Marrying a permanent visa holder-Ver.2

macgyver

11-16-2005, 09:21 PM

T,N,T na ang spouse nya ay permanent visa holder,at lalo na kung may baby sila.ang laki pala ng chance na mag-ka visa rin siya,…:slight_smile:

marjie

11-16-2005, 09:22 PM

T,N,T na ang spouse nya ay permanent visa holder,at lalo na kung may baby sila.ang laki pala ng chance na mag-ka visa rin siya,…:slight_smile:

tama po kayo.kasi yan din yung nangyari sa kakilala ko at ala pa nga silang anak eh pero nagkavisa sya.

reon

11-16-2005, 09:51 PM

May kilala rin akong ganyan, at wala silang anak, pero matagal na silang kasal (o nagsasama, hindi ako sigurado). Maganda nga ang kinalabasan dahil hindi napauwi yung babae (yung walang visa) at ngayon stable na sila dito sa Japan.

hotcake

11-16-2005, 10:00 PM

Totoo iyan sinabi nila, iyong kakilala ko TNT siya tapos nakapag-asawa ng japanese. Di na siya pinauwi at natatakan din agad siya ng Visa, then after 3 years permanent na visa niya.

docomo

11-17-2005, 12:20 AM

may penalty nga lang… hindi ka makakauwi kagad :slight_smile:

noycoco

11-19-2005, 08:24 AM

e di papano yon pag nakasal ka sa permanent visa holder ang magiging tatak ba ng visa mo ay long term resident o spouse/child of a japanese national?

crispee

11-19-2005, 06:39 PM

e di papano yon pag nakasal ka sa permanent visa holder ang magiging tatak ba ng visa mo ay long term resident o spouse/child of a japanese national?

Kung Nakasal ka sa permanent visa holder, ang ibibigay sa iyo ay spouse/child of a permanent resident. One year agad ang duration ng visa at renewable pero posibleng di ma-approve sa next application. Depende sa background ng tao.

At wala pong penalty kahit ang applicant ay bilog. Pwedeng umuwi on the day you receive your passport with visa, basta meron ka ng ticket of course. Wag lang kalimutan kumuha muna ng re-entry permit bago lumabas ng japan.

Source ay galing sa isang β€˜buddy’.

This is an archived page from the former Timog Forum website.