maple
01-11-2006, 06:32 PM
Share ko lang ang experiences ko noong namayapa ang aking mother-in-law.
Dito kami sa probinsya nakatira, kaya naman closely knit pa ang mga tao dito, all my in-laws are Buddhist (pero pareho kami ng Mister ko na Christian) so, my experiences might differ from yours.
Noong mamatay ang MIL ko, yung mga kalalakihan na ka “rinpo” (隣保)namin ang nag-linis ng paligid at loob ng bahay namin. Sila rin ang nag-linis ng ohaka namin. Yung mga kababaihan sa rinpo namin naman ang nag-luto ng mga pagkain para sa amin. Sila na rin ang namahala sa lahat ng bilihin na ise-serve para sa mga dadalo sa Otsuya (お通夜; vigil).
Ang “nakaka-ilang” lang sa vigil dito…tinawag pa nilang vigil…pagkatapos naman ng padasal ay nagsisi-uwian naman lahat ng dumalo. Kaya imagine, let’s say: wala kayong anak, tapos namatay ang asawa mo, wala rin syang gaanong relatives…moshikas hite, mag-isa ka lang maglalamay sa patay.
Dito rin sa amin, pagkatapos ng osoushiki at dabi (cremation), derecho na sa ohaka ang ashes nung namatay, different from what RAIN has experienced. Alam niyo na ba na bawal mag pass ng pag-kain through chopsticks to chopsticks? Pwede lang mag-“chopsticks to chopsticks” dito kapag dadamputin na ang remaining bones after cremation.
Before, people in our town observed, “sho-nanoka” (first 7 days after the funeral), family members must go to the cemetery to recite the sutra for 7 days (eto siguro ang katumbas ng “pa-siyam” sa atin sa Pinas). Pero, busy na raw ang mga tao ngayon, kaya after the ososhiki, sinasabay na rin ang padasal ng sho nanoka. Ewan ko lang sa lugar ninyo, ha?
We also have to make sure to keep the list of the “koden” (abuloy) that we received. Kapag isa doon sa nakiramay sa amin naman ang namatayan, itse-check namin kung magkano ang binigay niya na abuloy sa amin, at ganun din ang halaga ng abuloy na ibibigay namin sa kanya.
Tulad ng nasabi ko kanina, baka iba naman ang “yari kata” sa lugar ninyo.
fremsite
01-11-2006, 06:59 PM
maple san … ganyan din sinabi ng husband ko … wag daw mag-pass ng food pag chopstick to chopstick … ganun nga daw ang reason …
may na-experience din ako dito … yung bago i-cremate naman … bale … sister ng MIL ko …
sabi ba naman … nung bago ilagay dun … binuksan yung ataul tsaka pinatitingnan ulit sa amin … last na raw yun … medyo natakot ako … pero … ang ganda ng mukha … parang natutulog lang … tapos nun … nung nilagay na for cremation … umuwi na kami … di na namin hinintay matapos yung creamtion kasi for family lang daw yun …
isa pa … yung best friend ko namang japanese … nung namatay din … for 4 days yata ang lamay kasi may date pa silang hinihintay for cremation … nung 1st day …nasa house siya … nasa futon … maganda pa rin …para lang talagang natutulog … then nung 4th day na yata … last na kasi … pinakita ulit( nasa ataul na siya … ) … lumiit na at parang natuyot na dahon … awang-awa ako sa kanya nun kasi may 3 months on the way na siya nun sa 3rd baby niya … ang liliit pa din ng mga anak …
wala lang … nai-kwento ko lang din … may they all rest in peace …
maple
01-11-2006, 09:24 PM
… nung nilagay na for cremation … umuwi na kami … di na namin hinintay matapos yung creamtion kasi for family lang daw yun …
isa pa … yung best friend ko namang japanese … nung namatay din … for 4 days yata ang lamay kasi may date pa silang hinihintay for cremation … .
Hi fremsite,
Dito naman sa town namin ay hindi exclusive for family members only ang pag attend ng “dabi” (cremation). Kahit na kaibigan lang nung namatay ay most welcome to witness the cremation and pick up a bone after.
Really sorry to hear about your best friend.
docomo
01-11-2006, 09:28 PM
read mode … ako muna… di pa ako naka experience ng mga ganyan… naka-attend oo … parang very simple lang dito sa Tokyo… pero pag kilala mo yung namatayan o malapit sa yo… di ko mapigilan umiyak , sana marami pang mag share:)
maple
01-11-2006, 09:55 PM

O sige, para hindi naman masyadong serious ang usapan…
Share ko na rin ito: 2 years ago, nag attend ako ng “shi-jyu-ku-nichi” (padasal on the 49th day mula nang pumanaw ang isang tao) ng isang ka-rinpo namin.
Syempre pa, naka “rei fuku” (formal black dress) ako. Aisatsu dito aisatsu doon. Punta sa “saidan” para mag-alay ng osenko. Joined the okyou that lasted for almost an hour. At pag katapos ng padasal, attend din ako ng salu-salo na hinanda nung family.
Maraming tao, marami ring pagkai…napapansin ko, tuwing dadampot ako ng pagkain, halos lahat sila naka-tingin sa akin…obvious na matakaw:O
Anyway, pag-uwi ko ng bahay, I had to change clothes of course…:eek: doon ko lang napansin…naka-balot pa pala ng aluminum foil yung lahat ng butones ng rei fuku ko na kaka-kuha ko lang sa cleaning-ya…:eek:D
fremsite
01-11-2006, 10:05 PM

nyahahahahahaha~~~~~ !!!
natawa naman ako dito maple san … di bale , silver color naman aluminum … kung gold yan …
baka magsi-taasan na ng kilay mga hapon … ahehehehehe… di kaya … mini-onigiri yan na nasabit sa damit mo ? … wahihihihi~~~~!!!
me naman … pag papasok ka para maki-lamay … may sasalubong di ba … tapos … " bow " sabay sabi ng … ano ba sinasabi dun ??? hanggang ngayon , hindi ko pa rin makabisado yun … noon … akala ko talaga …" gochisousamadeshita … " eh…
japphi
01-11-2006, 10:27 PM
Once pa lang akong nakapunta sa ganyan…kahit na kapitbahay lang namin (babae)ay talagang naiyak ako…kasi may naiwan na mga anak kasi.Pero believe it or not…hangang ngayon ay wala ako nung black or formal dress…kahit nung pumunta ako sa lamay nung kapitbahay namin…medyo black lang ang dating nung sinuot ko.
Sabi sa akin…bumili na raw ako…para pag halimbawa or for instance ay kaagad may nakahanda.Yun naman ang hindi ko maihanda…ayoko… .iba iba ang naiisip ko tuloy kaya ayoko.
Medyo malihis nang konti ang topic…habilin ko sa asawa ko…mamatay man ako…sya na ang bahala sa labi ko…:weep:huwag nya akong iuwi sa atin…dahil andito sila na pamilya ko.Pero ayoko namang ilagay ako doon sa puntod nila magpa-pamilya…malungko t doon…saka masikip…puro sila hapon:p …yung abo ko…kung pwede lang ay ibubod sa dagat…para anytime ay pwede akong makapunta nang Pilipinas,US (sa Kuya ko)then balik dito through ocean waves… …laking pagod ko yata sa kaka-langoy ano… ilang buwan kaya bago ako makauwi ulit dito no’n?:scratch: …gomen nachai :bowdown:…nag-OT si Lola…
liza_k
01-11-2006, 10:41 PM
makikishare din ako…well, I haven’t attended a funeral here in japan yet, pero sa Pinas, oo. When my brother died, during the vigil, syempre mecha kwentuhan para di antukin, napunta ang topic namin sa usapang pamahiin pag meron patay. Meron daw, di dapat pabaunin ng broken rosary ang patay (the reason why I can’t seem to remember:O), family members must not carry the coffin, or else someone in the family will be next. Pag ilalabas na yung coffin from the church, di pwedeng idaan kung saan siya pinasok, and no one is allowed to look back.
On another note, when my bro died, lahat kami umuwi ng Pinas. It was 4 years ago, since, we had all been together. Well, nung dumating kami sa bahay, there was this little black butterfly hovering sa door ng room niya. That was nightime and all the windows were closed. The maid said, the butterfly was there an hour before we arrived. During the last night of his vigil, meron ding big butterfly, na li-lipad lipad at sa dinami-dami ng tao doon, the one it chose to hover on was my brother’s wife na nakaupo lang sa isang tabi. Dinapuan siya sa cheek and then it flew away… My hubby nga became a believer kasi nahulog siya sa upuan, as in parang hinila yung upuan niya. Same thing happened to a cousin. They were both close to my brother.
fremsite
01-11-2006, 10:53 PM
Once pa lang akong nakapunta sa ganyan…kahit na kapitbahay lang namin (babae)ay talagang naiyak ako…kasi may naiwan na mga anak kasi.Pero believe it or not…hangang ngayon ay wala ako nung black or formal dress…kahit nung pumunta ako sa lamay nung kapitbahay namin…medyo black lang ang dating nung sinuot ko.
Sabi sa akin…bumili na raw ako…para pag halimbawa or for instance ay kaagad may nakahanda.Yun naman ang hindi ko maihanda…ayoko… .iba iba ang naiisip ko tuloy kaya ayoko.
Medyo malihis nang konti ang topic…habilin ko sa asawa ko…mamatay man ako…sya na ang bahala sa labi ko…:weep:huwag nya akong iuwi sa atin…dahil andito sila na pamilya ko.Pero ayoko namang ilagay ako doon sa puntod nila magpa-pamilya…malungko t doon…saka masikip…puro sila hapon:p …yung abo ko…kung pwede lang ay ibubod sa dagat…para anytime ay pwede akong makapunta nang Pilipinas,US (sa Kuya ko)then balik dito through ocean waves… …laking pagod ko yata sa kaka-langoy ano… ilang buwan kaya bago ako makauwi ulit dito no’n?:scratch: …gomen nachai :bowdown:…nag-OT si Lola…
lola japphi … dapat ngang bumili ka na ng black dress para kung may instant na " invitation " go ka na lang at di na maghahanap pa ng isusuot … ganyan din minsan napag-uusapan namin ni habibi ko … pag tinatanong ko siya kung ano gagawin niya sa akin after … sabi niya … hindi daw mangyayari yun kasi mauuna daw siya … ang kulet … sabi ko nga … " kung " , " if " lang nga na ako ang mauna … so sabi niya …dito daw niya ako ililibing then hahatiin daw niya remains ko … isa dito and isa sa pilipinas … pwede ba yun ? pero di ko pa rin talaga alam kung saan ako if ever nga …
fremsite
01-11-2006, 10:58 PM
On another note, when my bro died, lahat kami umuwi ng Pinas. It was 4 years ago, since, we had all been together. Well, nung dumating kami sa bahay, there was this little black butterfly hovering sa door ng room niya. That was nightime and all the windows were closed. The maid said, the butterfly was there an hour before we arrived. During the last night of his vigil, meron ding big butterfly, na li-lipad lipad at sa dinami-dami ng tao doon, the one it chose to hover on was my brother’s wife na nakaupo lang sa isang tabi. Dinapuan siya sa cheek and then it flew away… My hubby nga became a believer kasi nahulog siya sa upuan, as in parang hinila yung upuan niya. Same thing happened to a cousin. They were both close to my brother.
may ganito din akong experience … yung auntie ko naman … sa pinas syempre … namatay then … may pagkaganda-gandang paro-paro … hindi ordinary kasi very colourful at napakalaki …
iikot-ikot din lang sa silid na pinaglalamayan … and i am really happy for her at pumanaw na siya … so much pain din kasi siya … may her soul rest in peace too …
liza_k
01-11-2006, 10:58 PM
pareho tayo japphi, since nga biglaan yung death ng kuya ko, nakita ko yung wife niya and their 3 kids na parang naiwan sa ere. Napag-usapan din namin tuloy ng asawa ko yung tungkol diyan, what to do if one of us dies, ako daw ba saan ko gusto, of course dapat magkasama kami. We talked about our finances, separate kasi ang savings namin. Dapat talaga alamin lahat-lahat. Hirap pala sa Pilipinas, kasi my brother has several accounts in different banks, in his name lang, naku ang ang daming kinailangang papers before his wife was able to withdraw his money.
aprilluck
01-11-2006, 11:42 PM
nyahahahahahaha~~~~~ !!!
natawa naman ako dito maple san … di bale , silver color naman aluminum … kung gold yan …
baka magsi-taasan na ng kilay mga hapon … ahehehehehe… di kaya … mini-onigiri yan na nasabit sa damit mo ? … wahihihihi~~~~!!!
me naman … pag papasok ka para maki-lamay … may sasalubong di ba … tapos … " bow " sabay sabi ng … ano ba sinasabi dun ??? hanggang ngayon , hindi ko pa rin makabisado yun … noon … akala ko talaga …" gochisousamadeshita … " eh…
@ Fremsite ,mahirap nga kasing kabisaduhin kasi hindi rin sinasabi ng malakas halos pabulong lang kaya puwede talagang masabi na gochisousamadeshita ,but ang word ay goshushousama deshita,kahit ako man nagkaka-utal-utal dati pag sinasabi ko ito.
@ maple,share ko naman iyung experience ko nung namatay ang brother in law ko ,past seven years na rin,48 years old single ,hindi nagka-asawa kahit minsan,chonan sa pamilya ng husband ko,probinsiya din kami, kaya ang rimpohan tulad din ng sa’yo,sila lahat mag-aasikaso,iyun nga lang dahil nag-iisa akong oyomesan sa pamilya nila, nahirapan din ako,walang katapusang bigay ng ocha,pag may hinahanap na kailangang kasangkapan,ect.ako ang tinatawag .Tulad rin ng sinabi mo kami lang din ang naglamay,ang bisita pagnaglagay ng senko,sandali lang umaalis na rin.Natapos na ang otsuya,kokubetsu shiki or osoushiki and kasou(cremation)Heto naman iyung araw-araw may bisita na mag-aalay ng osenko ,ako pa rin ang taga istima .Then, hito-nanoka (kung baga pasiyam ,dito naman first seven days),35-nichi and shijuku-nichi ,depende kung kailan ang napagkasunduan minsan pinag sasama na lang.
Noon ko rin nalaman na ang namatay ,bibibigyan ng bagong pangalan (given name)ang magbibigay ay ang obousan ,may bayad po ito hindi libreng binibigay ng obousan,Kaya parang
question sa akin ,Bakit ??sabi nila iyun daw ang gagamiting pangalan noong namatay pagdating n’ya sa kabilang buhay(doubt po ako)Sabi ko sa asawa ko para menos gastos ,pag namatay s’ya ako ako na lang ang iisip ng pangalan ,libre pa.Di daw puwede iyun.
Marami ding hindi puwedeng gawin within a year,bawal mag celebrate,magsabi ng salitang may kasamang “omedetoo” bawal pati nengajyou (magpadala or mag reply)kung abutan ng X-mas
na mourning pa kayo hindi puwedeng maglagay ng X-mas light/decor ,in other word "jimi ang buhay n’yo sa loob ng isang taon.
Para sa akin din ayokong magkakasama kaming lahat sa ohaka ,buong pamilya kasama ,magmula kanunu-nunuan ,ang sikip siguro ,siguro din hanggang doon behave ako .Ewan ko ba .lalo pa ngayon naging chonan na ang asawa ,pati ohaka nila sa ayaw at sa gusto n’ya mamanahin n’ya .Dito siguro ako nakatalaga. Salamat po.
Hungry eyes
01-11-2006, 11:48 PM
Long time ago nakaattend na rin ako ng ganyan…nun mamatay lola ng mister ko…two weeks before sya pumanaw binigyan ako ng pera ng byenan ko at sabi bumili ka ng black suits mo…para ready na tayo pag alis ni obaachan…sabi ko tsaka na.ayaw pumayag kailangan daw maaga palang ready na damit mo…
noon hindi ko maiintindihan bakit? para bang sa pakiramdam ko pinapatay na namin kaagad si lola…then nung pumanaw na sya…nagulat ako kasi nakahiga sa futon…wearing all white dress…at may katana pa na nakapatong sa dibdib…sa otsuya naman hindi ako makakain…bakit ako lang yata ang umiiyak dun…naiisip ko…before dabi binuksan uli yun coffin…pinabaunan ng mga ala ala.flowers…etc…
lalo akong naiyak nun ipinasok na sya sa cremation …hintay kami ng 40 min…laking gulat ko…ganoon pala ang tao pag sinunog na…puting puti yun ash…nagbabaga pa yun ibang bones… noon ko lang din naiintindihan bakit masama sa kanila ang chopstick to chopstick.pero nagustuhan ko ang cremation…kasi noon makita ko yun ash ni lola.parang nawala yun sakit na wala na sya…ang daling tanggapin na wala na sya at di na babalik pa…unlike nun mamatay yun favorite uncle ko sa pinas…hindi ko pa rin makalimutan yun sakit…pero ayaw ko din sa ohaka nila dito sa japan kasi ang liit para bang ang hirap huminga doon:eek: kidding aside lang…
ning2
01-12-2006, 01:10 AM
ate maple,
ganyan din ang “yari kata” nung mamatay yung lola ng hubby ko 2yrs. ago sa Mie ken. pero hindi ako nakatulong sa pagsisilbi dahil yung biyenan ko ngang babae hindi alam ang gagawin kaya pinagpahinga na lang kami dahil pagkagaling namin sa pagdalaw ng ohaka sa biyenan kong lalaki sa osaka nakatanggap kami ng call habang pauwi dito sa kanagawa na namatay na raw yung nanay ng MIL ko. kaya pag-uwi namin dito sa bahay inihanda ko lang yung mga “rei fuku” at go agad papuntang Mie ken. pagod at puyat sa layo ng biyahe.
nung namatay naman yung biyenan kong lalaki iba naman ang yari kata. eto naman talagang kami-kami lang. totally walang ibang tao kahit mga kaibigan. dahil na rin sa request ng dalawa pang kapatid ng FIL ko. kami-kami lang din ang nag-otsuya, osoushiki at kasou. naitaon pa na b-day ko nung ipa-cremate namin sya. mas malakas pa yung iyak ko kesa sa mga kapatid kasi napalapit na ang loob nya sa akin. .then nung pang 40 days yata isasabay sana na ilagay na sa ohaka yung mga buto ang problema hindi mabuksan yung ohaka dahil nakasemento yata yung pinaka-pinto kaya no choice naghintay na lang uli kami ng 1 yr. para mailagay sa ohaka. dahil linggo walang pwedeng kontakin para magbukas dun sa ohaka. that time nasa chiba kami bago kami lumipat dito sa kanagawa.
bago mamatay yung biyenan kong lalaki nagbilin sya sa amin na i-withdraw agad ang kanyang pera sa banko para bago ipinasa yung death certificate sa city hall para may magamit kami. ang alam ko may tax pa iyon kapag nagfile ng “souzouki” ba ang tawag don?
na-miss ko tuloy kasi madalas kaming magkwentuhan nang kahit ano lang noong nabubuhay pa siya.
ning2
01-12-2006, 01:51 AM
ate maple,
ganyan din ang “yari kata” nung mamatay yung lola ng hubby ko 2yrs. ago sa Mie ken. pero hindi ako nakatulong sa pagsisilbi dahil yung biyenan ko ngang babae hindi alam ang gagawin kaya pinagpahinga na lang kami dahil pagkagaling namin sa pagdalaw ng ohaka sa biyenan kong lalaki sa osaka nakatanggap kami ng call habang pauwi dito sa kanagawa na namatay na raw yung nanay ng MIL ko. kaya pag-uwi namin dito sa bahay inihanda ko lang yung mga “rei fuku” at go agad papuntang Mie ken. pagod at puyat sa layo ng biyahe.
nung araw pala ng otsuya ng lola ng hubby ko ipina-cremate muna kaya nung dalhin sa otera at ilibing na sa ohaka ay ashes na . nauna lang yung cremation.
3rdy
01-12-2006, 03:01 AM
Hi Maple, nasa Yamanashi kalang pala, ang ganda diyan daming grapes saka medyo di gaano malamig. Ang experience ko lang ng creation ay sa Pinas nung namatay yung bisita naming Hapon, parang iba talaga kasi nagpunta yung kapatid duon ewan ko ba bat nag mamadali masyado…
I bumped this piece sometime though…puede ko i post kasi related sila pero iba rin ang yarikata nila.
WHEN EAST MARRIES WEST
What not to do in Japan: die
By THOMAS DILLON
As a veteran resident approaching his 28th year in Japan, I would like to offer some simple advice to tourists, newbies and fellow graybeards as well. Which is:
Do not die here. I’ll wager you will not enjoy it.
This is not a comment about final destinations, or even about the port of embarkation. For I suspect in the larger picture of life, Tokyo or Osaka are just as fine for dying as Tahiti, Palm Springs or Maui. At that point, one is supposed to savor the moment and not the locale.
It’s what comes next that I would like to warn you about: the bill.
Now I myself have not yet died, although readers will sometimes question the health of my prose. Whatever, I did live with a dead person for four days last year and thus consider myself somewhat of an expert on death’s resounding knock, especially when it comes to paying for it.
No matter the country, funeral companies rarely offer discounts. Mark Twain once commented on how the price of a plain wooden box can skyrocket if you stick a corpse in it. Still, when my elderly mother-in-law passed away last spring, I was unprepared for how much yen would soon go up in smoke with her.
Grandma – that feather of a woman who had dwindled her last eight years as a mellow member of our household – was gone. After a lengthy cry, my wife went to telephone family members while I sat beside Grandma and stumbled through small talk about how fine she looked, how warm the weather was and what a lousy son-in-law I had been. I could have sworn I saw her nod.
My wife interrupted to announce that the phone calls had all been made, including a hurried buzz to a party she had almost forgotten – an undertaking firm.
Nobody better than an undertaker understands that death takes pause for no one. Hence, the company car arrived in a heartbeat. Two men stepped out and they came bearing gifts. To be precise, they brought dry ice. Which seemed to be just what Grandma wanted.
After an exchange of introductions, a moment of paying respects and then the solemn packing of the ice, we retired – with Grandma’s now chilly approval – to the living room to discuss the arrangements.
At this point we learned why the men had come as a team, for they soon began to play “good undertaker, bad undertaker.”
The Good Undertaker seemed almost overcome with grief. He opened his catalog and humbly presented his company’s three funeral packages, which I will label “Very Expensive,” “Double That” and “The King Tut Plan.”
“But,” the man choked, “don’t worry about costs. We will work something out that will be meaningful and match your budget as well.”
“That’s right,” spoke the Bad Undertaker. “Yet you should know that most people who choose the first package end up being haunted. And then they lose all their friends for being so cheap. Not that we would ever tell anyone, of course.” This he offered in a voice not quite loud enough to wake the dead, but one surely audible to our neighbors.
So we chose the “Double That” package. Next we had to decide on options.
“It’s a small thing,” said the Good Undertaker, “but would you like the dearly departed’s funeral portrait to be ringed with flowers?”
We asked what was the difference.
“Thirty thousand yen more,” said the Bad Undertaker. “That and the fact that only people with flowers can get into heaven. That’s basic eschatology.”
We chose flowers. Next we were asked if we required a hearse, for it was not part of the package. Faced with the sweaty picture of my wife and I lugging Grandma’s coffin across Tokyo, I said: “Why, yes. A hearse does sound convenient.”
“Fine, fine. Now . . . would you like a driver for that?”
A driver was not part of the package. Neither was his honorarium, nor honorariums to the various crematorium workers, over and above their regular salaries, plus oodles of other extras including funeral munchies to eat while the family waited for the oven to perform its final, grim duty. If you’re wondering about the difference between funeral munchies and regular munchies, the answer is a 300 percent markup.
But this was all for Grandma, so we said, “Yes, yes, a thousand times yes!” until at last the Bad Undertaker wore a smile. But the next question was this:
“Now, how would you like her DNA? Set in this attractive bracelet or in this rather tasteful pendant?” The Good Undertaker showed us photos.
DNA? We scrunched our brows. “Does this mean . . . we can have her cloned?”
“You never know. The world is changing and one day some DNA might come in handy.”
The prospect of having a tiny version of Grandma crawling about was too much to imagine, even though it did provide a solution for the older model’s remaining diapers. Yet we declined the DNA.
“You can’t. It’s part of the package.”
At this point, I decided to retire from the discussion and go sit with Grandma. With her, at least, I knew the conversation would be intelligent.
My wife eventually nodded to even more extras and then the men promised to return in the morning – with more dry ice . . . and perhaps a few more charges. How much? In general terms, enough to fly to Tahiti, Maui or Palm Springs and die there in style.
“Remind me,” I told my wife. “never to die. I can’t afford it. It’s one side of Japanese culture I think I’ll skip.”
“Hush. This is not a time to quibble over costs. My mother would agree.”
Grandma, however, proved as patient with my humor in death as she did in life . . . and offered no comment.
maple
01-12-2006, 03:58 AM
nyahahahahahaha~~~~~ !!!
natawa naman ako dito maple san … di bale , silver color naman aluminum … kung gold yan …
baka magsi-taasan na ng kilay mga hapon … ahehehehehe… di kaya … mini-onigiri yan na nasabit sa damit mo ? … wahihihihi~~~~!!!
me naman … pag papasok ka para maki-lamay … may sasalubong di ba … tapos … " bow " sabay sabi ng … ano ba sinasabi dun ??? hanggang ngayon , hindi ko pa rin makabisado yun … noon … akala ko talaga …" gochisousamadeshita … " eh…
Hi fremsite, like what aprilluck said, it’s “goshushou samadeshita”. Pero nakaka-bulol ano?
So you could also say, " Oshi koto shimashita ne"…hindi "oishii " ha, baka mahalata na talagang puro pagkain ang nasa-isip mo:D
And another way of saying it, “Ki wo otosanai de”. Natawa naman ako sa "mini-onigiri " mo:p
Hi japphi, yun namang rei fuku ay pwede mo rin magamit kapag shichi-go-san, graduation ng anak mo, wedding, nyugaku shiki…pero syempre medyo "hade’ ang accessories mo. Kaya mas maganda na rin na meron ka kahit isang pair lang.
3rdy
01-12-2006, 04:00 AM
Maple sorry sa haba ng post ko ha…
maple
01-12-2006, 04:05 AM
Maple sorry sa haba ng post ko ha…
okay lang yun but, I think reon (one of the super moderators) has posted that article before, but i don’t see it anywhere anymore…o baka naman hindi lang talaga ako magaling mag-hanap dito sa loob ng TF:O
hope to read more from you, 3rdy!
maple
01-12-2006, 04:14 AM
there was this little black butterfly hovering sa door ng room niya. That was nightime and all the windows were closed. The maid said, the butterfly was there an hour before we arrived. During the last night of his vigil, meron ding big butterfly, na li-lipad lipad at sa dinami-dami ng tao doon, the one it chose to hover on was my brother’s wife na nakaupo lang sa isang tabi. Dinapuan siya sa cheek and then it flew away… My hubby nga became a believer kasi nahulog siya sa upuan, as in parang hinila yung upuan niya. Same thing happened to a cousin. They were both close to my brother.
Hi liza_k, oo nga ano, butterflies are considered omen in the Philippines…good or bad…depende pa yata sa kulay:confused:
Hope you’re doing fine, Liz:)
japphi
01-12-2006, 08:18 AM
Nung namatay naman ang Kuya ko at Father namin…dahil 22 days lang nang pagitan…naunang namatay ang Kuya ko…sa burol ng Father namin ay may isang butterfly na kulay brown na ali-aligid…halos buong maghapaon andoon sya…sabi ko sa mga kapatid ko…andyan si Kuya at kasama natin sa paglalamay…hanggan g sa libing ay dumating ulit yon…magmula noon ay ganoon ang palatandaan namin na andoon sya.kahit na ngayon paminsan-minsan ay may dumadalaw,doon at dito sa amin…siguro dahil kaming dalawa lang ang napalayo sa pamilya…
Mismong burol naman ng Father namin…umaga…may isang puting manok na naglalakad sa paligid ng bahay namin.Ang nakapagtataka…ang bagal ng lakad at hindi tulad ng pangkaraniwang manok…naalala namin,ang Father namin ugali na nya ang mag-sampo o maglakad sa labas ng bahay pag umaga.
After 2 yrs sa pagkamatay ng Kuya ko naman…1st time ko na pumunta sa puntod nya na nasa San Diego…iyak talaga.Pero nung nasa bahay na nila…hindi ako nalungkot,parang andoon lang sya.Sa 1st night namin nung 3 yrs old angel ko…2 am hindi kami makatulog…nagyaya sya sa kitchen…kami lang ang gising…nakaupo kami sa may mesa nila…
Biglang nagsalita ang anak ko na…“Mommy,nakauwi na si Uncle”…mula daw sa may garahe…few minutes…biglang bumukas yung DVD player at lumabas yung disk.Naiisip ko kaagad Kuya ko at sa isip ko…sabi ko magpakita na lang sya…tanong ko kung nakikita pa nya…oo daw…asaan kako…nasa tabi ko raw…kaya siguro hindi ako nalungkot kahit na wala sya doon…hindi lang namin nakikita pero nagpaparamdam.
Ilang times yon na nakikita sya ng anak ko,dahil kilala nya yon through pictures…kung minsan(habang andoon kami)lalabas kami at nakasakay na sa sasakyan,bigla ay sasabihin sa amin na…“teka…sasama daw si Uncle”…tanong namin ulit kung asaan na sya…nakasakay na raw…believe it or not…talagang andyan lang sila at gina-guide din naman tayo.
adechan
01-12-2006, 08:59 AM
ooopzzzz pasali po sa inyo …
i already attended some funerals here …
isa pa sa kagawian nila dito ay iyong pagbubuhos nang asin bago pumasok nang pintuan nang bahay ninyo pag-uwi, para daw hindi sumunod ang kaluluwa nang patay. pag umattend ka nang padasal at nagbigay nang abuloy … may kapalit na agad na okaishi(thanksgiving gift) hindi ko nga lang alam kung iyon din ang tawag pag sa funeral. doon sa gift na matatangap mo eh may nakasama na doong asin na naka mini pack na.
adechan
01-12-2006, 09:25 AM
experience ko naman po
first, iyong husband nang dati kong kasamahan sa trabahong pilipina ang pumanaw, both were Christians, though kimatteru na yata kung saan ibuburol and ililibing dahil sa insurance package, buddhist type pa rin siya nailibing, at dahil iyon ang gusto nang mga in-laws, pero matawa kayo, mukang kumatchatta yata iyong obousan doon dahil lahat nang naki-attend sa libing ay Christians. We don’t want those incenses na ilalagay at magdadasal, which na naintindihan naman noong in-laws, someone lead a prayer, gathered around the coffin, hold hands and prayed, at mga nakailang Christian songs din. Sabi sa akin nang asawa ko pag uwi nang bahay, minna hontou ni shoganai ne, hen na no. Noon time na iyon rikkai dekinai pa kasi siya sa mga Christian ways.
then after that iyon nang recital nang obousan.
second, an overstay pilipina, si nanay, died of cancer. lamay lang ang napuntahan ko, we read Bible verses, silence, Christian songs, and mga kuwentuhan … habang nagbabantay sa “labi”, sa simbahan siya dinasalan at nagkaroon nang service, then deretso na sa cremation.
third, iyong in laws nang sister ko. Nauwa na iyong MIL but wala ako dito sa japan noon. About two or three years ago father-in-law naman ang namatay. My whole family attended the funeral service inlcuding my kids, i think it is the usual one like there sa inyo maple.
and the latest, this december lang po, iyong nanay nanayan namin doon sa church. may pabahay ang church at doon siya nakatira. Grabe po talagang pag lamay dito eh hindi pa inilalagay sa kabaon ang bangkay. Kaya sa ganoong condition, namin binabantayan at dinadasalan. After nang lamay at dasal deretso cremation na rin po.
katty0531
01-12-2006, 10:22 AM
Salamat sa thread na ito, parang sagot na rin sa tanong ko doon sa thread ni RAIN.
Thanks maple sa pag gawa ng thread na ito, at sa lahat ng nag share, nakakatulong ng malaki sa mga hindi pa naka experience (tulad ko). Sa Pilipinas kasi kahit papaano maraming mag aasikaso, maraming kamang kamag anak o wala, pero dito sa Japan lalo kung kayo kayo lang at malayo pa sa Furusato, medyo mapapaiksi ang talagang “yari kata”.
maple
01-12-2006, 01:31 PM

Hi katty0531,
Doon nga sa thread ni RAIN ako nakakuha ng idea kaya ginawa ko ito. And iba yata talaga ang yari kata sa probinsya at sa ciudad, sa bahay at sa funeral homes, it would be helpful if we could compare notes. Yoroshiku ne.
katty0531
01-12-2006, 01:45 PM
hello maple!
Kuchira koso yuroshiku onengaishimasu!, helpful talaga itong thread na ginawa mo, kaya nga mas gusto ko mamuhay sa probinsya kasi masarap ang marami, maraming kamag anak, masaya, dito hindi ko kilala kapit bahay ko:mad:
Arigatou ne.
hotcake
01-12-2006, 02:52 PM
Maple ang haba ng thread mo ha, pwede bang pasali rin. Share ko lang experience ko nung namatay ang lola ng husband ko…
Namatay ang lola ng husband ko noong 2002, punta kami ng Iwate kasi doon nakatira ang lola nila. Grabe ang tagal ng biyahe, 12 hours mula Odawara hanggang Iwate. sakit sa puwet…
Pagdating namin sa Iwate bandang 2 am diretso agad sa itaas ng bahay kasi doon nakaburol ang lola nila. Lapit kami sa ataul, first time kong nakakita ng ataul dito sa Japan. Binuksan ng asawa ko iyong parang bintana sa ataul (sa takip). Then doon ko nakita for the first time ang lola ng asawa ko, palibhasa wala akong alam sa japanese style kaya nood lang. Nakita ko na pinahiran ng asawa ko ng konting tubig ang labi ng lola niya, tapos nagsinde ng insenso then nagdasal.
Ang natatandaan ko pa ay nuong susunugin (cremation) na ang bangkay ni lola, nilagyan ng mga biyenan ko ng mga barya ang ataul. Antay ng kulang-kulang isang oras, nung paglabas nung mga ash at buto bigla kaming pinapila. Iyon pala ay pupulutin ang mga buto sa pamamagitan ng chopstick. Bale kapartner ko noon ang asawa ko, takot pa nga ako e. Kasi sabi ng asawa ko di daw dapat malaglag iyong buto na naka-ipit sa chopsticks namin. Hanggang ngayon ay di ko pa alam kung bakit di pwede malaglag iyong buto. Nung matapos na iyon, inabutan kami ng biyenan ko ng mga baryang sunog. Itago daw namin iyon, inisip ko na parang “omamori” siguro iyon. Kaya hanggang ngayon ay nakatago pa rin. Pagtapos ng cremation, punta kami ng otera . Pinapila kaming lahat na kamag-anak, hiwalay ang lalaki sa babae. Di ko na matandaan kung ano iyong isinabit sa damit ng mga lalaki, pero sa amin na mga babae ay binigyan kami ng kulay puting tela at iyon ay ipinapatong sa ulo namin. E di nakapila kami sa labas ng gate ng otera, nung mag-umpisa ang parang dasal, isa-isa kaming pumasok sa gate at binanggit isa-isa ang pangalan namin tapos naglakad kami pa-ikot sa loob ng otera. Di ko rin alam kung bakit at para saan iyong ginawa namin. Ito ang experience ko sa libing ng lola ng asawa ko.
Ay pahabol pa pala, bawal maligo habang nakaburol pa sa bahay ang lola ng husband ko. Nagamit lang ang ofuro nung matapos na ang libing…
maple
01-12-2006, 06:48 PM
Maraming maraming salamat sa lahat ng nag share dito. :type:
:grouphug:
liza_k
01-12-2006, 11:48 PM
Hi liza_k, oo nga ano, butterflies are considered omen in the Philippines…good or bad…depende pa yata sa kulay:confused:
Hope you’re doing fine, Liz:)
I’m ok now, maple…little by little. I know he is in a better place now. Thank you for asking.
miles
05-29-2006, 09:54 AM
@ Fremsite ,mahirap nga kasing kabisaduhin kasi hindi rin sinasabi ng malakas halos pabulong lang kaya puwede talagang masabi na gochisousamadeshita ,but ang word ay goshushousama deshita,kahit ako man nagkaka-utal-utal dati pag sinasabi ko ito.
@ maple,share ko naman iyung experience ko nung namatay ang brother in law ko ,past seven years na rin,48 years old single ,hindi nagka-asawa kahit minsan,chonan sa pamilya ng husband ko,probinsiya din kami, kaya ang rimpohan tulad din ng sa’yo,sila lahat mag-aasikaso,iyun nga lang dahil nag-iisa akong oyomesan sa pamilya nila, nahirapan din ako,walang katapusang bigay ng ocha,pag may hinahanap na kailangang kasangkapan,ect.ako ang tinatawag .Tulad rin ng sinabi mo kami lang din ang naglamay,ang bisita pagnaglagay ng senko,sandali lang umaalis na rin.Natapos na ang otsuya,kokubetsu shiki or osoushiki and kasou(cremation)Heto naman iyung araw-araw may bisita na mag-aalay ng osenko ,ako pa rin ang taga istima .Then, hito-nanoka (kung baga pasiyam ,dito naman first seven days),35-nichi and shijuku-nichi ,depende kung kailan ang napagkasunduan minsan pinag sasama na lang.
Noon ko rin nalaman na ang namatay ,bibibigyan ng bagong pangalan (given name)ang magbibigay ay ang obousan ,may bayad po ito hindi libreng binibigay ng obousan,Kaya parang
question sa akin ,Bakit ??sabi nila iyun daw ang gagamiting pangalan noong namatay pagdating n’ya sa kabilang buhay(doubt po ako)Sabi ko sa asawa ko para menos gastos ,pag namatay s’ya ako ako na lang ang iisip ng pangalan ,libre pa.Di daw puwede iyun.
Marami ding hindi puwedeng gawin within a year,bawal mag celebrate,magsabi ng salitang may kasamang “omedetoo” bawal pati nengajyou (magpadala or mag reply)kung abutan ng X-mas
na mourning pa kayo hindi puwedeng maglagay ng X-mas light/decor ,in other word "jimi ang buhay n’yo sa loob ng isang taon.
Para sa akin din ayokong magkakasama kaming lahat sa ohaka ,buong pamilya kasama ,magmula kanunu-nunuan ,ang sikip siguro ,siguro din hanggang doon behave ako .Ewan ko ba .lalo pa ngayon naging chonan na ang asawa ,pati ohaka nila sa ayaw at sa gusto n’ya mamanahin n’ya .Dito siguro ako nakatalaga. Salamat po.
Hello aprilluck. talaga bang malaki ang gastos ng mga namatayan pag namatay yung loveones nila…kaya pala pinaghahandaan na nila. paano naman yung mga walang kayang gumastos? I mean yun low income families…
miles
05-29-2006, 10:34 AM
Share ko lang yung guilt feelings ko.
yung mother ng kareshi ko was passed away last May 24, then the following day he sent me e-mail to informed me. I was read his e-mail 2 days ago lang, kaya naloka ako dahil hindi ko man lang siya nadamayan, o kahit reply man lang na condolence. Bale 2x times sya tumwag sa akin sa ketaii bago ko nabasa yung e-mail nya… Gusto nya daw akong makita at nagbibiro pa ako sa kanya dahil last golden week lang kami magkasama, not knowing na nagluluksa pala sya. Then afterI read his e-mail tinawagan ko sya pero, denwa denaii na. tinawagan ko na rin yung mga kaibigan nya para kamustahin sya.
Alam ko kung gaano nya kamahal ang mother nya at ramdam ko yung paghihirap ng loob nya. pero wala man lang ako nagawa para mabawasan man lang yung grief nya. Hanggang ngayon di ko pa rin sya nakakausap. tinatawagan ko sya, but still denwa denaii.
maple
05-29-2006, 11:55 AM
Share ko lang yung guilt feelings ko.
yung mother ng kareshi ko was passed away last May 24, then the following day he sent me e-mail to informed me. I was read his e-mail 2 days ago lang, kaya naloka ako dahil hindi ko man lang siya nadamayan, o kahit reply man lang na condolence.
(Nabuhay na naman pala ang thread na ito? Pero ‘patay’ nga pala pinag-uusapan dito.)
Hello miles, I’m sure sasabihin mo naman sa kareshi mo na hindi mo napansin agad yung e-mail niya. Siguro naman mai-intindihan ka naman niya. Kung gusto mong sabihin in Nihongo ang pakikiramay mo sa kanya, ganito, “Ki wo otosanai de”.
Wag ka na masyadong ma-guilty, hindi mo naman ginusto na hindi mapansin yung mail niya , di ba. Ganbatte na lang sa iyo at sa kareshi mo.
miles
05-29-2006, 05:23 PM

Hello maple, thank you ha… kahit paano gumaang yung kalooban ko…
SHAMPOO
05-30-2006, 10:05 AM
Naka experience na rin ako ng libing dito. Yung lola ng hubby ko, sa province kasi,hinintay muna kami bago ilagay sa ataol. Ganon yata sa kanila na bago ilagay sa ataol yung mga relatives ay isa isa magpupunas sa katawan ng patay. First tym ko pa naman humawak noon, mdyo kinabahan pero nun pinupunasan ko na nakaramdam ako ng lungkot. Bawal daw magpunas ang buntis,ewan ko kung bakit. Marami din pamahiin sa atin sa pinas pag may namamatay,like un bautterfly daw, or un maka amoy ng kandila. Nun una di ako naniniwala ,pero ako mismo nun mamatay ang daddy at lola ko naka experience ako nun. Ask ko rin sa mga ka tf…naranasan nyo na ba na magparamdam sa inyo or maghabilin sa inyo ang isang tao before sya mawala. then saka nyo lng maaalala yun pag namatay na sya. gaya kasi ng lola ko ganyan sya, di ko inintindi,pero nun mawala sya saka ko lng naiintindihan un sinabi nya sa akin nun buhay sya.last question din po… naranasan nyo na rin ba na mapanaginipan ang taong patay na. ever since kasi na mamatay ang daddy ko 13 years ago na hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin sya, di pwede matapos ang isang buwan na di sya nagpapakita sa kin. sabi nila ipagdasal lng daw,ginagawa ko naman un pero ganon pa rin. sori kung medyo ot ako.
ABI
05-09-2007, 07:01 PM
:shutup: …
ABI
05-09-2007, 07:02 PM
Anyway, pag-uwi ko ng bahay, I had to change clothes of course…:eek: doon ko lang napansin…naka-balot pa pala ng aluminum foil yung lahat ng butones ng rei fuku ko na kaka-kuha ko lang sa cleaning-ya…:eek:D
:lol: :lol: :lol: :jiggy: :jiggy: :noteeth: Nakakatawa…[/quote]
lenemen
05-10-2007, 11:37 AM
Share ko lang yung guilt feelings ko.
yung mother ng kareshi ko was passed away last May 24, then the following day he sent me e-mail to informed me. I was read his e-mail 2 days ago lang, kaya naloka ako dahil hindi ko man lang siya nadamayan, o kahit reply man lang na condolence. Bale 2x times sya tumwag sa akin sa ketaii bago ko nabasa yung e-mail nya… Gusto nya daw akong makita at nagbibiro pa ako sa kanya dahil last golden week lang kami magkasama, not knowing na nagluluksa pala sya. Then afterI read his e-mail tinawagan ko sya pero, denwa denaii na. tinawagan ko na rin yung mga kaibigan nya para kamustahin sya.
Alam ko kung gaano nya kamahal ang mother nya at ramdam ko yung paghihirap ng loob nya. pero wala man lang ako nagawa para mabawasan man lang yung grief nya. Hanggang ngayon di ko pa rin sya nakakausap. tinatawagan ko sya, but still denwa denaii.Miles, kung hindi mo pa rin cia nare-reach di kaya pwede rin kung padalhan mo cia ng sulat at explain to him the real reason kung bakit hindi ka naka respond sa email niya sa iyo noong time na iyon. Alam mo naman siguro address ng boyfriend mo at kung wala pa ring reply wala ng magagawa kundi maghintay na lang o kaya ay puntahan mo cia if possible. GAMBATTE!f
l
black angel
05-10-2007, 08:54 PM
wala pa kong expirience about that at ang mga byanan ko malalakas pa sa kalabaw 72 & 78 at baka mauna pa ako sa kanila sa nararamdaman kong stress dito:rolleyes: . ako nmn sabi ko sa asawa ko kung ako ang mauuna ayaw ko yatang ipasunog ako kung maaaari ipadala na lang ako sa pinas at baka nasa kabilang buhay na ako stress pa rin ang abutin ko …hehehe:hihi:
This is an archived page from the former Timog Forum website.