Married with Japanese but separated, needs advice

Sacod

10-31-2005, 10:06 PM

mga fellow noypi,im new here…
im married with a japanese girl,but my wife and i we’re separated for about 6 months…
my visa is valid until jan. 8, 2006…im planning to go home sa pinas this commin november…
mawawalanan ng bisa ang VISA ko,what should i do…pwedi pa ba ako maka kuha ng re entry permit? madali lang ba mag apply ng annulment sa pinas?

crispee

10-31-2005, 10:50 PM

Pwede palang mag-pakasal sa haponesa basta separated ka sa asawang pinay:confused:

Welcome to TF Sacod.

docomo

10-31-2005, 10:53 PM

basta annulled pwede …diba:)

hotcake

10-31-2005, 11:00 PM

basta annulled pwede …diba:)
Meron bang annullment sa Pinas? :confused:

Pwede palang mag-pakasal sa haponesa basta seperated ka sa asawang pinay:confused: Crispee di kaya ang ibig sabihin ni Sacod ay iyong asawa niyang japanese ay hiwalay na sila ng 6 months…:slight_smile:

docomo

10-31-2005, 11:03 PM

Meron bang annullment sa Pinas? :confused:

:slight_smile:

matagal ng meron po hotcake:)

Sacod

10-31-2005, 11:03 PM

Meron bang annullment sa Pinas? :confused:

Crispee di kaya ang ibig sabihin ni Sacod ay iyong asawa niyang japanese ay hiwalay na sila ng 6 months…:slight_smile:

yah ur right!!!my wife is a japanese…thats why i have to go home sa pinas and hanap na lang ako ng pinay na mapangasawa…

docomo

10-31-2005, 11:04 PM

yah ur right!!!my wife is a japanese…thats why i have to go home sa pinas and hanap na lang ako ng pinay na mapangasawa…

nagulo :smiley: nakakalito:p

hotcake

10-31-2005, 11:06 PM

matagal ng meron po hotcake:)ganun ba, thanks for the info.:slight_smile:

Sacod

10-31-2005, 11:08 PM

hindi naman ito magulo Docomo.sabi ko ang asawa ko dati is haponesa,kaya lang hiwalay na kami…kaya gusto ko nang umuwi sa pinas at doon na lang mamalagi…

docomo

10-31-2005, 11:10 PM

ay indi po yon … yung flow ng topic ang nalito ako :slight_smile:

crispee

10-31-2005, 11:11 PM

yah ur right!!!my wife is a japanese…thats why i have to go home sa pinas and hanap na lang ako ng pinay na mapangasawa…

@docomo
Ulit-ulitin mo yung unang message ni Sacod, at makukuha mo yung tanong niya:D

Sacod,
Baliktad ka naman 'pre, andaming naghahanap ng mapapangasawang haponesa. Ngayon lang ako nakatagpo ng pinoy na married sa haponesa tapos biglang hiwalay…at naghahanap ng kalahi. Ok, desisyon mo yan;), pero baka gusto mong ikuwento ang lovelife mo? Maaaring makakatulong ito sa mga kababayan natin na naghahangad magkaroon ng haponesang kabiyak ng puso:)

crispee

10-31-2005, 11:14 PM

ganun ba, thanks for the info.:slight_smile:

@hotcake,
Masama binabalak mo:D

docomo

10-31-2005, 11:14 PM

@docomo
Ulit-ulitin mo yung unang message ni Sacod, at makukuha mo yung tanong niya:D

di ko kasi na quote yung sagot mo kanina … sa yo po yon eh…:stuck_out_tongue:

@sacod ~ oo nga po bakit nga ba? kwento ka kahit konti

gabby

10-31-2005, 11:16 PM

mga fellow noypi,im new here…
im married with a japanese girl,but my wife and i we’re separated for about 6 months…
my visa is valid until jan. 8, 2006…im planning to go home sa pinas this commin november…
mawawalanan ng bisa ang VISA ko,what should i do…pwedi pa ba ako maka kuha ng re entry permit? madali lang ba mag apply ng annulment sa pinas?

If you have wad of yen then you can file an annulment sa PI. Annulment is allowed but there is no limit for an attorney to ask for a pro0fessional fee. Plus it will take you forever to get it over with. Unless the reason is truly valid you wont get your free again papers. Gambatte ne Sacod san.

hotcake

10-31-2005, 11:17 PM

@hotcake,
Masama binabalak mo:D:biglaugh: Naku Crispee wala akong balak ha.:slight_smile:

Sacod

10-31-2005, 11:23 PM

@docomo
Ulit-ulitin mo yung unang message ni Sacod, at makukuha mo yung tanong niya:D

Sacod,
Baliktad ka naman 'pre, andaming naghahanap ng mapapangasawang haponesa. Ngayon lang ako nakatagpo ng pinoy na married sa haponesa tapos biglang hiwalay…at naghahanap ng kalahi. Ok, desisyon mo yan;), pero baka gusto mong ikuwento ang lovelife mo? Maaaring makakatulong ito sa mga kababayan natin na naghahangad magkaroon ng haponesang kabiyak ng puso:)

hindi nag bunga ang pag sama namin,in short hindi kami nag ka-anak,tsaka may problema sa amin madalas kaming nagaaway kaya lumawas siya ,gusto ko ng umiwi mga tol,nag paalam na ako sa may ari ng Plantang pinag trabaho-an ko,kaya ang tanung ko ay pwedi bapa akung maka kuha ng re entry permit? madali lang ba mag pa annul sa PINAS?

salamat pala sa mga reply ninyo,matagal ko ng hinanap tung site na to,

docomo

10-31-2005, 11:26 PM

mga 6 months ang itatagal… ang price ng annullment nag range ng 160- 180 thou. pesos po … yung sa kaibigan ko inabot ng 170… kaya kung mag papa advice ka sa lawyer medyo li-low ka konti …meaning kailangan mo mag drama ,medyo kamo hirap ka konti sa pera para di ka tagain pare:)

Sacod

10-31-2005, 11:28 PM

If you have wad of yen then you can file an annulment sa PI. Annulment is allowed but there is no limit for an attorney to ask for a pro0fessional fee. Plus it will take you forever to get it over with. Unless the reason is truly valid you wont get your free again papers. Gambatte ne Sacod san.

salamat pre…ayaw ko na dito…im planning to move to England next year,kaya may Smart/Bright Option din ako kung sakali aalis ako dito,

hotcake

10-31-2005, 11:29 PM

hindi nag bunga ang pag sama namin,in short hindi kami nag ka-anak,tsaka may problema sa amin madalas kaming nagaaway kaya lumawas siya ,gusto ko ng umiwi mga tol,nag paalam na ako sa may ari ng Plantang pinag trabaho-an ko,kaya ang tanung ko ay pwedi bapa akung maka kuha ng re entry permit? madali lang ba mag pa annul sa PINAS?

salamat pala sa mga reply ninyo,matagal ko ng hinanap tung site na to,sacod, sabi mo gusto mo ng umuwi sa Pinas, bakit kukuha ka pa ng re-entry permit? Balak mo pa bang bumalik dito ulit? Or uuwi ka lang para mag-file ng annullment?

Sacod

10-31-2005, 11:33 PM

sacod, sabi mo gusto mo ng umuwi sa Pinas, bakit kukuha ka pa ng re-entry permit? Balak mo pa bang bumalik dito ulit? Or uuwi ka lang para mag-file ng annullment?

sayang din yung visa ko,gusto kung bumalik dito hindi mag trabaho kung hindi para mag pasyal at bisita sa mga friends…

gabby

10-31-2005, 11:33 PM

hindi nag bunga ang pag sama namin,in short hindi kami nag ka-anak,tsaka may problema sa amin madalas kaming nagaaway kaya lumawas siya ,gusto ko ng umiwi mga tol,nag paalam na ako sa may ari ng Plantang pinag trabaho-an ko,kaya ang tanung ko ay pwedi bapa akung maka kuha ng re entry permit? madali lang ba mag pa annul sa PINAS?

salamat pala sa mga reply ninyo,matagal ko ng hinanap tung site na to,

Nag-divorce na ba kaayo nang Haponesa mo? Pag-hindi okay pa iyang visa mo. Pero mas mabuti kung komunsulta ka na lang sa Professional para sigurado.

Sacod

10-31-2005, 11:34 PM

mga 6 months ang itatagal… ang price ng annullment nag range ng 160- 180 thou. pesos po … yung sa kaibigan ko inabot ng 170… kaya kung mag papa advice ka sa lawyer medyo li-low ka konti …meaning kailangan mo mag drama ,medyo kamo hirap ka konti sa pera para di ka tagain pare:)

170thousannds? kahit 200 thousands handa ako mag bayad,i want to be free again…

docomo

10-31-2005, 11:36 PM

… ay …aandar kagad papel mo … pinakamabilis na yung six months … kailangan po makauwi ka para may basehan din …na matagal na kayong di nagsasama …:slight_smile:

Sacod

10-31-2005, 11:36 PM

Nag-divorce na ba kaayo nang Haponesa mo? Pag-hindi okay pa iyang visa mo. Pero mas mabuti kung komunsulta ka na lang sa Professional para sigurado.

hindi pa kami dvorce…ok na ok pa yung visa ko…labas pasok nga ako dito this year…

gabby

10-31-2005, 11:37 PM

salamat pre…ayaw ko na dito…im planning to move to England next year,kaya may Smart/Bright Option din ako kung sakali aalis ako dito,

Sounds great! UK is really good. I love that country. I actually feeling like UK was my country before. Heh he he . . . Go ahead mate carpe diem.

reon

10-31-2005, 11:38 PM

Pasensiya na at may tanong lang ako sa inyo: pag nagpa-annul ka ba ng marriage sa Pilipinas, recognized dito sa Japan yon? O kailangan munang dito sa Japan gawin ang divorce procedures (kung spouse ay Japanese).

Welcome to TF, Sacod, at sorry at na off-topic. :tiphat:

depp

10-31-2005, 11:50 PM

hi,sacod.welcome to TF.ung kakilala ko wala pang 6 months ay na-annul na marriage nya.at wala pa ring 100 thou binayaran nya.basta raw foreigner ang napangasawa mo ay madali lang ang proseso unlike pag pilipino sa pilipino.

depp

10-31-2005, 11:57 PM

Pasensiya na at may tanong lang ako sa inyo: pag nagpa-annul ka ba ng marriage sa Pilipinas, recognized dito sa Japan yon? O kailangan munang dito sa Japan gawin ang divorce procedures (kung spouse ay Japanese).

Welcome to TF, Sacod, at sorry at na off-topic. :tiphat:
ang alam ko reon,pag na-annul na marriage ay recognized rin dito un.

gabby

11-01-2005, 12:00 AM

Pasensiya na at may tanong lang ako sa inyo: pag nagpa-annul ka ba ng marriage sa Pilipinas, recognized dito sa Japan yon? O kailangan munang dito sa Japan gawin ang divorce procedures (kung spouse ay Japanese).

Welcome to TF, Sacod, at sorry at na off-topic. :tiphat:

Opinion lang ha. Pag na-annul iyong marriage mo sa Pilipinas parang valid iyon kahit saan kasi hindi ka na ikakasal muli kong wala kang certificate of illegibility to get married. Parang universal yata ang proseso nito sa mga countries na may batas laban sa bigamy. kasi iyung kaibigan kong British at Venezuelan ay ganoon ang nangyari sa kanila. Bago ka ikasal kailangan ang papers na iyon. Ngayon kung hindi ka na free or hindi annuled iyong marriage mo hindi ka puwedeng m,ag-pakasal kahit saan.

Saka, mabuti yata kung ma-annul doon sa Pilipinas ang kasal kasi kung dito sa Japan I hear you will get through a lot of hassles and finally both parties must set the terms for the devorce. Buti sana kong hindi hihingi iyung Haponesa nang alimony. Kasi yung alimony parang ginagawa na iyang racket sa mga babae na entitle sa devorce.pag-nang-hingi nang alimony iyung haponesa patay iyung manok natin ang option na lang nya ay bumalik sa Pilipinas para hindi makapag-bayad nang alimony.

At saka ang annulment by definition is very much different from devorce. Pagina-annul iyung marriage mo ibig sabihin hindi valid iyung kasal mo dahil hindi nakasay sa terms nang marriage na dinidefine sa batas nang Pilipinas. Ang Pilipinas sovereign state iyun kaya kung ano ang batas doon sa atin kalokohan man o hindi nere-respito iyun nang lahat nang bansa na miembro nang U.N.

I think 70% ini-honour iyan nang Japan.

Sacod

11-01-2005, 12:10 AM

hi,sacod.welcome to TF.ung kakilala ko wala pang 6 months ay na-annul na marriage nya.at wala pa ring 100 thou binayaran nya.basta raw foreigner ang napangasawa mo ay madali lang ang proseso unlike pag pilipino sa pilipino.

salamat sa pag welcome bro…yup i also heard that ,na mas mabilis daw kung foriegner yung partner kasi wala sagabal…

Sacod

11-01-2005, 12:18 AM

Pasensiya na at may tanong lang ako sa inyo: pag nagpa-annul ka ba ng marriage sa Pilipinas, recognized dito sa Japan yon? O kailangan munang dito sa Japan gawin ang divorce procedures (kung spouse ay Japanese).

Welcome to TF, Sacod, at sorry at na off-topic. :tiphat:

salamat sa pag welcome pre…i really appreciate this forum,thank you…

Sacod

11-01-2005, 12:23 AM

mga pre.tulog muna tayo,kasi may work pa ako bukas…itutuloy natin tong usapan na to after work,good night!!!thanks

depp

11-01-2005, 12:24 AM

salamat sa pag welcome bro…yup i also heard that ,na mas mabilis daw kung foriegner yung partner kasi wala sagabal…
not bro sacod.im a woman.kasi depp parang sa lalaki.ate or tita na lang kasi i saw your profile,your 10 years younger than me.

Sacod

11-01-2005, 12:27 AM

not bro sacod.im a woman.kasi depp parang sa lalaki.ate or tita na lang kasi i saw your profile,your 10 years younger than me.

a ok, tita…salamat ,sorry i thought u’re a guy.

depp

11-01-2005, 12:29 AM

a ok, tita…salamat ,sorry i thought u’re a guy.
its ok sacod.goodnight!

japino77

11-01-2005, 02:19 PM

mga fellow noypi,im new here…
im married with a japanese girl,but my wife and i we’re separated for about 6 months…
my visa is valid until jan. 8, 2006…im planning to go home sa pinas this commin november…
mawawalanan ng bisa ang VISA ko,what should i do…pwedi pa ba ako maka kuha ng re entry permit? madali lang ba mag apply ng annulment sa pinas?

kung re-entry permit ang alam ko e makakakuha bastat may valid visa ka pa. about annulment, meron ako kilala gusto ring magpa-annul ng kasal… i-uupdate na lang kita kung napano na at pano pagprocess nyan pag nakausap ko na ulit yung kakilala ko… BTW, welcome to TF:)

Sacod

11-01-2005, 07:40 PM

salamat sa reply pre…
balitaan mu na lang ako pre kung anung nang yari sa kaibigan mo…

katty0531

11-14-2005, 04:41 PM

hello sacod,
Late nato pero sana mag reply ka…curious lang ako kong mahirap bang pakisamahan ang haponesa? i mean pag asawa mo na sila? kasi may inintroduce akong haponesa sa kuya ko,…since nagbibiro kasi, pahingi daw haponesa,…hehehe,pe ro i think mahirap…nabasa ko post mo lalo na prove ko mahirap nga siguro…anyway, parang mahirap hintayin yong para sa kanya sa Pinas…hindi namin gusto yong mga Gf’s nya don…you know pihikan si nanay,.para sa kanya…hehehe,my Stable Job din sya don…ayos namn sweldo nya,…until retirement na kasi work nya kombaga(Gov’t.Employ ee sya) regular…ikaw ba may sinakripisyo sa atin para sa asawa mong haponesa? sayang ba? kasi ako sayang din work nya satin no? ang kuya ko naman,gustong gusto ang Japan…wala na yata siyang ibang nirerespetong bansa maliban sa Japan…

Sacod

11-14-2005, 08:11 PM

dependi kasi sa ugali ng Haponesa…may mga low profile meron din mga high pride.yung asawa ko ang taas ng pride ayaw sumonod sa gusto ko…kaya ayaw kurin na siya lahat and mag control sa buhay ko.kaya Pinoy pride vs Japanese Pride…kaya malabo ang relasyon namin…mabuti na lang na hindi kami nag ka anak…
kaya ang mabuti sa kuya mo,kung gusto niya ng haponese yung may karanasan tumira sa pinas o yung kabisado ang culturang pinoy,dahil kung wala …mahirap magka intidihan sa isat isa…
Under the saya ang labas sa KUYA mo…

katty0531

11-14-2005, 08:19 PM

hello,
Wakatta Sacod, parang i discourage ko nalang kuya ko kasi Teisho Kampaku pa naman yon…hindi na uso dito sa Japan…noon lang yan,at sa Kyusho,pero dito sa Osaka matapang mga babae dito…ako rin matapang bisaya yata ako,pag tanda ko OSAKA OBAHANG daw ako sabi nang dana ko…mga tao dito matapang sa bibig mahina naman ang puso…salamat Sacod ha…sana ma solve na problema mo at mabalik na wings mo at ma free as a bird kana…Good luck sayo…

Sacod

11-14-2005, 08:35 PM

salamat din sa iyo katty,may ticket na nga ako pa uwi.hanggang end of this month na lang ako dito,
kaya Advice sa mga Pinoy dito sa japan…kung may Knowledge may Power…kung walang knowledge aapihin lang kayo…
:smiley:

makulit

11-15-2005, 04:38 AM

Hi Sacod. Ngayon ko lang nakita ang thread mo.

Ilang taon ka ba kasal? Alam mo may adjustment period, sa case ko, it took us 3 years to live in harmony. Kailangan lang talaga comitted kayo sa marriage nyo.

Well, anyways, pauwi ka na … so malamang decided ka na talaga. good luck!

noycoco

11-15-2005, 06:46 AM

tingin ko di mo naman kailangan mag pa annull sa pinas. di kailangan ang annullment.recognize d nila sa atin kapag divorce ka na sa japan. ang sabi mo di ka naman divorced sa japan kaya di pa pwedeng mabura ang record mo ng kasal sa pinas.kailangan mo yatang ma divorce muna sa japan tapos irehistro ang divorce nyo sa philippine embassy sa tokyo tapos yung registration of divorce mo ang dadalin mo sa pinas para mabura ang rehistro ng kasal nyo doon.iikot ka din ng ibat ibang ahensya…pero kung pagtyatyagaan makukuha mo iyon ng 1 month lang yata. di kailangan ng annullment procedures na kailangang magbayad ng malaking halaga…kung di ka naman makikipag divorce di mo kailangang ayusin ang papel mo sa pinas…

Sacod

11-15-2005, 09:33 PM

Hi Sacod. Ngayon ko lang nakita ang thread mo.

Ilang taon ka ba kasal? Alam mo may adjustment period, sa case ko, it took us 3 years to live in harmony. Kailangan lang talaga comitted kayo sa marriage nyo.

Well, anyways, pauwi ka na … so malamang decided ka na talaga. good luck!

umabot din kami ng 3 years ,o pauwi na…matagal na sana ako sa pinas kaso yung Boss ko gusto niya may pumalit sa posistion ko sa Planta bago ako umuhi…
salamat din sa iyo kulit,good luck din sa iyo…

Sacod

11-15-2005, 09:37 PM

tingin ko di mo naman kailangan mag pa annull sa pinas. di kailangan ang annullment.recognize d nila sa atin kapag divorce ka na sa japan. ang sabi mo di ka naman divorced sa japan kaya di pa pwedeng mabura ang record mo ng kasal sa pinas.kailangan mo yatang ma divorce muna sa japan tapos irehistro ang divorce nyo sa philippine embassy sa tokyo tapos yung registration of divorce mo ang dadalin mo sa pinas para mabura ang rehistro ng kasal nyo doon.iikot ka din ng ibat ibang ahensya…pero kung pagtyatyagaan makukuha mo iyon ng 1 month lang yata. di kailangan ng annullment procedures na kailangang magbayad ng malaking halaga…kung di ka naman makikipag divorce di mo kailangang ayusin ang papel mo sa pinas…

ganun ba bro? ang daming nagsabi sa akin nga kailangan pa daw ng mga Divorce paper,koseketohon lahat must be translated tapos dalhin mu sa Court sa pinas…pero iba rin yung advice mo,pero anyway malaman din natin yan pagdating ko sa pinas.iyang ang uunahin kung asikasohin doon.salamat…

halloween

11-15-2005, 09:39 PM

Tatlo ang klase ng kasal: valid, voidable (valid until annulled) at void. Yung pangalawa ang classic example ay walang parental consent, that is, the marriage was contracted by either one or both parties without the benefit of their parents’ consent to the marriage. And this is true even if both parties are above 18. Ang application kasi nito ay sa mga parties na 18 and above but below 21. Kaya naman ang salitang annulment ay tumutukoy sa pangalawa at misconception na sabihin mag pa file ka ng annulment. Bakit? Kasi there’s no marriage to speak of, remember, its valid until annulled. Ang appropriate legal jargon is an action to nullify the marriage. Isang trivia lang. Anyway, here’s the pertinent law on the matter which is the subject of discussion here:

Art. 15 (Civil Code)
“Laws relating to family rights and duties, or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living abroad.”

Eto yung nationality principle kung tawagin nila. Ibig sabihin kahit saang lupalop ng mundo ka naroron basta ikaw ay Pilipino ang mag go govern sa yo when it comes to laws relating to family rights at status ay Philippine law. Kaya kung ikinasal ka sa ibang bansa at valid yon kung saan you contracted the marriage, it shall also be valid in the Philippines. It only needs to be established as a matter of fact, ibig sabihin, you have to present the necessary papers that indeed you were married. Ganon din sa mga aliens. Bago sila magpakasal sa Pinas, they have to present a certificate of eligibility to prove that there is no legal impediment to the marriage at yon ay nakukuha nila sa kanilang respective embassies.

Yung iba naman na kasal na sa Pinas ang ginagawa ay nagpapakasal sa ibang bansa (parang sa case ni Karen Davila at nung asawa nya because the latter was previously married) kasi there is risk of being prosecuted for bigamy. Remember theres criminal liability if you contract a marriage given the subsistence of a previous one.

Ang pag-usad naman ng aksyong legal ukol sa annulment ay nagdedepende sa ground na ginamit ng taong nag-sampa nito. Usually ang common ground na ginagamit ay psychological incapacity, eto ang in na in lalo na sa mga artista. Ano ba ito?

Art. 36 (Family Code)

“A marriage contracted by any party who, at the time of the celebration was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization.”

Eto ang madalas gamitin kasi walang specific o precise definition na sinabi ang batas kung kelan mo ba masasabing psychologically incapacitated ang partner mo. Ang sabi lang eh –incapacitated to comply with the essential marital obligation of marriage. So much leeway is given to the party to prove and establish that fact.

@Sacod

Baka humaba pa ‘to dyahe naman. Anyway sana nakatulong kahit papano. Oo nga pala, if you need the services of a reliable and credible lawyer, may maii rekomenda ako sa yo. PM mo lang ako.

marjie

11-15-2005, 09:45 PM

ganun ba bro? ang daming nagsabi sa akin nga kailangan pa daw ng mga Divorce paper,koseketohon lahat must be translated tapos dalhin mu sa Court sa pinas…pero iba rin yung advice mo,pero anyway malaman din natin yan pagdating ko sa pinas.iyang ang uunahin kung asikasohin doon.salamat…

diba mao nay ingon nako saimo .naku namn to di maminaw ba.hehehehe

Sacod

11-15-2005, 10:06 PM

Baka humaba pa ‘to dyahe naman. Anyway sana nakatulong kahit papano. Oo nga pala, if you need the services of a reliable and credible lawyer, may maii rekomenda ako sa yo. PM mo lang ako.[/quote]

sige bro na pm na kita,maraming salamat…ang daming mung alam sa batas lawyer kaba bro?
bro na pm na kita pero overloaded na yung inbox mo ito ang sabi
halloween has exceeded their stored private messages quota and can not accept further messages until they clear some space.

Sacod

11-15-2005, 10:13 PM

diba mao nay ingon nako saimo .naku namn to di maminaw ba.hehehehe

heeheheh ang dami kasing nag a advice kaya medyo nalilito narin ako…
:smiley:

marjie

11-15-2005, 10:14 PM

heeheheh ang dami kasing nag a advice kaya medyo nalilito narin ako…
:smiley:

oo nga.kelan ba uwi mo?

Sacod

11-15-2005, 10:25 PM

oo nga.kelan ba uwi mo?

november 26…next week na…heheehehehe!!! !excited na ako…
:smiley:

makulit

11-15-2005, 10:28 PM

november 26…next week na…heheehehehe!!! !excited na ako…
:smiley:

pareho pa tayo ng departure date. safe trip sacod.

Sacod

11-15-2005, 10:32 PM

pareho pa tayo ng departure date. safe trip sacod.

huh? ganun ba? anung oras flight mo? anung airline? ang destination ko ay cebu.ikaw para saan? sa INDIA ka ba?

makulit

11-15-2005, 10:36 PM

huh? ganun ba? anung oras flight mo? anung airline? ang destination ko ay cebu.ikaw para saan? sa INDIA ka ba?

From Narita ako. Nope, for MANILA. Galing na ako ng India last month.
Tsaka nga pala, check mo tong link about divorce, family law, etc. (http://www.crnjapan.com/divorce/en/)

Sacod

11-15-2005, 10:46 PM

From Narita ako. Nope, for MANILA. Galing na ako ng India last month.
Tsaka nga pala, check mo tong link about divorce, family law, etc. (http://www.crnjapan.com/divorce/en/)

a ok…salamat sa link…have a safe trip din sa iyo.

noycoco

11-16-2005, 07:13 AM

yung mga laws, family codes na nasabi na sa iyo ng ibang mga nag suggest ay tama nga pero binding lang yata noon ang parehong filipino na kahit ikasal abroad ay governed pari ng law. pero foreigner ang asawa mo…pag nag divorce kayo sa japan iaa acknowledge din yon sa pinas dalin mo nga lang talga ang lahat ng papers mo like yung koseki tohon, divorce papers at ang pinaka importante ay wag mong kalimutang ipa rehistro ang divorce ninyo sa phil. embassy sa tokyo at intayin mo ang katibayan na nakarehistro na ang divorce nyo kailangan yon. kailangan mo lang naman na mapa walang bisa ang rehistro nyo sa pinas…teka sa pinas kasal kaba?sa pinas ka ba kinasal? kung sa japan ka lang ikinasal e walang rehistro sa pinas.

halloween

11-16-2005, 10:12 AM

Gusto ko lang i quote 'to, very useful and applicable kasi:

Art. 26 par 2 (Family Code)

“Where a marriage between a Filipino citizen and a foreigner is validly celebrated and a divorce is thereafter validly obtained abroad by the alien spouse capacitating him or her to remarry, the FIlipino spouse shall have the capacity to remarry under Philippine law.”

Absured kasi ang kakalabasan ng sitwasyon kung yung asawa mong alien ay nag file ng divorece at malaya na tapos ikaw nakatali pa. The law was specificallly designed to prevent this injustice. So if your partner has filed a divorce at naghahanap na ng iba, by all means pwede mo na rin yung gawin na parang isang paro2, hehehe. Basta i present mo lang ang divorce papers sa Civil Registry.

Nga pala, Sacod, I read your PM just now. Saan ka ba sa PInas? Kasi yung law firm nya ay nasa bandang ORtigas.

This is an archived page from the former Timog Forum website.