Please help! nahihirapan sa Nihongo :(

pinaypie04

09-07-2005, 02:28 PM

alam nyo gusto ko na umuwi sa pilipinas kasi talagang di ko ma pick up ang nihongo talagang nahihirapan na ako… :frowning: pero ayaw naman ng nanay ko, naiintindihan ko naman siya, cyempre sa tagal namin na d nag kasama gusto nya maging mag kasama kami ! pero di ko talaga ma gets ang nihongo, pwede po ba, tips naman dyan! para mas madaling matutu ng nihongo…! sorry kung d2 ko ni post:bouncy:

yosakoi-soran

09-07-2005, 02:51 PM

Hey…pinaypie, hindi kita nakilala…sa mga wordings mo ngayon…I’m glad you’re back, na-mi-miss ka namin… madali lang yang problema mo, kausapin mo lang palagi si, Reon san, si Sam, si Kuya Nick, si goldhorse (nasa’n ka na goldhorse? miss na kita) si hotcake si maple, tuturuan ka nila…huwag ka nang malungkot…ilang taon na ba kayong hindi nag-kikita ng nanay mo? pinaypie?

pero masa gusto yung dating pinaypie, mas masaya:wave:

hotcake

09-07-2005, 03:09 PM

Hello pinaypie, bigla kang nawala. Iyon lang ang dahilan mo kung bakit gusto mo ng umuwi sa pinas. Iha di ba napababaw, di problema ang sinasabi mong problema mo. :slight_smile: Nag-aaral ka ba dito sa japan? kung oo, mas mainam na dito ka nalang para magkasama na kayo ng nanay mo talaga. pero kung hindi, ang pinaka-madali mong gawin para matuto ay manood ka ng TV palagi (hindi tagalog channel) then kung may salita doon sa pinapanood mo na di mo maintindihan ay itanong mo sa nanay mo ang meaning or tingnan mo ang meaning sa english-japanese dictionary. Isa pa kung may maliit na bata diyan sa bahay niyo ay makipag-usap ka sa kanya palagi kasi mas mabilis kang matututo kapag kausap mo ay bata. Gambatte ne.:smiley:

maple

09-07-2005, 03:17 PM

Hi pinaypie,

Member na rin ba ng TF ang mother mo? Kung hindi pa, tell her to join na rin.

My point here is, para hindi lang yung side mo ang maririnig namin. mas maganda rin siguro kung marinig namin ang side ng Nanay mo, maybe it will be easier for us to help you.:slight_smile:

maple

Summer!

09-07-2005, 03:23 PM

pinaypie, matanong ko lang, gaano ka na ba katagal dito sa Japan? Kung around 3-6 months pa lang e huwag ka mag-alala,lahat naman ng pinoy halos dumaan sa phase na iyan, yung akala di na siya matututo magsalita ng nihonggo, pero ngayon, nakakapag-communicate na kahit paano. Bata ka pa, mas malaki advantage mo matuto ng ibang salita. don’t worry. matututo ka rin.promise.:slight_smile:

honey

09-07-2005, 03:27 PM

hi! Pinaypie04 hindi mo kailangan isaulo lahat yung nihonggo (except kung student ka) importante may kausap kang japanese matututo ka sa kanila sa totoo lang.saka maunod ka ng SASAE SAN matutuo ka rin sa kapapanood ng japanese programs at kung matanung ka sa mga magagaling sa nihonggo.ako nga din hindi magaling magnihonggo pero hindi ko minamadali ang sarili ko kinakausap ko yung asawa ko, kaibigan kong japanese, chinachallenge ang sarili kong mamili mag-isa para matuto ako.nag-aaral konti lang mga naririnig kong salita yon tinatandaan ko at saka kun pano din nila gamitin.dito sa TF kahit tambay ka lang basabasa lang matututo ka PROMISE! tingin ko maraming magaling magnihonggo dito e!:smiley:

ichimar

09-07-2005, 04:06 PM

nasaan ba yung mommy mo…ilang buwan ka na ba dito…okey lng kung di ka gaano marunong magsalita ng nihongo,in the future matututo ka din…nood ka lng t.v,marami ka ng matututunan na nihongo.bit by bit matututo ka din,dont give up,u must try your best:) ganyan talaga lahat ng nagsisimula…keep up the good work;)

makulit

09-07-2005, 04:45 PM

kailangan may interes at determinasyon ka na matuto ng nihonggo. wala ako nyan :smiley:

anyways, i-clear mong mabuti ang isip mo at sabihin sa sarili na kaya ko to. kung talagang hirap ka, mag join ka ng mga free classes para sa mga students na foreigners. pagkakaalam ko assistance yon ng government sa mga foreigners para matulungan ka nila na matuto ng nihonggo.

kaya mo yan … mas masarap na kasama ang nanay kesa umuwi ka sa Manila. at hindi sagot ang paguwi sa Pilipinas kasi nahihirapan ka sa Nihonggo. Ibig lang sabihin, kailangan mong idoble o triplehin pa ang effort para matuto. Kung kaya nila, kaya mo din …

Good luck !

adechan

09-07-2005, 04:51 PM

elo pinaypie ayan daming mong karamay

ganyan talaga, lahat nagdadaan sa ganiyang stage, hindi lang dialect problem but also homesickness.

ako ang naalala ko kahit hindi ko maintindihan, nood lang ako ng nood ng tv, lalo na iyong mga comedy series and drama series

buti nga ikaw you’re here because gusto kang makasama nang nanay mo …

most of us here came to work, at kahit ano namang hirap talaga, ay kailangan kayanin para kumita. at sa case ko mga tatlong taon din yata bago ako nasanay nang japanese. minsan naalala ko noon, during my work, sa toilet ako nag-iiyak dahil hindi ako maka relate, at hindi rin ako makapag-express nang gusto kung sabihin, but the work must go on.

eh ngayon, kahit pa may mang-asar at ijiwaru(mang-aapi) na mga obasan(old women), masasabi ko, magaling na rin akong lumaban nang barahang pang biro

u will past that stage … all you have is find things that will occupy your time, explore and discover … cheer up … makenaide

tower23ph

09-07-2005, 08:05 PM

Pwedeng magtanong, ilang buwan ka n dito sa japan? Ako 5 months pa lang dito at talagang hirap ding magnihongo pero I accept this as a challenge kasi walang mangyayari sakin dito kung hindi ko maiiintindihan ang mga sinasabi ng host family ko. Buti ka pa nga kasama mo nanay mo,bakit hindi ka magpaturo ng magpaturo sa kanya di ba. Kailangan lang talaga ng panahon,sensiridad at damdamin na rin sa pag-aaral ng nihongo. Tinatanong ko nga minsan yung host mother ko e kc pag may hindi ako maintindihan pinapa explain ko sa kanya at mismong nihonjin ay nahihirapan ding mag explain kaya walang duda na mahirap talaga pero walang hindi kaya ang pinoy di ba.Nihongo ha honto ni muzukashi desu ne dakara issho ken mei benkyou shite kudasai!
God Bless and Gud Luck! Yoroshiku!

sam

09-07-2005, 10:29 PM

hello pinaypie!
Bago lang din ako dito sa Tokyo (half year). You should count it a blessing na kasama mo si Nanay dito and be encourage too sa mga taga TF na nag-reply sayo. check out the Sendagaya Japanese Institute (www.jp-sji.org (http://www.jp-sji.org)). Dito ako nag aral ng basic nihongo for free. Magbabayad ka lang ng 3000 yen para sa registration at material. Schedule is M-W-F with 3 different time slots for 7 weeks at a time. Kung gusto mo naman may Sat sched sila. Oct na yung susunod na batch so grab the opportunity. It’s really a fun-marami ka pang makikilala na foreigner. Don’t be late though, na late ako sa 1st day ng klase ko tapos tinanong agad ako ng teacher(paulit-ulit), di ko naintindihan kaya sabi ko na lang “WAKARIMASEN”, siyempre tawanan lahat ng nasa room-hehehe:D .
Gambatte ne:)

puting tainga

09-07-2005, 10:38 PM

TIPS:
Beginners: Memorize everything in your textbook by reading it out many times. (If you know a Japanese who helps you, much better.)
Write hiragana, katakana, kanji, many times until your hand moves automatically.
Show what you wrote to your teacher for accuracy.
If you can remember a kanji without writing it, you are a genius.

Sing karaoke to memorize new kanji.
Ask your Japanese friends to point out your mistakes on the spot, otherwise, you end up using wrong usage or wrong accent all the time.

Intermediate: Read books with furigana, such as books for children, or the Bible, for more kanji and words.
Study all the 1945 kanjis in the daily-use kanji chart.(This will take at least 5 years unless you are a genius.)

Advanced; Read, read, read

puting tainga

09-08-2005, 10:07 AM

Sumulat daw si Francisco Xavier, unang misyonario sa bansang Hapon, (16 century.)

Sa palagay niya ay nilikha ng satanas ang kanji, bilang pagsubok sa missyon niya. :smiley:

mcgregor

09-08-2005, 02:02 PM

hello there, pinaypie. bago lang din ako dito sa japan, 2months pa lang at hindi conversant sa nihongo. nag-aral ako sa pinas bago pumunta dito for 2 months pero sobrang basic lang. tapos one month ulit pagdating dito.

mahirap talaga aralin ang nihongo, sa palagay ko. kasi ibang iba sa tagalog at english. initially, nagko-compare ako ng conjugation at sentence patterns. sa atin nasa gitna ang subject, usually. sa english naman nasa unahan. sa nihongo, palaging una ang subject at huli ang verb.

tingin ko kailangan mo lang i-familiarize ang sarili mo sa basic differences. tapos aralin ang conjugation pattern. mag-memorize ka ng mga bagong words everyday. tapos mag-practice ka palagi.

pasaan ba’t matututo ka rin. buti nga ikaw may nanay na kasama. may magga-guide sa 'yo. matagal na proseso ang pag-aaral ng bagong salita pero palagay ko, makukuha sa tiyaga at pasensya. :slight_smile:

houseboy

09-10-2005, 02:48 AM

… kung ako sa yo, wag ka nang mag-aral ng Nihongo. Sila turuan mo mag-English. Hehehehe… biro lang.:stuck_out_tongue:

Paano nga ba matuto mag-nihongo? Hirap pa mag-aral ng Kanji. Tips naman diyan…

Tama nga sinabi nila. Ginawa ni Satanas yung Kanji. Tingnan mo, mapang-api yung mga Hapon. Hehehe…

crispee

09-10-2005, 09:08 AM

Hindi naman agad agad eh matututo ng nihonggo. Let’s imagine na plano mo pa lang pumunta ng japan eh ipinaglilihi ka na ng mother mo. Nung kumpleto ka na ng papeles at sigurado na ang flight, yun naman ay nagle-labor na at sinugod sa ospital. So paglabas mo ng Narita, one day ka pa lang pikit pa mata mo. Swerte mo kung nakakaintindi ka ng katiting na nihonggo:). After a year, something like yochien ka na di ba? Magsisimula ka pa lang maglakad nun. 2 - 3 yrs medyo marami ka ng alam na salita. So desidido talagang matuto yung mga kakababayan na nakaka-relate sa nihonggo after 3 yrs. 4 - 5 yrs and so forth and so on…So kumpara na lang natin ang sarili sa isang batang lumalaki na nag-aaral magsalita ng japanese. Di ba tuwing nakakakita at nakakarinig tayo ng mga batang pilipino na mahusay magsalita, nasasabi natin na buti pa 'tong mga tsikiting na 'to, ang gagaling mag-hapon. Ganyan din tayo. Ang kaibahan lang ay physical appearance, maliliit sila matanda na tayo(ako pala:D).

Sana ma-gets ni pinaypie ang gusto kong sabihin…swerte mo nga eh estudyante ka. Nasa iyo lahat ng paraan para matuto ng nihonggo. Remember, malabong maging fluent sa isang pitik lang;). Good luck ne.

P.S.
Pag na A to A pala, i consider that nakunan or abortion:D

Have a nice day people.

betong

09-10-2005, 09:09 AM

I think that the easiest way to learn a language is to completely blot out all other languages you know while trying to speak it. Try to think in that language so as to only remember words in that language. Of course it takes a lot of time and effort. Listen, be curious, enjoy it, write it, read it.
I am trying. Learning as well. But I don’t think it’s impossible. Will take time though. Tons of it.:wink:

eps

09-10-2005, 11:10 AM

Hello pinaypie04 !! Please don’t be discouraged…
Do you have Japanese or Filipino friends? If you often go out with your friends, you can learn Nihonggo from them. Another thing is, you can ask your mother to accompany you to the city hall(Board of Education Section 教育委員会=きょういくいいん かい) or community centers (こうみんかん) and make an inquiries about Japanese classes.
By the way, do you go to school?

pinaypie04

09-13-2005, 06:01 PM

im currently here with my mom of course… kse uHm… about 3 years din kme hindi nag kita cause nag asawa cya tapos hindi siya nag balak umuwi:P waehehe… aLam ko na miss nya rin ako… soe thanks sa mga tips ninyo… teka ok na ba ung pag ta type ko? actually kaya ako nahihirapan kasi student ako at WALA ako ginagawa sa school at nakakausap… wala kasing filipina sa batch ko… lagi ako nakatanga… minsan nga pakiramdam ko ang lonely lonely ko… kasi minsan pag mag me meeting ang student at teacher… tatawagin nila tapos ako hindi ko alam kung san ako pupwesto, ayoko naman sa likod! kasi nandun yong malalandi na nihonjin!!! naiirita ako sa kanila! ang iingay tapos ang haharot… wala lang=P nahihirapan ako… sorry ngaun lang ako nakabalik!=P sencia na… :stuck_out_tongue: na miss ko kayung lahat! thanks sa reply ninyo:P ako ay masaya=D ok ba? uHm… and questions nga pla… about sa mga gnagamit nilang, GA, NO, TO, WA, yung mga ganun… watashi wa ung mga ganyan… d ko kse alam kng san gnagamit yang mga yan… ang hirap:( thanks sa inyong lahat:P mahal ko kayo sandara parks wave ng hands ala byuti queen=)) loveshew all!! TIMOG ROCKS!

andres

09-13-2005, 10:49 PM

Hindi naman agad agad eh matututo ng nihonggo. Let’s imagine na plano mo pa lang pumunta ng japan eh ipinaglilihi ka na ng mother mo. Nung kumpleto ka na ng papeles at sigurado na ang flight, yun naman ay nagle-labor na at sinugod sa ospital. So paglabas mo ng Narita, one day ka pa lang pikit pa mata mo. Swerte mo kung nakakaintindi ka ng katiting na nihonggo:). After a year, something like yochien ka na di ba? Magsisimula ka pa lang maglakad nun. 2 - 3 yrs medyo marami ka ng alam na salita. So desidido talagang matuto yung mga kakababayan na nakaka-relate sa nihonggo after 3 yrs. 4 - 5 yrs and so forth and so on…So kumpara na lang natin ang sarili sa isang batang lumalaki na nag-aaral magsalita ng japanese. Di ba tuwing nakakakita at nakakarinig tayo ng mga batang pilipino na mahusay magsalita, nasasabi natin na buti pa 'tong mga tsikiting na 'to, ang gagaling mag-hapon. Ganyan din tayo. Ang kaibahan lang ay physical appearance, maliliit sila matanda na tayo(ako pala:D).

Manong Crispee,

Okey etong sinulat mo a… yan nga siguro ang tamang perspective, isipin na kumbaga ako’y sanggol pa lamang. Susubukan kong tandaan yan, para hindi masyadong ma-impatient sa pag-aaral ng nihongo :).

On the other hand, hindi ko ma-gets yung P.S.! :confused:

P.S.Pag na A to A pala, i consider that nakunan or abortion:D

crispee

09-13-2005, 11:06 PM

Hello Andy,

A to A means Airport to Airport. Halimbawa may kabayan na galing pinas. Pagdating sa narita, natuklasan ng immigration na hindi maayos ang papeles so pinabalik siya sa pinas. Hindi ko rin alam kung saan nag-originate ang ‘term’ na yan. Ito rin kasi ang paliwanag ng mga kaibigan nung ako naman ang nagtanong:).

crister

09-14-2005, 01:40 AM

im currently here with my mom of course… kse uHm… about 3 years din kme hindi nag kita cause nag asawa cya tapos hindi siya nag balak umuwi:P waehehe… aLam ko na miss nya rin ako… soe thanks sa mga tips ninyo… teka ok na ba ung pag ta type ko? actually kaya ako nahihirapan kasi student ako at WALA ako ginagawa sa school at nakakausap… wala kasing filipina sa batch ko… lagi ako nakatanga… minsan nga pakiramdam ko ang lonely lonely ko… kasi minsan pag mag me meeting ang student at teacher… tatawagin nila tapos ako hindi ko alam kung san ako pupwesto, ayoko naman sa likod! kasi nandun yong malalandi na nihonjin!!! naiirita ako sa kanila! ang iingay tapos ang haharot… wala lang=P nahihirapan ako… sorry ngaun lang ako nakabalik!=P sencia na… :stuck_out_tongue: na miss ko kayung lahat! thanks sa reply ninyo:P ako ay masaya=D ok ba? uHm… and questions nga pla… about sa mga gnagamit nilang, GA, NO, TO, WA, yung mga ganun… watashi wa ung mga ganyan… d ko kse alam kng san gnagamit yang mga yan… ang hirap:( thanks sa inyong lahat:P mahal ko kayo sandara parks wave ng hands ala byuti queen=)) loveshew all!! TIMOG ROCKS!

alam mo mas maigi nga na wala kang kasama na filipina kasi mas mapepwersa ka na magsalita ng nihongo. i am alraedy staying here sa japan for 7 months and i studied nihonggo during my first 6 weeks. mahirap talaga para sa mga bagong salta dito sa japan.

pero katulad ng sabi nila mas mabuti na kasama mo ang nanay mo at mag improve sa nihongo.

suggestion ko lang sa iyo, magbasa ka o try to get basic nihongo book.

medyo mahirap talaga intindihin salita ng hapon at kailan dapat gamitin ang mga particles na NI, WA, O, TO, GA, E, DE at kung ano ano pa. pero makukuha mo rin yan kasi bata ka pa.

ganbatte ne.

tower23ph

09-15-2005, 04:58 AM

4 me, mahalaga talaga sa nihongo ang basic. Step by step learning ika nga nila. Ang sanggol hindi agad pwedeng pakainin ng matitigas na bagay.

mquial

09-15-2005, 01:00 PM

manuals are basics.
Next step is to practice your hearing.
Babies learn language through hearing and not through reading manuals and memorizing.
Listen how japanese people speak and how they use the word.
I think the best resource, no other else, is by watching tv. Instead of watching cable dramas, try
to watch japanese programs.
Dont worry if at first you dont understand anything, I experienced the same thing.
Later you will notice that you are starting to comprehend.

piNkAhOLiC

10-05-2005, 06:01 AM

alam nyo gusto ko na umuwi sa pilipinas kasi talagang di ko ma pick up ang nihongo talagang nahihirapan na ako… :frowning: pero ayaw naman ng nanay ko, naiintindihan ko naman siya, cyempre sa tagal namin na d nag kasama gusto nya maging mag kasama kami ! pero di ko talaga ma gets ang nihongo, pwede po ba, tips naman dyan! para mas madaling matutu ng nihongo…! sorry kung d2 ko ni post:bouncy:

Ang una kong pinag-aralan is how to read,pronounce & write. The basics- katakana & hiragana. The whole day, yan lang ang ginagawa ko, mag-practice. In 1 week kabisado kona. :slight_smile: Then nag-aral ako ng kanji lesson. Which I think helped me kahit konti (kahit hindi ako pumapasok sa lessons) LOL:D

Are you in school? having a vacation? or what?

If you’re in school, it’ll be easy for you to learn Japanese. I rememeber nung nag-aral ako diyan, paimportante ako sa school. LOL:D I always tell my teacher na hindi ko maintindihan yung lessons (kahit naiintindihan ko) , then dadalihin ako sa isang room, tuturuan ako ng japanese… :stuck_out_tongue:

If you’re having a vacation or planning to live/stay there for good, you have to learn the basics - sa ayaw at gusto mo, kung hindi ikaw rin ang mahihirapan. Kahit hiragana & katakana lang muna, then tsaka na yung kanji. Pag-aralan mo rin yung basics like good morning,thank you ETC… And yeah, okay lang maging trying hard magsalita ng Japanese- I mean, kahit hirap ka i-construct or i-pronounce yung isang sentence/word, say it parin. Itatama ka naman ng people around you kung tingin nila eh mali ang sinsabi mo. And para mapractice mo rin diba. And use POLITE WORDS, kasi ako ibang klase nihonggo ko eh. LOL:)

This is an archived page from the former Timog Forum website.