Morning plants

reon

08-22-2005, 11:53 PM

masarap lumabas nang maagang-maaga (pag walang pasok), habang malamig pa ang simoy ng hangin at kumuha ng mga pictures ng mga natutulog na halaman. eto’ng isa, hindi masyadong maganda pero para lang may “green” dito sa frontpage ng timog.

http://www.timog.com/gallery/files/5/morning.jpg

stanfordmed

08-22-2005, 11:59 PM

Nice, indeed. :thumb: You read my mind; I was going to post something similar. :smiley:
Thanks!
Reon kailangan mo ba ng espresso? Baka gusto mo pang double espresso. I’m guessing you’re busy working on the site. Well take care…:slight_smile: And good night to all!

Maruchan

08-23-2005, 12:07 AM

Nice! :thumb:

I wonder…what camera are you using?

Thanks for sharing!

Maruchan;)here

ning2

08-23-2005, 12:55 AM

Reon san:)

Hmmmn! parang gusto ko ring gumising ng maagang-maaga at try ko rin kumuha ng pictures:D ( ewan ko lang kung magawa ko:hihi: !) nice idea and nice picture too!

kathy

08-23-2005, 07:24 PM

sugoi :whistle: i luv the colors…the lil drops of water on top;) umm…inggit naman ako sa morning mo:lol: minsan sama mo naman ako ok?haha…just jokin’:stuck_out_tongue:

Paul

08-23-2005, 07:33 PM

'yan ang hindi ko magawa. gumising nang maaga. pero kaya kong magpa-umaga. :stuck_out_tongue:

sige post din ako ng green, pag naayos yung camera ko.

reon

08-23-2005, 11:17 PM

salamat sa comments.

@ maruchan, isang ordinaryong digital slr (nikon) at macro lens ang ginamit ko para sa pagkuha nitong picture. ano naman ang pinangkuha mo doon sa buwan?

nasan ang picture ninyo stanfordmed at paul?

@ ning2, karamihan, tinatamad din naman ako, hehe.

@ kathy, galing naman ng site mo. :slight_smile:

Maruchan

08-24-2005, 02:20 AM

salamat sa comments. maruchan, isang ordinaryong digital slr (nikon) at macro lens ang ginamit ko para sa pagkuha nitong picture. ano naman ang pinangkuha mo doon sa buwan?

Nikon D70 or D100 ba? :slight_smile:

Naku, ang gamit ko sa moon photo is my oldest (but my fave naman) na digital camera: Olympus Camedia C-40 Zoom (http://www.steves-digicams.com/2001_reviews/d40.html). I also took some photo sa digital slr (nikon din) kaso hindi kasya ang buong moon at hindi kasing ganda ng moon ni Paul (http://www.timog.com/gallery/showimage.php?i=307&c=9) kaya tinago ko na lang sa aking baul. Tama nga siguro ang kasabihan na wala sa camera…

Paul

08-24-2005, 12:02 PM

@maruchan
maganda yang mga camera ng olympus. meron kaming C-3030 dati na pinalitan ng C-4040. eto sample.

kuha ng C-3030
(http://phlog.net/getpic.php?pic=eb53d 2cc4e05b28e5a4aca24e 93d1bdd)

kuha ng C-4040
(http://phlog.net/getpic.php?pic=c3a5a 108c3665f08513df4b2e 5287336)

eto (http://phlog.net/user/Fotographista) pa ibang pics na kuha ni misis pero yung iba DSLR na rin.

summer

08-24-2005, 02:39 PM

Ang gaganda naman ng mga kuha (photos) ninyo. Nagtake po ba kayo ng photography lessons before? Kasi gaya ng sabi na Maruchan wala sa camera… ang trick.

Pahabol pa pala, Reon san, gumamit ka ba ng enhancer? (enhancer nga ba ang tawag doon, yung ikakabit sa lens para mas mapaganda yung kuha ng picture)

Paul

08-24-2005, 05:05 PM

summer, palagay ko ang tinutukoy mo ay mga filter na kinakabit sa lens. maraming klaseng filter na may iba’t ibang effect pero hindi mo kailangan ito para makakuha ng magandang picture. in fact, hindi mo nga kailangan ng mamahaling camera para makakuha ng magandang picture. kelangan mo lang ng practice. pag-aralan mong mabuti kung paano gamitin ang camera mo. paglaruan mo ang mga settings at tingnan mo kung ano ang epekto nito sa mga larawan na kinukuha mo. tsaka kumuha ka ng maraming litrato. piliin mo yung magaganda at isipin mo at tandaan kung paano mo kinuha 'yon.

for example, itong kuha ng C-3030 (3-megapixel na point-and-shoot camera). hindi naman ito ginamitan ng filter pero ok pa rin ang resulta.
http://www.timog.com/gallery/files/1/4/goinghome.jpg

Maruchan

08-24-2005, 05:32 PM

@maruchan
maganda yang mga camera ng olympus. meron kaming C-3030 dati na pinalitan ng C-4040. eto sample.

kuha ng C-3030
(http://phlog.net/getpic.php?pic=eb53d 2cc4e05b28e5a4aca24e 93d1bdd)

kuha ng C-4040
(http://phlog.net/getpic.php?pic=c3a5a 108c3665f08513df4b2e 5287336)

eto (http://phlog.net/user/Fotographista) pa ibang pics na kuha ni misis pero yung iba DSLR na rin.

Uy, ang gaganda nito. :thumb: At ang galing din pala ng asawa mo kumuha ng picture.

Thanks for sharing, Paul. I enjoyed viewing them immensely!

Maruchan;)here

Maruchan

08-24-2005, 05:35 PM

P.S. Hinahanap ko nga pala ang picture ninyong magasawa kaso wala yata. :smiley:

Paul

08-24-2005, 06:02 PM

@maruchan
actually, mas magaling siyang kumuha ng picture kesa sa 'kin… :slight_smile:
wala nga kaming picture diyan pero dito sa album (Vito Pablo | Flickr) ng baby namin may isa yata na kuha ni reon…

Maruchan

08-25-2005, 12:13 AM

Wow, you have a beautiful family there, Paul. You must be so proud… Your wife is so pretty…parang Haponesa, tapos so cute at cuddly naman ang baby boy mo. O sige na nga…cute ka na rin. Ahihihi! :smiley:

You are so blessed,

Maruchan;)here

reon

08-25-2005, 02:42 AM

makikisingit, d70 ang gamit ko maruchan. at hindi ako gumagamit ng enhancer, summer. paul, galing nyan, a. :slight_smile:

goldhorse

08-25-2005, 04:16 PM

makikisingit, d70 ang gamit ko maruchan. at hindi ako gumagamit ng enhancer, summer. paul, galing nyan, a. :slight_smile:

Tutal na mention na din dito, pwedeng magtanong na din? Ang digital camera ko kasi ngayon ay yuong Nikon Coolpix 775 (wala na sa website ng nikon). Ok lang siya pag sa mga gatherings ganoon, pero other than that ang gamit ko pa din ay 35mm na Nikon F60. Ang tanong ko ay, yuong mga lense ko ba na gamit ko sa F60 ay magagamit din ba sa D50 or D70?

Naghahanap kasi ako ng bagong digital camera, eh yuong mga lense ko pang Nikon. Kaya lang, marami akong nababasa na pag sa digital camera ay mas maganda daw ata ang Canon. Ano sa tinging nyo?

Paul

08-25-2005, 04:42 PM

Wow, you have a beautiful family there, Paul. You must be so proud… Your wife is so pretty…parang Haponesa, tapos so cute at cuddly naman ang baby boy mo. O sige na nga…cute ka na rin. Ahihihi! :smiley: salamat maruchan, parang pilit yung huling statement a. :slight_smile: ok lang, alam ko namang hindi ako cute e. lahat yata ng tao 'yan ang sinasabi sa asawa ko. yung baby rin namin laging nasasabihan na “ayy, mukhang hapon!” nung umuwi kami sa pinas. sinasagot ko na lang ng “siyempre, made in japan e”.

Paul

08-25-2005, 04:53 PM

@reon
galing nga ano? iba yung mata ng asawa ko e. ganyan yata talaga mga artist, iba ang tingin sa mundo. :slight_smile:

@goldhorse
kung marami kang nikkor na lenses, siguro mas praktikal na bumili ka rin ng Nikon na DSLR.
eto ang compatibility ng Nikkor lenses sa D50

• DX Nikkor: All functions supported
• Type G or D AF Nikkor: All functions supported
• Micro Nikkor 85 mm F2.8D: All functions supported except autofocus and some exposure modes
• Other AF Nikkor: All functions supported except 3D Color Matrix Metering II
• AI-P Nikkor: All functions supported except 3D Color Matrix Metering II and autofocus
• Non-CPU: Can be used in exposure mode M, but exposure meter does not function; electronic range finder can be used if maximum aperture is f/5.6 or faster
Note: IX Nikkor lenses cannot be used.

dito lamang ang Canon kasi pwede kang gumamit ng lumang lens at gagana pa rin ang TTL metering. ako nga ginagamitan ko ng lens na halos 40-years old na yung EOS Kiss DN ko e.

kalypso

08-25-2005, 04:54 PM

@maruchan
actually, mas magaling siyang kumuha ng picture kesa sa 'kin… :slight_smile:
wala nga kaming picture diyan pero dito sa album (Vito Pablo | Flickr) ng baby namin may isa yata na kuha ni reon…

ang kyut naman ng baby natin…i mean timog forum baby:D. siguro maraming chicks ang papaiyakin niya pag laki:p.

goldhorse

08-25-2005, 05:03 PM

@goldhorse
kung marami kang nikkor na lenses, siguro mas praktikal na bumili ka rin ng Nikon na DSLR.

…dito lamang ang Canon kasi pwede kang gumamit ng lumang lens at gagana pa rin ang TTL metering. ako nga ginagamitan ko ng lens na halos 40-years old na yung EOS Kiss DN ko e.

Ang mga lense ko kasi puro sigma. Hanapin ko na lang yuong compatibility list niya sa D50. Oo nga, kung bibilin ko lahat ng mga lense na naman para sa Canon ay malaki pang gagastosin ko kesa sa body.

Paul

08-25-2005, 05:07 PM

ewan ko kung nag-uupgrade din ng libre ang sigma para sa mga nikon lenses. meron kasi ko dating sigma na lens na hindi gumagana ng maayos dun sa Kiss D. tinawagan ko ang sigma tapos sinabi nila ipadala ko daw sa service center nila. ayun inayos nila ng walang bayad. pinalitan daw ng ROM.

goldhorse

08-25-2005, 05:16 PM

So yung upgrade na ginawa nila, para magamit sa EOS lang? Tanong ko na lang sa Sigma kung pwede. Thanks for the tip.

percibal

08-25-2005, 06:36 PM

is that real…are you the one who take that pic…your a pro!!!

summer

08-27-2005, 12:41 PM

Paul san mukha ngang Hapon ang cute baby ninyo. Sa first page pa lang ng photo album ng baby niyo ang impression ko is siguro Haponesa ang mama niya.

Maganda nga yung kuha sa sunset.

Thanks din sa mga tips on taking photos.

Maruchan

08-30-2005, 10:29 AM

salamat maruchan, parang pilit yung huling statement a. :slight_smile:
Hindi nga…maganda kayong lahat…este…gwapo …este cute pala. Maganda ang combination ninyo ni misis. Sana madagdagan pa ang inyong lahi.

Peace! :yippee:

Maruchan;)here

P.S. Keep sharing awesome photos, guys! Para naman matutu kaming mga novice.

Paul

08-30-2005, 01:10 PM

Maganda ang combination ninyo ni misis. Sana madagdagan pa ang inyong lahi.
nakupo! masakit yata sa ulo at bulsa 'yan. dito pa nga lang sa isa hindi na kami magkanda-ugaga, dadagdagan pa? tsaka na lang siguro 'pag kaya na namin.

P.S. Keep sharing awesome photos, guys! Para naman matutu kaming mga novice.

oo nga, yung mga magagaling na photographer diyan. turuan nyo naman kaming mga novice.

puting tainga

08-31-2005, 07:42 AM

Ang ganda naman, talaga.
Perpect pokus!

Nais ko sanang malaman ang pangalan ng bulaklak na ito.

hotcake

08-31-2005, 08:42 AM

Ang ganda naman, talaga.
Perpect pokus!

Nais ko sanang malaman ang pangalan ng bulaklak na ito.Goodmorning puting tainga. I know this is not the right thread to welcome you, anyway welcome to TF.:slight_smile:

Iyong bulaklak if I’m not wrong (reon san correct me kung mali ha.:smiley: )e Asagao iyong name niya.:slight_smile:

reon

08-31-2005, 10:58 PM

palagay ko asagao nga ito, hotcake at puting tainga, isa sa mga pinaka-common na bulaklak sa japan. parang damo lang ito, ang alam ko. :slight_smile:

adechan

09-02-2005, 10:32 PM

pahabol sa thread

can’t help pero ang galing talaga nang mga shots mo:tiphat:

puting tainga

09-03-2005, 12:04 PM

Oo, asagao! Maraming salamat!
Well, actually I thought about that possibility, but I ruled it out, thinking asagao must be open in the morning. (Hence the name, meaning “morning face”)

I don’t see flowers very much around here.
Especially, as I usually stay home.

But as admired your beautiful picture, I felt as if I really took a morning walk to see the beauty of nature.

reon

09-04-2005, 03:04 PM

Oo, asagao! Maraming salamat! Well, actually I thought about that possibility, but I ruled it out, thinking asagao must be open in the morning. (Hence the name, meaning “morning face”)kaya maiisip mo siguro kung gaano kaaga ito, kahit ang asagao hindi pa bumubuka. :slight_smile:

@everyone else. tenkyu sa mga comments. hindi naman ako pro, at hindi rin naman gaano kagaling ang picture na ito at tsinatsambahan ko lang ang mga shots. maraming mas magaling na photographers dito sa timog, alam ko. :slight_smile:

rhynissa

06-25-2008, 04:51 PM

woowww… like this one;)

summer, palagay ko ang tinutukoy mo ay mga filter na kinakabit sa lens. maraming klaseng filter na may iba’t ibang effect pero hindi mo kailangan ito para makakuha ng magandang picture. in fact, hindi mo nga kailangan ng mamahaling camera para makakuha ng magandang picture. kelangan mo lang ng practice. pag-aralan mong mabuti kung paano gamitin ang camera mo. paglaruan mo ang mga settings at tingnan mo kung ano ang epekto nito sa mga larawan na kinukuha mo. tsaka kumuha ka ng maraming litrato. piliin mo yung magaganda at isipin mo at tandaan kung paano mo kinuha 'yon.

for example, itong kuha ng C-3030 (3-megapixel na point-and-shoot camera). hindi naman ito ginamitan ng filter pero ok pa rin ang resulta.
http://www.timog.com/gallery/files/1/4/goinghome.jpg

This is an archived page from the former Timog Forum website.