Pinoy applying for refugee status in Japan

Hello kabayan! Tanong ko lang, mahirap bang magapply ng refugee status sa Japan? May chance bang maaprub? Kunyari galing ka sa magulong parte ng Pinas sa Mindanao baka may chance na mabigyan ng asylum. Asking for a friend.

muzukashii :thinking:

pasensya na sa tanong, gusto mo ba talagang mag claim ng asylum o gusto mo lang magtrabaho ng ilang buwan habang nakasalang ang application mo? palagay ko walang tsansang ma approve ang refugee application ng isang Pinoy

Filipinos have virtually no chance of being granted refugee status in Japan. Hindi naman warzone ang Pilipinas gaya ng Afghanistan.

May iba ng naga apply for refugee visa just to work for serveral months in Japan and then return to the Philippines. Ang alam ay hinigpitan na nila ang application process pare hindi ma exploit ng mga ganitong applicants.

muri ka :sweat_smile:

Ang good news kung masasabi mong good news ito: maraming tinanggap ang Japan na refugees noong 2023. Ang bad news ay walang Pinoy na kasama doon.

Ito, galing sa Wiki ng Timog mismo:

Table: Filipinos who applied for refugee status in Japan

2021 2022 2023
Number of applicants 28 29 86
Number of approved applications 0 0 0

Is this coincidence? Ito ang nakita ko sa FB ngayon lang. OP, sorry for hijacking this thread.

Si Edsel Villena, kasalukuyang tagapangulo ng KAFIN Saitama at dating coordinator ng Anakapawis sa Sta. Rosa Laguna, ay humaharap sa napaka-iregular at mahigpit na proseso ng aplikasyon para sa refugee status sa bansang Japan.

Si Edsel ay tumakas sa Pilipinas sa panahon ng pasistang pananalasa ng rehimeng Gloria Macapagal Arroyo noong 2005 ilang araw matapos paslangin and lider manggagawa at opisyal nang Anakpawis sa Laguna na si Ka Diosdado Fortuna. Dahil sa banta sa kaniyang seguridad at nang kanyang pamilya, napilitang magtago sa Japan si Edsel upang ilayo sa kapamahakan ang kanyang sarili at pamilya sa kamay ng mg ahente ng gubyerno na noon ay minamanmanan ang kanyang kilos at galaw. Ito din ang panahon na sinasaklot ng kilabot na mamamatay tao nang convicted na dating heneral Jovito Palparan ang mga komunidad at organisasyon ng mga mamamayan na lumalaban para sa tunay na kalayaan at karapatan sa kabuhayan.

Nais natin na kilalanin ng gubyerno nang Japan ang kalagayan ng mga aktibista at lider ng mga samahang masa na binabansagang terorista ng estado ng Pilipinas. Dinudukot, tinotortyur, o di kaya ay walang habas na pinapaslang ng mga ahente ng estado. Walang nakikitang paraan si Edsel Villena kundi ang ipagpatuloy ang pagoorganisa at pagpapakilos sa mamamayan upang mabago ang kadusta-dustang kalagayan ng mamamayang Pilipino.

Sa ganitong diwa, kung sya ay papauwiin sa Pilipinas, mananatili syang target ng hindi makatarungang persekusyon at atake ng mga ahente ng estado sa ilalim ng Anti-Terror Law na inaprubahan ni Duterte at ngayon ay kinakapitan naman ng rehimeng US-Marcos upang mapanatili ang kanyang kapit sa kapangyarihan at nang kanyang mga crony-alipores!

Saan mo nakuha ito?

While I don’t know the details, I would be surpised if a Filipino would be granted asylum in Japan. Since 2019, wala pang Pinoy na nabigyan ng refugee status dito.

If you look at the table below, refugees come from recognized warzones and global hotspots where people have been displaced by violence. The Philippines is not one of those places.

thankyou sa mga replies. wala akong experience dito sa refugee application kaya ako nakapagtanong. itong nasabi kong kaibigan talaga namang magulo sa kanilang lugar at gusto niyang umalis dahil sa karahasan ng mga nasa puwesto doon pero sabi ko nga ay bakit hindi na lang sa ibang parte ng pinas? mahirap din pala sa japan ang pagapply asylum

dito:

News kahapon lang. Lalong mas mahirap ang application ngayon ng asylum sa Japan.