Noli Me Tangere from Ateneo de Manila University Library
Nalaman ko na birthday pala ni Jose Rizal ngayong araw na ito. Ano kaya ang iisipin niya sa kondisyon ng Pilipinas ngayong taong 2022 kung buhay siya?
Nagkataon, binabasa ko ngayon nang pakonti-konti ang Noli me Tangere na required reading noong high school pero hindi ko maalala na binasa ko nang buo. Malamang binasa ko lang ang komiks version–na hindi tamang pagtrato sa libro na tinuturing na epiko ng pambansang bayani ng Pilipinas.
Kaya nang makita ko sa Project Gutenberg website ang English version na isinalin ni Charles Derbyshire mula sa Kastila na pinamagatan niyang Social Cancer na nasa public domain, dinownload ko ang text, inayos ito sa ilang lugar at nilagay ko sa Timog para may mabasa akong may kabuluhan sa aking free time kaysa kung saan-saang website nag-aaksaya ng oras.
Puwede mo ring basahin dito kung gaya ko tinamad kang basahin ito noong high school at binasa mo lang ang komiks version.