Paul
01-26-2005, 12:59 AM
here’s an interesting comparison between the new Mac mini and the closest spec’ed Dell computer.
The $600 Desktop System Shootout (http://www.systemshootouts.org/shootouts/desktop/2005/0111_dt0600.html?)
now, who says Macs are expensive?
reon
01-26-2005, 11:08 PM
now, who says Macs are expensive?sino pa, e di 'yong mga taong gumagamit ng dell!
hindi yata gusto ng apple at dell ang isa’t-isa, ano? “fad” lang daw ang ipod, sabi ng ceo ng dell (http://www.newsfactor.com/apple/story.xhtml?story_title=Dell-CEO-Serves-Up-Fightin--Words&story_id=29818&category=apple), hehe.
Paul
01-27-2005, 09:56 AM
inggit lang ang dell kasi hindi kumita yung Dell DJ nila. :roll:delldjsite.com
tsaka natatakot na sila kasi pinasok na ng apple ang target market nila sa pag-release ng mac mini.
eto, magbasa ka pa tungkol sa Apples and Oranges (http://www.macworld.com/weblogs/editors/2005/01/miniapplesandoranges2/index.php).
crispee
01-27-2005, 10:25 PM
Para sa akin, mas mahal ang pc kung custom made. Lalo na kung mapili ka sa mga piyesang ikakabit. Kung di ka magtitipid ay gagastos ka ng more or less 10 lapad sa cpu pa lang.
goldhorse
01-30-2005, 12:40 PM
Para sa akin, mas mahal ang pc kung custom made. Lalo na kung mapili ka sa mga piyesang ikakabit. Kung di ka magtitipid ay gagastos ka ng more or less 10 lapad sa cpu pa lang.
Tama ka diyan. Noong Windoze user pa ako :eek: bawat labas ng nvidia ng bagong vga palit ako ng palit ng card para non mabilis ang takbo ng half life, castle wolfenstein etc. Kaya lang ngayon di na naman ako naglalaro sa pc kaya di ko na kailangan ng Windoze. (Ipinagbili ko at bumili ako ng mac. Yun lang naman gamit ng Windoze, PC game ) Sa dami ng parts ko dati nakabuo ako ng isa pang PC
daddy_b
02-04-2005, 09:13 PM
Does anyone here know where we can purchase a Mac Mini (http://www.apple.com) with an ENGLISH version of Mac OS X?
daddy_b
goldhorse
02-04-2005, 11:25 PM
Does anyone here know where we can purchase a Mac Mini (http://www.apple.com) with an ENGLISH version of Mac OS X?
daddy_b
Just change the language settings in Mac OSX to English and you’ll have an English OS. All copies of OSX have multiple language support. Neat, huh?
daddy_b
02-05-2005, 10:14 AM
Thanks, goldhorse. I didn’t know that. Oooops! My stomach is starting to churn for a Mac mini. My IBM PC, although still working perfectly, is probably more than 4 years old (got it used almost 2 years ago). There are no signs that it will conk out anytime soon but if I decide to purchase a new computer, I’ll probably try a cute Mac mini… for a change, literally.
Then I don’t have to worry about viruses (for the rest of my life?).
daddy_b
reon
02-06-2005, 05:29 PM
daddy b,
ingat lang sa pagbili ng mac, baka mahigop ka ng “reality-distortion field” ni steve jobs. noong first time na bibili ako ng computer sa tsukuba (around 10 years ago) may kasama ako sa bahay na new zealander (mac fanatic), sabi nya sa akin (in english siyempre), “pag bumili ka ng windows, bahala ka na sa buhay mo!” hahaha. bumili tuloy ako ng mac.
hindi naman sa bibili talaga ako ng windows dahil halos lahat ng mga pinoy sa tsukuba noong dumating ako, puro mac ang gamit. performa, lc, power macintosh, powerbooks, lahat ng models ng mac meron. naka-apat yata ako ng macintosh bago ako naligaw ng landas sa windows, hehe.
ngayon, baka bumili ulit ako ng macintosh pag papalitan ko na ang pc ko. mas magaling lang talaga ang macintosh (para sa isang taong nakagamit na ng windows at macs). siyempre, iba-ibang tao, iba-ibang opinyon.
crispee
02-06-2005, 07:13 PM
Hindi pa ako nagkaroon ng sariling mac system, pero pa-pindot pindot lang sa mga display sa tindahan. At dahil nabanggit ni goldhorse na pwedeng i-set ang language nito, medyo nagkaroon ng interest kung bakit maraming nagsasabi na mas ok ito sa windows. So ang una kong gagawin ay purbahan at matesting nga yung mga mac na naka-display sa Sakuraya, 1st floor ng DICE (alam cguro ni goldhorse ang store).
crispee
02-06-2005, 07:45 PM
I am just curious or maybe you may say I am going nuts? :hihi: LOL Tatanong lang po ako sa mga DIY pc people dito sa timog. Posible bang gamitin ang hard disk ng pc para sa new installation ng mac? err, ganito na lang, u know i have lots of pc parts (branded and un-branded) like RAM, add-on cards, HDDs and a couple of nice DVDRW IDE drives etc etc. Then iniisip ko kung pwede bang lagyan ng mac as the new OS itong ginagamit kong pc? I read somewhere na magkaiba rin ang format ng windows at mac HDD. Well may paraan ba para pwedeng gamitin ng mac ang hdd ng pc? :nuts:
Paul
02-06-2005, 11:06 PM
hi crispee, eto sagot sa mga tanong mo (na medyo malabo nga kasi nung una ang pagkakaintindi ko ay gusto mo lang gamitin yung hard disk ng pc mo sa mac, pero nung bandang huli ay parang gusto mong mag-install ng mac OS sa hard drive at paandarin sa pc mo).
unang-una, magkaiba ang tinatakbuhang CPU architecture ng Mac OS (na OS X na ngayon kung tawagin) at ng Windows. ang OS X ay tatakbo lang sa mga hardware na gawa ng Apple na may CPU na G3, G4 o G5. hindi ito tatakbo sa hardware na para sa Windows na may CPU na gawa ng Intel o AMD. kaya yung tanong mo na “kung pwede bang lagyan ng mac as the new OS itong ginagamit kong pc” ay medyo imposible.
ngayon, kung ang tanong mo naman ay kung pwedeng gamitin yung ibang parts mo diyan na para sa pc mo, ang sagot ay pwede. walang pinagkaiba ang hard disk na gamit ng mac at pc pwera lang sa format. ang gamit ng mac na file system format ay HFS+, na iba sa FAT32 o NTFS. ang maganda sa mac ay nakakabasa ito at nakaka-format ng FAT32 at NTFS na drive kaya pwede mong ikabit ang pc drive mo at mababasa ng mac ang laman nito (hindi nga lang mapapaandar ang windows os). pwede ring gamitin ang RAM na para sa pc sa mac (basta tama ang spec, sapagkat marami na ring klase ng RAM ngayon). yung DVDRW drives, pwede rin. yung add-on cards, 'yan ay depende kung anong card ang pinag-uusapan. kung video card, kelangang palitan ang firmware para sa mac. kung ibang PCI card, kelangang siguraduhin mong pwede rin siya sa mac.
ang isa pa, kung naghahanap ka ng mac na ma-eexpand mo, powermac ang kelangan mo (na medyo mahal). tsaka hindi na kelangan ang ganyang klaseng pag-iisip kung gagamit ka ng mac. ang ibig kong sabihin ay ang mac ay hindi tulad ng pc na wala pang isang taon ay obsolete na, at kelangan mo nang i-upgrade ang mga piyesa.
ang mac mini nga pala ay hindi mo siguro mapapalitan ng hard drive na para diyan sa pc mo kasi ang gamit nitong hard drive ay para sa mga notebook (yung 2.5" na drive), kaya nga nila napagkasya sa ganung kaliit na case. at hindi rin ito expandable na tulad ng nakasanayan mo sa mga malalaking tower pcs.
kung gusto mo talagang subukan ang mac, ang advise ko ay magbasa-basa ka at magtanong-tanong sa PinoyMac.org (http://www.pinoymac.org) o kaya ay sa PhilMUG (http://www.philmug.ph). lalo na yung newbies (http://www.pinoymac.org/forum/viewforum.php?f=2) section. mababait ang mga tao doon at handang tumulong kahit kanino, basta tungkol sa mac.
goldhorse
02-09-2005, 10:49 PM
So ang una kong gagawin ay purbahan at matesting nga yung mga mac na naka-display sa Sakuraya, 1st floor ng DICE (alam cguro ni goldhorse ang store).
Alam na alam ko iyan. Doon ako madalas manood ng sine sa TOHO cinemas sa DICE. Taga Kawasaki ka din pala. Motosumiyoshi ako, Tamagawa ka ba?
P.S. Huwag kang masyadong maniwala kay Paul, empleyado ng Apple iyan…
Joks lang Paul.
Estudyante pa lang siya.
daddy_b
02-10-2005, 10:33 PM
I was browsing through the Yodobashi camera website for Mac software and I found out that Mac OS 10.3 Panther is being sold in BOTH English and Japanese versions. Earlier, goldhorse said that the Mac OS 10.3 that comes with the Mac mini can be configured to become English, just in case I buy one with an original Japanese configuration. If this is so, then why are they being sold in two language versions if they can be interchanged into one or the other anyway?
Can somebody please enlighten? Thanks.
daddy_b
Paul
02-11-2005, 09:05 AM
the english version comes with english manuals while the japanese version comes with japanese manuals. that’s the only difference.
Paul
02-11-2005, 09:14 AM
here’s a screenshot of the language preference pane:
http://img.photobucket.com/albums/v288/polegario/TF/intl_small.jpg (http://img.photobucket.com/albums/v288/polegario/TF/intl_large.jpg)
daddy_b
02-12-2005, 10:00 AM
Thanks, Paul. Now, I think I should seriously save up for a Mac mini.
daddy_b
02-21-2005, 08:24 PM
I finally had the chance to briefly tinker around with the Mac mini last Sunday in one of the computer shops here in Tsukuba, and unless you’re a diehard Windows user, it’s not difficult to fall in love with the machine.
Here’s my question, however. Is the Apple Works that comes bundled with the Mac mini only in Japanese? Or can it be configured into English like the other software?
Paul
02-25-2005, 08:06 AM
hi daddy_b,
sorry for the late reply. i haven’t used Appleworks for a long time and i don’t have it installed in my mac but i believe appleworks is also internationalized so you can change the language from the international preference pane. anyway, if you have a chance to tinker with the mac again, quit Appleworks then click on the apple menu (the apple logo on the menubar) and select “System Preferences…” then click on the “International” icon. On the Language tab, drag English all the way to the top of the list. Relaunch Appleworks. The language should change to English.
daddy_b
02-26-2005, 08:13 PM
Thanks, Paul. Undoubtedly, you are the acknowledged Mac expert in Timog Forum. Arigato.
daddy_b
reon
02-27-2005, 10:45 PM
daddy b,
yung kaibigan ko bumili ng mac mini at nahawakan ko. very cool. halos kasing bigat lang ng dvd-r drive ko. at tahimik dahil wala (yatang) fan. magaling ang design at attention to detail (parang yung mga original macs dati na may signature pa nila jobs at wozniak). at kompleto ng mga productivity software.
paul,
okay yung picture ng baby mo kasama ang ipod shuffle. yung isa ko ring kaibigan, pumunta sa bahay at may dalang ipod shuffle. ngayon alam ko na kung bakit naisipan ng apple na tawagin itong ipod shuffle: wala kasing lcd display, kaya mahirap malaman kung nasaan ang mga kantang pinasok mo, kaya lagyan mo na lang ng mga gusto mong kanta at i-shuffle mo, para hindi ka na maghanap ng kantang gusto mong pakinggan.
daddy_b
03-07-2005, 09:46 PM
reon, sana dumating na ang aking tax refund para may pambili ng mac mini… hehehe…
daddy_b
reon
03-09-2005, 11:18 PM
sana dumating na ang aking tax refund para may pambili ng mac mini… hehehe… mabuti at may hinihintay kang tax refund ako wala. baka bumili na lang ako ng apple mouse pad. :weep:
This is an archived page from the former Timog Forum website.