Paano kung kayo ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin nyo?

myukasky

10-07-2005, 02:05 AM

Three years ago, may na met ako mga filipina dito sa place namin (Osaka). That time wala pa ako isang taon, kaya wala pa ako kakilala kahit isa. Kaya ang saya saya ko kasi may kakilala na ako kababayan ko at magiging kaibigan. Sa una ang babait nila, so ako namang si gaga tuwang tuwa kasi nga kala ko totoo sila. Lumipas ang ilang weeks namet nila husband ko, kasi napasyal sila sa bahay namin kaya pinakilala ko. Sabi noong isa may itsura pala asawa mo at bata pa(that time 26 years old pa lang husband ko same kami). Sumagot naman yung isa uu nga may itsura pala. Lumipas ang mga araw at namet ko yung isang pinay na kakilala din nila, so ayon kwentu-kwento. Di sinasadyang nasabi noong pinay na kausap ko, alam mo sabi nila yung asawa mo daw pangit.:eek: So ako naman nashocked, sabi ko bakit sinabi ko ba sa kanila na guapo asawa ko. Eh silang dalawa nagsabi sa akin na guapo asawa ko tapos sasabihin sa ibang tao pangit:( . Kaya ang ginawa ko kinausap ko yung dalawa, tapos sabi sa akin wala naman daw sinasabi:rolleyes: kaya ang sabi ko, sige okey lang kahit di nyo aminin wala naman sa akin yun ang ayaw ko lang gawa kayo kwento na di nyo kaya dalin.

Hindi naging maganda samahan namin kasi may scriptwritter at artista sa aming apat na magkakakilala. Yung isa kasi grabe makagawa ng kwento at kung kausap mo galing magsalita kala mo lahat ng sinasabi eh totoo. Ako tinitignan ko lang silang tatlo kung sino nga ba sa kanila ang maninira. Dumating yung time na nagkaanak ako at babae, di ko inaasahang dadalaw yung isa sa kanila sa bahay. Pinakita ko yung anak ko sa kanya kasi nga gusto daw nya makita, tapos noong pagkakakita nya sabi ba naman ang PANGIT NAMAN NG ANAK MO:eek: di ko nakuhang magalit. Ang naisip ko noong mga oras na yun, ano bang klaseng nilalang ito walang patawad kahit sanggol na walang muwang eh sabihang pangit. Ang sabi ko sa kanya ganon ba, sabi ko pa okey lang ang importante sa akin eh healty ang anak ko di bale ng pangit. Naalala ko tuloy yung sinabihan nila na pangit yung asawa ko noon. Ewan ko that time ang nasabi ko pa bahala na dios sa inyo. Iniwasan ko na silang tatlo, magulo kasi sila at mapapaaway ka lang na wala sa oras. Ang balita ko magulo buhay nilang tatlo ngayon, ako umiwas na sa kanila. Ayaw ko ng magulong buhay sabi ko doon sa isa sa kanila. At sabi ko din mabuti na yung kanya kanya tayo at ng tahimik. :smiley: :smiley: :smiley:

honey

10-07-2005, 10:11 AM

TAMA GINAWA MO!:king: hindi kinakaibigan yung mga mapanlait na tao dapat tingnan muna nila sarili nila bago sila manghusga ng kapwa nila baka nga mas masahol pa ang kapangitan nila noh! dahil sa ugali nila.'Wag mo na lang silang pansinin at isipin, ikaw ang mas may malawak na pag-iisip ikaw na ang lumayo at baka mahawa ka pa sa kanila.Wala tayong magagawa kung karamihan talaga sa pilipino ganyan ako nga malalayo ang kaibigan at kakilala ko dito umiiiwas rin lang ako sa gulo at tsismis baka marinig ng asawa ko magkaraon pa ng kaaway mabait pa namang tao hubby ko.Saka makikita mo at malalaman sa kaharap mo kung anong klase syang tao kaya 'wag ka na lang umimik at pabayaan mo sila may makakatapat din yan.Saka nga pala wag ka masyadong makwento para walang pedeng pag-usapan tungkol sayo baka sa sobrang inis sayo kulamin ka na tingin ko kasi inggit lang sila sayo.:peepwall:

docomo

10-07-2005, 10:13 AM

If they cannot keep their mouth shut …then you do it and simply ignore them… Sometimes, this single piece of advice can prevent an enormous amount of trouble :slight_smile:

myukasky

10-07-2005, 11:29 AM

Ignored ko na sila, di naman sila kawalan sa akin dami namang filipino na mabuti ang kalooban. Saan na kaya sila?:smiley: Thanks sa reply:) :slight_smile: Godspeed

nikita

10-07-2005, 03:39 PM

Alam mo ang mga taong ganyan eh walang magawa sa buhay:mad: marami rin akong na experienced na ganyan,head up ka lang wag mong pansinin at sa huli pag may humingi ng tulong sayo,KANGKENAIIIII !!!yunlang naman yon di ba

docomo

10-07-2005, 04:17 PM

Ignored ko na sila, di naman sila kawalan sa akin dami namang filipino na mabuti ang kalooban. Saan na kaya sila?:smiley: Thanks sa reply:) :slight_smile: Godspeed

Precisely my point … there’s nothing to lose if you stay out of trouble :slight_smile:

If you’re looking for good friends?.. you just found the right place to look for… > Timog Forum :grouphug:

This is an archived page from the former Timog Forum website.