sweet
01-09-2006, 03:39 PM
musta sa inyong lahat…kukunin ko kasi anak ko she’s 18yrs.old na,nakapunta na siya dito last year as visiting relatives for 3months.balak ko na sanang iapply siya for eligibility dahil un na din ang payo sakin ng ibang members dito ,ang tanong ko eh saan ko ba dapat na iapply sa pinas ba o dito,pareho din ba ang mga requirements at matagal naba ngayon kasi noon 1week lang na bigyan na siya ng visa,at isa pa pwede na ba siyang mag travel na mag isa may mga need na papers pa rin ba?sana may magreply agad,maraming salamat:)
puting tainga
01-09-2006, 04:49 PM
Heto po
http://www.immi-moj.go.jp/soshiki/kikou/osaka/nara.html
docomo
01-09-2006, 04:53 PM
… ok lang naman din kahit sa atin mo i-apply ang eligibility ng anak mo… mabibigyan din naman yan… pero kung ako ang tatanungin mo, mas prefer ko yata dito ayusin ang papers nya… parehas lang naman ang requirements magkakatalo lang yan sa kung sinong babalasa ng papers ng anak mo pag sa pilipinas mo aayusin… baka ma -timingan yan na ang magbabalasa ng papel eh ijiwaru , ( meron yang ganyang cases sa loob ng embassy Japan sa Pilipinas ) you should be aware na pilipino ang tumitingin ng papers dun baka mapagtripan yang papel ng anak mo … lam mo naman sa atin… daming cheche bureche ewan na procedure minsan …
… since 18 na pala sya, pwede na po yang mag-travel mag isa… shimpai shinaide ang mami talaga always shimpai …ne
sweet
01-09-2006, 06:41 PM
puting tainga at docomo san,maraming maraming salamat sa inyo biglang lumakas ang pag asa ko hehe pero pano nga ba apply muna ba siya ng visa for visiting sa pinas pos dito ko na lang siya paeextend?pwede ba yun
docomo
01-09-2006, 08:23 PM
puting tainga at docomo san,maraming maraming salamat sa inyo biglang lumakas ang pag asa ko hehe pero pano nga ba apply muna ba siya ng visa for visiting sa pinas pos dito ko na lang siya paeextend?pwede ba yun
… pwede mo po syang extend dito mami sweet , no peroblem yan, anak mo sya eh … go mami!!
vectra1123
01-09-2006, 09:45 PM
Dear sweet,sa opinyon ko sa tanong mo yungkol sa anak mo ganito ang masasabi ko dyan: Kung nandirito ka rin naman sa Japan mas mainam na dito mo iapply ng eligibility ang anak mo dahil mas maaasikaso mo!Sa pag kakaalam ko max. na hanggang 3 mos. ang release ng eligibility di ba?Syempre kailangan don kung sino ang guarantor tax certificate, emplyment cert. residence at kung ano ano pa!Birth certificate nya , marriage contract mo syempre,lahat dadaan sa malacanang at dfa para sa authentication.18 years old na sya di ba ?alam ko hindi na konsider as a minor kaya allowed na syang mag travel mag-isa.Mas maayos at mas mabilis ang processing nila dito kaysa sa atin kaya mas mainam na dito mo nalang iapply! Bye! vectra1123
sweet
01-10-2006, 03:35 PM
salamat ha,salamat sa inyong mga reply at natutuwa ako sa malinaw na paliwanag nyo,ngayon alam ko na kung anong dapat kong gawin…god bless us muahh
This is an archived page from the former Timog Forum website.