Namatay ang HP Z420 ko sa bahay

Wala man lang abiso, bigla na lang ayaw gumana. Biglang nag-s-spin full speed ang fan parang nagha-hyperventilate, tapos namamatay at nag-b-beep ng 10 beses.

Pinalitan ko ang graphics card at CMOS battery, in-update ang BIOS, tinanggal ang RAM at pinasok ulit isa-isa pero wala pa ring epekto. Mukhang wala namang problema ang motherboard kaya baka power supply ang may sira.

Pero wala akong oras o hangaring gumastos para bumili ng bagong power supply para testingin kung ito nga ba ang solusyon. Kaya eto napabili ako ng isang HP Z240 (bagong luma, nabili ko ng ¥13,000) pamalit sa aking sumakabilang-buhay na PC.


Ang aking mahal na HP Z420. Nagai aida osewa ni narimashita.


Mga lamang-loob na kailangang ilipat sa bagong PC.


Mukhang gumagana itong Z240, 16G nga lang ang maaring ipasok na RAM.

hindi ka na ba nagma Mac? puro windows na lang? :blush:
apat na hard disk ba yan?!

matagal na akong hindi gumagamit ng mac :smiley: windows ang mga pc sa trabaho kaya no choice!

dakedo, nilipat ko itong SSD sa bagong pc at nagrereklamo ang windows 10 na hindi daw valid yung product key para sa bagong pc na ito. kaya ang ginawa ko ay ininstallan ko ng zorin linux at yon ngayon ang main OS dito :smiley:

This topic was automatically closed 365 days after the last reply. New replies are no longer allowed.