need ur advice

prettylily_1203

08-05-2005, 02:13 AM

may kaibigan akong lalaki, overstay po siya dito sa Japan, Naaksidente po sya sa trabaho niya sa pangaraw. Since wala syang visa, nangako yung mayari ng factory na babayaran ang hospital bills nya. Pero after his operation, pinakiusapan sya ng may-ari kung puede lumabas na sya ng hospital at rehabilitation bills na lang ang babayaran nila aside of course sa hospital bills . after one month of rehabilitation, the doctor told him na kailangang operahan ulit sya at tanggalin ang bakal na iinilagay sa kamay nya. For one month, tumatawag sya sa factory pero ayaw po nilang sumagot at mas masakit pa nito di pa pala nababayaran ang hospital bills na umabot na sa 300 lapad since paa at kamay ang inoopera sa kanya dahil nahulog sya sa building na pinagtratrabahuan nya. Is it possible for him na magreklamo even though wala siyang visa.

NemoySpruce

08-05-2005, 12:49 PM

Sobrang badtrip ng nangyari sa kaibigan mo. Hindi po ako abogado at wala ako kaalam alam sa Japanese law. Kaya, magmamarunong nalang ako. Sana makatsamba ako ng konting tulong sa inyo. Ayon sa napapanood ko sa telebisyon (LA Law, Alley McBeal at The Practice…) laws are usually based on logic and not emotions. Its a safe guess na mahihirapan kayu magreklamo nyan sa Japanese authorities. Unang una, once you do that, sigurado pauuwiin yung friend mo dahil wala sha visa. The philippine government wont be inclined to help you din, kasi as much as possible ayaw nila ng away ngayun, lalo na sa Japan. The best hope would be some Non-profit organization that advocates human rights, matagal na processo to kung isasampa sa korte, and you will definitely need a lawyer, kung may mga lawyer nga dito sa japan. di ko alam pano systema dito. Pero palagay ko kakabahan yung employer kung i-threaten nyo sila na idedemanda sila or magkokomplain kayu sa government office, kasi they broke the law as well. First nag hire sila ng worker na walang visa, second questionable ang safety proceedures nila, third, ala silang insurance… So malamang ayaw din nila ito gawing public, baka pede nyo ipressure sa ganon angulo…good luck po, and keep us updated!

stanfordmed

08-05-2005, 01:38 PM

There should be a Foreign Residents Advisory Center in your area,
(“Commissioners for the protection of fundamental human rights offer advice on human rights-related issues. In order to protect human rights, information is kept confidential, even if the consultation is related to illegal employment. Counseling is provided free of charge.”)

such as these:
http://www.clair.or.jp/tagengo/consult/en/
http://www.studyjapan.go.jp/en/faq/faq06e.html
http://www.city.kawaguchi.s aitama.jp/guide/e/consultation.html

http://www.city.bunkyo.lg.j p/english/guide2001/counseling.html
Human Rights and Labor Advisory Centers
Foreign Residents’ Human Rights Advisory Center (Tokyo Legal Affairs Bureau)
Tel 3214-6697
Hours: 13:00~15:30
Languages: English and German on Tuesdays and Thursdays; Chinese on Mondays.

Tokyo Labor Standards Office
Tel 3586-8609
Hours: Monday to Friday, 10:00~12:00, 13:00~17:00
Languages: English and Chinese
http://www.tokyo-hello-work.go.jp/

Adviser for Foreign Workers Section (English)
Tel 3814-5311
Hours: Monday to Friday, 10:00~12:00, 13:00~15:00 (window open from 9:30, in order of arrival on that day)

Tokyo Metropolitan Central Labor Administration Office
Tel 3267-6110
Hours: 14:00~16:00
Languages: English on Mondays, Tuesdays, Thursdays, and Fridays; Chinese on 2nd and 4th Thursdays. Interpreter will be send for Spanish, Portuguese, Korean, Thai and Persian (apply 1 week before your advisory date)

Lawyers for Foreign Laborers’ Rights(LAFLR)
Tel 3357-5506
Hours: 10:00~12:00, 13:00~17:00
Languages: English and Chinese on Tuesdays, Wednesdays and Fridays; Spanish on Fridays afternoon time only

NemoySpruce

08-05-2005, 01:48 PM

nice one stanfordmed :rolleyes:

stanfordmed

08-05-2005, 02:22 PM

nice one stanfordmed :rolleyes:
I give credit to my good friend:
:type:

http://www.google.com/intl/en/images/about_logo.gif (http://www.google.com/) :thumb:

pointblank

08-05-2005, 04:07 PM

hmmmm… maraming nahagip na sources si stanfordmed!

Nick et al: Maybe we could set up a “bulletin board” where we put up this info and other similar stuff (like the link to the MoFA visa page I sent in some moons ago) that has a “high repeat” probability. Questions like these are apt to be repeatedly asked (though in different situations), so it would be convenient for everyone.

Advice to prettylily: just make sure na sa mga initial inquiries sa mga organizations o agencies na ito, iba muna ang magtanong, o kaya’y huwag bibigay kaagad ang pangalan. Siguraduhin niyo muna na confidential talaga yan. I personally do not approve of overstaying, but I can sympathise with your friend’s condition - ayaw nating ma-deport siya na hindi pa siya magaling. While it is true that they are supposed to keep all information confidential, you never can tell if there is no leak.

Please remember that in a sense, Japan is a “police state”. Ang rate of conviction dito sa mga kaso na hinaharap ng government prosecutors sa courts is almost 100% - an impossibly high figure for a democratic country unless magkasabwat na ang prosecutor, pulis at judge. Individual liberties are not as valued in Japan as the common good - and the courts’ rulings show this tendency.

makulit

08-06-2005, 02:00 AM

Hi PrettyLily. My husband personally know someone who had an accident while working. He lost his thumb. Pareho din ang sitwasyon nya sa friend mo. As per labor law, your friend is entitled to compensation even if he is an illegal alien. The guy that I am talking about was represented by a Union. Till now, he still gets minor operation on his thumb and is staying here. He is an active member of the union now. So, me and my husband suggest that your friend tries to hook up with some union, or if possible the same union that represented the person that we know.

prettylily_1203

08-06-2005, 02:26 AM

thank you sa inyong lahat. di ako nagkamali na mag register sa site naito. about my friend, nagpunta na siya sa department of labor at nagreklamo pero kapalit nito ay kailangan nyang umuwi. Ayaw nya talagang umuwi kaya simula pa lang pinakiusap nya na bayaran lang ang hospital at rehabilitation bills nya. Kaya lang ng sinabi ng hospital na kailangang operahan sya ulit ay ayaw ng sumagaot ang tao na nag hire sa kanya. Mas masakit pa dito di pa pala nababayaran ang hospital bills nya na umabot ng almost 300 lapad dahil right hand at paa ang nadamaged sa kanya. Kailangang alisin yung bakal na inilagay sa kanya kasi if not di nya madidiretso ang kamay at paa nya. Alam naman nating lahat na bawal magoverstay dito kaya lang sa hirap ng buhay sa atin di k rin sya masisisi. I jsut hope na mabayaran ang mga araw na di niya pinasok para incase na talagang gumaling sia may mauwi siya sa pamilya nya…

nick

08-07-2005, 08:41 AM

Nick et al: Maybe we could set up a “bulletin board” where we put up this info and other similar stuff (like the link to the MoFA visa page I sent in some moons ago) that has a “high repeat” probability. Questions like these are apt to be repeatedly asked (though in different situations), so it would be convenient for everyone.Good idea. I’m thinking of a name…

Prettylily, maraming magdandang advice sa thread na ito. Sana maging maganda ang kalagayan ng kaibigan mo.

mayen

08-07-2005, 11:50 AM

Hello I’m new here,suggest ko lang kay Prettylily sa kaibigan nya ay wag kayong magpatalo at kahit na overstay ang kaibigan mo ay may karapat sya na ireklamo ang may-ari nang factory.Pwedeng kasuhan ang may-ari dahil pinahintolutan nyang magtrabaho sa kanyang factory na walang valid VISA.Kahit anong angulo tingnan obligasyon nya pa rin na bayaran ang bills na dapat bayaran dahil na aksidente naman kaibigan mo habang nagtratrabaho sa factory nya.Nabanggit mo rin na ayaw umuwi nang friend mo dahil na rin mahirap ang buhay sa Pilipinas at nauunawaan ko yun. I-try nyong tawagan sa public phone ang may-ari nang factory kasi kung landline kayo tatawag malalaman nila kung saan ang kaibigan mo nakatira through navigation madali syang mahanap at mapahuli.sabihin nyo na operahan friend mo kahit ngayong huling operation lang para matanggal ang bakal nakakabit sa kanya.After that,pagmagaling na friend mo at pwede nang magwork kahit kalahati nang salary nya ibawas okay lang ang importante maoperahan at gumaling na friend mo Prettylily yan ang gawin nyong reason para matapos na ang paghihirap nang friend mo.At pagnaoperahan na kaibigan mo pwedeng wag na syang pumasok sa previous work nya as factory worker at humanap sya nang ibang trabaho.Prettylily at kung matigas talaga at ayaw pansinin ang tawag at hinaing nyo.Hinala ko baka hindi nakainsurance ang factory na yun at hindi kalakihang kumpanya.Sa madaling salita walang perang ibibigay ang may-ari na worth of 3 MILLION YEN.Dahil alam nang may-ari na walang proper visa friend mo walang pakialam dahil kung gugustuhin nya pwedeng ipahuli ang friend mo at wala na syang abala.At wag nyong hayaan na mangyari yun kasi wala na kayong habol pagnahuli friend mo.Hindi kayo pakikinggan nang Japan immigration kung ano man ang mga reklamo nyo.You can send private message to me.Sabihin mo sa akin ang pangalan nang may-ari ,telephone number at ang pangalan nang kumpanya or factory and location as well…hope to hear from you soon.

prettylily_1203

08-07-2005, 07:25 PM

thank you sa reply mo. Okay na yung friend k at humingi na sya ng tulong sa department of Labor. You’re right isang tawag lang sa factory sumagot agad sila at nakiusap pa na huwag ng pumunta sa Labor para sa pagprocess ng mga papel. Pero nawalan na ng tiwala ang friend k at siya na mismo ang nagdala ng mga papeles. Tomorrow, maconfine na siya at sa Tuesday ang second operation nya. Sinabi ko nga sa kanya na huwag siyang lalabas sa ospital in case pakiusapan na naman siya kagaya ng ginawa sa kanya ng una. I also told him to stay in the hospital, hanggat di pa tapos ang rehabilitation nya. Talagang nakakaawa if you can see his right hand since pumayat na ito at yung mga fingers nya di nya madiretso. Right handed pa naman sya. Sabi ko nga pasalamat na lang tayo sa Diyos at nabuhay sya at di naputulan ng paa kasi duirng that accident if ever di nya nagalaw ang mga daliri nya sa paa for sure putol ang right leg nya since ang damaged was boung kanang paa. I will keep in touch with you sa mga developments about his case. Thank you for replying …

mayen

08-08-2005, 08:03 AM

Hope everything will be okay.Perhaps, life is always very beautiful despite of the problems we had. Anyway,God is there to carry everyone.

prettylily_1203

08-23-2005, 02:04 AM

He’s okay now. The second operation went good. I guess he will be staying in the hospital for how many months because he will still undergo for his rehabilitation and after that he will go home in the Phils.He don’t know yet, how much they will pay him since his case is already with the Department of LAbor here. I just told him that whatever he received maging wise sya sa paggastos ng pera sa atin at napakahirap ng buhay sa atin ngayon…

cyndi

10-17-2005, 06:57 PM

Naku napaka-hirap naman ng sitwasyon ng kaibigan mo prettylily.Gusto ko lang i-suggest na may mga nababasa ako sa dyaryo na mga abogado na ganyan sitwasyon ang hinahawakang mga kaso at may nabasa ako na malamang daw ang panalo ng na-aksidente laban sa pinagtatrabahuhang factory dahil unang-una ay nag hired sila ng walang visa trabahante …at ang una nilang gnawa ay kinausap ang may ari ng factory ng abogado ng naaksidenteng tao kung hindi makikipagusap ay didiretso sila na magsampa ng kaso at syempre kapag nagkakaso ay magkakabistuhan at maari daw na maipasarado ang factory pagnagkataon at sabi daw ay nakipag usap na lang daw ang may ari ng factory binayaran ang hospital bill at pati yun tao na naaksidente pero syempre hindi na ito pwde makabalik ulit sa factory na pinagtrabahuhan… .

makulit

10-17-2005, 07:04 PM

Naku napaka-hirap naman ng sitwasyon ng kaibigan mo prettylily.Gusto ko lang i-suggest na may mga nababasa ako sa dyaryo na mga abogado na ganyan sitwasyon ang hinahawakang mga kaso at may nabasa ako na malamang daw ang panalo ng na-aksidente laban sa pinagtatrabahuhang factory dahil unang-una ay nag hired sila ng walang visa trabahante …at ang una nilang gnawa ay kinausap ang may ari ng factory ng abogado ng naaksidenteng tao kung hindi makikipagusap ay didiretso sila na magsampa ng kaso at syempre kapag nagkakaso ay magkakabistuhan at maari daw na maipasarado ang factory pagnagkataon at sabi daw ay nakipag usap na lang daw ang may ari ng factory binayaran ang hospital bill at pati yun tao na naaksidente pero syempre hindi na ito pwde makabalik ulit sa factory na pinagtrabahuhan… .

Hi Cyndi. Hindi mo yata binasa ang buong thread. Nakasampa na ang kaso sa Department of Labor as per pretty_lily at chaca yung friend nya, naoperahan na ulit. Try reading all the posted messages.

This is an archived page from the former Timog Forum website.