Mount Kaba (加波山), Ibaraki spring hike


Trail papunta sa tuktok ng Mount Kaba

May maliit na bundok sa likod ng mas sikat na Mount Tsukuba, na madali lang i-hike, yung tipong bundok na pupuntahan mo kapag bigla mo lang maisip na umakyat ng bundok.

“Akyat kaya ako ng bundok bukas? Pero sawa na ako sa Mount Tsukuba na maraming tao.” Tamang-tama ang Mount Kaba para sa ganitong okasyon.

Kaya ko gusto ang bundok na ito, madaling puntahan, bihira lang ang nakakaalam na tao. Hindi kagaya ng Mount Tsukuba na pati taga-Tokyo alam.

Kaya kapag naisipan kong maglakad sa bundok na malayo sa tao, ito ang pinupuntahn ko. Usually, hindi maganda ang umakyat ng bundok nang mag-isa, lalo na sa winter at lalo na kung mataas na bundok. Pero ang Mount Kaba ay simple lang na hike, at hindi siguro malaki ang possibility ng injury lalo na sa spring kaya okay lang na i-hike mag-isa.

Napakadalang ng tao dito sa Mount Kaba, walang totoong parking para sa mga kotse. Parking ka lang sa tabi ng daan malapit sa torii sa trailhead. (See trailhead map.)

May maliit na jinja sa loob. “To Mount Kaba peak” sabi ng sign.

Bye-bye jinja.

Tamang-tama ang spring sa pag-hike ng bundok na ito. Hindi malamig at hindi mainit, marami pang berde at bulaklak sa paligid.

Hindi pala ako mag-isa sa bundok na ito. Nandito sina ojiisan at obaasan hikers. Binagalan ko lang ang lakad para hindi kami magkita.

Makikita sa clearing ang mga bahay sa ibaba. Sakuragawa City malamang ito dahil nandoon ang trailhead.

May maliit na lusak ng tubig sa itaas.

Mga butete. Mainit na kaya nagising na ang mga ito. Naalala ko ang mga buteteng pinaghuhuli namin noong maliit ako.

Inaadobo ang palaka, kaya minsan naisip ko kung puwedeng kainin ang mga butete (sinigang?). Mukhang nakakain nga, pero kagaya ng maraming bagay malamang hindi magandang kainin nang hilaw.

Konti pang lakad papunta sa tuktok.

“Anong ang mga bahay na 'yon?” sabi ni Chihiro sa Sen to Chihiro no Kamikakushi (Spirited Away). “Bahay ng mga diyos,” sagot na nanay niya.

“Ingatan natin ang buhay na halaman” sabi ng sign. Mukhang ginawa ng mga estudyante ng Section 1 ng 1st Year ng Sakuragawa High School.

May sign. Sa Makabecho Nagaoka (真壁町長岡) tayo galing. Ayaw nating mapunta sa Yamatomura (大和村) baka kung anong meron doon.

“Iwasan natin ang paninigarilyo habang naglalakad,” sabi ng ibabang sign.

Ito naman ang torii sa harapan ng Mount Kaba Shrine (Kabasan Jinja 加波山神社) malapit sa tuktok.

Walang tao. Nasaan na kaya sina lolo at lola?

Akyat pa ng konti hanggang sa tuktok. In full bloom pa ang sakura dito sa tabi ng jinja.

Gusto ko ang particular na variety ng sakura na ito, parang umuulan ng bulaklak.

Walang panoramic view sa tuktok ng Mount Kaba, pero makikita ang tuktok ng mas mataas na Mount Tsukuba.

Kaunti na lang ang natitirang bulaklak ng sakura sa punong ito.

Ojizosama, protector of travellers.

Jizo is the first deity most people encounter when they set foot in Japan. This is because he is the protector of travelers. You’ll find Jizo peeking out among the grasses along the road, standing at intersections, overseeing borders, or sitting in a wooden shelter built especially for him. Jizo is at temples too, where sometimes he holds a baby in his arms. He is found at boundaries between places both physical and spiritual, between here and there, life and death.

He is found at boundaries between places both physical and spiritual, between here and there, life and death.

Narinig mo na siguro ang cute na Alamat ng Kasajizo.

Sayonara, ojizosama.

Spring na naman at buhay na buhay na naman ang paligid.

Magandang maglakad sa bundok nang mag-isa, malayo sa mga tao. Mahaba ang oras para makapag-isip ng mga bagay na hindi nagagawa dahil sa ingay at bilis ng buhay sa ibaba.

Trailhead map

Ibaraki-ken, Sakuragawa-shi, Makabe-cho Nagaoka (茨城県桜川市真壁町長岡)