Paul
12-25-2004, 02:36 PM
Maligayang Pasko sa lahat ng TF-ers!!
Kaming mga estudyante dito sa Sendai ay nagtipon-tipon kagabi para sa aming noche buena. May litsong pabo (roast turkey), pancit molo, iba’t ibang klaseng pasta, morcon, calamares, fruit salad, tiramisu, atbp. napasobra na naman ang kain ko sa dami ng masasarap na pagkain.
Kayo? Kumusta ang pasko 'nyo?
reon
12-26-2004, 11:08 AM
kami, kumain lang ng dinner at natulog, hehe. pareho kami ng handa ni cyclops (http://www.timog.com/gallery/showimage.php?i=46). meron ding salu-salo kagabi ng mga pinoy sa tsukuba. okey naman.
houseboy
09-10-2005, 01:01 AM
Lapit na naman ang Pasko… madarama ko na naman ang lungkot na bumabalot sa aking puso kapag dumarating ang pasko… sa daigdig ng natto…:rolleyes:
MERRY CHRISTMAS!!! Hehehe… pish!!!
betong
09-10-2005, 01:07 AM
Funny houseboy. Funny.:biglaugh:
ganda_girl89
09-10-2005, 01:13 AM
oo nga…malapit na ang pasko…papataas na nmn ang level ng omsik.buti na lang uuwi ako…
Stacie Fil
09-10-2005, 01:55 AM
Ang sarap talagang maging Pinoy. Kahit nalulungkot si Houseboy sa…daigdig nang natto:lol: , he can really make you laugh!
Nakakagaan talaga nang feeling ang “Maligayang Pasko” na greetings di ba?
Lalo na ngayon, nasa months of …BER na tayo.
Thanks to Paul and Reon for starting the Thread 12months ahead and to houseboy for being the instrument of making this gesture/wonderful feeling to quickly come alive.
Maligayang Pasko po sa inyong Lahat( belated and in advance)
lovered
09-10-2005, 01:55 AM
oo nga…malapit na ang pasko…papataas na nmn ang level ng omsik.buti na lang uuwi ako…buti ka pa uuwi ako baka next xmas na lang kahit miss ko na family and friends ko shoganai gamanshimasu
ganda_girl89
09-10-2005, 01:58 AM
uwi tayo lovered…daan tayo sa kansai.
houseboy
09-10-2005, 02:40 AM
Yey!!! Uuwi sila!
Buti pa kayo… ako nga gustong umuwi pero alang pamasahe pauwi. Mag-iipon na lang ako ng handa ko sa Pasko… binabalak kong ihanda ay:
-
Laing - may nagtanim ng gabi malapit dito sa amin, at balak ko na kumuha dun kapag gabi. Tutal ala naman nagbabantay.
-
Adobong baboy… para naman makakain ako ng baboy. Tagal ko nang hindi nakakain ng pork kasi masyadong mahal dito sa Japan.
-
Buko salad na walang buko… iniisip ko muna kung paano ko gagawin yun.:rolleyes:
ganda_girl89
09-10-2005, 02:48 AM
- Laing - may nagtanim ng gabi malapit dito sa amin, at balak ko na kumuha dun kapag gabi. Tutal ala naman nagbabantay.
ingat ka lang baka mahuli ka…madi-dyaryo ka…‘’ filipino engr,nahuling nagnanakaw ng gabi’'!
- Adobong baboy… para naman makakain ako ng baboy. Tagal ko nang hindi nakakain ng pork kasi masyadong mahal dito sa Japan.
wag mo na kayang lagyan ng baboy para maka tipid ka…hihihihi…
- Buko salad na walang buko… iniisip ko muna kung paano ko gagawin yun.
salad na lang yun…alisin na natin ang buko sa buko salad tutal absent naman…lolsss
crispee
09-10-2005, 08:27 AM
Good morning sa lahat:)
Dahil tumama sa linggo ang Dec. 25 ngayong taon na ito, malamang maghahanda si misis ng mapagsasaluhan namin at ng mga kaibigan ngayong pasko. Dati kasi, kapag tumama na sa working day eh balewala na sa amin. Palagay ko ay mas magiging masaya ang aming pasko, atin pala dahil di lang kami magse-celebrate kundi kasali ang buong timog. Let’s party, KKB tayo and share foods, natto demo kekko desu:thumb: > in pictures na lang:D.
@houseboy >
Ewan ko kung may natira pa sa dried gabi leaves ni misis. Peborit din kasi namin ang ginataang laing.
Meri Kurisumasu!:bouncy:
houseboy
09-10-2005, 12:34 PM
Good morning sa lahat:)
Dahil tumama sa linggo ang Dec. 25 ngayong taon na ito, malamang maghahanda si misis ng mapagsasaluhan namin at ng mga kaibigan ngayong pasko. Dati kasi, kapag tumama na sa working day eh balewala na sa amin. Palagay ko ay mas magiging masaya ang aming pasko, atin pala dahil di lang kami magse-celebrate kundi kasali ang buong timog. Let’s party, KKB tayo and share foods, natto demo kekko desu:thumb: > in pictures na lang:D.
@houseboy >
Ewan ko kung may natira pa sa dried gabi leaves ni misis. Peborit din kasi namin ang ginataang laing.
Meri Kurisumasu!:bouncy:
Baka meron diyan mabait na mag-iinvite sa mga patay gutom na tulad ko. Sagot ko na lang yung pag-hugas ng plato at pag-inom sa malamig at masarap na Happoshu (eeeeeeeeeeeeeee!!!: rolleyes: ).
Sir Crispee, nasubukan niyo na ba mag-ginataang laing na walang gata? Hehehehe…
crispee
09-11-2005, 03:19 PM
Sir Crispee, nasubukan niyo na ba mag-ginataang laing na walang gata? Hehehehe…
Hindi kaya ang ibig mong sabihin ay ginataang-laing na walang laing? Mas posible ito:D Maraming gata in can sa mga pinoy store, pero laing wala:)
houseboy
09-14-2005, 10:08 PM
Sir Crispee, pwede kayang gawing laing yung pechay? Hehehe…
Sana may mabait na nilalang diyan na magpopost ng countdown… para na rin tayong nasa Pinas nun…
Summer!
09-14-2005, 10:21 PM
houseboy, pwede siguro ilaing yung pechay, basta tuyuin mo lang:D …
Pinoy nga naman,ke bata o matanda favorite ang Pasko, lalo na pag nasa abroad, parang hinihila pabalik ng Pinas. Kaya eto, kung di man makauwi ng Pinas, mapasaya man lang ang mga tao sa Pinas, padala ng package, o pera. Hay, Santa Claus na walang balbas…pero kahit ganun, masaya na rin ako! Na-feel ko tuloy ang spirit bigla ng christmas…Mga kapatid inuman tayo!!! Meri Krismas sa 'nyo!!!
honey
09-15-2005, 09:56 PM
ang aga naman ng pasko mo PAUL medyo malamig na kasi ano lalo na sa gabi pero hindi ako pwede mahomesick andyan naman kayo e!
ichimar
10-07-2005, 01:30 PM
80 days before christmas hay malapit ng mag christmas,merry christmas tf family :food: :toast: happy new year also…sa mga uuwi ng pinas pasalubong namin hah:)
honey
10-08-2005, 02:24 PM
Maligayang Pasko sa lahat ng TF-ers!!
Kaming mga estudyante dito sa Sendai ay nagtipon-tipon kagabi para sa aming noche buena. May litsong pabo (roast turkey), pancit molo, iba’t ibang klaseng pasta, morcon, calamares, fruit salad, tiramisu, atbp. napasobra na naman ang kain ko sa dami ng masasarap na pagkain.
Kayo? Kumusta ang pasko 'nyo?
sige inggitin mo pa kami.:biglaugh: MERRY X-MASS
houseboy
09-01-2006, 10:54 PM
Pasko na naman… …
Kumakagat na naman ang lamig dito sa Japan.
Kasabay ng pagkagat ng lamig ang siya ring pagpasok ng homesick.
Mahirap talaga labanan ang lungkot… …
Pero paano mo rin tatalikuran ang makapangyarihan na Yen?
Pasko na naman, kaibigan… …
MERI KURISUMASU!!!
114 days to go!!!:rolleyes:
DaVinci
09-02-2006, 03:31 PM
Pasko na naman… …
Kumakagat na naman ang lamig dito sa Japan.
Kasabay ng pagkagat ng lamig ang siya ring pagpasok ng homesick.
Mahirap talaga labanan ang lungkot… …
Pero paano mo rin tatalikuran ang makapangyarihan na Yen?
Pasko na naman, kaibigan… …
MERI KURISUMASU!!!
114 days to go!!!:rolleyes:
Tol, mukhang may panata ka sa TF ah…ang buhayin ang thread na ito pagpalapit na ang Pasko…pero tama ka, lalong nakaka-homesick pagpapalapit na ang ganitong mga panahon…malamang umalingawngaw na sa mga radyo ang himig pasko…
113 days to go… !!!
chubby_kulot
09-02-2006, 03:37 PM
start na ba ng counting :hihi:
uu nga… nakaka homesick pag BER na…
start na rin ng laro ng taguan mga inaanak… :toofunny:
kaya mga ninong at ninang…
umpisahan na ang pag iipon ng mga pang aginaldo :jiggy:
houseboy
09-03-2006, 02:24 AM
start na ba ng counting :hihi:
uu nga… nakaka homesick pag BER na…
start na rin ng laro ng taguan mga inaanak… :toofunny:
kaya mga ninong at ninang…
umpisahan na ang pag iipon ng mga pang aginaldo :jiggy:
Yun pala! Naku, uuwi pala ako sa Pasko. Ano kayang magandang pamasko? Ano ba pwedeng bilhin dito na mura pero maganda?
hayaren
09-04-2006, 04:12 PM
mga ka TF…as we feel the aura of yuletide season on the first day of months of “bers” allow me to be the first one to greet you all a CHERISHED CHRISTMAS 2006! :dowave:
greatbarrier
09-05-2006, 10:51 AM
oo nga BER-months na! first Christmas ko na kasama ang TF! excited na ko! kasi uuwi sya sa december! finally!!!
houseboy
09-08-2006, 08:03 PM
Sana makauwi ako sa Pasko. Ang lungkot kasi kapag hindi mo kasama ang mga minamahal mo sa buhay.
Galadriel
09-22-2006, 08:22 AM
…
Galadriel
09-22-2006, 08:25 AM
Start na ng countdown…amoy Pasko na ang hangin, malapit na:yippee: ! Miss ko na simbang gabi, tsaa, puto bungbong at saka bibingka :(.
This is an archived page from the former Timog Forum website.