hanna
10-26-2005, 08:35 AM
Hello to all memebers…
I need advice to eveyone na may experience na ito nag dadalawang isip ako… I wiill Apply my japanese citizen. pero in my heart pilipino ako gagawin ko lang ito dahil gusto kong makasama ang mga anak ko na matagal ng nahiwalay sa akin. Gusto ko lang itanong sa mga pilipino na nag apply to become japanese citizen. pag na aaprove ba ang citizenship ko dito may posibilidad bang ma kuha ko ang mga anak ko kahit sila ay above 20 na? Gagawin ko lang ito kong maari kong makuha mga anak ko at matlongan ko sila. at kong hendi ano ang paraan para makuha ko sila. Kong i a adoption ba sa anak sa pilipinas pwedi rin. kaming mag asawa ang mag adopt? thank you please advice me pls…what to do
New memeber
Hanna
Teddy
10-26-2005, 02:49 PM
Welcome to TF, hanna:)
Hintay na lang tayo ng mga sasagot sa tanong mo:)
Always be happy;)
japphi
10-31-2005, 04:01 PM
Hi…I’m a new member here and would like to share my experience on applying for citizenship dito.
Una…advice ko sa’yo na pag-isipan mong maige,una, kung talagang mahal mo ang asawa mo,stay for good or lifetime dahil sa pinili mong pag-aasawa nang hapon.Hindi yung dahil gusto mong matulungan ang mga anak mo.Kasi if ever na may dumating na gusot sa pagsasama ninyo at gusto mo nang umuwi sa atin ay mahirap na…baligtad naman ang mangyayari…kukuha ka nang VISA sa pag-i-stay mo sa SARILING BANSA natin…pati na ang mga mga anak mo kung sakaling ma-adopt ninyo.Saka kahit naman hindi ka kumuha nang nationality dito ay pwede mo namang kuhanin ang mga anak mo,yun ay kung single pa sila at willing ang asawa mo na i-adopt sila.
Hindi ko sinasabing …GOOD ako sa naging desisyon ko…may ups and downs din na kung minsan ay gustong umuwi…pero pinasaukan ko ito at kailangan kong kayanin hindi dahil para sa sarili ko o mga anak ko(3 sila at dito pinanganak).Yon ay dahil sa pinasya ko/naming mag-asawa,dahil hindi kanin na iluluwa pag napaso di’ba.Staying for good hindi dahil ayaw ko as a filipino,pinili ko ito at para sa pamilya ko dito…I mean Mr ko at mga anak namin.
1998 November nung nag-apply ako,at na-approved yon 2000 June,ang daming mga papeles na kailangan,13 kaming magkakapatid,
kailangang ipasa ang mga B-certificates nila (tuloy akala e kukuhanin namin sila)mula sa mga parents ko…ultimo death cert. nang mother ko etc.Kaya kung hindi kayo matyaga sa pagkuha nang kailangang documents,baka sumuko ang asawa mo.Ilang beses kaming nag-away ng Mr ko nang dahil lang sa mga papeles na yan na konting mali lang e papalitan…istrikto sila.
Tapos pag buo na lahat at naipasa sa Min.of Justice,hintay ka nang 1 taon(salamat kung 1 year ay ma-approved o dumating ang resulta).Kadalasan daw ay 1 at 1/2 taon…depende pa yon sa mga papeles ninyo kung approve o hindi.
Una nilang titingnan ang capability nang asawa mo(financially).kaka yahan mo sa pakikipag-communicate sa salita nila.Noong una kaming nagtanong ang sabi sa amin ay kung marunong kang magbasa at sumulat nang kanji.pero hindi,pero ewan ko depende siguro sa lugar na in-aplayan.Pero wala sa requirements nila.Pero may isang document doon na gagawa ka nang sulat sa Min.of Justice para bang ONEGAI sa pagkuha mo o kung bakit kailangan mong kumuha ng japanese citizenship mismong ikaw ang susulat sa nippongo,either kanji o hiragana.
Then habang pina-process ang application mo,kung minsan andyan na yung tawagan ka sa phone o papuntahin ka sa office nila…ilang beses kaming pinapunta…kasama na rin siguro yon as an interview.One time, interview na isa-isa kaming kinausap,closed door ha,siguro tinitingnan kung pareho ang mga answers o reasons namin sa pagkuha ko nang nationality.
One time naman,inutusan ako na kunin ko ang record(s) ko sa main office nila sa Tokyo(nasa Chiba naman kami).Doon daw ay andoon lahat ang mga documents natin.Luckily naman ay natunton ko yung binigay na address at nabigla ako sa binigay sa akin…record(s) ko nga na parang libro na…andoon lahat ultimo extensions of visa,mga forwarded documents namin simula nung ikasal kami.Gusto ko ngan kopyahin as my reference,pero sa kapal hindi ko nagawa,puro sya mga xerox copies ng mga documents ko/namin.
Yun nga 1 year 1/2 at dumating ang tawag na approve daw at pinapunta kami sa office ulit at pinakita yung galing sa main office na japanese na nga.Pinasumpa na hindi lalabag sa batas nila.
Isa pang payo ko…mas maganda siguro kung matyaga rin lang ang asawa mo sa paggawa ng mga documents ninyo…kayo na nga lang ang lumakad o mag-apply sa Min.of Justice.Kasi kung dadaan pa kayo ng agency mga 30~50 ka lapad daw ang fee,approve ka o hindi.Saka tutal yung mga papeles e ikaw/kayo ang maghahanda para maipasa nang agency…parehong hirap di di ba?..pag interview o screening ay kayo rin mismo ang pupunta doon.
I hope na mapag-isipan mong maige ang magiging desisyon mo…:rolleyes: kahit na mahal natin ang mga asawa natin…may mga bagay pa rin na hindi magkatugma na kung minsan ay gusto na nating humiwalay o umuwi:( .Ako hindi ako makakauwi,kailangan ang visa namin ng mga anak ko and how long ang pag-i-stay ko sa SARILING BANSA natin.
Gusto ko lang i-share ang experience ko at hindi ipagyabang na SAKANG na rin ako.:eek: Filipino parin ako at sa mga documents lang yung pagiging sakang!!!Ano ba ang dapat ipag-yabang as a japanese…???Pare-pareho naman tanong nakakapag nippongo…nakakaka in nang sushi nila,ramen,natutulog sa FUTON o bed, etc o pumasok sa mga onsen nila.Mas maipag-yayabang ko pa rin na filipino ako na marunong paring mag-tagalog at sariling salitang kapampangan…MEKENI KAYU KABALEN…mas maganda na para sa akin ang namumuhay nang tahimik,kesa magyayabang…
Yon lang at sana ay ma-approve din kung napag-isipan mo na na kailangan mo ngang kumuha nang nationality dito.Goodluck…
quote=hanna]Hello to all memebers…
I need advice to eveyone na may experience na ito nag dadalawang isip ako… I wiill Apply my japanese citizen. pero in my heart pilipino ako gagawin ko lang ito dahil gusto kong makasama ang mga anak ko na matagal ng nahiwalay sa akin. Gusto ko lang itanong sa mga pilipino na nag apply to become japanese citizen. pag na aaprove ba ang citizenship ko dito may posibilidad bang ma kuha ko ang mga anak ko kahit sila ay above 20 na? Gagawin ko lang ito kong maari kong makuha mga anak ko at matlongan ko sila. at kong hendi ano ang paraan para makuha ko sila. Kong i a adoption ba sa anak sa pilipinas pwedi rin. kaming mag asawa ang mag adopt? thank you please advice me pls…what to do
New memeber
Hanna[/quote]
docomo
10-31-2005, 04:36 PM
@ hanna
… sa huli hanna ikaw pa rin ang magde-desisyon nyan … sa akin ha kung ano yung mas matimbang sa tingin mo at kung saan tatahimik yang pakiramdam mo …then go for it… bakit mo iintindihin ang sasabihin ng ibang tao … kung di ka naman namemerwisyo sa kanila … besides anak mo ang pinoproblema mo … andito ka nga di naman mapalagay yang loob mo sa kakaisip mo sa anak mo dahil hindi mo kasama… di isama mo na nga lang dito … ngayon kung magka aberya man kayo ng husband mo at hiwalayan ka …at least kasama mo na mga anak mo … ang asawa madaling palitan ang anak hindi na mapapalitan …
v_wrangler
10-31-2005, 05:05 PM
@ hanna
… sa huli hanna ikaw pa rin ang magde-deisyon nyan … sa akin ha kung ano yung mas matimbang sa tingin mo at kung saan tatahimik yang pakiramdam mo …then go for it… bakit mo iintindihin ang sasabihin ng ibang tao … kung di ka naman namemerwisyo sa kanila … besides anak mo ang pinoproblema mo … andito ka nga di naman mapalagay yang loob mo sa kakaisip mo sa anak mo dahil hindi mo kasama… di isama mo na nga lang dito … ngayon kung magka aberya man kayo ng husband mo at hiwalayan ka …at least kasama mo na mga anak mo … ang asawa madaling palitan ang anak hindi na mapapalitan …
Hindi ibig sabihin ng pagkakaroon ng Japanese Nationality ay wala ka nang karapatan sa iyong mga alaala sa Pilipinas. Wala din akong nakikitang problema sa pag-uwi kung ikaw ay isang national ng bansang hapon. Kailangan mo lamang kumuha ng Visa kung ikaw ay magtatagal sa Pilipinas. Ganyan din ang panuntunan sa halos lahat ng iba pang bansa. Hindi ba’t mas madaling maging mobile sa kadahilanang mas maraming bansa ang may reciprocal agreement sa bansang hapon?
Ano ba ang kagandahan ng pagkakaroon ng Permanent Residence o pagkakaroon ng Japanese Nationality? Para sa isang ina o ama na ang anak ay mayroong Japanese Nationality, magkakaroon ka ng pagkakataon na hindi mawalay nang di inaasahan sa mga bata kung sakaling magkaroon ng problema sa inyong pagsasama. Kung ikaw ay mayroon spousal visa, itoy mayroon lamang bisa hanggat kayo ay nagsasama ng inyong asawang hapon. Kung magkaroon ng diborsiyo o pagkawalang bisa ng visa, maaaring magkaroon ng mga problema sa pagkuha ng custody ng mga bata, lalo na kung ang isang ina o ama ay biglaang mapauwi ng batas. Hindi rin maikakaila na walang Parental Child Abduction laws sa bansang Hapon (http://www.crnjapan.com/abduction/en/). Marami na rin ang mga pangyayari na kung saan bigla na lamang tinatangay ng magulang na hapon ang mga bata at di na muling matagpuan ng kabiyak na dayuhan.
Ang pagkakaroon ng permiso nang matagal na panunuluyan sa bansang Hapon o Japanese Nationality ay ring hakbang upang ang isang kabiyak ay magkaroon ng patas na stance (sa batas) kung sakaling magkaroon ng mga di inaasahang pagyayari sa pagsasama ng isang mag-asawa.
Gayon pa man, ay Japanese Nationality ay hindi karapatan ng lahat ng dayuhan. Ito ay isang prebelihiyo. Tulad ng nabanggit na ng nakararami, Nararapat ang masigasig na pag-iisip at pakikiisa ng bawat miyembro ng pamilya.
Goodluck sa iyong susunod na hakbang!
docomo
10-31-2005, 05:13 PM
Very well said v_wrangler
Dax
10-31-2005, 05:28 PM
Very well said v_wrangler
Very good! Parang counselor! One of the best posts I’ve seen on TF. :thumb:
Ok din yung advice ni japphi, based sa experience pa.
hanna
11-01-2005, 09:18 AM
Hello to everyone,
I would like to thanks Japan timog furom at meron tayo nito…at marami silang matutulongan mga kababayan natin na nanga ngailangan nag Advice sa kapwa natin Pilipino na nakaka basa nito…
And thank you also doon sa mga Advice na natanngap ko at nabasa:) , Napakasarap basahin and I really very Appreciated… ngayon pinag titimbang ko ang maaring gagawin hakbang sa aking disisyon sa Buhay…I Love my own country… ayaw kong tumanda dito kong maari, di ko rin alam ang bukas …Maybe it would be change in the future. talagang na kakalito…I do hope na kong maka kuha ako ng nationality here. mabigyan din akong Dual Citizenship kong meron talaga.
Anybody there na nakakuha na ng dual Citizenship??
Mahirap talagang disisyonan. Dahil lang sa kapakanan ng mga mahal sa Buhay na mabigyan sila ng magandang kinabusan na matulongan ko silang maka punta rito sa bansang Hapon. Matagal na akong nalayo sa aking mga anak dahil sa Kahirapan…Tiniis ko ang buhay ko to be alone. para ma suportahan ko ang panga-nga ilangan para sa kabuhayan. maaga akong na Balo kaya ako nandito. Gusto ko na silang makasama…Ang pangarap ng isang magulang na makasam ang mga anak sa tagal ng panahon.
Thank you very much for the time reading my question…I hope na maka Advice din ako base on my Experience at na lalaman…
Good day!!! To All
HAnna:)
This is an archived page from the former Timog Forum website.