Need help writing kanji with Yahoo Mail!

andres

10-09-2005, 05:43 PM

Dear TF members,

May tanong ako. Paano ba magsulat ng kanji sa yahoo mail? Gamit ko yung yahoo mail account (@yahoo.com, hindi @yahoo.co.jp). :type: Pag sinusubukan ko kasing magsulat ng kanji (gamit ko Mac na iBook na bili dito, english yung language pero nakakasulat ako in japanese using the “kana” key), okey naman habang nagko-compose ng message, pero yung natatanggap ng recipient ay garbage, puro ??? ??? lang :rant:
May paraan ba para dito?
tenkyu! :tiphat:

reon

10-09-2005, 06:55 PM

sasagutin na sana kita pero na-realize ko na hindi pala mac ang gamit ko, hehe. puwede mo sigurong palitan na lang yang mac… teka, hindi pala puwedeng sabihin yan dito ano paul, goldhorse at city_rabbit? :slight_smile:

DaiRyouKoJin

10-09-2005, 10:39 PM

ask mo yung recepient ng letter mo kung yung software na ginagamit mo ay naka install din sa computer nya… pwede kasi na hindi capable yung computer nya na basahin yung program na ginagamit mo kaya garbage kapag narereceive nya…

subok lang …hehehe :slight_smile:

neblus

10-09-2005, 11:32 PM

Using Mac… paul, goldhorse at city_rabbit?

In most cases (11 out of 13 sources), Yahoo mail is actually the best in reading Japanese message even if you are using an English OS. You juts have to choose the “encoding” to be SHIFT_JIS.

Pero hindi ko rin alam itong case na ito when it comes to sending from a MAC.

Mac-afficionados, anong ibig sabihin ng KANA key na sinabi niya… does it send it into a UTF-8 format or ano ba sa Mac?

:cool:

crispee

10-10-2005, 12:04 AM

English Windows user ako pero nakakasulat din ng katakana, hiragana at kanji na gamit ang US keyboard. Kailangan mo lang dagdagan ang “Text Services and Input Languages” sa Control Panel katulad ng image sa ibaba. Hindi rin nababasa ng english windows ang mga japanese softwares sa cd as well as japanese sites unless kakalikutin mo rin ang “Regional and Language Options” sa Control Panel.

andres

10-10-2005, 01:14 AM

salamat sa mga sagot!
update:
naayos na pala yung original na problema… e paano kasi nakalimutan ko palang palitan (uli!) yung encoding preferences nung browser (stupid me… sori po :drool: ).

but wait!
that’s not all!
ngayong napadala ko na ng mabuti yung email, yung reply naman ang garbage! (puro ??? ??? ??). japanese yung kasulat ko, kaya malamang normal japanese software yung gamit niya. hindi ko maayos sa yahoomail. pero sinubukan kong ipadala as an attachment dun sa “Mail” program ng apple, at ayun, nabuksan naman ng maayos at nababasa yung mga kanji.
what gives??
:scratch:

Paul

10-10-2005, 01:39 AM

@andres
mag-email ka sa 'kin nang malaman ko kung saan ang problema mo…

@crispee
ok yang payo mo…para sa mga windoze losers, ay mali, users pala… :smiley:

nga pala, para sa mga hindi nakakaalam… ang mac os x ay multi-lingual by default… di mo na kelangang magkalikot ng system settings… pipiliin mo lang sa drop-down menu mula sa menubar kung anong language ang gusto mong gamitin pang-input o kaya ay pindutin ang nararapat na hotkey … ang kana key na sinasabi ni andres ay ang pipindutin mo para mapunta sa japanese input mode…

ganda_girl89

10-10-2005, 01:44 AM

salamat sa mga sagot!
update:
naayos na pala yung original na problema… e paano kasi nakalimutan ko palang palitan (uli!) yung encoding preferences nung browser (stupid me… sori po :drool: ).

but wait!
that’s not all!
ngayong napadala ko na ng mabuti yung email, yung reply naman ang garbage! (puro ??? ??? ??). japanese yung kasulat ko, kaya malamang normal japanese software yung gamit niya. hindi ko maayos sa yahoomail. pero sinubukan kong ipadala as an attachment dun sa “Mail” program ng apple, at ayun, nabuksan naman ng maayos at nababasa yung mga kanji.
what gives??
:scratch:

andres,tnx sa e-mail mo…i sent my reply.

Paul

10-10-2005, 02:06 AM

uyyy… si andres at si ganda nag-eemail in japanese… :love:

(sige na sakay na kayo, para may konting intriga dito sa TF :D)

ganda_girl89

10-10-2005, 02:15 AM

uyyy… si andres at si ganda nag-eemail in japanese… :love:

(sige na sakay na kayo, para may konting intriga dito sa TF :D)

di naman…to nmn si paul o…

gusto ko lng malaman offboard kanina yung question sa thread ni andres.

crispee

10-10-2005, 03:05 PM

@crispee
ok yang payo mo…para sa mga windoze losers, ay mali, users pala… :smiley:

nga pala, para sa mga hindi nakakaalam… ang mac os x ay multi-lingual by default… di mo na kelangang magkalikot ng system settings… pipiliin mo lang sa drop-down menu mula sa menubar kung anong language ang gusto mong gamitin pang-input o kaya ay pindutin ang nararapat na hotkey … ang kana key na sinasabi ni andres ay ang pipindutin mo para mapunta sa japanese input mode…

Mahilig akong mag-kalikot:D Nandon kasi ang thrill:lol:

reon

10-10-2005, 04:34 PM

In most cases (11 out of 13 sources), Yahoo mail is actually the best in reading Japanese message even if you are using an English OS. You juts have to choose the “encoding” to be SHIFT_JIS.

Pero hindi ko rin alam itong case na ito when it comes to sending from a MAC.

Mac-afficionados, anong ibig sabihin ng KANA key na sinabi niya… does it send it into a UTF-8 format or ano ba sa Mac?hmmm. ako naman, usually pag nakakakuha ako ng email in nihongo sa yahoo mail, kailangan kong i-set ang encoding sa EUC-JP.

This is an archived page from the former Timog Forum website.