lenske
10-18-2005, 02:54 AM
Nakita ko ang site na to at nakakaenjoy kumanta:D kaya mga kababayan ipakita nyo ang galing nyo sa pagkanta.hehehe!
http://www.jnieberg.com/pinoyvideokaraoke.ht m
halloween
10-18-2005, 10:34 AM
Grabe, nagulat ako sa sarili ko kasi habang kinakanta ko yung song na ANAK eh napaiyak ako. Di naman dahil sa problem child ako at nakakarelate sa lyrics pero na miss ko lang parents ko at naisip ang mga pagkukulang ko bilang anak. Oh God, how I miss my old man.
I remember that time when I got my first salary here. I boughtmy father some small things like perfume, belt and a cap. Like a self less father that he is, he said that I shouldnt have bothered and instead should save for myself. He has always been a good provider and a loving father. Kahit na yung disisyon kong mag-work dito sa Japan sinuportahan nya. I got all the financial and moral support. Matapos ang madugo at mahabang paliwanagan pinayagan nya na ko. Now, I am on my own and I couldnt help but feel a tinge of sadness everytime I reminisce our father-daughter moments.
Sana makatagpo ako ng lalaki na kagaya nya pero minus the womanizer trait. Chickboy kasi yon eh kaya naman ganon sha ka protective sa mga babaeng anak nya, natatakot siguro na baka ang karma eh sa amin mapunta.
Haaay parang father’s day ba, wala lang nagsesentimyento lang. Kasalanan mo to Lenske, you made me cry! biro lang , hehehe. Salamat sa mga posts mo ha from the music to the video clippings, nakakatuwa!
lenske
10-18-2005, 01:27 PM
buti naman at naappreciate mo yong mga post ko.Mahilig rin kasi ako sa music at matiyagang nakasurf lang sa net.Ito lang naman kasi ang libangan natin dito sa Japan.
DaiRyouKoJin
10-18-2005, 04:14 PM
magandang libangan. meron din ako alam na website kaso bka napuntahan na ng iba…
register lang kayo. free sya for 7 days tas pwede nyo record yung kanta nyo tas may option din kayo kung gusto nyo iparinig sa ibang member. may voting din sila dun sa pinakamagandang boses…sa ngayon wala pa akong pinoy na nakikita na kasali sa top ten…sali kayo bka sakali magkaron na!
rodem
10-18-2005, 07:24 PM
Ayos to ha… :thumb: pampawala nang lumbay… hehehe…
salamat sa inyo!
yosakoi-soran
10-18-2005, 07:44 PM
Nakita ko ang site na to at nakakaenjoy kumanta:D kaya mga kababayan ipakita nyo ang galing nyo sa pagkanta.hehehe!
http://www.jnieberg.com/pinoyvideokaraoke.ht m
Cool… lenske,
ang galing mo talagang mag-hanap…bilib kami lahat… hintay pa kaming lahat kung ano ang darating pa galing sa 'yo… aliw na aliw ako dito… 'di ko lang alam ang 'yung kantang iba… pero, okay na rin 'yung kahit tugtog na lang at binabasa ko na
lang 'yung lyric…ha…ha…h a… Thanks a lot;) sa uulitin ha…
nearane
10-18-2005, 09:19 PM
salamat lenske:) makakapag-practice na rin ako ng kanta:D mahilig akong kumanta kaya lang `yong kanta walang hilig sa akin:band: :sssh: :shutup:
crister
10-18-2005, 10:20 PM
wait ko na lang ang favorite na kanta ko…wala pa sa list eh…
This is an archived page from the former Timog Forum website.