Opinions about changing citizenship?

Karel

09-03-2005, 06:14 PM

Hi to everyone!curious lang po ako to my fellow kababayan here in japan…want to change ur Filipino Citizen to Japanese Citizen ?Share naman ur opinions dyan mga mare pare.Comments are welcome.:cool:

hotcake

09-03-2005, 06:28 PM

Hi to everyone!curious lang po ako to my fellow kababayan here in japan…want to change ur Filipino Citizen to Japanese Citizen ?Share naman ur opinions dyan mga mare pare.Comments are welcome.:cool:No, I won’t change my citizenship.:slight_smile:

Isa pa that is a very difficult thing to do. May mga bansa na nabibigyan ng citizenship dito sa japan, like cambodia. Pero us filipinos ay mahirap ata or di ata pwede. As to our combodian neighbor noon sa kanagawa, may mga test ka daw na kailangan ipasa at 1000 words ba iyon sinabi niya na Kanji na dapat mong mamemorize.

kalypso

09-03-2005, 06:46 PM

hello karel,

there is an expression that goes " to each his own" so i’m sure you’ll get varied responses to this question.

ito lang ang masasabi ko: i don’t want to become a stranger in my own land.
i was born a filipino and want to die a filipino;).

Hi to everyone!curious lang po ako to my fellow kababayan here in japan…want to change ur Filipino Citizen to Japanese Citizen ?Share naman ur opinions dyan mga mare pare.Comments are welcome.:cool:

puting tainga

09-03-2005, 08:49 PM

Pros:
There are a lot of benefits in becoming a Japanese.
You will no longer be called a gaijin.:mad:
You can go to election.
You may become a government worker.
You will not be rejected if you want to rent a room or get a new job.
You don’t have alien registration card anymore.
You will no longer have to go to Roppongi and wait for a long time.:smiley:

Cons:
You may be called an ex-gaijin or traitor.:mad:
Other countries, such as UK or USA may have better benfits than that of Japan.:rolleyes:

Profile of Karen says she(siguro) is a Filipino-Japanese.
If her father is Japanese, she should have been registered as Japanese in the first place. (Anybody whose father is Japanese is a Japanese wherever she or he was born.)

I have heard the process is so complicated and time consuming, that an ordinary person can never do it alone.
You have to use a lawyer or at least an administrative documentation lawyer (shiho-shoshi) to get your nationality changed.

Also DNA test may be required if your reason is your father, and it will cost you a lot, say, 50 lapad, though I personally think it is less than that recently.

As for kanji, I have a hunch karen already can write well.

Why don’t you go to the “libreng sunggunian para sa mga dayuhan”, that someone mentioned somewhere in TF.

puting tainga

09-03-2005, 09:00 PM

Not Karen, he is Karel. I am so sorry.

Karel

09-03-2005, 10:28 PM

Not Karen, he is Karel. I am so sorry.

Hi Puting Tainga, babae po ako and thanx sa mga opinyon nyo.Everybody is welcome to share ur opinion. :slight_smile:

aiko

09-04-2005, 03:50 PM

do u want to stay here for good ?:oops:

aiko

09-04-2005, 04:04 PM

hi white ear, bakit namn magiging traitor…(???) walang necessary na ganong kahalaga at nde rin kailangan na marami kang alam na kanji…nagsulat lang ako ng bunsho sa kanji yung reason kung bakit gusto magpalit ng citi zenship, yayakoshi kasi ung pa extend ka ng paextend every 3 yrs…andito anak mo at asawa mo pero ako parang stranger di ba…isa pa pag umuuwi ako ng pinas nagbabayad pa ako ng travel tax…pero dont worry dahil …sa pusot isip ay pinoy pa rin ako…peks man…syempre nde ko maaring kalimutan ang aking mother land…peks man!!!

puting tainga

09-04-2005, 04:57 PM

Bakit traitor,
Well, I, for one, will not say such a thing, never.:smiley:

But I’ve heard of it being said to persons who changed their nationalities, on several occasions. :devil:
These are not only in the cases of ex-Filipinos, but also ex-Koreans, ex-Chinese and ex-Japanese(now American).:japanese: → :cowboy:

Chances are that some people will speak ill of you if you change your nationality.:cool:
If not, then all your friends and kapitbahay are good people.

My point is you should be prepared so you don’t get angry and just ignore all these remarks and people who say such things.:stuck_out_tongue:

Karel

09-04-2005, 06:04 PM

do u want to stay here for good ?:oops:

Of course yes, co’z my family, my kids r here & I love my hubby so much that’s why andito ako.I love them for life.And I’ll do anything for them.Pero, di ko pa rin kakalimutan ang pagka Pilipina ko sa puso , sa isip at sa gawa.:cool:

pointblank

09-05-2005, 06:47 PM

Cons:
Other countries, such as UK or USA may have better benfits than that of Japan.:rolleyes:

Maybe, but you’re assuming that you can get UK or USA citizenship. If you can get any citizenship you want and are thinking of benefits, sa Scandinavian country ka na - cradle to tomb, alaga ka ng gobyerno.

However, I think the choice here was between keeping your FILIPINO nationality or converting to JAPANESE citizenship.

Of course we want to be patriotic by staying Pinoy, but there are times like when you are asked to go back 4 times just to apply for a tourist visa to Europe (kahit na in order lahat ng documents mo) just for the simple reason that you are Pinoy - haaaaay, nakaka-tempt mag-convert talaga!

betsyboo

09-09-2005, 03:56 PM

karel,
why wont you apply for a permanent residency this time? i think its easier & you can avoid paying the travel tax everytime you go back from the philippines. it doesnt mean you dont love your husband & kids if you maintain your being a filipino but dont you have any intention of saving your property/properties in the philippines or acquiring one/some in the future? youll be an alien in your own country of birth:eek: , legally i mean as u said ull remain a filipino at heart:) ....so u ll be limited to owning a property in the philippines as both of you, husband & wife, are japanese. …but of course it`s just a matter of choice.:wink: a little later ka na lang mag decide to change ur citizenship kung baga medjo matagal-tagal ka na here sa japan…if i were you:rolleyes:…para walang regret …dba?

Dax

09-09-2005, 04:38 PM

Of course we want to be patriotic by staying Pinoy, but there are times like when you are asked to go back 4 times just to apply for a tourist visa to Europe (kahit na in order lahat ng documents mo) just for the simple reason that you are Pinoy - haaaaay, nakaka-tempt mag-convert talaga!

Oo nga maraming disadvantages ang pagiging Pinoy citizen, dahil lang 3rd world country ang Pinas. And the opposite for Japanese citizens, dahil 1st world sila. Shouganai talaga, ganyan ang society.

Curious lang ako, may kakilala ba kayo na nakakuha ng Japanese citizenship without:

  1. being married to a Japanese citizen, or
  2. having Japanese blood?

Kasi ang nakakakuha lang yata besides the above, ay mga prominent people (e.g. high-ranking sumo wrestlers, Japan soccer team players, university professors etc.).

May nahanap akong link (法務省:国籍Q&A) sa Ministry of Justice, sa Question 9 nakalagay ang requirements for acquiring citizenship. Kaso hindi yata comprehensive. Nakalagay dyan (translate ko lang briefly ha):

  1. must have resided in Japan continuously for at least 5 years with a valid visa
  2. must be at least 20 years of age, and of legal age according to the laws of one’s home country
  3. must be of good moral character
  4. must be able to make a living in Japan (or have a spouse or relatives who can support)
  5. must not have other citizenships (“in some cases there are exceptions wherein the applicant cannot expatriate his citizenship” daw)
  6. must abide by the Japanese Constitution

Yan lang? Kung yan lang, parang mas madali pa yata makakuha ng citizenship kesa permanent residency? :confused: :confused: :confused:

Am I missing something?

Karel

09-09-2005, 08:27 PM

karel,
why won`t you apply for a permanent residency this time?

permanent resident po ako dito.
Maraming maraming maraming salamat po sa mga nag reply sa mga ginawa kong thread.

心からかんしゃしています、さ ようなら。

hotcake

09-09-2005, 09:05 PM

心からかんしゃしています、さ ようなら。

Hello Karel, nande sayonara ang ending mo? Di ka na babalik dito sa TF. Di ba mas maganda ang 心から感謝しています、又 お会いしましょ う。:slight_smile:

McBONG

11-08-2006, 12:45 AM

Of course yes, co’z my family, my kids r here & I love my hubby so much that’s why andito ako.I love them for life.And I’ll do anything for them.Pero, di ko pa rin kakalimutan ang pagka Pilipina ko sa puso , sa isip at sa gawa.:cool:

Karel asan ka na?Balik…he…he. …maganda buhayin to thread mo,this is a nice thread.Teka…hmmm. …Lets say kung naturalized Japanese citizen ka na nga,?at dumating na yong point na matanda ka na or o-ugod ugod na ika nga,dito pa rin ba ikaw sa Japan.Hindi kaya kung bumalik ka ng Filipinas eh?magkaroon naman ng problema,here kasi sa Japan wala pa akong nakitang Foreigner na inaalagaan sa "ROJIN"home.Usually yong mga matatanda na dito sa Japan dyan na Tinatapon ng Pamilya nila,can u take it?

bijin_half

11-08-2006, 07:02 AM

karel permanent residence lang ang dapat mong kunin… di ka na kailangan maging japanese citizen… isa pa ikaw ang magiging foreigner sa pinas… helloooooo

japphi

11-08-2006, 08:00 AM

Hi Karel…pasingit din,gusto ko lang i-share ang experience ko…teka nasaaan ka na?Natakot ka yatang matawag na isa ring taitor…he he he he he he…joyk lang ha…ano tayo…panahon nang giyera ha ha ha ha ha ha ha…
Tama yung sinabi ni DAX tungkol doon sa mga requirements regarding naturalization.Yon ang pinaka-base nilang requirements…pero maraming mga documents ang kailangan at maghihintay nang 1 year and a half para sa resulta (noong ako).

Year 2000 nung na-naturalized ako…pero no regrets kahit na nasasabi nang mga kababayan natin na traidor ang nagpalit nang nationality into Japanese nationality…pero isang BIG question ko lang…“Bakit yung nasa ibang bansa nating mga kababayan na nagpalit nang nationality nila…especially sa US…ba’t wala tayong naririnig o sinasabihan silang mga traitor?”

Ilan na rin dito sa mga ka-members natin ang naka-apply for naturalization at naghihintay nang resulta at may mga nakaka-pm pa rin ako na nagtatanong tungkol sa pagkuha ko noon.Tahimik lang sila dahil ayaw matawag o mabansagan na TRAITOR daw.

Kanya-kanya tayo nang opinyon sa buhay o sa pamumuhay dito sa Japan…no regrets ako sa pagiging traitor ko…:stuck_out_tongue: he he he he he he…dahil tulad nang nangyari sa pamilya ko ngayon…malaki ang pasalamat ko sa asawa ko at bago nya kami iniwan ay naayos nya ang sa akin…at malaking bagay din naman,dahil naging madali ang pag-ayos nang mga dapat ayusin na mga documents sa pagkawala nya at sa aming iniwan nya.

Sa pag-a-apply nito…either na dumaan sa Attorney (na noong nagtanong kami ay may 40 ka lapad daw ang bayad) o kayo na lang ang mag-ayos nang mga papeles.Yung mga papeles na galing sa atin ang medyo mahirap…dahil kailangan lahat nang japanese translations,na mahal din kung ipapa-translate,yung sa akin ay lahat ang asawa ko ang nag-translate…kaya wala kaming binayaran ni kusing sa pagkuha ko nang nationality…then yung mga papeles dito at ipapasa lang lahat yung kailangan na documents at hintay sa resulta na habang sa paghihintay ay may ilang interviews.Sa naging experience ko by phone at in person ang naging interview ko.

Hindi ko masasabing maganda talaga ang kumuha nang japanese nationality may advantage at dis-advantage…pero para sa akin priority ko ang pamilya ko o ang mga anak ko lalu na sa sitwasyon namin ngayon…kaya no regrets.:slight_smile:

april

11-08-2006, 08:13 AM

hi!!!karel! for me why not kung for good naman ang purpose mo diba…
sa ibang bansa nga diba like US maraming pinoy ang nag change ng nationality
pero uumuwi pa rin sila sa pinas para dalawin ang kaanak nila don bakit nga ba?
kasi deep inside sa puso at isipan nila still pilipino pa rin sila,kahit sabihin pa nila na
stranger sa sariling bansa sa passport or document lang naman ang mababago
pero still ang dugong dumadaloy is still dugong pinoy(pera lang po kung may halo).
para sa akin po maraming paraan na puede mong ipakita na ikaw ay Filipino
sa puso’t diwa kahit na magpalit ng nationality .

Autumn

11-08-2006, 08:39 AM

mas madali pa na naging naturalized japanese ako (5 months )kesa noon kumuha ako ng permanent residency ko(9months) madali lang naman talaga kung decided ka…
wala akong ‘PAKI’ kahit na matawag pa akong traitor etc…bakit yun mga US citizen parang puring puri pa yata? ano ba kaibahan noon sa japan citizen?
hindi naman porke nagpalit ng citizenship eh hindi mo mahal pinaggalingan mo…
syempre marami rin pros and cons…depende na lang sa may katawan yun kung alin ang mas maganda para sa kanya…
sa totoo lang.parang naramdaman ko ang respeto galing sa kapwa pinoy.lalo na sa airport …hindi katulad noon philippine passport pa ako…hay ang mga tao doon turing sa kapwa eh bobo na at tanga pa…grabe pa mang gatas ha…as if may nakatatak kang pera sa noo…
sa akin ok lang kahit na sabihin pang tourist sa sariling bayan…sarap nga ng feeling eh:) anyway mga tao lang naman sa airport ang makaka alam na foriegn passport dala dala mo…sa hitsura naman pinoy na pinoy pa rin…

japphi

11-08-2006, 09:51 AM

Hi Autumn…ang dali pala nang sa’yo…5 months lang.Sabagay yung sa akin ay mag-se-7 years na nyan.

Tutoo yung sinabi mo when it comes sa airport sa atin…ako rin tuloy-tuloy na ang paglabas at wala nang sini-sita pa…hindi tulad noon…tatanungin pa ako sa visa nang mga anak ko kung ilang weeks daw ang gusto ko…raku na ngayon…automatic kasi na up to 3 months lang tayo doon na walang visa…kahit na yung pag-punta nang ibang bansa…hindi nga lang ako palalabas nang Japan…pero basta hindi expired ang passport mo at may ticket ka…sui-sui na makaalis ka…Sa pagkuha din nang passport dito ang dali din…apply ka at pag dumating na yung hagaki mo kunin mo na…lalu na ngayon na ang mga passports dito ay de-computer chips na rin…hindi na kailangan pa yung ibang documents para sa renewal nito…pa-renew ka lang okey na.

Kung sakali man na mag-stay na doon sa atin for good…'di ipapalit o ibalik yung dating filipino citizenship ano…tutal kahit naman naging japanese citizen ay hindi naman siguro nagpalit nang MUKHA at DUGONG PILIPINO ay mababalik din yung citizenship…:stuck_out_tongue: :smiley: gomen …yung nga lang ang hindi ko alam na processing…pero pwede naman daw…jikan kakaru nga lang sigurado…kasi ang processing ay sa Philippine side naman at kailangan ihanda ang nan-juman na Yen para sa kapalit nito at pakikipag-usap sa Attorney na ihanda ang bulsa para dito.:open_mouth:

Erika

11-08-2006, 10:06 AM

Makikisingit lang din po ako… nasa processing na rin po kasi ang inaaply kong naturalization… parang ang sakit naman sa dibdid kung tawagin kang TRAITOR ng mga kababayan nating pinoy…dahil lang sa pagpapalit ng nationality, hindi naman masama yun… Sa akin lang kaya ako magpapalit ng nationality dahil Hapon ang asawa at anak ko. Mas mabuti na yung pare pareho kami ng nationality dahil “FAMILY” kami. Opinyon lang po…

love0308

11-08-2006, 10:20 AM

Changing my nationality??? Why not kung may chance but sa papel lang yan walang magbabago sa pagiging Pilipino ko:D

japphi

11-08-2006, 10:27 AM

Makikisingit lang din po ako… nasa processing na rin po kasi ang inaaply kong naturalization… parang ang sakit naman sa dibdid kung tawagin kang TRAITOR ng mga kababayan nating pinoy…dahil lang sa pagpapalit ng nationality, hindi naman masama yun… Sa akin lang kaya ako magpapalit ng nationality dahil Hapon ang asawa at anak ko. Mas mabuti na yung pare pareho kami ng nationality dahil “FAMILY” kami. Opinyon lang po…

Uyyy…waiting ka na lang pala Erika san…sa mga papeles lang naman yan eh…kaya huwag personalin:p :stuck_out_tongue: :smiley: .

Noon kasi natanong na sa akin nang mga anak ko na kung bakit ako lang daw ang iba ang nationality?Ano raw ang mangyayari sa amin kung sakaling mauwi ako doon sa atin at sila naman andito…wala namang kasalanan ang mga bata when it comes sa nationality…pare nts ang may dala nang remedyo…kaya ako na ang nag-decide.

japphi

11-08-2006, 10:29 AM

Changing my nationality??? Why not kung may chance but sa papel lang yan walang magbabago sa pagiging Pilipino ko:D

Tama ka d’yan love0308!!! mga papeles lang naman yan…huwag lang matulad doon sa nabanggit doon sa kabilang thread na alam na alam na Pinay sya pero ayaw aminin…Yun ang TRAITOR ha ha ha ha ha ha ha ha ha…!!!

proud me

11-08-2006, 10:30 AM

Makikisali…kung ako ang tatanungin kung ano ang pananaw ko sa mga nagpalit or magpapalit ng Citizenship dito…para sa akin wala naman akong nararamdaman na traitor sila…sariling desisyon nila sa buhay nila yon ano man yong dahilan nila…siguro ako rin kung wala lang akong mga anak na pilipino baka nakapag-isip din ako siguro…kaya lang mas minabuti kong manatili akong pilipino dahil narin sa kalagayan ng buhay ko…mag-ama ko dito japanese…ako pilipino si patner ko japanese at musume ko half pil/jap.kaya para sa akin siguro lahat naman tayo meron kanya-kanyang buhay at dahilan ano man yong maging desisyon sa sarili tungkol sa citizenship…RESPET O nalang natin siguro ang kailangan…wala namang magbabago sa dugo,puso,at isip natin…ano man ang maging desisyon natin bawat isa.:slight_smile:

Eleina

11-08-2006, 10:43 AM

Makisabat na rin po ano. Im not applying for any citizenship right now and i cant say i will not. Ang punto ko lang kasi, we all are here hoping for a better life…working for a better life…aiming for comfort…polishing up ourselves for success…building up our image for respect…gaining stature for that respect.

Siguro Ipocrita na sabihing hindi kayo nasasaktan pag nila-lang kayo anywhere…maging sa pilipinas o sa ibang bansa… Ganon talaga ang tao. Inilalagay ka nila kung saan ka dapat kahit hindi. Stereotyping ba. What can you do to avoid them? Dress better?? Wear Jewelry??? Wear make up to give an older image?? Change your citizenship??? or all of the above??

Sana people would understand…its not the issue of being open minded but being practical. Patriotism its in the heart, its in the blood…but i also have a full right on my life. Where i want to spend it and how i want to spend it depends on me and my comfort level.:slight_smile:

ganda_girl89

11-08-2006, 10:50 AM

ok lang siguro na magpalit ng citizenship.may kanya kanya tayong desisyon at pananaw dyan.maybe yung iba ay walang kakayahan na magpalit ng citizenship kaya ayaw.yung iba ay tamad gawin ang mga dokumento.yung iba ay kuntento na sa paghawak ng working,spouse or permanent resident.yung iba ay nasa pilipinas ang pamilya kaya ayaw magpalit,etc.

di naman siguro pagiging traydor ang pagpapalit ng citizenship. maybe kung gyera ay pwede pa.

mamimo

11-08-2006, 11:24 AM

want to change ur Filipino Citizen to Japanese Citizen ?

Kung for practical reason okay lang may benefits na pwede utilize at akma sa pangangailangan ng taong nag-nanais makakuha nito. Pero kung magpalit ka ng nationality dahil masyado kang “na-inlove” sa host country mo at gusto mo burahin ang pagka-pinoy mo, ito ang pagiging traydor.

sharpener

11-08-2006, 12:03 PM

kuntento na po ako as permanent resident in japan
wala po akong balak magpalit ng citizenship ko

pero kung US citizenship yan…hmmmm…teke teka magiisip muna po ako…hehehe
anyway pwede naman na yata ang dual citizenship sa ngayon di ba? (approved na ba yun?)

YAN

11-08-2006, 02:04 PM

Changing citizenship?Wala naman sigurong masama,especially kung para din naman sa family.Sa iba nga naman mahirap,parang awkward para sa mga kids na ang mother nila e iba ang nationality.Should not be a big deal,di naman papalitan ang dugo di ba.he!he!Madami nga sa atin sa pinas ang aiming for u.s citizenship.kasama na din dyan ang practical purposes,everyone’s longing for a better future syempre,sad to say pero medyo tagilid talaga pag sa pilipinas.So for those who have chances,why not?Lalo na if the host country has a lot to offer and opportunities are great.:smiley:

PILIPINAS

11-08-2006, 11:06 PM

I can not contemplate the relevance of the relation between changing citizenship and traitorship. All I know is most of us left our country because of the traitors who betrayed the Filipino people.

I think one disadvandage when you denounce your Filipino citizenship is when you try to buy properties in the Phil, like house and lot. Marami rin kase na kahit iba na ang citizenship nila, umuuwi pa rin sa atin, lalo na kung may edad na. And of course, kung bumili man sila, kailangan CASH.

McBONG

11-09-2006, 01:17 AM

kuntento na po ako as permanent resident in japan
wala po akong balak magpalit ng citizenship ko

pero kung US citizenship yan…hmmmm…teke teka magiisip muna po ako…hehehe
anyway pwede naman na yata ang dual citizenship sa ngayon di ba? (approved na ba yun?)

He,he,he, tama ka ka dyan sharpener,pwedeng pwede maging dual Citizenship yan ay sa LAND of Oppurtunity "Amerika"dito sa Japan maging problema mo pa iyan pag-tanda mo kung naturalized Japanese Citizen ka.Ako kontentento na ako sa Permanent Residency Visa dito sa Japan.Anyway Im on my American family base immigration process mas feel ko discrimination doon at least i can fight back pero dito sa Japan grabe at Terible ang Descrimination sa Foreigner.Once na umuwi ako pinas wala problema sa pinas kung gusto ko na mag-retire.Dito sa Japan Bulok ang Immigration processes,sobra ang Beruacracy maka-Anti-Gaijin.If Japan realise We poor country like Phillippines buying their Products at nakakatulong tayo sa kanilang economy as a consumer sana at kailangan baguhin nila Immigration Policy nila in General.

mOtt_erU

11-09-2006, 09:32 PM

Changing citizenship?Wala naman sigurong masama,especially kung para din naman sa family.Sa iba nga naman mahirap,parang awkward para sa mga kids na ang mother nila e iba ang nationality.Should not be a big deal,di naman papalitan ang dugo di ba.he!he!:smiley:

I agree with you Yan san…
and I know that those who changed oR wants to change their Citizenship has their Own Reasons…:slight_smile:

april

11-09-2006, 09:57 PM

He,he,he, tama ka ka dyan sharpener,pwedeng pwede maging dual Citizenship yan ay sa LAND of Oppurtunity "Amerika"dito sa Japan maging problema mo pa iyan pag-tanda mo kung naturalized Japanese Citizen ka.Ako kontentento na ako sa Permanent Residency Visa dito sa Japan.Anyway Im on my American family base immigration process mas feel ko discrimination doon at least i can fight back pero dito sa Japan grabe at Terible ang Descrimination sa Foreigner.Once na umuwi ako pinas wala problema sa pinas kung gusto ko na mag-retire.Dito sa Japan Bulok ang Immigration processes,sobra ang Beruacracy maka-Anti-Gaijin.If Japan realise We poor country like Phillippines buying their Products at nakakatulong tayo sa kanilang economy as a consumer sana at kailangan baguhin nila Immigration Policy nila in General.
hindi ko po alam kung ano ang naging karanasan nyo sa immigration bakit nasabi nyong bulok
kasi nung nagextend ako ng visa a year ago ok naman ang turing nila sakin sila pa nga ang
nagalok sakin na permanent visa na lang ang iapply ko( 3 years visa lang inaaapply ko)para daw
dina ko magpabalikbalik.mas gusto ko ngang magprocess ng mga papeles dito dimo na kailangang maglagay para mapabilis di katulad sa pinas pagwala kang pera ikaw ang mabubulok
sa kahihintay…lucky po siguro ako at parehas ang mga hapon na nasa kapaligiran ko.

Autumn

11-09-2006, 10:08 PM

Tanong lang ha…grabe ba talaga discrimination dito…?:confused: bakit parang hindi ko pa yata naranasan yan…? confious lang…

japphi

11-09-2006, 10:57 PM

Oo nga …ako rin …19 years na ako dito…hindi ko pa naranasan yung sinasabing discrimination… .sa palagay ko nasa sa tao yon kung na-discriminate sya…either na hindi marunong makisama o feel ay nasa Pilipinas pa rin.

csbaby

11-10-2006, 04:41 PM

ako naman 5 years na ako dito sa Japan at permanent residence na po,pero next year mag aaply ako ng japanese citizen kasi po wala kaming anak at inisip ko ang future ko.at iniisip ko rin sa pagtanda ko meiwaku kaketakunai ako sa mga kapatid ko kasi may kanya kanya na rin silang pamilya…

McBONG

11-13-2006, 10:11 PM

Tanong lang ha…grabe ba talaga discrimination dito…?:confused: bakit parang hindi ko pa yata naranasan yan…? confious lang…

May kasabihan nga yong bulag,pipi,bingi may pakiraramdam.Yong 19 years na dito sa Japan siguro manhid na,mahirap yong wala na pakiramdam…hi,hi. hi…Automn peace tayo im not refering it to you…About dyan sa immigration pano kaya di bulok yan o luma policy.Halimbawa na lang asawa mo hapon,eh ngayon bigla ka dinivorce,saan ka ngayon pupolutin di ba?Tangal visa mo…hala uwi ka pinas na luhaan…matapos ka lusyangin…simsimim ngayon isa ka ng lantang bulaklak,tsugi ka na.wala ka na karapatan mag-stay dito sa Japan.Yan ba di bulok!.Sabi ko nga dapat baguhin Immigration policy dito sa Japan,Tingnan mo Immigration policy ng Pinas kahit poor country nakuha pa mag-recieve ng mga Asylum,Refugee etc…(like yong mga Vietnamese in palawan)Ang japan rich country pero walang ganyan,kulong ka then tapon ka kaagad by force.

Check this link;kung wala nga diskriminasyon dito sa japan

http://youtube.com/watch?v=xCeK0Trz9E0

hayaren

11-13-2006, 11:21 PM

without hypocrisy, I’ll say not to changing my citizenship if it is deemed necessary in the near future. I know it will be for my own good and for my family too.:slight_smile: At heart, I’ll remain a Filipino yet I chose to marry a Japanese therefore I should be one of them to seal oneness in our home.

ninong

11-13-2006, 11:42 PM

May kasabihan nga yong bulag,pipi,bingi may pakiraramdam.Yong 19 years na dito sa Japan siguro manhid na,mahirap yong wala na pakiramdam…hi,hi. hi…Automn peace tayo im not refering it to you…About dyan sa immigration pano kaya di bulok yan o luma policy.Halimbawa na lang asawa mo hapon,eh ngayon bigla ka dinivorce,saan ka ngayon pupolutin di ba?Tangal visa mo…hala uwi ka pinas na luhaan…matapos ka lusyangin…simsimim ngayon isa ka ng lantang bulaklak,tsugi ka na.wala ka na karapatan mag-stay dito sa Japan.Yan ba di bulok!.Sabi ko nga dapat baguhin Immigration policy dito sa Japan,Tingnan mo Immigration policy ng Pinas kahit poor country nakuha pa mag-recieve ng mga Asylum,Refugee etc…(like yong mga Vietnamese in palawan)Ang japan rich country pero walang ganyan,kulong ka then tapon ka kaagad by force.

Check this link;kung wala nga diskriminasyon dito sa japan

http://youtube.com/watch?v=xCeK0Trz9E0

boss,sa isang post mo,us vs japan ang kino compare mo sa diskriminasyon.pero sa last na post mo ay japan vs pinas na.

McBONG

11-13-2006, 11:49 PM

Gomen ne ninong,Palyado na utak ko dala ng sake,umuulan na ng yelo…grrr.ginaw…

japphi

11-14-2006, 05:43 PM

[quote=McBONG;191777]May kasabihan nga yong bulag,pipi,bingi may pakiraramdam.Yong 19 years na dito sa Japan siguro manhid na,mahirap yong wala na pakiramdam…hi,hi. hi…Automn peace tayo im not refering it to you…

Hi McBONG…he he he he…ikaw naman…ba’t di mo pa sinama yung pangalan ni JAPPHI…ginawan mo pang…“Yong 19 years na dito sa Japan…” ha ha ha ha ha…ako ang tinutukoy mo 'di ba…?..ha ha ha ha ha…ARIGATO…

Salamat din sa pagsasabing “19 years na dito sa Japan siguro manhid na,mahirap yong wala na pakiramdam”…

Ang masasabi ko lang sa’yo at sa nakakabasa nito…“manhid na nga siguro ako lalu na’t kamamatay lang ang asawa ko last June”…yes, manhid na nga siguro ako…at magiging manhid pa rin siguro…lalu na’t nababansagang traidor…pero bago ko pinalitan ang nationality ko ay hindi pa ako manhid noon" ha ha ha ha…nagpalit ako nang nationality dahil sa pagmamahal at sa naipangako ko sa asawa ko na hindi ko iiwan ang mga anak ko,lalu na’t ngayong wala na sya.

Hindi ako napipikon sa mga nabasa ko sa post mo…kundi’y nagpapasalamat pa rin na kahit papaano ay binubuksan mo ang isip ko na bumalik sa atin…kaya nag-papasalamat ako sa’yo…may sarili akong reason kaya ganoon…pasensya ka na kung baligtad ang nasa isip ko nang dahil sa pamilya ko…sigurado ko na mas matanda ako sa’yo…kaya ako itong nakakaintindi sa pagiging Maka-Bayan mo …ikaw ngayon ang iintindi sa’yo…

Ang forum na ito ay para sa ating lahat…na andito sa forum para magtulungan,magbigay nang advice…ang motto nang forum na ito ay magtulungan hindi mag-awayan o mag-sumbatan…hindi ang ipamukha mo sa isang kabayan ang paggawa nya nang mali…bigyan mo sya nang advice in a way na magandang approach…hindi yung sisihin mo o takutin mo sa ginawa nya na kadalasan ay pinagmumulan nang awayan o tampuhan…ako wala akong tampo o inis sa mga sinabi mo…sumagot ako sa post mo hindi para awayin…kundi’y andito sa akin ang acceptance sa gusto mong iparating sa akin/sa amin na nag-asawa nang Hapon…pero mali man ang ginawa nang isa nating kabayan…dapat lang itong intindihin o unawain at kung pwede lang ay payuhan at hindi ang sumbatan kung maging failure man ang pag-aasawa nya nang Hapon.Kanya-kanya tayo nang pag-iisip,desisyon…kany a-kanya din nang buhay o kapalaran.Kailangan natin ay ang mag-payuhan o mag-damayan,lalu na’t nasa ibang bansa…marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan nyan…hindi nang sumbat.

At hindi rin ako nagsisisi sa naging desisyon ko.Tawagin mo man akong “traidor” sa bansa natin(na sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang kawalang hiyaan sa bansa natin o sa mga kababayan natin o ginawang bagay para ikahiya nang mga kababayan natin aside sa pagkuha ko nang japanese nationality…hum ihingi ako “sa iyo"nang paumanhin kung naging traidor man ako sa paningin mo”…I’m very sorry…pero kailangan kong gawin hindi nang dahil sa visa,good life…etc…ginaw a ko yon nang dahil sa mga anak ko,asawa ko or a whole ito ay para sa pamilya ko.Pero umuuwi pa rin naman ako sa atin,bumibili nang mga products natin,tumutulong pa rin o hindi kinakalimutan ang pamilya ko sa Pinas.Pero laking pasalamat ko pa rin na kahit na traidor ako sa paningin mo…pamilya ko naman ay naiintindihan ako…so no hard feelings on my part towards you…

Alam mo sa buhay nang isang tao…darating at darating ang isang bagay na iisa lang ang dapat mong piliin o bigyan nang konsiderasyon…mas werte ka at hindi ka pa dumating sa stage na yon…if time comes at andoon ka na…at kung andito pa rin tayo pareho sa forum,huwag kang magdalawang isip…kung okey lang sa’yo,willing akong magbigay nang payo sa iyo.Thank you ulit and see you sa other threads.

katty0531

11-14-2006, 06:29 PM

@japphi, MABUHAY ka lola…:tiphat:

Ako naman, para saken kung hindi talaga hangarin ng panahon at aabot ako sa puntong kailangan kong palitan ang green passport ko sa blue/red passport nila dito, syempre di ko gagawing mag papalit ng nationality. Kung wala akong malalim na dahilan na kailangan pati puso ko mag desisyon diko gagawin, pero kung kinakailangan talaga, mag papa alam muna ako unang una sa lumuwal saken sa mundong ibabaw, sa nanay ko. Kung payag si nanay ko payag na rin ako at pasintabi sa mga kapatid ko.

Puso’t kaluluwa ko, anyo at pagkatao Pilipino parin ako , ano lang ba magbabago saken maliban sa kulay ng passport, pribilihiyo sigurong di makabili ng lupain sa bayan ko at papatungan ako ng malaking tax at di ako makapag stay ng matagal…(yuko wakaranai).

Yong “traidor” word, papalabasin ko lang sa kabilang tainga ko, basta alam ko rin sa sarili ko kung ano ginagawa ko, di ako nakakasagasa ng ibang tao, patuloy ang buhay!:smiley:

yomeryuutam

11-14-2006, 07:12 PM

sa palagay ko po mas mabuting sundin kung saan ka magiging convinient. i wont call it a traitor. basta po ang mahalaga ay nasa puso’t isip pa rin ang pagiging filipino at d nakakalimot lumingon sa pinanggalingang bayan:)

Autumn

11-14-2006, 07:13 PM

May kasabihan nga yong bulag,pipi,bingi may pakiraramdam.

*ikaw kumpleto paningin at pakiramdam mo sana nakita mo ang katotohanan…
alam mo din sana ang dahilan bakit foriegners not allowed sa “GANYAN” lugar

Yong 19 years na dito sa Japan siguro manhid na,mahirap yong wala na pakiramdam…hi,hi. hi…Automn peace tayo im not refering it to you…

*mas matagal ako sa 19 years na kung sino man tinutukoy mo…pero bakit nandito pa rin ako…?sa palagay mo ba kung nakaramdam ako ng kaapihan dito…nandito pa kaya ako at hindi nag palit ng nasyonalidad…? oo mahal ko bansang pilipinas.walang kasinungalingan doon…lamang may sarili akong dahilan…
at sana kung di para akin yun qoute mo…i qoute mo yun taong gusto…peace;)

About dyan sa immigration pano kaya di bulok yan o luma policy.Halimbawa na lang asawa mo hapon,eh ngayon bigla ka dinivorce,saan ka ngayon pupolutin di ba?Tangal visa mo…hala uwi ka pinas na luhaan…matapos ka lusyangin…simsimim ngayon isa ka ng lantang bulaklak,tsugi ka na.wala ka na karapatan mag-stay dito sa Japan.Yan ba di bulok!.Sabi ko nga dapat baguhin Immigration policy dito sa Japan,

*Hindi naman siguro kasalanan ng immigration na idivorce si babae oh si lalake ng japanese national…bago naman siguro pumasok ang isang tao sa foriegn marriage eh aware sya LAW’s ng japanese hindi ba…? tsaka bakit ka naman papayag na ma divorce kung habol mo eh visa ?bakit ka papayag na maging talunan?..maraming paraan at sana magtanong tanong ka…marami pa rin ang divorce na nandito pa rin…at may mga samahan na tumutulong sa OS or yun mga sapilitang na divorce…huwag mo nang itanong sa akin at hindi ko itututro sa iyo…dahil galit ka naman sa Bansang ito na ewan ko kung bakit nandito ka pa rin…iniisip ko paano ka nabubuhay dito na puro Bad side lang ng japan ang nakikita mo…

Tingnan mo Immigration policy ng Pinas kahit poor country nakuha pa mag-recieve ng mga Asylum,Refugee etc…(like yong mga Vietnamese in palawan)Ang japan rich country pero walang ganyan,kulong ka then tapon ka kaagad by force.

*Dont compare ang Philippines…iba iba tayo…sa bawat bansa may kanya kanya silang paraan ng pag tulong sa kapit bansa…

Check this link;kung wala nga diskriminasyon dito sa japan

http://youtube.com/watch?v=xCeK0Trz9E0

mapanood ko na yan video na yan …matagal na panahon na nakalipas…anyway salamat sa link…peace din sa iyo

ritzyu

11-14-2006, 08:59 PM

Ang forum na ito ay para sa ating lahat…na andito sa forum para magtulungan,magbigay nang advice…ang motto nang forum na ito ay magtulungan hindi mag-awayan o mag-sumbatan…hindi ang ipamukha mo sa isang kabayan ang paggawa nya nang mali…bigyan mo sya nang advice in a way na magandang approach…hindi yung sisihin mo o takutin mo sa ginawa nya na kadalasan ay pinagmumulan nang awayan o tampuhan…ako wala akong tampo o inis sa mga sinabi mo…sumagot ako sa post mo hindi para awayin…kundi’y andito sa akin ang acceptance sa gusto mong iparating sa akin/sa amin na nag-asawa nang Hapon…pero mali man ang ginawa nang isa nating kabayan…dapat lang itong intindihin o unawain at kung pwede lang ay payuhan at hindi ang sumbatan kung maging failure man ang pag-aasawa nya nang Hapon.Kanya-kanya tayo nang pag-iisip,desisyon…kany a-kanya din nang buhay o kapalaran.Kailangan natin ay ang mag-payuhan o mag-damayan,lalu na’t nasa ibang bansa…marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan nyan…hindi nang sumbat.

Amen ako sa iyo lowla japphi:)

hayaren

11-14-2006, 09:17 PM

[quote=japphi;192129][quote=McBONG;191777]May kasabihan nga yong bulag,pipi,bingi may pakiraramdam.Yong 19 years na dito sa Japan siguro manhid na,mahirap yong wala na pakiramdam…hi,hi. hi…Automn peace tayo im not refering it to you…

At hindi rin ako nagsisisi sa naging desisyon ko.Tawagin mo man akong “traidor” sa bansa natin(na sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang kawalang hiyaan sa bansa natin o sa mga kababayan natin o ginawang bagay para ikahiya nang mga kababayan natin aside sa pagkuha ko nang japanese nationality…hum ihingi ako “sa iyo"nang paumanhin kung naging traidor man ako sa paningin mo”…I’m very sorry…pero kailangan kong gawin hindi nang dahil sa visa,good life…etc…ginaw a ko yon nang dahil sa mga anak ko,asawa ko or a whole ito ay para sa pamilya ko.Pero umuuwi pa rin naman ako sa atin,bumibili nang mga products natin,tumutulong pa rin o hindi kinakalimutan ang pamilya ko sa Pinas.Pero laking pasalamat ko pa rin na kahit na traidor ako sa paningin mo…pamilya ko naman ay naiintindihan ako…so no hard feelings on my part towards you…

Japphi, bayaan mo marami na tayong traidor;) Mainggit lang kayo sa aming mga traidor, AMEN:p

sharpener

12-19-2006, 11:03 AM

[quote][quote=japphi;192129]

Japphi, bayaan mo marami na tayong traidor;) Mainggit lang kayo sa aming mga traidor, AMEN:p

ginagalang ko kung ano man ang disisyon nyo sa buhay nyo
pero yung maiingit ako dahil nagpalit kayo ng citizenship…no way!

para sa akin…its a wise decision to stay permanent resident of japan
than to change from filipino to japanese citizen

why?.. because i can stay in both country as long as i want
re-entry?.. every 3 yrs naman ang encho nyan, di ka naman araw - araw mag-e-encho
passport renewal?.. kahit naman japanese passport ka mag re-renew ka rin naman
US entry?.. sus! kahit naman permanent resident ka makakapasok ka rin naman ng US…10 yrs visa pa mga binibigay nila
properties?.. di ako mayaman para makabili ng house and lot sa japan
pero kung may asawa kayong hapon, ipangalan nyo sa kanya…sa pinas ipangalan nyo sa inyo

kaysa paliitin ko ang mundo ko…i will stay as is…
FILIPINO and a permanent resident of Japan…i have both…hehehe

d_southpaw

12-19-2006, 11:44 AM

Curious lang ako, may kakilala ba kayo na nakakuha ng Japanese citizenship without:

  1. being married to a Japanese citizen, or
  2. having Japanese blood?

Hi Dax, I know one, who is a salaryman.
A very good salaryman for that matter :smiley:

McBONG

12-19-2006, 12:03 PM

Hi.hi,Ho!Ho!Ho!Merry christmas po sa lahat and Happy New Year and Peace to all!Ang tagal na nito thread na ito pero nabuhay muli.Anyway yong dati ko pong post ay noon yun, at humingi rin po ako nag dispensa kay lola japph,i di ko po talaga sya kilala in personal at di ko alam pumanaw ang kanyang maybahay. sya po ay dakila at pusong pinoy.Ang dati ko po ring signature ay nag-bago na Imagine?Love and peace,no history too!by john lennon na dati ay "Lets put patriotism in practice,Love of country,honor,respec t etc…as we can uplift the quality of life of every Filipinos.Im proud Filipinos…pero ang pag-mamahal ko po sa mga Filipino ay di nag-bago,maging Polynesian,chinese,s panish,malay,america n,japanese,Aita,or whatever your mix blood as long di pa rin nawawala ang pag-mamahal natin sa bansang pilipinas.Salamat po.Peace to all!

dcat

12-19-2006, 12:27 PM

…pero ang pag-mamahal ko po sa mga Filipino ay di nag-bago,maging Polynesian,chinese,s panish,malay,america n,japanese,Aita,or whatever your mix blood as long di pa rin nawawala ang pag-mamahal natin sa bansang pilipinas.Salamat po.Peace to all!
Now you are talking! McBONG, you are the man!!! :thumb:
Merry Christmas to you pre.

@te japphi
You have all my respect and confidence.
Warm Christmas to you and your children.
All good things come to those who have a good heart.:slight_smile:

Dax

12-19-2006, 12:43 PM

Hi Dax, I know one, who is a salaryman.
A very good salaryman for that matter :DHello d_southpaw, sana invite mo siya dito sa TF para marinig natin ang kwento nya. :smiley:

@McBONG,
Tama ka dyan p’re, wala sa lahi yan kundi nasa puso. Meron ngang mga Pilipinong ni isang patak ng Pinoy blood ay wala pero mahal nila ang Pinas sa gawa hindi sa salita. By the way, you sound very much like another member who also comes from Tokushima, Shikoku. Hmm…

japphi

12-19-2006, 11:29 PM

Hi.hi,Ho!Ho!Ho!Merry christmas po sa lahat and Happy New Year and Peace to all!Ang tagal na nito thread na ito pero nabuhay muli.Anyway yong dati ko pong post ay noon yun, at humingi rin po ako nag dispensa kay lola japph,i di ko po talaga sya kilala in personal at di ko alam pumanaw ang kanyang maybahay. sya po ay dakila at pusong pinoy.Ang dati ko po ring signature ay nag-bago na Imagine?Love and peace,no history too!by john lennon na dati ay "Lets put patriotism in practice,Love of country,honor,respec t etc…as we can uplift the quality of life of every Filipinos.Im proud Filipinos…pero ang pag-mamahal ko po sa mga Filipino ay di nag-bago,maging Polynesian,chinese,s panish,malay,america n,japanese,Aita,or whatever your mix blood as long di pa rin nawawala ang pag-mamahal natin sa bansang pilipinas.Salamat po.Peace to all!

Ho~ho~ho~…Hi McBong…Merry Christmas and a Happy McBong to YOU ha ha ha ha ha…natawa naman ako sa post mo…FAIR lang tayo…no hard feelings…Forum lang ito at okey lang ang magbigay nang kanya-kanyang pananaw…and there we go…

Pero honestly speaking…lalu kong hindi maiiwan ang Japan sa sitwasyon namin…iniwan na kami nang asawa ko.Bago s’ya naaksidente…3 times nyang tinanong sa akin kung namatay daw sya uuwi or iuuwi ko raw ba ang ang mga anak namin dahil mahirap ang manirahan dito.Nung sabihin kong hindi ko sila iuuwi doon para kahit papaano ay may dadalaw sa puntod at mangagalaga dito ay lumuhod s’ya sa harapan ko at sinabing “Yokatta…ureshii yo…yoroshiku tanomu ne”.Dalawa lang silang magkapatid at ako o kaming naiwan nya ang pwedeng tumingin sa kapatid nya(babae)…masya dong emotional kung ikwento…pero talagang maraming bagay sa buhay nang isang tao ang kung minsan ay kailangan i-surrender at yon ay kanya-kanya pa ring pananaw ang bawat isa sa atin at nirerespeto ko rin ang pananaw nang bawat isa and let’s go for it.

japphi

12-19-2006, 11:32 PM

Now you are talking! McBONG, you are the man!!! :thumb:
Merry Christmas to you pre.

@te japphi
You have all my respect and confidence.
Warm Christmas to you and your children.
All good things come to those who have a good heart.:slight_smile:

THANKS and Merry Christmas to You too Dcat…GANBATTEMASU and GANBARIMASU
Arigato

midnight

12-22-2006, 10:50 PM

magtatanong na rin kasi mukhang tatagal din ako sa Japan at mas pinili ko ngang magstay na lang dito.:slight_smile: Ano ano ba ang mga kailangang papeles para sa pagaaply and what dya call this kind of application ? gano katagal ngayon ang processing for this ? sang lugar ang pagapply ? meron ba kayong link na maishare para sa application o karagdagang information.thankyou again & merry xmas:wavey:

This is an archived page from the former Timog Forum website.