Sample ng Japanese driver’s license. Dahil nakasulat dito ang pangalan, birthday at address, ginagamit din ito ng ordinaryong Japanese bilang ID card.
May iba’t-ibang paraan kung paano makakuha ng driver’s license para makapagmaneho ng sasakyan sa Japan.
This wiki page may be edited by any logged-in user.
1. Philippine license to Japanese license conversion (Gaimen Kirikae)
Ito ang tinatawag sa Japanese na Gaimen Kirikae (外国免許切替 gaikokumenkyo kirikae) at ang pinakamadalas na paraan ng pagkuha ng Japanese driver’s license.
Kung may driver’s license ka sa Pilipinas at matagal kang maninirahan sa Japan, ito ang pinakamagandang option.
Kung hindi ka naman magtatagal sa Japan (ilang linggo o buwan lang), mas magandang option ang pagkuha ng International Driving Permit.
Requirements
Kailangan ng valid Philippine Driver’s License (hindi kailangan ang International Driving Permit) at kailangang nanirahan sa Pilipinas nang hindi bababa sa tatlong (3) buwan mula nang nakuha ito.
- Valid Philippine Driver’s License at official payment receipt
- Japanese translation of Philippine Driver’s License (mula sa Japan Automobile Federation (JAF))
- Application form
- Picture
- Residence Certificate (住民票 jūminhyō) kung saan nakasulat ang nationality (本籍 honseki) (makukuha ito sa City Hall)
- Passport, para ma-tsek na nasa Pilipinas ka ng tatlong buwan pagkatapos kunin ang driver’s license
- Residence Card (在留カード zairyū kādo) o My Number Card o Health Insurance Card
- Processing fee
Procedure
- Ipa-translate sa Japan Automobile Federation (JAF) ang Philippine driver’s license.
- Pumunta sa malapit na Driver’s License Center (運転免許センター unten menkyo sentā) dala ang required documents sa itaas.
- Ipasa ang application form at ibang dokumento.
- Kumuha ng aptitude test (eyesight at color-blindness test).
- Kumuha ng written exam.
- Kumuha ng driving exam (sa loob ng center).
Validity
Ang unang issue na Japanese driver’s license ay valid hanggang isang (1) buwan pagkatapos ng pangatlong birthday mula nang makuha ang lisensya. Halimbawa:
Item | Date |
---|---|
Birthday | 1990/04/01 |
License issue date | 2020/08/09 |
Pangatlong birthday mula issue date | 2023/04/01 |
License valid until | 2023/05/01 |
Renewal
Dalawang (2) buwan bago malawan lang bisa ang driver’s license ay maari na itong i-renew. Kailangang mag-attend ng lecture para dito (dalawang oras para sa first-time renewal) at magbayad ng 3,850yen (para sa first-time renewal).
2. International Driving Permit (IDP)
Kung may driver’s license ka sa Pilipinas at panandalian ka lang magmamaneho sa Japan (turista o short-term stay), magandang option ang pagkuha ng International Driving Permit (国際運転免許証 kokusai unten menkyoshō) bago pumunta sa Japan.
Sample ng International Driving Permit na para sa Japan
Kumuha ng IDP mula sa Automobile Association Philippines. Kailangang sabihin na gagamitin ito sa Japan dahil may ibang format ang ini-issue para sa ibang bansa.
Requirements
Para sa first-time applicants, kailangan ng:
- Original and photocopy of valid Philippine driver’s license (paper-type/original receipt from LTO at card-type driver’s license ay parehong tinatanggap)
- Dalawang (2) colored ID picture 2”x2” with white background
- Php 4,144 processing fee
Validity
Ang International Driving Permit ay valid isang taon pagkatapos makuha ito, o kaya ay isang taon mula sa pagpasok sa Japan, kung alin man ang mauna.
Halimbawa, kung nakuha ang IDP nang January 1, 2023 at dumating sa Japan nang February 1, 2023, maaring magmaneho sa Japan hanggang December 31, 2023.
Kung dumating naman sa Japan nang February 1, 2023 at nakuha ang IDP nang March 1, 2023 (nakuha by mail), maaring magmaneho sa Japan nang hanggang January 31, 2024 lamang, hindi February 29, 2024.
Renewal
Maaring i-renew ang IDP sa oras na mawalan ito ng bisa, pero maari lang magamit ito sa pagmamaneho sa Japan kung umalis sa Japan nang hindi bababa sa tatlong (3) buwan.
Dahil sa iba’t-ibang limitasyon ng International Driving Permit, para lang ito sa panandalian pagmamaneho sa Japan. Kung magtatagal sa Japan ay mas magandang option ang pag-covert ng Philippine local license sa Japanese driver’s license.