga kang magre-renew.kailangan din ipakita ang passport at airline ticket.

ps.
the above info was of jan 2003.uuwi ako sa dec at ire-renew ko ang LTO license ko ng maaga ng 3 months sa birthday ko.im not sure kung ganoon pa din ang patakaran.

docomo

10-30-2005, 06:56 AM

I agree with ganda_girl 89 ----- case by case po kasi kaya yung ibang newbie hesitant silang magtanong …

@crispee - relak lang po :slight_smile:

crispee

10-30-2005, 10:05 AM

Minasan ohayo:coffee:
Maraming salamat ladies, ayan maganda ang gising ko:D.

Sang-ayon naman ako sa sinabi niyong may kanya-kanyang style ang bawat licensing center sa japan. Magkakaiba rin kasi ang kuwento ng mga applicants sa ibang prefectures. Ang masasabi ko lang kay Summerghie, hindi marunong maawa ang mga nasa licensing centers. Hindi makakatulong ang pag-iyak pero kung ito ay nakakagaan sa iyong pakiramdam, sige isagad mo, sasabayan kita:weep::rant::cra sh:

Welcome to TF.

DaiRyouKoJin

11-01-2005, 11:52 AM

base sa aking experience, last July 2005 nag pa renew ako ng driver’s license ko sa pinas ( 1 month advance from the due date ). and mabilis na po makuha ang License “card”. one day application…nakuha ko kagad yung sa akin sa may LTO QC. Medyo nag improve na ang LTO sa pinas, nirerelease na nila kagad ang license “card”.Hindi na sila nagrerelease ng temporary license, yung tipong tatatakan pa nila ng another 6 mos. pag di pa gawa yung card hehehe

pag student license naman, yun yung nasa papel lang…

pero may nabasa ako sa www.lto.gov.ph (http://www.lto.gov.ph)
sa procedure ng pag apply ng new license…check mo ito:

New Driver’s License and Additional Restriction Code1. Proceed to the Evaluator to have your documents checked for completeness and authenticity, and secure a Driver’s License Application Form. (This form is available for download here (http://www.lto.gov.ph/download.html). You can accomplish this form prior to transacting your business at the LTO.).

  1. Proceed to the Phototaking/Signature Area when your name is called to have your picture and signature taken.

  2. Proceed to the Cashier when your name is called to pay the application fee.

http://www.lto.gov.ph/imgs/fillout.gif 4. Proceed to the Examination Room for the lecture and written exam.

  1. After passing the written examination, wait for your name to be called for the practical exam. (No written exam for ARC1.)

  2. After passing the practical examination, proceed to the Cashier when your name is called for payment of necessary fees.

  3. Proceed to the AMPI Counter when your name is called to have your signature and picture taken.

  4. Claim the temporary driver’s license (TDL) and the Official Receipt(OR) of payment.

ibig sabihin meron pa nga sila nirerelease na TDL???
:confused: :confused: :confused: try mo ulit mangulit or mag email sa LTO summerghie para makakuha ka ng driver’s license mo d2 sa japan. mangulit ka na lang sa knila…:cool:

summerghie

11-01-2005, 08:41 PM

Hello summerghie, welcome sa TF. Ano ba ang gusto mong ipahiwatig sa post mo? Gusto mo bang magtanong kung paano ang steps/procedures sa pagkuha ng japanese license dito sa japan? Kung sa pagkuha ng japanese drivers license ang ibig mong sabihin, dati may ganyan thread na rin dito sa TF, eto ang link …http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=233&highlight=drivers+li cense.

First hotcake thanks for welcoming me here. FYI ive read the thread about the procedures/steps/some of here are their experience of getting drivers license. I was just asking for some advice from the experts here.

One more thing, please pakibasa na rin ang Timog forum rules and guidelines, specially sa part ng posting styles…:slight_smile: eto naman ang link niya…http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=365
FYI po ulit ive read the rules and guidelines before I post a thread. Maybe I posted a similar topic but my question was not answered there yet. I was just hoping that anyone can help me because as ive read the old thread my case was different fr. the others. Likewise hotcake thank you parin.

Easy lang Crispee, ang puso mo baka malaglag… Kaya nga inunahan ko na nga e …
manong at hotcake,yung mga puso nyo.malapit na ang pasko…
from what i`ve understand the objective of this forum is ( from TF regulations)“If the message is a question, please try to answer in a way that does not make the poster feel inferior. One of the main purposes of Timog Forum is for people to assist our fellow Filipinos adjust to life in Japan by answering their questions or helping out with Nihongo. We were all newbies once (in Timog Forum and in Japan) so let’s be especially patient and considerate with newcomers.”

Is that necessary to be pissed off if someone had a similar questions but have different case. How can we become helpful here to others if we easily feel annoyed.

Sang-ayon naman ako sa sinabi niyong may kanya-kanyang style ang bawat licensing center sa japan. Magkakaiba rin kasi ang kuwento ng mga applicants sa ibang prefectures. Ang masasabi ko lang kay Summerghie, hindi marunong maawa ang mga nasa licensing centers. Hindi makakatulong ang pag-iyak pero kung ito ay nakakagaan sa iyong pakiramdam, sige isagad mo, sasabayan kita

FYI ulit crispee I don’t cried infront of them nethier to make them feel pity for me. I cried inside our car because of disappointments and i was exasperated.

base sa aking experience, last July 2005 nag pa renew ako ng driver’s license ko sa pinas ( 1 month advance from the due date ). and mabilis na po makuha ang License “card”. one day application…nakuha ko kagad yung sa akin sa may LTO QC. Medyo nag improve na ang LTO sa pinas, nirerelease na nila kagad ang license “card”.Hindi na sila nagrerelease ng temporary license

about renewal of my license next year pa ng october and even if irenew ko sya ng maaga eh gnun parin di parin sila mgbibigay ng temporary license like what DAIRYOKOJIN have experienced 1 day processing na nga lang sila kaya renewed card parin maibibigay nila.

try mo ulit mangulit or mag email sa LTO summerghie para makakuha ka ng driver’s license mo d2 sa japan. mangulit ka na lang sa knila…

di lang ako nangulit, umuwi pa ko sa pinas then I went to LTO Q.C. where my license was released then ive tried to ask them for so many times that I really need that temporary license because its 1 of the basic requirements here. As what they have told me and DAIRYOKOJIN experienced the LTO procedures was changed.

nagpunta ako ng futamatagawa driving center for switching my local license to japanese drivers license. lahat ng requirements like
certification from LTO, authentication from Malacanang, DFA, certification from Phil. Embassy,passports (old and new) Phil. drivers license w/OR
alien card, ID picture,translation of license from JAF and money
dala ko syempre pati na lakas ng loob .posted by ning2 10-08 page 6

Like what NING2 posted in the old thread who lives in futamatagawa they have different requirements as well as gunmma ken.

pasensya na bago lang ako dito…pasensya na sa abala…

docomo

11-01-2005, 09:51 PM

@summerghie

… Hindi ka naka-abala summerghie … I understand the feeling of being new and helpless, hang in for awhile malalagpasan mo din yan… I’m sure maraming makakapag-bigay ng magagandang advices sa yo dito :slight_smile:

hotcake

11-01-2005, 10:17 PM

FYI po ulit ive read the rules and guidelines before I post a thread. Maybe I posted a similar topic but my question was not answered there yet. I was just hoping that anyone can help me because as ive read the old thread my case was different fr. the others. Likewise hotcake thank you parin.Summerghie ang ibig kong sabihin sa basahin mo ang rules and guidelines specially sa part ng posting styles, ay sana nabasa mo, na ang color ng una mong post ay not accepted. Sana nga nabasa mo nga iyong part na iyon.:slight_smile:

from what i`ve understand the objective of this forum is ( from TF regulations)“If the message is a question, please try to answer in a way that does not make the poster feel inferior. One of the main purposes of Timog Forum is for people to assist our fellow Filipinos adjust to life in Japan by answering their questions or helping out with Nihongo. We were all newbies once (in Timog Forum and in Japan) so let’s be especially patient and considerate with newcomers.” Ano ba ang mali sa sagot ko sa tanong mo, tinanong lang kita kung iyong question mo ba ay tungkol sa drivers license and I gave you the link. Malay ko ba na wala doon ang hinahanap mong sagot sa katanungan mo. I just gave you the link that may help you…

Is that necessary to be pissed off if someone had a similar questions but have different case. How can we become helpful here to others if we easily feel annoyed. Sino bang na-pissed off?

DaiRyouKoJin

11-01-2005, 10:36 PM

hmm…try mo ulit makipag usap sa Japanese na nagrerelease ng license kasi bka nakadepend din sila sa website ng LTO natin, maybe dun sila kumukuha ng info.
try to convince them na hindi na updated yung site.

However, pag di pa rin kinaya ng powers mo,since may kakilala ka naman sa loob ng lto, I would suggest na hingi ka ng letter from LTO Philippines ( yung may letterhead ng LTO ), kasulatan na nagbago na sila ng system sa pag release ng license at di na sila nagrerelease ng TDL.

suggestion ko lang yun ha. Tsaka wag ka magsawa mag seek ng help sa forum. OK lang yun at hindi ka nakakaabala. Sino sino pa bang magtutulungan d2 sa japan kundi tyu-tyu ring magkakababayan diba? :wink:

Mababait lahat ng member ng forum. Makukulit pati! mwehehehe :smiley: :stuck_out_tongue:

summerghie

11-01-2005, 10:43 PM

Summerghie ang ibig kong sabihin sa basahin mo ang rules and guidelines specially sa part ng posting styles, ay sana nabasa mo, na ang color ng una mong post ay not accepted. Sana nga nabasa mo nga iyong part na iyon.:slight_smile:

FYI po ulit nabasa ko rin po sya kaso di ko po naisip na ang dark violet is a gaudy colors since din naman sya ganun ka light, gusto ko lang sana i highlight yun sagot ko pero since na bawal pala sorry di na mauulit…

Ano ba ang mali sa sagot ko sa tanong mo, tinanong lang kita kung iyong question mo ba ay tungkol sa drivers license and I gave you the link. Malay ko ba na wala doon ang hinahanap mong sagot sa katanungan mo. I just gave you the link that may help you…

hotcake wala naman po ako sinabi sa reply ko na mali yun sagot nyo.nagthank you naman po ako for your effort.pakibasa na lang po ulit kung sino yun kiniquote ko sa post nyo.

Sino bang na-pissed off?

its just sound like i pissed off somebody here sa pagkakapost ng message.

Easy lang Crispee, ang puso mo baka malaglag… Kaya nga inunahan ko na nga e …

manong at hotcake,yung mga puso nyo.malapit na ang pasko…

kung mali man ang interpretation ko sa reactions ng iba eh pasensya na po…i apologize.

ganda_girl89

11-01-2005, 11:42 PM

manong at hotcake,yung mga puso nyo.malapit na ang pasko…

nilalabas lng siguro ni summerghie ang mga frustrations nya sa licensing center sa gunma.iba-ibang klase kasi yung style ng mga prefectures sa pagpapatupad ng rules sa gaimen kirikae.iba-iba ang hinahanap kung minsan.

maybe yung hinahanap nila ay yung papel na binibigay na temporary na kapalit ng ID license pansamantala.

summerghie,kung yun talaga ang gusto nila at gusto mo talagang magkaroon ng temp license na kailangan sa maebashi LC,i-renew mo ang LTO license mo ng mas maaga pa sa 2months before expiration.
kapag early renewal,di sila nagbibigay ng ID license kaagad.dito,pwede mong i-reason sa LTO na mag aabroad ka kaya maaga kang magre-renew.kailangan din ipakita ang passport at airline ticket.

ps.
the above info was of jan 2003.uuwi ako sa dec at ire-renew ko ang LTO license ko ng maaga ng 3 months sa birthday ko.im not sure kung ganoon pa din ang patakaran.

sa palagay ko po ay di umabot ang aking nalalaman para masagot ang nagtanong o maaring di sumapat ang sagot para makatulong sa kanyang problema.

dahil po dito,humihingi po ako ng pabor sa mods na paki-delete na lang ang nasabing post.
humihingi din ako ng despensa kay summerghie kung may laman ang post ko na nakasakit sa kanyang kalooban.nagkataon lang po na magkakakilala kami nina manong crispee at hotcake sa PM kaya nagagawa namin magbiruan ng konti kahit OT.

hotcake

11-02-2005, 12:11 AM

sa palagay ko po ay di umabot ang aking nalalaman para masagot ang nagtanong o maaring di sumapat ang sagot para makatulong sa kanyang problema.

dahil po dito,humihingi po ako ng pabor sa mods na paki-delete na lang ang nasabing post.
humihingi din ako ng despensa kay summerghie kung may laman ang post ko na nakasakit sa kanyang kalooban.nagkataon lang po na magkakakilala kami nina manong crispee at hotcake sa PM kaya nagagawa namin magbiruan ng konti kahit OT.Hindi po sa kumakampi ako kay ganda_girl, pero sa tingin ko ay may point siya. Ganun din ang aking naramdaman.

Ako rin ay humihingi ng pabor sa mga moderators na kung pwede ay paki-delete na rin ang mga sagot ko sa thread na ito. Para sa akin ay mas mabuti na mabura nalang ang sagot ko dahil baka humaba pa at mapalayo lang sa unang topic.

reon

11-02-2005, 09:45 PM

I’m sorry, ganda girl and hotcake, may policy ang Timog Forum ng hindi pagde-delete ng posts especially kung may hindi pagkakaintindihan. Lalo kasing hindi maiintindihan ng mga tao kung ano’ng nangyayari kapag may ma-delete na posts.

Tsaka, nag-apologize na kayo, at mukhang medyo nagkakaintindihan naman kayo. summerghi, ganda girl, at hotcake, eto ang magandang advice ni goldhorse kay Paul at Dax:

Let’s all keep our cool. Mabuti at nagkaintindihan naman kayong dalawa. Marming forums na nasira dahil sa pag-aaway. So far this forum hasn’t yet reached that point, and I hope it will never will. A lot of people have worked hard to make the members of this forum feel at home.

Even a small misunderstanding can flare into an all out war. If we keep this in mind whenever we post, or react to a post, it can go a long way in preventing us from hurting one another. I’ve always regarded the members of this forum as being friendly, let’s all stay that way. When posting, let’s try to choose our words. When reading a post, let’s not over-react.

summerghie, may related experience ako tungkol sa pagkuha ng license:

Nung pumunta ako sa Mito para kumuha ng exam, kumpleto ang papeles ko pero may konting problema. Akala ko nakompleto ko na ang 90 days na requirement para sa pagkuha ng exam para sa Japanese license pero sabi nung tao sa information, hindi daw valid yung sinabi kong may 90 days ako sa Pinas dahil, wala daw proof dahil, yung mga tao sa LTO, hindi nilalagay yung eksaktong DATE sa cerfificate, at hindi ko maintindihan kung bakit. Alam kong may 90 days na mula nang kinuha ko yung license ko (mga 8 years ago siguro) pero dahil nga sa year lang ang nakalagay, sabi sa akin doon sa licensing office ay hindi mabilang definitely kung kailan nakuha at hindi mapatunayan conclusively.

Naiisip mo siguro kung gaano uminit ang ulo ko: umuwi pa ako sa Pinas pala lang doon, ilang government offices ang pinilahan ko buong araw (tig-isa-isa), may isang nanloko pa sa aking doon sa LTO, dinala ko pa sa embassy, at umabsent pa ako sa trabaho pala lang sabihin sa akin na hindi ako puwedeng kumuha ng exam dahil sa hindi nilagyan ng eksaktong date ng pagkakuha ng lisensya doon sa Pinas.

Pero dyan din makikita kung bakit mas maayos ang Japan kaysa Pinas: pag hindi puwede, hindi talaga puwede, hindi kagaya sa Pinas na hindi puwede, pero nagagawan ng paraan kung may ibabayad ka. Kaya ang advice ko iyo ay gawin mo na lang yung sinabi sa iyo noong tao doon sa licensing office. Tama rin yung ibang nag-post na minsan iba-ibang offices, iba-iba din ang treatment nila especially tungkol sa procedures ng isang foreign country (Pilipinas kunyari).

I hope this helps.

Nga pala, baka yung sinasabi ni hotcake ay yung tungkol sa text speak. Medyo mahirap din kasing basahin yung post mo lalo na sa mga kagaya ko na hindi nasanay sa ganyan. Friendly advice: iwasan ang text speak. Tsaka sina crispee, hotcake, ganda girl (at dairyoukoujin siyempre) ay okay naman generally, hindi lang kayo nagkaintindihan. Sana maayos ang gusot ninyo, tandaan lang ang advice ni goldhorse sa taas.

:slight_smile:

summerghie

11-03-2005, 12:43 AM

sa palagay ko po ay di umabot ang aking nalalaman para masagot ang nagtanong o maaring di sumapat ang sagot para makatulong sa kanyang problema.

dahil po dito,humihingi po ako ng pabor sa mods na paki-delete na lang ang nasabing post.
humihingi din ako ng despensa kay summerghie kung may laman ang post ko na nakasakit sa kanyang kalooban.nagkataon lang po na magkakakilala kami nina manong crispee at hotcake sa PM kaya nagagawa namin magbiruan ng konti kahit OT.

Miss ganda_girl89 wala naman ako sinabi na di sumapat ang sagot mo para matulungan ako. Bakit naman kailangan ganun ang isipin mo. Ang akin point lang sa sinabi nyo ni hotcake eh parang ang dating ng pagkakasabi nyo na “ ang puso mo crispee baka malaglag” eh parang ang dating eh nainis sya dahil nga na yun post ko ay my kapareho na dati na inakala nya rin di ako ngabasa muna… Kaya ko naisip iqouted yun objective ng TF forum kasi nga dahil nga parang my hinighblood ng konti sa pagpost ko ng parehong thread na inakala rin ni hotcake na di ko nabasa yun rules of TF. Wala naman ako sinabi iba diba. pinaliwanag ko lang sa reply ni hotcake na nabasa ko yun sa about the rules of posting atska yun pinapabasa nya rin sakin n thread na nabasa ko nga bago ako ngpost meron po bang mali doon or foul ako na words na sinabi, sa pagkakaalam ko wala naman po.maayos naman po ang pagkakasabi ko at humingi po ako ngdespensa kung mali yun style ng posting ko.

@DAIRYOUKOJIN
salamat sa advice mo ulit ayaan mo itry ko next year bumalik doon…thank you ulit ha…

To sir reon…
Thank you po sa advice. Wala naman po problema sakin gusto ko lang po emphasize un nabasa ko na ang dating po ay my naasar dahil sa pagkakapareho ng topic ng post ko at inakala na hindi ko po nabasa yun rules ng TF eh pinaliwanag ko lang naman po na nabasa ko nga po.a kung sa kanila ay biro lang po pala paano naman po yun feelings nun ngpost katulad po nito bago lang ako dito. Nagpost po ako para humingi ng advice di po para makipag di unawaan sa ibang members dito. Hindi ko lang po maintndihan kung bakit humantong sa ganito na maayos naman po pagkakareply ko pinaglaban ko lang yun pagkakaintindi ko sa post po nila. Ang hirap po pala kapag bago. Pasensya na po kung gumulo wala po akong intensyon na maging ganito. paumanhin po.

gabby

11-03-2005, 01:31 AM

Ang pagkakaintindi ko ay iyung style yata nang post mo. Para ka kasing gumagamit nang cellphone eh pasokon naman ito.:slight_smile: Yung text style letters parang hindi yata maganda.

reon

11-03-2005, 07:53 PM

Ang hirap po pala kapag bago. Pasensya na po kung gumulo wala po akong intensyon na maging ganito.Okay lang yan, summerghie. Minsan may mga hindi pagkakaintindihan at hindi talaga maiiwasan. Cheer up! :slight_smile:

DJchot

11-03-2005, 08:11 PM

yeah. cheer up summerghie!

may konting paguunawaan lang. if u have time, visit ka sa off topic and small talk…masaya don. dadami friends mo don…:slight_smile:

summerghie

11-08-2005, 07:39 PM

Okay lang yan, summerghie. Minsan may mga hindi pagkakaintindihan at hindi talaga maiiwasan. Cheer up! :slight_smile:
:slight_smile: thanks sir reon i do understand that there are some misunderstanding here…but dont worry i enjoy TF forum and i know i will learn a lot here…

@djchot
thanks for cheering me up its so nice of you…dont worry im enjoying TF forum…:wink:

This is an archived page from the former Timog Forum website.