bbxi
06-27-2005, 09:34 PM
Hello TFers,
May nabasa akong posting sa isang mailing list noong nakaraang araw tungkol sa paggawa ng Philippine school sa Japan. May alam ba kayo dito? I can think of several reasons why this is hard:
-
Kalat-kalat ang mga Pinoy sa Japan at karamihan ay hindi permanent residents. Siyempre, kailangan ng dense na concentration ng mga Pinoy para masuportahan ang isang malaking business na kagaya ng isang school.
-
Karamihang ng Pinoy sa Japan ay nandito para kumayod. Malamang hindi nila gagastusin ang perang ipapadala nila sa Pilipinas para sa pagpapaaral ng mga anak nila kung mayroon namang libreng eskuwelahang pampubliko.
-
Kung magtatagal naman sila dito at gusto nilang matuto kaagad ang mga anak nila ng Nihongo (siyempre importante ang magaling ka sa Nihongo kung dito ka titira), mas pipiliin nila ang isang Japanese school (bukod pa sa libre ito).
Hindi ko alam ang business viability ng isang Philippine school sa Japan and I personally wish they succeed with the project. It’s always good to have a choice of schools for your children. May masasabi ba kayo dito? (Dagdag: They also made a mailing list for this. Click here (http://groups.yahoo.com/group/ofw-japan-filschool/).)
neblus
06-28-2005, 01:11 AM
As far as I know, exploratory lang naman ito. Aside from nasabi mo na challenges, ito pa iyong iba:
(1) Anong level ng school - elementary or high school? Partly related to saan mo ilalagay iyong school.
(2) I-register ba sa local or not necessary? Since kung ang purpose naman is sa Pinas din mag-high school or mag-college iyong mga anak nila, then as long na registered sa Philippines iyong schools, then lahat ng graduate or students madaling makakapag-transfer sa any local school sa Pinas.
However, it is worth checking the other nations having a similar program - American School in Japan (ASIJ) or iyong Indonesian school in Meguro.
Any other thoughts?
reon
06-28-2005, 10:36 PM
dito rin sa tsukuba, may mga nakakapag-isip na magtayo ng school para sa mga pinoy, pero wala akong alam na seryoso. alam kong may nagbabasa ng timog forum na skeptical sa idea na ito, pero kung may gagawa, bakit hindi. ang aking observations:
a. siguro mas magandang tawaging “international school” at hindi “philippine international school” para puwede ring mag-enroll ang taga ibang bansa. mas limited ang enrollment ng isang “philippine school” at maganda rin ang magkaroon ng interaction sa ibang lahi. (naisip ko lang ito kanina, at hindi ko alam kung tama.)
b. para sa mga pinoy na hindi masyadong nakakaintindi ng japanese (at lalo na doon sa hindi nakakabasa), malaki ang magagawa ng isang international school kung nakasulat sa tagalog o english ang mga school announcements. palagay ko kung may school na ganito, mas maraming pinoy ang magdadala ng mga anak nila sa japan para dito pag-aralin.
c. ang malaking advantage ng isang international school (para sa akin) ay mame-maintain (o tataas) ang english ability ng mga batang pinoy lalo na kung uuwi sila sa pinas para sa high school o college. kung sa aasa lang sa pagtuturo ng english sa mga japanese elementary schools, walang pupuntahan ang english ng mga bata.
ito ang naisip ko: magkano kaya ang maximum na willing na ibayad ng mga pinoy sa japan para sa isang international school na ganito? at magkano naman ang minimum na kailangan ng isang school para maging self-sustaining na business?
jing
06-29-2005, 02:36 PM
ito ang palagay ko:
(a) overall, okey naman ang japanese schools, in that they have good standards in terms of safety and hygiene, matututo talaga ang bata ng nihongo (na, tama si bbxi, e mahalaga kung magtatagal ka sa japan; o kahit hindi. mas mag-e-enjoy ang bata, at mas marami siyang matututunan at ma-a-absorb, kung marunong siyang mag-nihongo dito sa japan), at (isa pang mahalagang bagay para sa pinoy) libre pa.
(b) ang disadvantage nga lang, di naman matututo ng english ang bata. kung ang balak ng magulang ay doon sa pinas pag-aralin ng high school o college (which usually is the case), kailangang marunong ding mag-ingles ang bata (walang silbi sa kanya ang mag-nihongo doon). of course, merong mga “international schools” – at a very steep price.
(c) sang-ayon ako sa inyo na di madaling project ang isang pinoy school, though i tend to agree with reon on all his three points: mas ok kung “international school” (hindi “philippine international school”) at mas makakapag-interact ang mga bata sa iba pang batang taga-ibang bansa; na nakasulat sa tagalog o english ang school announcements and letters; at yung pagtuturo ng english. lahat nito ay makakatulong sa pinoy na magulang, at palagay ko ay mas may market kapag ganito.
(d) then again, price is always an issue, so kailangan ay “affordable” (o kung hindi man, ay good value for money) para sa mga pinoy dito. pero tama rin si reon, palagay ko hindi mura ang magtayo ng school dito sa japan.
actually minsan ay napag-kuwentuhan namin ng isang kaibigan (pinay din) ang idea ng pagkakaroon ng isang daycare para sa mga pinoy. para sa akin, baka mas feasible ito, in that hindi naman kailangang masyadong malaki (at first) ang school, at di po-problemahin ang curriculum masyado. ang iniisip namin, doon sa daycare (siyempre pang-preschoolers) ay tuturuan din ng english ang mga bata, para mas may competitive advantage. at, siyempre, makakatulong din talaga sa mga magulang na kumakayod ng lapad kung meron silang mapag-iiwanan ng kanilang anak.
bbxi
06-29-2005, 08:43 PM
Good points mula sa inyong tatlo. Maganda kung mas maraming tao ang makakapagbigay ng opinion at suggestions tungkol dito. Wala kasi akong nakikitang discussions sa mga mailing lists lately. May masasabi ba ang ibang Timog surfers?
Paul
06-30-2005, 08:21 PM
eto, me nagtayo ng bilingual/bicultural na iskwela sa tokyo. jocoso.jp iew&srl=14
kyoko
07-06-2005, 07:34 PM
Hi sa lahat ng member d2
bago lang ako.YOROSHIKU
ito naman school sa Aichi para sa mga pinoy na hindi ipinagbigay ang karapatan ng pagpasok sa japanese public shool dahil may problema ng visa ang magulang nila.
http://www.nskk.org/chubu/nyc/elcc/elcc.html
This is an archived page from the former Timog Forum website.