Maliit na picture

roy

08-30-2004, 07:45 PM

whooa!

timog forum, ba? okay member na ako. ngayon paano ako magkakaroon nung maliliit na cute na pictures gaya ng iba?

roy

nick

08-30-2004, 07:58 PM

Hello Roy,

Maswerte ka at naka-login ako habang nagpo-post ka naman.

Yung maliliit na pictures? Avatars ang tawag doon. Ganito ang gawin mo: Sa taas, sa baba nang yellow na bar, merong nakalagay na “Quick Links.” I-click mo yon at i-click mo sa baba noon ang “Edit avatar.” Merong lalabas na page na puno ng pictures. Pili ka ng gusto mo at i-click mo ang “Save” sa baba ng page.

Wala kang gusto sa mga anime? Pwede kang mag-upload (galing sa computer mo ng sarili mong avatar kung meron ka). Basta hindi lalaki sa 64x64 pixels.

Nick

reon

08-30-2004, 09:03 PM

Or, kung wala ka pa ring makita. I-Google Search mo ang “avatar” at mamili ka nang gusto mo sa mga webpages na lalabas. Pwede rin sa Image Search ng Google.

Leon

roy

09-01-2004, 11:45 PM

Thanks.

Okay na ang avatar ko.

Roy

This is an archived page from the former Timog Forum website.