Attention: kung may gustong sumama, huwag akong i-message sa FB, dito mag-reply sa thread para minsan ko lang sasagutin ang mga tanong. Onegaishimasu!
Usually ginagawa ang night-hiking ng Tsukuba-san sa New Year’s Eve, para makita ang unang sunrise ng bagong taon. Pero lately super dami ng mga tao sa tuktok ng bundok sa araw na ito kaya binakuran nila ito sa New Year’s Eve lang para walang malaglag sa bangin. Kaya hindi na masaya.
Matagal na rin akong hindi nakakaakyat ng gabi kaya gusto kong umakyat ngayong Golden Week para makita ang sunrise sa tuktok.
Ang akyat ay sa 05.03 (Friday) ng madaling araw. Kailangan ng headlight para dito.
Gusto ko lang idagdag na although hindi naman ganoon kataas ang Mount Tsukuba, mas mahirap na akyat ito kaysa sa ordinaryo lalo na kung hindi nakatulong nang mabuti.
Kung relatively fit ang katawan at makakakuha ng kahit kaunting tulog, hindi masyadong mahihirapan.