Racism in Japan--any comments?

daddy_b

07-11-2005, 11:09 PM

Japan racism ‘deep and profound’
By Chris Hogg
BBC News, Tokyo

An independent investigator for the UN says racism in Japan is deep and profound, and the government does not recognise the depth of the problem.

Doudou Diene, a UN special rapporteur on racism and xenophobia, was speaking at the end of a nine-day tour of the country.

He said Japan should introduce new legislation to combat discrimination.

Mr Diene travelled to several Japanese cities during his visit, meeting minority groups and touring slums.

He said that although the government helped to organise his visit, he felt many officials failed to recognise the seriousness of the racism and discrimination minorities suffered.

He was also concerned that politicians used racist or nationalist themes, as he put it, to whip up popular emotions. He singled out the treatment of ethnic Koreans and Chinese and indigenous tribes.

Mr Diene says he plans to recommend that Japan enact a law against discrimination, which he said should be drawn up in consultation with minority groups.

He said he would now wait for the Japanese government to respond to his comments before submitting a report to the United Nations.

Story from BBC NEWS:
http://news.bbc.co.uk/go/pr/fr/-/2/hi/asia-pacific/4671687.stm

Published: 2005/07/11 11:26:31 GMT

© BBC MMV

reon

07-12-2005, 07:33 PM

Siguro nga “racist” ang Japan, isa sa pinaka-homogeneous societies sa buong mundo. Pero hindi siguro masyadong napapansin nating mga Pilipino dahil: 1. polite at orderly ang mga Hapon; 2. wala namang bitter history ang Pilipinas at Japan; 3. madali naman tayong mag-blend sa population dahil sa ating Asian features; 4. hindi siguro masyadong marunong ng Nihongo ang karamihan sa atin para malaman ang totoong nararamdaman ng mga Hapon. Mga hula lang yan lahat siyempre, kaya maaring mali. :growl:

Paul

07-12-2005, 09:00 PM

ang racism sa Japan (tulad ng ibang bagay sa Japan) ay hindi lantaran. hindi tulad ng racism sa ibang bansa na kitang-kita at minsan ay bayolente. kumbaga simplihan ang racism dito. subukan mong maghanap ng part-time job na eikaiwa (english teaching) at marami kang ma-eencounter na hindi tumatanggap ng hindi puti kasi yun ang image nila ng eikaiwa sensei. racism 'yon di ba? pero kung ikaw ang may-ari ng eikawa school at napapansin mong walang nag-eenrol sa iskwela mo kasi galing Asya ang mga nagtuturo, wala ka ring choice di ba? isang english conversation program lang sa NHK ang nakita ko na may taga-iba’t ibang bansa sa cast (na hindi ko na rin nakikita ngayon).

sa palagay ko, malaki rin ang kinalaman ng media sa racism dito sa japan. kung mapapansin niyo, laganap ang stereotyping dito. bawat tao ay nalalagay sa isang kategoriya o grupo. at 'yung grupong 'yon ay may mga katangian na siya namang nagdidikta kung anong klaseng trabaho ang para sa kanila. kumbaga, bawat tao ay may lugar at papel sa lipunan.

hindi pa naman ako naka-experience ng diretsuhang racism dito pero ito’y dulot na rin siguro ng galing nating mga pinoy sa pag-adapt sa ating paligid.

andres

07-12-2005, 09:40 PM

Agree ako dyan Paul, yan din sana sasabihin ko.
Hindi naman necessarily mas racist ang mga hapon, pero ang impression ko sa kanila ay wala silang nakikitang mali sa pag-stereotype ng mga tao, maging sa blood type o sa race o nationality.

Pero personally, hindi masyadong cool sa akin 'to, at masisiyahan ako kung mabawasan ang racial prejudice dito.

More on this issue from the BBC:
Japan mulls multicultural dawn (BBC NEWS | Asia-Pacific | Japan mulls multicultural dawn)

daddy_b

07-12-2005, 10:49 PM

there was a time na nakaranas ako ng “racism” dito sa japan. after completing my graduate studies sa isang unibersidad dito, nagkataon na nakahanap ako ng trabaho sa tokyo. at dahil masconvenient kung sa tokyo din ako nakatira, nagdecide akong maghanap ng apartment doon.

maniwala man kayo o sa hindi, lalong na sa mga hindi taga-tokyo, may mga “fudosan” (real estate brokers) na pagpasok mo pa lang sa pinto, sabihin na sa iyo kaagad na “gaijin dame” (bawal ang dayuhan). hindi ka pa nga nakapagsalita, pwedeng pumasok ka lang just to ask for directions. mga ilang beses ko rin naranasan ito. finally, may nahanap akong fudosan na sanay na sa mga gaijin, pero naghanap muna siya ng oyasan (owner) na payag sa gaijin. at siyempre, pagtumanggap sila ng gaijin, ang daming requirements, one of which is a guarantor na dapat Hapon na may posisyon sa society nila.

once, may kaibigan din akong Pinoy na nakipagnegotiate sa isang fudosan over the phone, at dahil magaling siyang mag-Hapon, akala ng fudosan, Hapon ang kausap niya. nag set sila ng appointment, pero ng nakita siya ng fudosan at nalaman na gaijin siya, nag gomenasai (sorry) kaagad ang fudosan dahil hindi sila nakikipagdeal sa gaijin.

kaya malakas ang kita ng mga katulad ng sakura house na gaijin lang customer dahil alam nila ang sitwasyon ng gaijin sa japan. a 6-tatami room with toilet and bath sa sakura house can cost as much as 80,000 yen/ mo., whereas normally, it’s probably only 50-55 thousand yen through a japanese fudosan, kung pagbigyan ka.

i have since returned to tsukuba where the japanese here are less “racist”, dahil siguro malaki ang percentage ng expat population dito at karamihan are either students or researchers. in other words, sanay na sila.

any comments?

Paul

07-12-2005, 11:28 PM

tutoo yang sinabi mo daddy_b. pareho din dito sa sendai. ang maganda rin dito ay kahit hindi sangkaterba ang mga foreigner ay kilala naman ng lahat ng tao ang tohoku university at mataas sa kaniling paningin ito. and since ang karamihan ng mga foreigner dito ay estudyante ng university, medyo nasanay na rin ang mga taga-sendai sa mga foreigner at alam nilang hindi lahat ng foreigner ay mga illegal at hindi sila mahihirapang magkaintindihan.

siguro nakatulong din ang history ng Sendai at ang pagpunta ng retainer ni Date Masamune na si Hasekura Tsunenaga (Hasekura Tsunenaga - Wikipedia) sa Mexico at Europe (at sa Pinas din) bilang ambassador at ang pagkakabinyag sa kanya bilang isang kristiyano. sa madaling salita, ang mga tao dito sa Sendai ay sanay na sa ‘gaijin’ at foreign culture nuon pang panahon ng kastila.

goldhorse

07-13-2005, 01:48 AM

Ako din naka experience ng discrimination nang naghahanap ng matitirahan dati. Nuong umpisa ayaw talaga ng oyasan na makipagusap man lang sa akin pero sinabi ng fudosan na nagtratrabaho ako para sa isang kilalalang Japanese company kaya pumayag din ng huli na makipag setup ng meeting. Yun nga lang sa inis ko sinabi ko sa fudosan na no thank you na lang, ayaw ko ng namimilit ng tao kung ayaw talaga. Pero kung minsan hindi mo din masisisi ang ibang oyasan dahil hindi rin natin ma-deny na mayroong na may mga foreigners na naguumpisa ng gulo. At gaya ng nasabi ng mga iba dito, may tendency na mag stereo type ng mga gaijin ang hapon. Siyempre damay pati ang mga umoobserba naman ng mga rules nila. Pero sterotyping can work both ways. Kung magpapakita tayo ng magandang asal, mas dadami ang hapon na may magandang impression sa mga Pinoy.

reon

07-14-2005, 08:06 PM

kagaya ng maraming concepts na gaya ng “capitalism” o “nationalism” at kung ano-ano pa, napaka-broad ng ibig sabihin ng “racism (Racism - Wikipedia)”. at tsaka isang “loaded” term ito kaya madaling ma-misinterpret.

yung example ni paul, ang pagiging english teacher ay hindi lang naman base sa galing sa english. kung galing lang sa english ang basehan, maraming english teachers sa japan, pinoy o caucasian o japanese man ang mawawalan ng trabaho. sa palagay ko, yung kulay ng buhok at mata ng applicants ay legitimate na criteria (kasama ng iba pa) para sa isang business na gustong kumuha ng maraming english students. “parang” racism ito (especially para sa ating mga pinoy na magaling namang mag-english kumpara sa ibang lahi), pero para sa akin, medyo “outside” lang ng konti sa “lantarang” racism.

yung example naman ni daddy b, medyo mas kumplikado. kung iisipin mo, yung ordinaring fudosan na “racist” ay kasing “racist” lang din ng kagaya ng sakura house na puro foreigners ang customers. ang pinagkaiba lang naman nila ay yung ordinaring fudosan, ayaw mag-take ng risk sa isang foreigner. yung sakura house naman, willing silang mag-take ng risk, binabawi lang nila sa mas mataas na presyo ng renta. wala masyadong pagkakaiba sa akin yon. maari nating sabihin na “racist” ang sakura house dahil pinapatawan nila ng mas mataas na renta ang mga gaijin, hindi kaya?

ang tungkol naman sa risks ng isang fudosan sa mga gaijins, legitimate na issue ito. sa atin lang na mga pinoy, marami ang umaalis sa bahay nang hindi naglilinis, hindi nase-settle ang accounts, o kaya maingay sa mga kapitbahay, hindi nagtatapon ng basura sa tamang lugar at panahon, etc. i’m sure, ang ibang lahi ganoon din. kung ikaw ay isang seryosong business, kailangan mong bigyan ng pansin ang ganitong concerns.

siyempre, bilang mga pinoy, hindi rin maganda sa atin ang “discrimination” ng mga fudosan (o mga english schools), pero bilang residents ng japan, kailangan nating makita ang japan sa point of view ng mga nihonjin, hindi lang sa ating side.

yong tungkol naman sa sakura house, maniniwala ako na wala silang pakialam sa race ng mga customers nila (i.e. hindi sila “racist”) kung pareho lang ang rates ng renta nila sa ordinaring japanese na fudosan. unfortunately, mababa lang din ang tingin nila sa mga gaijin, na makikita sa kanilang mas mataas na renta. mas willing lang silang mag-take ng risk (baka may magaling sa kanilang mag-english). mukha namang magaling na business decision pala sa kanila ito. comments?

Dax

07-15-2005, 11:35 AM

maraming beses na ako nakaranas ng racism dito sa japan, sa inaka man at sa tokyo.

tulad ni daddy_b, nakaranas na akong tanggihan ng fudousan chuukai (sa tokyo) dahil lamang sa foreigner ako. fluent ako sa nihongo, matagal na ako sa japan, at alam na alam ko ang customs/mentality nila…pero nahirapan pa din akong maghanap ng apato. ang ginawa ko tinawagan ko ang isang chuukai (nagsisimula sa “エ”) at sabi ko pupunta ako sa office nila para mag-soudan sa apato. ang purpose ng tawag na yun ay maipakita sa kanya na wala akong problema sa nihongo! so pagpunta ko sa kanila, nagpakilala ako na gaijin ako, nag-aral ng medyo matagal dito sa japan, at ngayon bumalik na sa tokyo para magtrabaho. pinaliwanag ko na alam ko ang customs nila, na medyo paranoid sila sa mga sunog, ayaw ng maingay, ayaw ng hindi sumusunod sa tamang pagtapon ng basura etc. at sinabi ko pa na naiintindihan ko na maraming ooyasan na ayaw sa gaijin dahil sa fuan sila na baka magka-problema. kinwento ko ang mga yan para ma-convince yung agent ng エ na i-recommend ako sa ooya! buti naman at na-gets nya at nung tinawagan nya ang mga ooya ay nilakad nya talaga ako. 3 o 4 na apato ang pinagpilian ko at kahit na nag-gambaru itong agent ay may ayaw pa din sa akin dahil gaijin ako.

noong estudyante pa ako (sa inaka), sa paga-arubaito din maraming beses na tinatanggihan ako (sa phone tanggap ako kasi akala nihonjin, pero sa interview hindi). biro mo nag-apply lang ako ng keibiin sa isang contruction work (yung may hawak na parang light saber na taga “o ray, o ray” sa mga dumadaan na kotse), di daw pwede kasi hindi ako nag-aral ng gimu kyouiku (compulsory education, i.e. elementary at chuugakkou) dito sa japan! may permit naman akong mag-baito, wala akong problema sa nihongo, yaruki manman, lahat na except hindi ako nihonjin pero kahit menial baito tinanggihan.

to conclude: ang masasabi ko sa racism dito ay natural na sa mga hapon up to the point na “warugi ga nai” in MOST cases. di naman nila (karamihan) sinasadyang maging racist! siempre may exteme din tulad ni tokyo gov. ishihara, na self-proclaimed racist talaga, pero ang ordinaryong suzuki tarou (tama ba? juan de la cruz ng japan?) ay mabait at hindi naman sinasadya maging racist. kung alam nyo yung “onsen case” ni arudou debito, ang desisyon ng isang judge in favor ni debito ay “unreasonable racism” daw! aba, meron palang “reasonable” racism!?

pero kung tutuusin, pati ang ordinaryong juan de la cruz ay tulad din ni tarou…may pagka racist. ayaw man natin tanggapin, maraming pinoy ang may prejudice sa mga MAIITIM. madalas nating nakikita sa tv na ginagago/ginagaga sila, esp. yung mga artistang may lahing africano. di ba racism din ito?

sam

07-16-2005, 02:45 PM

racism is really a very deep and serious disease, but it also crosses any race. lahat tayo, guilty of committing it in one form or another. we just realize it, when the victim is us, or someone we know.

i just came back from a abroad with my japanese teacher. to anyone there, he was boasting that the japanese delegates would be shopping to expensive shops only. i was part of the delegate, and had to speak for japan (kasi, di nga sila maruong mag-english), but i wasnt included in the shopping budget. equivalent to 340yen lang binigay sa kin. hahha. first, i felt hurt, but then i realized how absurd it was. saka, shopping lang naman ang kaligayan nila (because they are basically a materialistic nation). but, they may be rich financially, but not really generous at all.

to save me from feeling “api”, i just prayed to God to sustain me, and always remember, that as a Christian (very Filipino), i should always love my enemy. hay naku, talaga.

ghostrider

07-21-2005, 09:22 AM

This matter is often brought up among Japanese especially with N.Korean,S.Korean and Chinese living in Japan for many generations. I am Japanese and as I was attending to school in Japan,I had many classmates who are minorities. As being a young and naive,I never thought of them as different and never imagined that society would discriminate minority people. :mad:

Japanese esteen purity of people very much. As you know,Japan closed country to the rest of world for many years in our histroy. Being Japanese and living in a small island not conected to any of neighboring countries having no experience of foreigners living here,majority people of Japan simply do not have sence of hospitality and love to “gaikoku-jin”. :eek:

Most of signs that you find here in Japan are writen in Japanese language only. If you go ask directions at “koban” police box in english,most time you will get “No english sorry”. Japanese take 6 years of English class and yet most of them do not speak the language at all.
So,when a foreigner apply for an apartment house in Japan,in most of cases they will get turned down because the landlord do not want to talk to them in unknown laguage. Almost same thing happens when foreigners go to cityhall. Most of forms which you need to fill in are writen in Japanese only,so you go to staff and try to question them in English and You will be ended up staying there for all-day long to understand!:mad:

Japan is not kind to foreign visitors. a word “gai-jin” means outsider,and it is discriminating word to call foreigners. I suppose that Japan need to classify “insider” and “outsider”.
I sincerely hope that in near future Japanese stop being prejudice.:slight_smile:

Peace and happiness to you all!

tirik

07-22-2005, 10:01 AM

I am a Filipino living here in Tokyo for more than 10 years. But hindi ko na-experience ang racism. Blending in is the name of the game.

Dax

07-22-2005, 11:02 AM

Swerte mo naman tirik at hindi ka pa nakaranas ng racism o discrimination. Ako din lampas nang 10 years (more precisely 11) na nakatira dito sa Japan.

Hindi ko problema ang “blending-in” na nabanggit mo, madalas nga napagkakamalan ako ng mga Hapones na kapareho nila, hindi lang dahil sa proficiency sa Nihongo, kundi pati na sa isip at gawa ko na mas malapit na sa Nihonjin kesa sa Pinoy (di ko alam kung ok to o hindi hehe).

Maitanong ko lang tirik, nakaranas ka na bang mag-hanap ng arubaito/trabaho, at tirahan dito? :confused: Share ka naman ng mga karanasan mo.

I am a Filipino living here in Tokyo for more than 10 years. But hindi ko na-experience ang racism. Blending in is the name of the game.

tirik

07-22-2005, 11:21 AM

Swerte mo naman tirik at hindi ka pa nakaranas ng racism o discrimination. Ako din lampas nang 10 years (more precisely 11) na nakatira dito sa Japan.

Hindi ko problema ang “blending-in” na nabanggit mo, madalas nga napagkakamalan ako ng mga Hapones na kapareho nila, hindi lang dahil sa proficiency sa Nihongo, kundi pati na sa isip at gawa ko na mas malapit na sa Nihonjin kesa sa Pinoy (di ko alam kung ok to o hindi hehe).

Maitanong ko lang tirik, nakaranas ka na bang mag-hanap ng arubaito/trabaho, at tirahan dito? :confused: Share ka naman ng mga karanasan mo.
Tirahan…after 3 years na naka-depend sa pinag-ta-trabahuhan kong company ang tirahan ko, I planned of finding my own place para kung maisipan ko mang mag-resign, di ko na po-problemahin ang paghahanap na naman ng bagong tirahan. Nasa pakikipag-usap lang naman ang “trick” dito. And, kung puwede nyong baguhin ang appearance nyo, I mean maki-uso sa kung anong meron sa Japan (yong disente but nasa trend, ika nga), palagay ko mababawasan ang mga unwanted experiences bilang gaikokujin dito sa Japan. Maraming Japanese, kapag na-aaloof or nahihiya na, ang tendency nila ay tumakas or magpaka-“hidoi” para mas madali ang usapan. Not nice, but effective on their part. Arubaito, no. Kasi bawal sa kontrata ko ang mag-dobleng trabaho. :smiley:

pointblank

07-22-2005, 04:00 PM

i just came back from a abroad with my japanese teacher …but i wasnt included in the shopping budget. equivalent to 340yen lang binigay sa kin.

Naku, ang sarap yata ng junket na yan, may kasamang shopping budget!! National university ba ang school mo, o private institution? If it is a government university (kese kokuritsu o kenritsu o shiritsu o kahit na kuritsu), meaning to say na subsidized sila by the taxes na binabayaran naming mga gutom na salariman dito sa Japan — alam ba ng sensei mo na ILLEGAL yang ginagawa nilang shopping? Meron binibigay na per diem allowance as part of the travelling expenses, pero subisidy lang ito para sa pagkain. I don’t know about government institutions, but even at the blue-chip Japanese companies, this would not exceed 50 dollars a day unless board of directors ka na, which is not really a lot if you get stuck inside the convention hotel and need to eat there. If your sensei disbursed lab funding for shopping - pwede mong ipa-imbestiga yan! Malaking skandalo! :eek:

Going back to the discrimination issue. Kahit na ano pa ang sabihin natin, MERONG discrimination. The difference is simply the amount of discrimination, and whether or not one notices the discrimination. May iba diyan, sobrang sensitiba labatiba, may api complex kaya kahit na wala ay nagke-claim na na discriminate siya. Yung mga iba naman, manhid, binaon na sa lupa, feeling walang nagyayari pa rin.

I think that one relevant point to make is: kasalanan din natin yan to an extent. We know that the Japanese are prone to stereotyping. Pag nakakita sila ng ilang mga pareho ang ugali, lahat kayo ganun na. Aminin natin: e talaga naman maraming Pinoy (hindi lahat, pero marami) ang maingay, makalat, hindi sumusunod sa patakaran, matigas ang ulo, burara, atbp, atbp. Can you totally blame the Japanese for lumping all of us in one category? Should they keep giving every individual one of us a chance to prove himself different from the other bad eggs?

Kaya ang name of the game dito ay; unahan na dapat ng magandang impression. Which is why I have been adamant (see my other posts) that we need to clean up our act and police our own ranks. Pag may nakita kang mali o nag-aatempt na gumawa ng katarantaduhan, hindi dapat magbulag-bulagan dahil eventually, sa atin din yan babalik! :mad:

andres

07-22-2005, 10:28 PM

Siguro nga kailangan nating baguhin ang asal natin, para maging mas responsable tayo at para mas mag “blend in” sa population, but only to a point. Kung tayo naghihirap na makibagay dito, siguro naman it’s not too much too ask to be treated decently and fairly. Fortunately I myself have never experienced overt discrimination here (o baka manhid lang talaga ako hehehe), pero parang karamihan ng nag-post dito ay nakaranas na nito in one way or another.

I just hope that we won’t end up thinking that it’s somehow always our fault; that would be “blaming the victim”, no?

Besides, I think it’s really in Japan’s best interest to treat gaikokujin better. What with the graying population, pretty soon they’ll have a very big social problem on their hands, and they’ll have to rely more and more on a foreign workforce. My prediction is that the J government will soon pass laws to help curb discrimination (maybe in 5 years?), but I dunno, old habits die hard as they say.

stanfordmed

07-23-2005, 05:35 PM

How about charging 40,000 yen to have a cable connected to TV? (If you require a cable person that knows how to speak English).
What a rip off! :bite:

pointblank

07-23-2005, 11:28 PM

I just hope that we won’t end up thinking that it’s somehow always our fault; that would be “blaming the victim”, no?

Di naman siguro, dahil malinaw naman madals kung meron talagang naagrabyado as a result of discrimination.

Minsan lang nga, “zurui” (madugas) din kasi ang mga gaijin. Pag pabor sa kanila ang resulta ng “special treatment”, they take advantage of it without batting an eyelash. Pag nasa losing end sila, eto na at magko-complain ng discrimination. Ang madalas na guilty sa double standard ay yung mga Caucasians because they get a lot of preferential treatment here in Japan. Mabilis silang maging English teacher, kahit na di marunong mag-Ingles (see the related thread here at Timog.) Yung mga ibang trabaho na service industry, pag puti ka, sa front desk ka ia-assign, pag Asian ka, doon ka sa kusina at naghuhugas ng pinggan. Even with white collar jobs, the Westerners have an advantage kahit na mas qualified yung Asians. Of course, with regards to matters of the heart, ganun din: just go to Roppongi or many other bars here in Tokyo, and you can see Caucasians (and blacks, as well) practically carrying off Japanese women as if it were their birthright. Meron ka bang nariring na “It’s unfair!” sa mga ganung sitwasyon? Pero eto, ask for their gaijin cards or ID when they apply for something, hihirit na yan ng “discrimination”.

As for Pinoys naman, katulad ng sinabi ko, dapat talaga na matututo tayong mag-behave. I am not asking for us to lose our identities by becoming Japanese - just simply that we respect the rules and manners of this country. Katulad na lang yang simbahan sa Yotsuya tuwing Linggo. Bawal magbenta doon - alam yan ng mga Pinoy. Pero eto, parang palengke. Nung sa simula, dyaryo at phone cards lang. Nag-expand sa pansit at turon. Ngayon, may mga mobile carinderia na doon - with matching kawali pa at doon na nagluluto! Yung dyaryo ay meron nang kasamang video at DVD - syempre pirated copies imported from RP. Hindi nagpatalo si Aling Rosing - nagbenta naman ng T-shirt at jeans. As of last week, meron pa akong nakitang malaking sign na nagbebenta ng “T-back” panties. :eek: Susmaryosep, harap ng simbahan 'to, ano? :mad: Ginawang Baclaran!! And then we complain of discrimination when the Japanese think Filipinos are magulo and law breakers?

Discrimination is not right and should be stopped. But we should also stop giving them reasons to discriminate against us. We cannot have our binbingka and eat it, too.

stanfordmed

07-24-2005, 10:05 AM

As for Pinoys naman, katulad ng sinabi ko, dapat talaga na matututo tayong mag-behave. I am not asking for us to lose our identities by becoming Japanese - just simply that we respect the rules and manners of this country. Katulad na lang yang simbahan sa Yotsuya tuwing Linggo. Bawal magbenta doon - alam yan ng mga Pinoy. Pero eto, parang palengke. Nung sa simula, dyaryo at phone cards lang. Nag-expand sa pansit at turon. Ngayon, may mga mobile carinderia na doon - with matching kawali pa at doon na nagluluto! Yung dyaryo ay meron nang kasamang video at DVD - syempre pirated copies imported from RP. Hindi nagpatalo si Aling Rosing - nagbenta naman ng T-shirt at jeans. As of last week, meron pa akong nakitang malaking sign na nagbebenta ng “T-back” panties. :eek: Susmaryosep, harap ng simbahan 'to, ano? :mad: Ginawang Baclaran!! And then we complain of discrimination when the Japanese think Filipinos are magulo and law breakers?

Discrimination is not right and should be stopped. But we should also stop giving them reasons to discriminate against us. We cannot have our binbingka and eat it, too.
Right on target! You are absolutely right.
On the other hand, as a concerned citizen- how about posting a reminder na bawal magbenta doon?

andres

07-24-2005, 10:21 AM

Hmmmmmm. tama ka dyan, pointblank. Okay din ang suggestion mo stanfordmed… pero malamang hindi rin susundin!

stanfordmed

07-24-2005, 01:55 PM

Interesting article:
WHEN EAST MARRIES WEST
Groping for answers on gropers
http://www.japantimes.co.jp/cgi-bin/getarticle.pl5?fl200 50723td.htm (http://www.japantimes.co.jp/cgi-bin/getarticle.pl5?fl200 50723td.htm)

makulit

07-25-2005, 05:05 AM

I’ve been here for 7 years now. Never akong naka-experience ng racism.

neblus

07-25-2005, 03:24 PM

Matagal na rin ako sa Japan (almost 16 years) and “stanfordmed” - 15 of those in the Yokohama area. I have mixed experiences sa racism and I could say na compared to the time na kadarating ko lang to now, lesser na iyong instances na may racism.

Nandiyan pa rin iyong mga fudosan or real estate agent who wont entertain dahil foreigner ka but there are also those na if you talk to them, they will start looking at you as an individual and not part of a bigger group.

Sometimes kasalanan din naman nga natin kagaya ng sinabi ni Pointblank. There was a time na mag naghabulan ng itak sa lugar ko na mga Pinoy and masisisi mo ba iyong mga Hapon kung matakot sa mga Pinoy after that? Pero huwag din nating sisihin iyong “victim,” sabi nga noong isa. It does not mean na porke naka mini-skirt tayo, that is an invitation para “hipuan” mo iyong tao. Obviously, kailangang sisihin din natin iyong mga hapon. But at the same time, we should also try to follow their ways as much as possible - they never asked us to be here in the first place.

Ang worst case of racism na nakita ko (it did not happen to me fortunately… or hindi pa) is, someone truly capable pero hindi na-promote even once in 30 years until he retired from the company dahil Pinoy siya working for a traditional Japanese firm. He got the money as he put on the years but not the recognition. I guess pwede naman siyang lumipat ng ibang company but he did not so kasalanan din niya. But if any one feels na ganito, let us know and I am sure among the members of the group, maraming tayong headhunter na maipakikilala!

pointblank

07-25-2005, 08:36 PM

Regarding the pagbebenta sa harap ng St. Ignatius Church sa Yotsuya. Hindi lang isa ang sign na linagay kundi marami. Every week sa Mass nag-remind sila tungkol diyan sa bentahan. Tuyo na ang laway ng mga pari at madre sa pakiusap, sa sermon, sa dasal, etc. sa tingin niyo ba may mangyari? Pati pulis nagsawa na sa kaka-pulis.

Para hindi mapahiya ang mga Pilipino, ginawa pa nga nilang Tagalog yung announcement after the Mass - tipong sa atin-atin na lang at hindi naiintindihan ng ibang banyaga. Aba, nagkaroon ng mini-revolution ang mga Pinoy. Discrimination daw - bakit daw sini-single out ang Pilipino at sa Tagalog pa sinasabi. Binastos daw ang karangalan natin. E sus my gulay! Pinoy lang naman ang nagbebenta doon - walang Hapon, walang Instik, walang Bumbay! Yung may kasalanan pa ang galit. Come to think of it, itong reaction ni GMA sa pandaraya niya sa elections na siya pa yung adamant na binibiktima raw siya ng kalaban niya - it’s soooo Pinoy!!

The gist is: walang pakialam yung mga Pinoy doon kung sino ang magambala o maperwisyo as long as makapagnegosyo sila. May sinabi si neblus na dapat tandaan ng lahat ng Pinoy: they never asked us to be here in the first place.

Just because our country is poor does not mean Japan or the world owes us a living. Just because our corrupt politicians have squandered and stolen all out national wealth, leaving us without jobs, does it mean na dapat nila tayong tanggapin at bigyan ng trabaho. We have to remember that we are here on the good graces of the host country - our stay here is a courtesy accorded to us, it is not our right. Ang problema sa Pinoy, akala nila karapatan nila ang manatili dito. (They will not say it, and they will claim not to think that way, but actions speak louder than words - tignan mo ang behavior nila!)

Again, I make it clear that discrimination is bad and should not happen. Pero kung binabastos natin ang kultura, lipunan at batas nila, we are asking for it!!

Doon naman sa promotion within a Japanese company: meron talagang glass ceiling. Kahit na very qualified ka, unless you are with a company that is extremely open minded, talagang hanggang doon ka na lang as a gaijin. I guess it also depends on the industry and on the job description. Kung technical field ka na pure competence lang ang kailangan, there is a good chance to rise up the ranks if you are really good. But if you are in fields like sales or marketing or other “human relationship” areas - mahirap. One of the reasons is that the clients will prefer dealing with a Japanese instead of you - lalo na kung sensitive yung mga negotiations na mukhang merong under the table dealings o kickbacks involved. You can sweat your ass off doing the dirty work to get a client, pero yung final clincher, they will want to talk to a Japanese (for many reasons - either dahil meron ngang mga dango involved, or they think that a gaijin cannot speak for the company, or maybe the gaijin will be gone in a few months, etc), at doon sa Hapon mapupunta yung final credits. Ganun talaga… Japan ito, and this is still a closed society. :frowning:

v_wrangler

07-25-2005, 09:13 PM

Pointblank, you sound like the old-lady old-timer I know…

Actually, naeentertain ako reading your posts - you have a point and most if not all - I do share some of your sentiments. The problem is - you tend to shove your self-righteousness into everybodys mouth too much. :slight_smile: Hinay-hinay lang Kabayan.

Di ako naniniwala sa sinasabi mong ang hapon gusto lang ay hapon ang kausap, lalo pag delicate o importatnteng negotiation. Katulad ng ilang nakakarami, I eat, drink, work, argue, exchange pleasantries, and I even share my bed with a Japanese (baka katulad mo din). I have done quite a bit of negotiating for my company even with my katakoto Japanese, and I have closed if not concluded quite a few successful ones. Its not always like what you are trying to picture my kabayan, while you may be correct in some instances - there will always be an exception. If you approach the people around you, your clients or your company with humility and sincerity, project yourself as a person who give outmost importance to responsibility, I am sure you will be treated with the same respect and importance like any other Japanese. That simple. Pag bastos ka, eh siempre bastos ang magiging tingin sa yo…

our stay here is a courtesy accorded to us, it is not our right. Ang problema sa Pinoy, akala nila karapatan nila ang manatili dito. One will never be able to assimilate kung ganyan palagi ang thinking - While I agree that respect is a two-way street, your statements remains unfair to those of us who have familial ties and have considered Japan to be our home.

Hindi problema ng pinoy yong pag-aasam asam sa kanyang karapatang manirahan sa Japan. Sa kadahilanang - karapatan ng bawat isa ang maitaguyod ang kanyang buhay kahit saan lupalop ng mundo. Hanggat ito’y naaayon sa batas at di lumilikha ng puwerhisyo sa kanyang kapwa o kapaligiran. Sa aking pansariling palagay, ang mas malaganap at bulok na problema ng pinoy dito sa Japan, maging saan man dako ng mundo - ay ang maingay at palagiang pagpapatunay na mas magaling siya sa kanyang kapwa pinoy…

stanfordmed

07-25-2005, 09:36 PM

Regarding the pagbebenta sa harap ng St. Ignatius Church sa Yotsuya. Hindi lang isa ang sign na linagay kundi marami. Every week sa Mass nag-remind sila tungkol diyan sa bentahan. Tuyo na ang laway ng mga pari at madre sa pakiusap, sa sermon, sa dasal, etc. sa tingin niyo ba may mangyari? Pati pulis nagsawa na sa kaka-pulis.
If posting notice and or giving warnings to the offenders are not effectual, why not appeal to the public or make the would-be customers feel ‘morally’ guilty about contributing to the crime?

pointblank

07-25-2005, 10:40 PM

One will never be able to assimilate kung ganyan palagi ang thinking - While I agree that respect is a two-way street, your statements remains unfair to those of us who have familial ties and have considered Japan to be our home.
[/size][/font]

Hello v_wrangler.

I think we are thinking along the same line here, pero iba lang ang use of words. If you are trying to assimilate into Japanese culture and society - nasa consciousness mo na ang respetuhin ang Japan, and it will show in your daily actions. I find this attitude of wanting to assimilate very admirable.

Ang problema nga doon sa mga nag-iinsist that they be allowed to act without any restraint (as in, walang pakundangan) and do as they please here in Japan the way they do in the Philippines. That is what I meant with the statement na “akala nila karapatan nila ang manatili dito” - that they act as if it is their birthright to be in this country.

Even if you have familial ties in Japan, you are still legally a guest here until you apply and change your citizenship to Japanese. If you are married to a Japanese, your stay here is a courtesy provided to you and your spouse by the Japanese government. Pwede yan bawiin anytime. (Kahit sa anong bansa sa mundo, mag-apply ka ng visa, merong silang disclaimer na “possession of a visa is not a guarantee that you will be allowed to entry the country”. Ganun din sa residency ng foreigners - wala kang absolute guarantee hanggang hindi ka maging citizen o at the very least permanent resident.)

As for the negotiations with the Japanese… I do not know what your line of work is, and you may be one of the few to have broken the barrier, but: it depends on the negotiation amount. If you talking of deals in the low millions, hindi yan problema. But if you are dealing with contracts that are in the tens or hundreds of oku’s (billions), I’m almost sure na Hapon ang kausap nila to close the deal. Kahit na ikaw ang nagdevelop ng product, kahit na ikaw ang kausap nila all the way at bow-to-death ka :bowdown: with matching service with a smile. :hihi: (P.S. We are talking of traditional Japanese companies here.) Ang problema is, these are the deals you need to your credit to be promoted to the big time - hindi lang kacho or even bucho (which is not really that difficult to be promoted to), but to senior management level. It’s just the way major deals are done in Japan - parang political wheeling dealing din yan na puro hush-hush behind the scenes - diyan nabubuhay ang mga traditional ryotei at mga mamasan sa Ginza. (O sige, another reckless generalization: if you haven’t been to a ryotei like Kicho or to a Ginza bar until 3AM, you haven’t really done any serious dealing. Yung drama last season ni Yonekura Ryoko na “Kurokawa no Techo”, hindi purely exaggeration yon. Makikisawsaw ka sa dumi if you are eyeing a torishimari-yaku post!)

If you notice, with all the gaijins working in Japan, ilang lang ang foreigners ang nag-rise through the ranks to senior management sa isang Japanese company? Halos wala. Yes, there are foreigners in the board of some companies, and the new president of Sony is an American (yata, I forget the nationality), but these guys have been “directly imported” from abroad. Mataas na sila sa foreign subsidiaries or partnerships bago pinasok sa Japan.

Oo nga pala, don’t worry, di ako galit sa mundo. :wink: It’s just that I tend not to engage in small talk, so maraming mga threads ang hindi ko na pinapasukan. Lumalabas tuloy na tuwing lumilitaw ako ay meron akong pinapatos. :smiley: As you surely must have noticed by now, naniniwala ako na dapat magpakabait ang mga Pinoy para lahat tayo ay makinabang sa improved image natin. Kaya ayun, para tuloy akong self-appointed Ombudsman o kaya’y terror teacher na inuunahan na ang mga estudyante bago magloko… :devil:

v_wrangler

07-25-2005, 11:05 PM

Thanks pointblank for your wonderful insights.:slight_smile:
I think the question about being a guest in Japan will always go above its legal definition. The heart will always dictate. Home is where the heart is. :slight_smile: But I am sure that if one act like a mere guest (enryo suru), it will earn us all more pogi points!
lalo na dito sa bansang Hapon…

Looking forward to your posts.:wink:

Regards,

aiko

08-16-2005, 12:36 AM

dont you think ,concerned dito (racism) ung mga media nagpapalabas ng documentary sa phil…na ang pinapakita lagi eh ung mga street children at smokey mountain

Dkid

08-16-2005, 06:09 PM

when youre in rome be a roman.
even if youre acting like a roman when in rome, i bet there is always racism and discrimination. even in the jungles, racism is so visible. in the animal kingdom, babe (the pig) taught us how to blend and be accepted in the society. if we learn to count the blessings, i guess it outweighs the other. there can never be a perfect society.

Naka tatlong lipat na rin akong tirahan dito sa Kawasaki, going to fodusan by myself. Bago ko nakuha yung una kung apato, ive been rejected outright or offered 120,000 per month for a 6 tatami room, because i am a gaikokujin. mga walong fudo/san siguro, at pang siyam yung nakuha ko.halos ganun din ang experience ko sa pangalawa at sa ngayong pangatlong lipat ko. di ko lang masyadong pinansin yung mga rejections/comments ng fudosan/oyasan, dahil tanggap ko na nasa japan ako.

pero, tungkol naman sa trabaho ko, ive never experience racism and have never been descriminated nor received any special treatment because i am a foreigner.

gradweyt napo tayo sa philo 101 — logic:

shintarou is a japanese
shintarou is a racist
japanese are racist

lets be more reasonable.
the world is getting smaller everyday

jay402c

08-16-2005, 06:34 PM

first time kong mag try kumuha o mag convert ng japanese driving license.di ko na matandaan yung place kasi 1991 pa yun.basta sa malapit sa pagitan ng yamato shi at yokohama sa kanagawa ken.
sa actual driving test,10 na japanese ang nakasabay ko at 4 foreigners.bakit ganoon ang sistema nila.pinauna muna lahat yung mga japanese kahit at ini-huli ang mga foreigners?pare-parehas lng naman ang binayaran namin fee at pere-pareho lng naman ang exam namin.ganito ba yung racism?

hotcake

08-16-2005, 07:40 PM

Naka-experience din ako ng racism dito sa japan pero di sa paghahanap ng bahay, kundi paghahanap ng trabaho. Pero siguro may mga places na malakas talaga ang racism. Last year kalilipat lang namin dito sa Shizouka, fujinomiya, since di naman ako sanay na nasa bahay lang nag-try akong humanap ng trabaho. Since bago sa lugar sinubukan kong pumunta sa Hello Work (hanapan ng trabaho), pagdating doon fill up ng paper then submit sa counter. Nuong turn ko na nakita na foreigner aba nagturuan sila kung sino ang magi-interview sa akin. Para bang ngayon lang sila nakakita ng foreigner na naghahanap ng trabaho. Sabay sabi sa akin na muskashi daw mag-shokai kasi gaijin nga. Di ang ginawa ko tingin sa shimbun, may nakita ako then tinawagan ko. Okay set ng mensetsu na date, then mensetsu. Pero in the end tatawag then sasabihin sa akin na gommenasai kasi di sila tumatanggap ng foreigner. Mas hidoi ang isa kong in-applyan, mensetsu then sabi sa akin tatawagan ako the next day for result. E di antay pero di tumawag, ang ginawa ko ako ang tumawag, ang sagot sa akin ay the same. Then after 2 days tumawag ulit then tanong sa akin kung may nakita na daw ba akong trabaho, sabi ko wala. Then sabi kung pwede daw akong pumasok sa kanila, (gusto ko sanang sabihin na akala ko ba e di kayo tumatanggap ng gaijin) since gusto talaga makapag-trabaho e di pasok.

aiko

08-20-2005, 10:12 PM

:slight_smile: Hmmmmmm. tama ka dyan, pointblank. Okay din ang suggestion mo stanfordmed… pero malamang hindi rin susundin! kung mayroong mga china town ,spanish town dito sa japan , filipino town…why not! ung hinde tayo pagbabawalan na magbenta ng mga philippine goods…ung parang nasa pinas ang atmosphere…sarap siguro :rolleyes:

halloween

08-21-2005, 12:16 PM

I had my first taste of discrimination when I applied as an English teacher in one big school in Tokyo. Sa Pinas ako nagsend ng maraming applications through the internet and when three schools wanted to set me up for interview, nag decide akong pumunta dito. All my friends were shocked to find out that I was really serious about my plan. Pati ako nagulat kasi nga wala naman akong kamag-anak, kapitbahay, kaibigan o kakilala man lang na nasa Japan. In other words, I was a complete stranger pero ok lang dahil the adventurous side of me prevailed. I made the reservation to check in in one Sakura House. Ang problema na lang ay taong susundo sa akin sa airport. Finally nakahanap ang sister ko ng mag mamagandang loob. Kapitbhay nya ang nanay ng isang PInay na nasa Tokyo.

When it was time for my interview, I tried to be as confident as I could. 8 kaming applicants at ako lang ang babae, may 1 ring Asian, a Chinese I guess. Lo and behold! All the applicants EXCEPT me and the Chinese guy were accepted. Huh, I was so heart broken! Tama ba naman yon. Sabi ko sa sarili ko, okay kung ayaw nyo sa akin, di wag.

Go ako sa 2nd option ko and with luck natanggap naman ako. I am happy to know that more and more Filipinas are getting into teaching jobs here. Hurt kasi ako kapag ang tingin sa PInay eh pang club lang ang kakayahan. May tinanong akong old co-teacher once what comes to mind when he hears the word Philippines, sabi nya “poverty… you guys breed like rabbits”. Medyo napahiya naman ako pero come to think of it, totoo nman sinabi. Sana kaakibat ng pagdami ng population natin ay ang pag-unlad.

Ngayon ko lang na re realize yung kasabihan na kung ano ang nawala sa yo ay pahahalagahan mo. Di kasi ako masyadong nationalist. Kahit ng student days ko marami sa mga classmates ko ang nag-jojoin sa mga rally2 at aktibista ang tema. Ako naman natutuwa lang pag wlang klase dahil pwedeng manood ng sine o mag-pleasure reading o matulog sa dorm. Wala akong pakialam dahil may sarili akong mundo. Pero ngayon, not a single day passes by without me engaging myself into that wishful thinking na sana the Phil could be as highly developed as Japan. Haaay, nako nangangarap na naman ako!

gvidanes

08-22-2005, 02:09 PM

hello everybody! ang tagal ko nang nakikita ang issue na “racism in japan” pero di ko pa binubuksan para basahin. just got time to read all posts now.

this forum is very informative considering that i am just in the planning stage to go there, have a vacation and of course look for a job. salamat kasi andami kong natutuhan sa nga sharings nyo. totoo naman, di ba? minsan, tayo rin ang gumagawa ng sarili nating issue. all of us should be challenged para ipakita sa kanilang lahat na iba tayo sa ibang pilipino na naka-encounter nila. all of us should be the best filipino in the eyes of these japanese…(naks!) kasi kung dadalhin pa natin yung bad impression nila sa atin bilang pilipino…ano nga ba ang kaya pa nating ipagmalaki? on the other hand, totoo pa ring me racism jan. syempre, priority nila ang kababayan nila. love your own… jan din pumapasok ang cultural differences.

salamat po! ang dami kong natutuhan.

Stacie Fil

08-23-2005, 12:31 AM

I have been in Japan for some years. Not as long as some TF members, around five at least. Nakakita rin po ako at naka-experience nang ilang bagay tungkol sa topic ngayon.(Dahil na rin sa bobo akong mag Nihonggo) One example was that man I meet who was from Morocco. He was an english teacher. He doesnt have that high command in English/American langguage, but he has lots of student. Katulad po nang sabi sa mga naunang thread, its mostly because of his physical features.

Maybe I am wrong, pero isa rin po sa mga aspect na napansin ko regarding those undesirable experiences is, not only on the aspect of color or race, but also depending on the status or position of the person they are dealing with. I guess its part of their cultures to create a big gap,hole or distance relative to the other party. Plus adding one factor, which one of my friend called “false pride” specially among the general minority. Yun daw po bang napakataas na tingin nila sa kanilang sarili compared to other asian counterpart, dahil lamang sa sila ay Hapon. Well its true na malakas ang Japan because of thier economy. Im not saying that they should not be proud of thier country.They should. But then napansin ko sa ilang hapon na, naitanim sa isip at utak nila na kahit wala naman silang ginawa or kahit abnormal pa siya, siya ay napakataas or magaling dahil siya ay Hapon. Dahil na rin sa education sa kanila nang media/TV. Isang pangit na halimbawa eh, na kapag Pinas ang nabanngit, first thing in mind is smokey mountain, katulong or yaya na nananakit nang alagang bata,3rd world kaya ikay ay magagantso,mananakaw an, or mahoholdap kaya.

Another instance is, hindi madaling magpalit nang drivers license dahil madali lang daw kumuha sa Pinas noon, kahit sino.Well, we also have a big part of faults regarding those matters. Pero wala na sa isip nila na mas majority pa rin ang dumadaan sa natural at legal process at hindi nagbabayad(walang pang lagay), kaya mahirap din. So kahit pa dadaan ka rin sa kanilang testing processes, kailangan ka munang mag dusa to provide lots of x-tra unnecessary documents and scrutiny. Worst being looked down or treated not the same as white people they aspire or idolize.(Kaya marami pa ring mukhang Audrey Hepburn sa mga babaeng model/artista nila)

Sorry, mukhang nagulo ko yata tong thread. Amen!

dstar

08-23-2005, 05:19 PM

Hi TF members and readers,

Good day to all of you! Can i share my experience or racism,too.:type:
:type::growl: I just want to pour out my heart.:weep: :weep: I have never thought that i’m going to write and share this publicly. Like what sam said before “to save me from feeling “api”, i just prayed to God to sustain me, and always remember, that as a Christian (very Filipino), i should always love my enemy.”
But at this time, I want to speak out and share this to all.

Okay, i can say that my family have never experienced that “Fudosan/guarantor” problem. Maybe the reason my husband is not Filipino (neither Japanese) let’s say “different race/color”. Sometimes, some people made mistakes that i’m brazilian nor spanish looking ( tama lang ang taas ng ilong ko, kaso nga siguro medyo maputi ako ) and maybe my japanese is not really good(hindi kagaya ng mga pilipinang asawa ng hapon at ang mga estudyanteng Pilipino na nag-aaral at nag-aral dito, magagaling). But i have assured you, hindi na ako mukhang “tanga”, maloloko or mabebenta, nakakaintindi na ako ng nihonggo (hehehe):smiley: :D., dugay na ako sa nihon.

Long time ago, when i went out w/my husband( to some drinking bars,mostly were non-japanese) at the street when some japanese see me ( they thought that “he, my husband is a customer, too.” i have asked many times like “Anata wa, ikura desu ka?” or "Omise wa, doko desu ka? ) Napaka-simple naman ng suot ko at konting kolorete ang nasa mukha ko. :confused: :rolleyes: ( Noon, iisipin ko na lang, siguro kaming mga pinay ay “talagang magaganda”:smiley: :):slight_smile: Ika nga, “think positive and take this as some compliment.” Kaya lang sa totoo, hindi ko na rin matanggap, nakakapagod, nakakainis at nakakalungkot.

But i have assured you, i try to understand them, since we have always say that we are “guest/foreigners” in this country, we have to follow their rules and regulations and really try to adjust here. Otherwise, if you can’t, then depart from this country.( Hindi naman tayo pinilit pumunta dito).
Maybe, that’s the reason, we have live here for almost 12 yrs. (my husband naman ay 13 yrs. na rito). Tumagal kami rito, kasi hindi naman lahat ay ganoon (racist) and we are lucky bec.we really have good japanese friends. Let’s say we have many blessings ( like others, we work hard,too). We paid some of his debts (Student loan), live comfortably here, did some travelling, in our own litte way “we help some of my sisters/brothers in the phils.” Lastly, i became closer to “God” :bowdown: and our son :sweeties: is :love: "made from japan. :japanese:

I can read some kanjis, can write hiragana or katakana. Kaya lang nga, sa bahay at sa trabaho ko “Everytime i have to speak English”. One of the things that i’m proud of, my husband doesn’t mind teaching our only son to speak tagalog (my native tongue, besides that he can speak english and japanese, since he goes to a daycare and good jap. friends teach him,too).

Pero sa araw na ito," sa loob pa po ng bahay ko," dito ako na-“discriminated”. Di ba masakit iyon, kasi ang paniniwala namin ng asawa ko, paglumabas kami “we’re in japan”, pero sa loob ng aming tahanan ay “filipino at bansa niya ang style”( still we follow the rules of japan).

Ganito ang istorya ko:
Kaninang bandang alas 11:45 ay may nag-doorbell at pinapasok namin ng anak ko. Wala si mister nasa trabaho, dito sa apartment namin tuwing 2 or 3 taon, ay may nagtsetsek ng units. Sa gas, exit sa fire at iyong maliliit na gadgets sa kisame (para daw sa sunog). Sila ngayon ang nagpunta sa bahay. Isang babae at isang lalaking hapon. Nakakahiyang sabihin, sa araw na ito hindi masyadong maayos ang bahay, dahil nagsisimula na akong mag-ayos ng mga gamit na aking ipapadala sa pilipinas at sa veranda ko ay maraming nakatambak na laruan ng aming anak. Eh! punong-puno pa naman ang sampayan ko, kaya talagang (magulo at crowded). Unang pumasok ang babaeng hapon, sabi niya, “Check lang daw para sa sunog”. Sige, “pasok ho”. Tapos sunod si lalaking hapon, dala ang kanyang “Checking tool”, isinaksak sa kisame, ((sabi ni hapong babae, "pwedeng makita ang veranda mo, at titignan niya ang “Fire exit-door”) kasi naka-installed sa sahig ng veranda ko."Of course! :banghead: i tried hard to speak in simple japanese, explaining and saying sorry that it’s too crowded here and don’t worry, i have always try to make space there, in case of fire, we can use it). " Balik tayo doon sa hapong lalaki, na nasa sala, tapos
okay naman daw, sinunod ang kusina ko, okay daw.
Dito ngayon,napansin ng hapong lalaki, na “Pilipina ako”, pumasok sila sa kwarto namin; (Sorry, if some of the conversations were translated in Tagalog):

Hapon lalaki: Ne, Doko kara kimashita?

dstar : Sagot ko, “Firipin kara.” - Nadinig na nagtagalog ako sa
anak ko.

Hapon lalaki: Omise wa, doko desu ka?

dstar: Ano, S—A English Academy.

Hapon lalaki: Academy, OMISE nani, doko desu ka?

dstar: Chigaimasu. Arubaito no sensei.

Hapon lalaki: Shujin wa, nihonjin desu ka?

dstar: Nihon jin janai desu.Watashitachi wa Eigo no sensei.
Tapos, punta siya sa bathroom area, doon naman siya
nagtsetsek. Alam ko sa oras din iyon,"Nag-iisip siya
kung iba-iba talaga ang mga pinay, o isa pa rin ako
sa mga Pinay, na nagkakaila or “deny to death”, kung
talagang nag-tratrabaho sa gabing omise. (No offense
to others :eeek:)

Hapon lalaki: Kasi daw, halos lahat ng Pinay na kakilala niya ay sa
mga “omise” sa gabi nag-tratrabaho at marami siyang
kaibigang Pilipina.
Sa totoo lang, salita siya sa mabilis na hapon.

dstar: Sumimasen, ano, motto yukkuri hanashite o kudasai.
Alam ko nag-iisip na siya na hindi ko maintindihan ang
hapon niya.

Hapon lalaki: Firipin wa, doko kara?

dstar: Manila kara…Tapos, ang anak ko ay nagtanong pero
sa english. Sagot naman ako ng english at tagalog.
Singit si hapon lalaki.

Hapon lalaki: Quezon City janai, Manila no koko wa doko desu ka?

Makati ka? Doko ka na? wasureta yo!

dstar: Paranaque desu!

Hapon lalaki: Hai! Oo, tama ka!

Siyempre nagulat din ako. Marunong sumagot sa Tagalog.
Tapos, kwento niya kasi daw may kaibigan siya na ang anak ay
nasa Pilipinas at nagpapadala ng pera sa pamilya nito.

dstar: Tanong ko naman, “kung napunta na ba siya sa’tin?”

Hapon lalaki: Oo, mochiron!
Singit naman ang anak ko. Pero sa nihonggo, nagsalita.
Tapos napansin niya na medyo iba ang kulay ng bata.
Kinausap niya, sagot naman ang anak ko sa hapon.

Hapon lalaki: Anata no kodomo “gwapo bata, magaling, handsome
boy”. Tapos, sabay hawak sa ulo ng anak ko.

dstar: Iie, demo Arigatoo gozaimasu.
Pero sa loob ng aking puso :rolleyes: :mad: :rant: :grrr:
Sa dahilan sa bahay ko pa po ay nagawa pa sa’kin ang
“racism”. Pero, dahil ako ang nakakaintindi sa kanya,
ngiti pa rin ako. At kagaya nang sinabi “ni Sam, kanina”

Ngayon, ay naibahagi ko na ang naranasan ko. Gumaang ang aking pakiramdam. Salamat sa TF at sa Diyos. Hindi na nanginginig ang katawan ko sa inis.:slight_smile: :slight_smile:
Sa mga mambabasa, pasensya na kayo, kung masyadong "mahabang nobela ito. Gusto ko lang ibahagi ang naramdaman at nangyari (uli) sa akin ang “PANGLILIBAK” or “Discrimination/Racism” dito sa bansang hapon, lalo na sa loob ng aking tahanan!

Hanggang sa muli! :wave: :wave:

john santos

08-23-2005, 11:59 PM

The meaning of the word racism itself is not acceptable in my own book, I have lived in japan for so many years and I must say that I have experienced it in the early part of my coming here in the late 80’s.

For one thing though, japanese race is not inferior compared to any other asian countries especially filipino race.Most of young japanese in these generation were not properly educated about the past and their own history and what they believe most is altered by their own school curriculums and misinformed media who tends to show the bad points of our country.To them these is entertainment, us the clowns and entertainers.But in contrast and the truth of the matter is ;

So many of them are drop outs and finishing high school seems to be their dream of a lifetime.After all jobs are readily available like they can work in construction ( manual labors ) ramen shops and such.

What’s funny is that these are the kind ( kakku shiteru - pretenders ) whom most likely pretend that they have lot’s of money.The very people who after working hard for a day will readily spend their hard earned money in an omesei. Most of these japanese are namaike or mayabang making filipinas especially first timers believe that they are shacho while in fact they are only low level ducata’s or kamanero’s in the Philippine terminology.

You can hear from these men openly the words spoken to filipina girls like; omai wa ikura desuka- how much is your price, filipina onna wa jitai damasareru yo- certainly, you will be fooled by a filipina girl, filipina wa dorobo yo- filipina girls are thieves and so on and so forth.

Please forgive me for what I am about to say, certainly these japanese who met our filipina women in an omesei ( miso shobai- water business) have no weight at all.For one thing, on a scale of 1 to 100% filipinas working in an omesei as an entertainer, 50% didn’t finish high school, 35% finished high school and the remaining 15% percent have some college level coming from a family whose monthly income is barely less than one hundred dollars

My point is, not all filipinas are like these and most highly unlikely that a japanese ducata can be able to meet a filipina who is a lawyer, a professional and highly educated and coming from a good family.Please do not misunderstood what I just said but you see the point here is that these japanese who look down upon our women working here in japan are the very japanese who are low levels and their only chance of having an encounter with a filipina is inside an omesei.

Lastly, to our filipinas working in an omesei here in japan while it is true that you are working in an omesei as an entertainer and being called japayukis, please have the decency and pride being a filipina so as not to be degraded by a g…damm japanese man.

Notes:

Japayuki - japanese women who in the late 1800’s up to 1945 worked in different countries as hostesses and prostitutes sending their income back to japan to help their poor family.

Karayuki - japanese men who in the late 1800’s up to 1945 worked in hawaii sugar plantations as sacadas, in guam, brazil, philippines etc searching for a better life sending back money to their beloved japan to help families.

I will welcome notes & comments and I will stand up and be corrected if I mentioned words which is not appropriate or deemed unnecessary with regards to the subject of Racism in Japan.All my comments is my own personal point of view and entirely based on my own account and experience being here for almost 16 years as a permanent resident, and is not meant to malign the entire japanese male race but a few percentage of them who is not lucky enough to meet a true full blooded, educated and a high standard both morally and spiritually FILIPINA.

Thank you for your time and patience reading my notes.

john santos

v_wrangler

08-24-2005, 12:04 AM

Standformed spends too much time sa internet - will all the cool stuff shes posting:)

dstar, nice post - not that I am trying to be so malamig - I’d say take it a little lightly - not that its a consolation but it is more like a case of misinformation rather than outright sabetsu. Its not only your pinayness that invited this unwelcomed exchanges of (un)pleasantries - The service man is obviously misinformed and perhaps haven’t had the chance to see the other other pinoy in Japan . Its good that you have educated him and made him now aware - di lang hostesses and mga pinoy.

On a side note - it is best to be always the boss in your territory - thats the reason why I do not engage servicemen and the likes to casual chitchats specially in my home. You do not owe visitors an explanation about your life story unless its the police with a warrant with your name on it (just kidding!). Its not being disrectful or unfriendly - and its not unusual. The next time these people come back to check - you have all the right to say, “komarimasu” or say “some other time” when you are busy to attend to them…Or when unwelcomed questionings come your way again - just settle with a yes or a no or focus your energies cleaning the veranda:) this time.

Cheer up!

v_wrangler

08-24-2005, 12:29 AM

John,

I do not know where you get those figures about the backgrounds of the Pinay hostesses- but anyway just let me comment on your analogies about these japanese men who go to the bars. They also surprisingly apply to perhaps all the races - FIlipino men as well. And we also have our share of mangagantsong pinays or pinoys dito sa Japan na kapwa nanloloko ng ibang tao. Hapon man o pinoy.

The bottomline is - Discrimination in whtever form isnt the sole property of the Land of the Rising Sun. And Education is one of the keys to fight it off. When people finally realize it is totally DASAI and kadiri to death to discriminate people because of the color of their skin or origin - by then it will have its natural death.

I tried not commenting further because I do not have any discrimination stories of my own. Not yet. I only know that when somebody intentionally tries to elevate himself at another person’s expense, dont make kibit balikat - NO fistfights, just pick your guts and tire the person to death with unrelenting efforts to an intelligent or intelligent sounding debate. :slight_smile: Make him or her feel stupid and you will surely have a grand day. Works all the time - at least sa akin…:wink:

Please dont get me wrong, pero people who discriminate regardless of their social status or origin shouldnt be let off the hook. They should be taught a lesson…

I’d also want to say that when we find some ideas in conflict with ours - it helps to confront the post itself rather than the person behind it…

BTW, I am in to the idea of fining and jailing irresponsible parents who continue to bear children as an excuse like its a national pasttime…biro lang po.

Maruchan

08-24-2005, 03:57 AM

Japan racism ‘deep and profound’

Ang tanong ko lang, diba the words “deep” and “profound” are synonyms? Hmm. Wala lang…napansin ko lang.

Maruchan

08-25-2005, 02:03 AM

maniwala man kayo o sa hindi, lalong na sa mga hindi taga-tokyo, may mga “fudosan” (real estate brokers) na pagpasok mo pa lang sa pinto, sabihin na sa iyo kaagad na “gaijin dame” (bawal ang dayuhan). hindi ka pa nga nakapagsalita, pwedeng pumasok ka lang just to ask for directions. mga ilang beses ko rin naranasan ito. finally, may nahanap akong fudosan na sanay na sa mga gaijin, pero naghanap muna siya ng oyasan (owner) na payag sa gaijin. at siyempre, pagtumanggap sila ng gaijin, ang daming requirements, one of which is a guarantor na dapat Hapon na may posisyon sa society nila.

Sana sinumbong mo etong fudosan kay Arudou Debito (http://www.debito.org). :mad: Napakalungkot na experiences ang mga ito.

Maruchan

08-25-2005, 02:31 AM

yung example ni paul, ang pagiging english teacher ay hindi lang naman base sa galing sa english. kung galing lang sa english ang basehan, maraming english teachers sa japan, pinoy o caucasian o japanese man ang mawawalan ng trabaho. sa palagay ko, yung kulay ng buhok at mata ng applicants ay legitimate na criteria (kasama ng iba pa) para sa isang business na gustong kumuha ng maraming english students. “parang” racism ito (especially para sa ating mga pinoy na magaling namang mag-english kumpara sa ibang lahi), pero para sa akin, medyo “outside” lang ng konti sa “lantarang” racism.

This is prejudice in plain sight or predilection.

dstar

08-26-2005, 02:30 AM

Hi :slight_smile: v_wrangler,

Good day to you! Isama ko na rin ang mga TF members/readers. Thanks for the advised and time you gave to read my “novel”. It is really appreciated.:tiphat:
No, you are not being “malamig”, you hit the pot. Tungkol naman sa veranda ko, sabi ko naman sa iyo, punong-puno ng sampayan at kasi schedule ko nang mag-ayos na ipadadala sa mga pamangkin ko sa pil., kaya ganoong kagulo iyon. At saka ayoko nga siya papuntahin doon, :sneaky: :yikes: makita pa niya ang mga damit at pangsaloob na mga salawal (inner/underwear) ng pamilya ko :smiley: :D. Eh! di naka-iskor na naman siya para saktan ako :eek: :rolleyes:. Kasabihan na nga sa atin, “Kung kaylan hindi ka handa/ayos at saka naman dumating ang bisita.”

Tama ka rin sa sinabi mo na "“Its not only your pinayness that invited this unwelcomed exchanges of (un)pleasantries - The service man is obviously misinformed and perhaps haven’t had the chance to see the other other pinoy in Japan . Its good that you have educated him and made him now aware - di lang hostesses and mga pinoy.”’ 100 % agreed ako diyan:thumb: :thumb:.

At sa sumunod na talata na sinabi mo"“On a side note - it is best to be always the boss in your territory”" iyan din ang katwiran naming mag-asawa. Eh! kaya nga sumama ang loob ko kasi itong "mapitagang lalaking hapon (:eek: :confused: ), ay walang ----, ewan ko! Nasa sa teritoryo ko siya pero nakalimot pa!

Kasi, dito sa apartment namin ay hindi ka naman makakapasok agad, kung hindi “authorize” ng owner, (sa 10th floor sila nakatira) kaya kung ito ay iiwasan mo o iyong ipagpapaliban, tatanungin ka rin kung kaylan ka pwede ulit. Maganda naman ang security system ng building at “safe” naman dito.

Kaya nga lang talaga totoo ang kasabihang, “sa lahat ng gubat ay may ahas”. At idagdag pa natin na “Kung may salbaheng hapon/pilipino ay may mabait na hapon/ pilipino rin.” Opo, naikwento ko na rin kay Mister (ko) at si v_wrangler at siya ay pareho ng opinyon. Kaya maraming,maraming salamat uli,. v_wrangler, sa uulitin uli ha!

Kaya sa mga kababayan kong Pinoy," if you are feeling down". Hindi ka nag-iisa, Timog Forum is here!!:slight_smile: :slight_smile:

Salamat po at Mabuhay kayo!:thumb: :wave:

pointblank

08-26-2005, 01:56 PM

Hapon lalaki: Ne, Doko kara kimashita?
dstar : Sagot ko, “Firipin kara.” - Nadinig na nagtagalog ako sa
anak ko.
Hapon lalaki: Omise wa, doko desu ka?

Hello dstar!

Just a minor verfication bago ako maghuramentado… the fire authorities are required to come and check on all buildings (hindi lang condominiums but offices, shopping centers, etc as well) once every few years. Wala kang option but to let them come in. Also, hindi mo pwedeng i-obstruct ang fire exits sa sahig ng balcony by placing anything over it. Hindi mo rin pwedeng i-obstruct yung manipis na partition separating your balcony from that of the adjacent unit dahil fire escape route yan. Part yan ng fire code.

Okay: sino naman yang bastos na gagong yan? My recommendation is for you to get his name. (He should have given you a calling card, or a certificate that your unit has been inspected. Or you can check with the owner of your building as to who conducted the inspection.) Then lodge a formal complaint so that the asshole is disciplined!

He has ABSOLUTELY NO BUSINESS asking for your nationality. Anything not related to the fire safety of your apartment is OFF LIMITS to him and he is in fact under orders from his company/agency to respect the privacy of customers. The fact that he followed this with a question asking which club you work in can get him seriously demoted! This question was extremely insulting, patronizing, and degrading. Even assuming that you were in a bikini when he came in and you were in the middle of entertaining a customer - he still has no business and no right to make that kind of a comment.

Next time someone asks you for your nationality under similar circumstances, do not feel compelled to answer! Instead, sabihin mo: Otaku to kankei nai desho? Sassato shigoto shite, sassato dete ike! (Translation: It’s none of your business. Hurry up with your work so you can get the hell out of here!)

v_wrangler

08-27-2005, 02:17 AM

Wala kang option but to let them come in. Also, hindi mo pwedeng i-obstruct ang fire exits sa sahig ng balcony by placing anything over it. Hindi mo rin pwedeng i-obstruct yung manipis na partition separating your balcony from that of the adjacent unit dahil fire escape route yan. Part yan ng fire code.
Ayan! na-highblood tuloy si pointblank:) Just let me clear iyong suhestyon ko sa aking previous post. When I implied refuse them - I meant to say - tell them to re-schedule when you are isogashii or if you have other commitments when they say they’ll come. I have done that for years hindi lang doon sa mga nagchecheck ng sprinklers etc and they readily oblige.

pointblank

08-27-2005, 11:36 PM

Ayan! na-highblood tuloy si pointblank:) Just let me clear iyong suhestyon ko sa aking previous post.

…haaaa??.. :sleep: you caught me asleep there… actually, I wasn’t reacting to your post, v-wrangler… I had to read it again to realize that it might have seemed I was commenting on your asking them to come back. You are right: you can always ask them to come back - in fact, they should call ahead to schedule the inspection - or at the very least, leave a note in your mailbox or with the kanrinin of your manshon.

I was simply stating that fire inspections are an unavoidable part of life in Japan since it is legally required by the fire codes, just as a police officer on duty can ask to see our alien cards at any time.

Hello Maruchan.

Ayaw ko na sanang magko-comment dahil baka tuluyan na akong ma-excommunicate ng Papa sa Roma… but then again, when have I been one to resist my urges?:smiley: (Typical Pinoy excuse: marupok ako sapagkat ako’y tao lamang…)

I understand where you are coming from, and your views are indeed noble. However, we are not in the business of competing for the Miss America title - vague pleasing generalized answers with no hint of the ugly reality of our world. (Believe me, I can give you a run for your money for the same kind of Mother Theresa statements - after all, I came from a very Catholic school - nabola ko pa yung mga pari na isali ako sa Sodality Club.)

Teach them to be responsible? Teach them reliance? Pray for them? Pray tell me, HOW? Do you know how many NGOs and religious organizations, how many millions of aid dollars have already been dedicated to the alleviation of poverty in the Philippines? Did it make a dent? For every one person to rise out of the ranks of the poor, how many more are content to wallow in the slums? You can bring a horse to the water, but you can’t force it to drink. (Check out the thread on Timog Forum that discusses the OFWs’ problems with their mendicant families. I think you will find no lack of compassion, help, and wisdom there.)

One of the mistaken ideas of democracy that has made the Philippines a democraZy is this notion of rights - may karapatan ako! Please note that rights are EARNED by fullfilling one’s duties. They should not be automatically granted simply because one luckily happens to have been the sperm cell that fertilized the egg.

By the way… I, too, don’t approve of abortion, but what’s so wrong with sterilization?

chepot

08-28-2005, 10:24 AM

parang moeteru(flaming hot) ata ang topic pong ito…siguro i can say na talagang sino man sa atin eh have experienced that kind of descrimination…mat agal na rin po ako rito sa Japan and i can say na medyo lesser na po siguro ang racism compare noon. in my case, i have japanese features kc kaya, kung di man ako magsalita di ako marecognize na “gaijin” (foreigner)…kahit po our fellow kababs here eh kung di ako mag greet sa kanila, they wont notice na im a filipina…but, yung outer looks kong yan ang main reason na nafeel ko lalo ang racial descrimination…mara mi pong cases na they think na kalahi ko sila, pro, when they knew na filipina ako medyo…oooooppppps ang reaction nila…:eek: i dont know kung dahil pilipina kc ako kaya ganon or gaijin kc…i thought of thinking the positive side na maybe, afraid na kausapin ko sila ng inglis…etc…etc… :cool: marami pang cases sa office, sa school ,sa neighbor… pro, i wont elaborate na lang…
nabasa ko po yong tungkol sa fudosan case…(GAIJIN DAME…)some years back or a decade na siguro, mey napanood ako sa tv about that…yung sa fudosan side eh “oya san” daw ang making the instructions…ang reklamo daw po most of the owners eh pag gaijin daw po ang gumamit eh kitanai(dirty) daw po and marai daw kailangan i-repair pag they vacate the place…i just thought …"kaya nga may shikikin and reikin(advance and deposit) eh for that reason…
then, about that selling outside po, meron din po dito sa kawasaki na church na our fellow kababs sell filipino goods sa may koen(im not just sure kung until now)it so happened na yung batchmate ng son ko sa yochien lives there and the mother is saying na against the law daw po yon… may permit ba daw yon? its meiwaku(annoying) daw…just told the mother na “Japan is a free country and besides hindi naman babae ang ibinebenta…:smiley: di naman everyday and just for a couple of hours lang naman…”
sa tagal ko na po rito, siguro i can say na most of the japanese(not all)dont speak frankly how they feel and think… and they cant answer straight YES or NO…its always…maybe or think about it…iba po yong panlabas and panloob…parati pong "TSUKIAI DAKARA>>"kahit ayaw nila yon tao, nakikisama parin sila…:grouphug: (that is my point of view)but, we cannot do anything coz that’s their culture…

Willy2k5

08-28-2005, 12:24 PM

then, about that selling outside po, meron din po dito sa kawasaki na church na our fellow kababs sell filipino goods sa may koen(im not just sure kung until now)it so happened na yung batchmate ng son ko sa yochien lives there and the mother is saying na against the law daw po yon… may permit ba daw yon? .

Yung tungkol sa pagtitinda sa harap ng simbahan. alam naman natin na very rampant dyan sa Yotsuya or St Ignatius Church. Dito naman sa shibuya o yung Shibuya Catholic Church. Dati may mga filipino din na nag umpisang magtinda, kaya lang pinagmumura sila ng mga pari. Sinabihan sila na magulo kayong mga filipino, madumi, at huwag na kayong babalik dito. Kaya sa ngayon, medyo kokonti na lang yung mga pinoy na nagsisimba doon at wala nang nagtitinda doon… Seguro boycott sila… :mad: o nahihiya:O … ano kaya?

ALEKO

08-30-2005, 11:48 AM

kagaya ng maraming concepts na gaya ng “capitalism” o “nationalism” at kung ano-ano pa, napaka-broad ng ibig sabihin ng “racism (Racism - Wikipedia)”. at tsaka isang “loaded” term ito kaya madaling ma-misinterpret.

yung example ni paul, ang pagiging english teacher ay hindi lang naman base sa galing sa english. kung galing lang sa english ang basehan, maraming english teachers sa japan, pinoy o caucasian o japanese man ang mawawalan ng trabaho. sa palagay ko, yung kulay ng buhok at mata ng applicants ay legitimate na criteria (kasama ng iba pa) para sa isang business na gustong kumuha ng maraming english students. “parang” racism ito (especially para sa ating mga pinoy na magaling namang mag-english kumpara sa ibang lahi), pero para sa akin, medyo “outside” lang ng konti sa “lantarang” racism.

yung example naman ni daddy b, medyo mas kumplikado. kung iisipin mo, yung ordinaring fudosan na “racist” ay kasing “racist” lang din ng kagaya ng sakura house na puro foreigners ang customers. ang pinagkaiba lang naman nila ay yung ordinaring fudosan, ayaw mag-take ng risk sa isang foreigner. yung sakura house naman, willing silang mag-take ng risk, binabawi lang nila sa mas mataas na presyo ng renta. wala masyadong pagkakaiba sa akin yon. maari nating sabihin na “racist” ang sakura house dahil pinapatawan nila ng mas mataas na renta ang mga gaijin, hindi kaya?

ang tungkol naman sa risks ng isang fudosan sa mga gaijins, legitimate na issue ito. sa atin lang na mga pinoy, marami ang umaalis sa bahay nang hindi naglilinis, hindi nase-settle ang accounts, o kaya maingay sa mga kapitbahay, hindi nagtatapon ng basura sa tamang lugar at panahon, etc. i’m sure, ang ibang lahi ganoon din. kung ikaw ay isang seryosong business, kailangan mong bigyan ng pansin ang ganitong concerns.

siyempre, bilang mga pinoy, hindi rin maganda sa atin ang “discrimination” ng mga fudosan (o mga english schools), pero bilang residents ng japan, kailangan nating makita ang japan sa point of view ng mga nihonjin, hindi lang sa ating side.

yong tungkol naman sa sakura house, maniniwala ako na wala silang pakialam sa race ng mga customers nila (i.e. hindi sila “racist”) kung pareho lang ang rates ng renta nila sa ordinaring japanese na fudosan. unfortunately, mababa lang din ang tingin nila sa mga gaijin, na makikita sa kanilang mas mataas na renta. mas willing lang silang mag-take ng risk (baka may magaling sa kanilang mag-english). mukha namang magaling na business decision pala sa kanila ito. comments?

apartment palang yan problem nyo e di mas lalo nasa trabaho. pero hindi lahat ng japanese kasi, madami sa kanila ang kulang-kulang ang utak (walang pinag-aralan).

adechan

09-02-2005, 10:53 PM

dstar ganbatte!

may mga ganyan lang talagang japanese … actually ako medyo ilang ako sa mga hapon na mahilig sa omise na magaling magtagalog, usually sa mga nakakilala ko, na ka ka turn off and talagang di ko type ugali, siguro iyong type nang umakyat dyan sa bahay nyo ganun sa mga na ka ka turn off.

pero di naman di masisisi, dahil iyong case nang isang kilala ko, naloko lang din nang pilipina sa omise, di lang isang beses, ayun, hanggang siya na ang nang bobola, at mababa talaga ang tingin sa mga pilipina.

honeybunny

02-10-2006, 05:12 PM

sa awa ng diyos hindi p ako nakaranas ng racism dito s japan , cguro minsan s pakisama n rin yun, kasi tyo ang dayuhan dito tyo dpat minsan ang umintindi kung ano ugali meron cla,sikapin n lang ntin maging good gaijin residence dito,pra hindi nman nila msabi n tlgang warui image ang mga gaijin,hindi rin nman ntin tlaga cla masisi kung bkit nagyayari ang racism dito s japan kc nman yung ibang mga gaiji n n kalahi at hndi ntin klahi ay gumawa ng mga kabulastugan dito.kaya gambaru n lang tyo especially s mga pilipino,itayo natin ang respeto nila sa atin:tiphat:

abakitba

02-10-2006, 05:47 PM

Siguro nga “racist” ang Japan, isa sa pinaka-homogeneous societies sa buong mundo. Pero hindi siguro masyadong napapansin nating mga Pilipino dahil: 1. polite at orderly ang mga Hapon; 2. wala namang bitter history ang Pilipinas at Japan; 3. madali naman tayong mag-blend sa population dahil sa ating Asian features; 4. hindi siguro masyadong marunong ng Nihongo ang karamihan sa atin para malaman ang totoong nararamdaman ng mga Hapon. Mga hula lang yan lahat siyempre, kaya maaring mali. :growl:

If you could hear my grandmothers, grandfathers, granduncles, grand aunts tell their stories, I think you would be convinced to remove comment number 2.
From ‘Huwes de Cuchilo stories’ , pang gahasa’, putol nang liig, at iba pa.
Obviously these are anecdotal and hard evidence is unavailable.
However, I think that we Pinoys are very forgiving and easily assimilate with whatever environment we are put in, is the reason we do not experience this racism.

Tonyang

02-12-2006, 08:05 AM

Racism… yes we could trace it from history. But history is past already… we are moving forward and the trend is the same and most Filipinos pollute it more. Tama ba o hindi? Discussion lang naman at sana makatulong sa ating analysis na malawakan, mga Kasama.

Infact, patuloy lang iyan at worsening pa ngayong may tema na ng globalization. Clue words natin “karamihan”, “kapit sa patalim”, “makalusot”.

Bakit nagkakaganito? Dahil konektado tayong lahat at di tayo nakikialam sa mga problema ng bayan natin, worsening ang situation. Tingin ng mga Hapon sa atin, walang pakialam sa mga problema ng bayan dahil kanya-kanya ang attack natin sa ating problema para “makalusot” lang without thinking kung anong consequences nito pansarili at kabuuan lalo na sa bansa natin…

Examples (no offencement meant dito mga kasama; let’s be constructive and prove that these are all wrong - challenge nito sa mata ng mga immigratoin official ng Japan, mga pulis dito at higit sa lahat, sa mga katrabaho natin sa bansang ito):

  1. iyung kaso ng mga child prisoner - we articulate that we’re concerned… but we’re not expressive to help or not doing anything - this is de-humanizing and setting forth an image of what kind of people we are because everyone knows how incompetent our government is already and thus, the solution must be collective effort from all of us!

  2. mga entertainer na karaniwang biktima ng human trafficking at ang mga middle age na Hapon, tina-tag ang karamihan sa kanila na naninira ng pamilya - tama ba ito mga kapatid? some of you may justify we fell in love… but the timing was wrong dahil sa moralidad natin bilang Kristiyano, pag may asawa na, di dapat pinapatulan.

  3. mga Pinay na pumapayag sa arranged marriage dahil sa complaint na natatanggap mula sa immigration dahil nagtataka ang mga opisyal kung bakit nagpapakasal ng mabilisan - talagang nakakahiya ito dahil madalas iyung mga extreme case ang napupunta at naaanalyze ng mga Hapon bakit ganoon ang “karamihang” Pinay

  4. hit-miss tendency ng karamihan sa atin dahil sa “hirap ng buhay” sa Pilipinas para “makalusot” sa Japan kaya kahit anong trabaho papasukin kahit tourist visa lamang ang makuha at magtatago na rito - sa chance ng amnesty para sa mga mabubuting kababayan natin na maganda ang track record, talo pa rin at di mabibigyan ito ng pansin kasi “karamihan” di maganda ang image

  5. and more…

Question on racism in our present generation and given all these, do we deserve to be treated this way or not?

If we think and feel we don’t then we should do something for the sake of every Filipino in Japan (bati o kaaway man natin). Basta Pinoy, may masasabi kahit sinong Hapon… anong magagawa natin para mabura ang ganitong image sa Japan? I think and believe that that’s the solution… wholistic di lang para makalusot.

Hope this helps…


Rebuilding the once good image of the nation… pls help the Filipino School in Japan project!

SURVEY - http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm
WEBSITE - http://www.fil-school-japan.net

honeybunny

02-17-2006, 07:00 PM

tonyang you are so very intelligent,ikaw na yata dito sa timog forum ang isa sa pinakamagandang mag share ng opinion and thoughts,:slight_smile: ,mga ganyan sana ka intelligent at ka smart tulad mo ang maging presidente ng pilipinas :tiphat:

Tonyang

02-17-2006, 10:59 PM

Nakakahiya pero salamat, Honey… marami pa akong kakaining bigas, sis. Sana nakatutulong ang mga mensahe natin. Iyun lang ang hatid natin…more than that, it’s God’s bonus.

Kasi iyung pagka-Pinoy natin… kabuuan nito di maganda ang image. Iyun ang problema natin kaya tayo tinatratong mababa. Bawat kilos, bawat minuto sa takbo ng buhay natin, let’s analyze bago matulong sa gabi o pagkagising sa umaga. Nagawa ko ang isang bagay na ito… anong epekto nito sa akin, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa buong bayan. It could be funny… that’s the way it is to process change and become better individuals and make Philippines a better country. We have to start within ourselves (as we know) and gradually work with others for all of us to become progressive.

Kasi lahat iyan kasama sa magiging epekto at solusyon natin. Kaya kung interesado tayong magbago at maiwasan ang ganitong trato, ang “Karamihan” ay dapat paghandaan ang mga “kapit sa patalim” na mga desisyon sa buhay para di palaging “makalusot” ang tendency natin habang tumatakbo ang buhay natin.

Maraming salamat muli, Honey.

PILIPINAS

05-19-2006, 09:52 PM

i have an experience that i can not forget. few years ago, (years after the 911 incident), i went to the bank to remit some money to the philippines. yung banker bigla akong kinausap tungkol sa pag-withdraw ng philippine force sa iraq at tungkol sa anti-terrorist. ang sabi ko, namatay ang lola ko. tradition sa amin ang magbigay ng abuloy(kouden) kapag may namamatay na kamag-anak. do you need a copy of her death certificate(shibo-todoke)? well, after the interrogation, nakapasa naman ako, at nakapagpadala ng pera. to think na customer din naman nila ako, i cant help myself not to feel insulted by what had happened. i understand that they are just protecting thge interest of their nation, kaya lang nakakapagod na kase if you always have to prove yourself. :frowning: :frowning: :frowning:

v_wrangler

05-19-2006, 10:16 PM

Hello Pilipinas - my hunch tells me the teller could have been only engaging you in casual talk. Banks do not normally asks questions like that except when it involves large transactions. Because of money laundering restrictions, banks are quite cautious when people remit large amount of money - but even so - it only involve documentation on the purpose of such transfers.

PILIPINAS

05-19-2006, 10:43 PM

Hello Pilipinas - my hunch tells me the teller could have been only engaging you in casual talk. Banks do not normally asks questions like that except when it involves large transactions. Because of money laundering restrictions, banks are quite cautious when people remit large amount of money - but even so - it only involve documentation on the purpose of such transfers.

i was only trying to remit yong mang yen. and six thousand yen of it went to the bank. wrangler, i wish i could have your soundness of judgement and reason. it comes to the point na, nakakapagod na rin. 'yung mga nakasabay ko, wala pang thirty minutes tapos na ang transaction nila. well, hindi naman kase international ang business nila. me, it took me an hour bago ako natapos. pero kapag may kasama akong japanese, mabilis lang ang processing. sorry, if you find me paranoid, pero i can’t help not to compare myself to the other clients.
anyway, thanks for replying.

DaVinci

05-19-2006, 10:53 PM

Japan is not kind to foreign visitors. a word “gai-jin” means outsider,and it is discriminating word to call foreigners. I suppose that Japan need to classify “insider” and “outsider”.
I sincerely hope that in near future Japanese stop being prejudice.:slight_smile:

Peace and happiness to you all!

Amen to that, Ghostrider…you have a very clear point on how and why Japanese have the tendency to prejudge foreign people…:slight_smile:

v_wrangler

05-19-2006, 11:44 PM

i was only trying to remit yong mang yen. and six thousand yen of it went to the bank. wrangler, i wish i could have your soundness of judgement and reason. it comes to the point na, nakakapagod na rin. 'yung mga nakasabay ko, wala pang thirty minutes tapos na ang transaction nila. well, hindi naman kase international ang business nila. me, it took me an hour bago ako natapos. pero kapag may kasama akong japanese, mabilis lang ang processing. sorry, if you find me paranoid, pero i can’t help not to compare myself to the other clients.
anyway, thanks for replying.
You are welcome, Pilipinas.

And no, I do not find you paranoid or anything.

When I was new in Japan, I was very maramdamin - I always thought I was unfortunate to be always getting the bad side of the coin. And I was always complaining, comparing the stuff I got used to the Philippines. Until I realized that I won’t be getting the good deal unless I try my best to make use of a spare eye. That is to always look from the other person’s perspective. What was he thingking when he said that? Did she just had a bad day, or was he just trying to be friendly but I just thought she sounded rude to me? I do not like to paint an all-mighty, all-beautiful Japan, because just like the Philippines - this country has its share of bad itlogs. Japan is a pressure factory, we can’t help but feel threatened most of the times. Perhaps, the Japanese even feels the same way. And when threatened parties clash, our emotional responses tend to fail our judgements. Practice makes perfect. :slight_smile:

I wish you a good day!

Tonyang

05-20-2006, 07:52 AM

Infact, mas malakas ang discrimination ng mga Hapon sa kapwa-Hapon.

Ngalang para sa ating mga Pinoy, mas alam ng mga Hapon iyung maduming image natin kaya madalas, nahihiya kang magsalita kasi alam nilang Pinoy ka at iyun ang image mo. O kung di mahiyain at kayang gumawa o magsalita ng may sense, magtataasan ng kilay ang “iba” o “di bilib sa mga Pinoy”. Sa loob nila, “bakit mahirap ang bansa mo”. Infact, di nila alam ang true meaning ng poverty.

At isang bagay na maipagmamalaki ko sa pagiging Pinoy - may sense sa atin ang salitang “kapwa” at may takot sa Diyos. May lumilihis man ng landas pero mas nakararami pa rin ang nag-iisip ng mabuti para sa kapwa (kahit nag-iisip lang at kahit di nakilos haha) at higit sa lahat, tayong mga Pinoy ang nag-aalaga ng mga simbahan dito sa Japan. Sinong kokontra hehe?!

Actually, mas mahirap ang kaso para sa ating mga Pinay… isang tadyak at isang sipa pa. Hehe! Bakit? Isang tadyak - dahil Pinoy… isang sipa pa - Pinay kasi therefore babae at mahina ang dating sa kanila.

Ang baba ng tingin sa atin. Kaya tayo naman, dahil gusto lang makisama, nagpapasensiya at pinagbibigyan ang mga maliliit ang mundong ginagalawan.

Kaya sa trabaho nga… ipakita mo na kaya mong gawin at mas magaling ka lalo na sa mga trabahong ikaw lang ang may kaya.

Actually, para sa mga concerned sa image nating mga Pinoy at nagsasakripisyo tulad ko (and I guess marami rito)… pasan natin ang daigdig. Kung wala tayong gagawin among ourselves para may pagbabago, iyung mga susunod na generation mas mahihirapan pa sila. I guess ayaw nating mangyari iyan kaya gawa tayo ng paraan.

May discrimination ba sa mga Pinoy sa kapwa-Pinoy sa Japan? O inggitan? Ang alam ko lang… sa mga spouse, kung sinong mas mayaman at mas mataas ang suweldo na asawa o sa mga katulong naman, iyung mga amo nila at klase ng visa kasi nga pag katulong, may nakakakuha ng designated activities, humanities visa at during mission.

Ngapala, sa mga matatalino naman, sa mga scholar, iyung nabibili nilang mga instrumento o equipment… di ba? Nakalimutan na nila na iskolar sila ng bayan at masyadong napokus sa pansarili ang kanilang adhikain sa buhay. O wala talaga sa loob nila na maging iskolar at tumulong sa bayan? O gusto mang tumulong, di nila alam kung anong gagawin o di malakas ang loob nila para gawin ang gusto nilang gawin? O tumulong na sila noong una pero nabigo at ayaw nang umulit pa? At the end of the day… ang closing pa rin iyung conclusion natin - natulungan ba nating masolusyunan ang poverty sa Pinas? Sa mga sasagot ng YES, pls join this thread and let’s encourage others to unite and do something for this cause.

Bakit ko palaging sinasama ang mga iskolar ng bayan at tinatawag sila, Ka-TF? We (taxpayers) invested a lot for them and now, where are these scholars? They should help this racism issue. Patalinuhan lang ang sasagot diyan at ang mga iskolar ng bayan ang kailangan natin para maaksyunan ang racism issue.

Hirap no!

Polarbear

08-15-2006, 01:13 AM

Good day po sa lahat ng TF readers!
Makikishare lang po ng pananaw at suhestiyon.No offense meant.
Masaya ako kasi nararamdaman kong napakabukas ng pag-iisip ng mga nagpopost dito sa TF. At sa pagbabasa ko sa inyong mga posts, napapalawak pa ang aking kaalaman.
I agree sa sinabi ng karamihan na dapat mawalang ang racism, at ng lahat ng masasamang pag-uugali ng tao.Isa lang ang racism sa mga di magandang pag-uugali.Gaya ng karamihan sa mga nagpost dito sa thread na to, may mga di magandang karananasan din ako sa mahigit 10 taon ko dito. May mga experience din ako na di maganda dahil lang sa hindi ako Hapon.Nakakainis di ba?
Pero di rin ako agree sa sinabi ng ilan na di natin masisisi ang mga Hapon na maging mababa ang tingin nila sa mga Pilipino dahil sa ginagawa ng mga Pilipino rin.Unfair na husgahan mo ang isang Pilipino o kahit anong lahi dahil sa ugali ng isang Pilipino o isang kalahi nya. Bawat tao ay merong sariling pag-uugali, may kanya kanyang kabaitan at kasamaan, karunungan at mamangmangan,kalakas an at kahinaan,…
Ang taong racist ang siyang wala sa tamang pag-iisip! Kung meron man tayong dapat pagsabihan yun ay ang taong racist hindi ang isang lahi.Siguro naman sa kahit anong lahi may ilan sa kanila na racist.At siguro rin walang lahi na napakabait na walang racist sa kanila.Ok lang bang sabihin natin na “there is no race without a racist”? Wala po akong statistical data, purely gut feel lang po,pero sa tingin ko lahat ng lahi ay may at least isa sa kanila na racist.
Di tayo payag na sabihin ng Hapon na ang Pilipino ay mababa, mandurugas etc. dahil ito ay di totoo, dahil ginegeneralize nila ang lahing Pilipino.Ganunpaman, dapat ay di rin nating sabihing ang Hapon ay racist dahil genegeneralize nya ang Pilipino, dahil kapag sinabi natin iyon, isa rin tayong racist.
Kaya dapat ay tigilan ang discrimination.Isa lang ang racism sa maraming anyo ng discrimination. Nandyan ang discrimination sa edad, sex, religion, etc. Pag may nagsabi na “ito ay para lang sa mga matatanda” ito ay isang uri rin ng discrimination, na pag minsan ay nasasabi nating ng parang walang anuman no offense meant ikanga, di natin intensyon na magdiscriminate pero para sa mga taong sensitive o sa strict sense, ito ay isa pa ring discrimination.
Ayon sa aking pagbabasa, ang discrimination ay hindi lang puro negative, may positive din daw. Pag sinabi ba ng isang Hapon na ang Pilipino ay masipag (sounds flattery) o pag sinabi ng isang Pilipino na ang Hapon ay mabait at mapagbigay(sounds flattery din), lumalabas na isa rin itong discrimination. Gaya nga ng nasabi na rin ng ilang TF members, na pag ang discrimination ay para sa advantage nila, wala lang parang walang nangyari, pero pag ito ay sa kanilang disadvantage, nandyan na ang angal.
Please read more on the essense of these words thru the links below:

http://en.wikipedia.org/wiki/racism
Patalastas po: Free encyclopedia website http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Local_Emba ssy
Di ko alam kung may nakapag-introduce na ng site na ito, o may maganda o masamang evaluation sa site na ito. Para sa akin, isa itong magandang website.Paki-feedback na lang po just in case di ganun ang tingin ninyo.
Siguro ang positive discrimination ay some sort of flattery o pampataba ng puso.
Wag na lang po tayong magdiscriminate.Mas maganda siguro kung sabihin natin na straing to the point wag sa pangkalahatan.
Sa positive side, bakit di natin sabihing, “Ang sipag mo!” ,instead na “Ang sipag ng Pilipino!”, o kaya “Ang bait mo!” instead na “Ang bait ng Hapon!” Sa negative side naman, bakit di natin sabihing “Racist KA.” instead na “Racist ang HAPON” o kaya “Mandurugas KA.” instead na “Mandurugas ang PILIPINO”.

…“The difference between a bad day and a good day is ATTITUDE”.Any day can be a good day or a bad day.It is your choice! Have a nice day!

Tarena314

08-15-2006, 07:48 AM

makikishare din po ako ng aking pananaw tungkol dito sa diskriminasyon na nakapaghahatid ng di maganda sa bawat taong nakakaranas nito, ako sa sarili ko masasabi kung may mga karanasan din ako na nadidiscriminate din ako,pero ang ipinagtataka ko sa sarili ko , bakit hindi ako masyadong apektado nito, kase po, kahit pa magalit ako na suko hanggang langit ,ay hinding -hindi na natin ito maiaalis pa,kinagisnan na natin ang ganitong problema,siguro kung walang salitang “discriminate” wala rin sigurong ganitong sistema…mahalaga marunong tayong makisalamuha sa kahit anong klaseng tao sino pa man to at ano paman sila…nasa ating pagkatao ang ating ikabababa ng uri ng paningin ng ating kapwa, maiiwasan natin ito ,pero hindi natin mapupuksa pa,para po sakin hindi na kailangan pa na makipagtalo sa taong may ganitong ugali bagkos tayo ay magsikap sa ating mga sarili na maiahon natin ang ating mga kalidad, pulutin ang mabuti at iwaksi ang masama…:frowning: :frowning: ito po naman ay aking pansariling pananaw lamang…sa mga nag post sa thread na to, aking pong iginagalang ang inyong mga sinabi at pananaw… mabuhay po tayong lahat…:slight_smile:

Polarbear

08-15-2006, 09:51 AM

Tarena314, I admire your attitude towards racism sa pagsasabing di ka masyadong apektado nito.Maiipon lang ang stress kung sobra tayong magpapaapekto rito.Ang ganyang positive attitude ang magbibigay sa yo ng peace of mind at maglalayo sa gulo.

Pero sa isang banda(sa aking abang pananaw,again no offense meant, insight lang po), ang pagsasabing di na natin mapupuksa ang discrimination ay parang pagtaggap na rin sa sistemang ito.Although di tayo masyadong nagpapaapekto nito, di rin po ba dapat di natin tinatangap ito?

Kung ikoconsider natin ang lahat ng possibilities(sabi nila,the possibilities are infinite), there are ways to end discrimination. One (EXTREME) idea is the end of human race.Trivia question lang po:Tao lang ba ang nagdidiscriminate? Pano ang ibang nilalang?Sa kanilang own language own community… ay nagdidiscriminated din kaya sila? Isa lang pong posibilidad ito.Nakakatakot isipin pero sa kaalaman at teknolohiya ng tao sa modernong panahon di imposibleng mabura ang tao(o malamang lahat ng bagay) sa mapa o ang mundo mismo ang mabura.

Yung pagtanggal sa salitang discriminate will only eradicate the word but not the essence.Pag walang salitang discriminate, malamang may ibang salitang papalit dito na ang essence ay gaya rin nito.
Oo nga stress free tayo pag di tayo nagpaapekto nang masyado rito pero di rin magandang uupo na lang tayo at panonoorin ang pangdidiscriminate ng bang tao, anyway di tayo apektado masyado.Di po masamang makialam, basta nasa lugar.Sabi nga nila, “…pananagutan natin ang bawat isa”.

Di po ba magandang gumawa tayo sa ating sariling maliit na pamamaraan para mabawasan ang discrimination.
Depende sa tao, may mga tong nahihirapang magsabi ng di magandang bagay sa kapwa. Pero kung ang pagsasabi ng di magandang bagay sa kapwa ang magmumulat sa kanya sa di magandang bagay na kanyang ginagawa, at makapagisip isip sya at kanyang ilagay sa tama ang di magandang bagay na yun, di po ba mabuti yun.

Quote lang po:“I regret for a good thing that I could have done but did not.”

Tarena314

08-15-2006, 11:23 AM

Tarena314, I admire your attitude towards racism sa pagsasabing di ka masyadong apektado nito.Maiipon lang ang stress kung sobra tayong magpapaapekto rito.Ang ganyang positive attitude ang magbibigay sa yo ng peace of mind at maglalayo sa gulo.

Pero sa isang banda(sa aking abang pananaw,again no offense meant, insight lang po), ang pagsasabing di na natin mapupuksa ang discrimination ay parang pagtaggap na rin sa sistemang ito.Although di tayo masyadong nagpapaapekto nito, di rin po ba dapat di natin tinatangap ito?

Kung ikoconsider natin ang lahat ng possibilities(sabi nila,the possibilities are infinite), there are ways to end discrimination. One (EXTREME) idea is the end of human race.Trivia question lang po:Tao lang ba ang nagdidiscriminate? Pano ang ibang nilalang?Sa kanilang own language own community… ay nagdidiscriminated din kaya sila? Isa lang pong posibilidad ito.Nakakatakot isipin pero sa kaalaman at teknolohiya ng tao sa modernong panahon di imposibleng mabura ang tao(o malamang lahat ng bagay) sa mapa o ang mundo mismo ang mabura.

Yung pagtanggal sa salitang discriminate will only eradicate the word but not the essence.Pag walang salitang discriminate, malamang may ibang salitang papalit dito na ang essence ay gaya rin nito.
Oo nga stress free tayo pag di tayo nagpaapekto nang masyado rito pero di rin magandang uupo na lang tayo at panonoorin ang pangdidiscriminate ng bang tao, anyway di tayo apektado masyado.Di po masamang makialam, basta nasa lugar.Sabi nga nila, “…pananagutan natin ang bawat isa”.

Di po ba magandang gumawa tayo sa ating sariling maliit na pamamaraan para mabawasan ang discrimination.
Depende sa tao, may mga tong nahihirapang magsabi ng di magandang bagay sa kapwa. Pero kung ang pagsasabi ng di magandang bagay sa kapwa ang magmumulat sa kanya sa di magandang bagay na kanyang ginagawa, at makapagisip isip sya at kanyang ilagay sa tama ang di magandang bagay na yun, di po ba mabuti yun.

Quote lang po:“I regret for a good thing that I could have done but did not.” Tama ang mga nasabi mo,kung sakaling walang salitang diskriminasyon, maaring may ibang salitang gamitin o kapalit para dito…ano man ang gamitin o maging salita andon pa rin ang problema, sa aking paniniwala nadidiscriminate ang tao ayon sa ginagawa at inuugali…

jamaican

08-16-2006, 08:39 PM

hmmm.although 17yr.old pa lang me… napapansin ko tlgh na iba hir kesa sa pinas wen it comes to handling foreigners! in the phils. foreigners are entertained first then the filipinos dbuh…well it’s not that i expect it to be upside down here coz i knw dat it’s the way it shud b handled kaya lang iba tlgh tingin nila sa mga foreigners…sometim es nga nakakainis na!!! my parents have experienced racism here in japan during their stay here for 5yrs…

hope i won’t be able to experience sucH…

:halo:

mikan1227

08-17-2006, 01:01 PM

very informative and very productive ang forum na ito yun nga lang it took me an hour to read all the messages pero ok lang kasi naliwanagan ako.

naalala ko tuloy the first time na nagpost ako dito sa TF sobrang down ako noon dahil sa naranasan ko ang discrimination dito sa Japan well i will not mention the story again paki silip na lang po ang mga na post ko na hehehe

reaction lang tungkol sa racism malawak nga ang kahulugan nito anywhere and anyone can experience it yun nga lang talga masasabi ko eh malaki ang discrimination dito sa Japan lalo na ikaw ay isang firifinjin ang unang tanong agad sayo eh saang omise ka galing :mad: itangi man natin o hindi karamihan sa atin kung kaya nakapunta sa Japan ay dahil nagtrabaho bilang Talento or ang kamaganak ay nagtalento or kung nde man shokai ng kamaganak ang naging asawang hapon. anyway nde naman question dito kung talento ka man or what ano namang masama dun di ba!!! yun nga lang ang “conception” pagtalento ka eh mababa ang tingin ng mga hapon. besides nde lang naman mga pinay ang talento dito sa Japan merong russian,chinese at syempre their very own Japanese hostesses atbp,… pero bakit ganun nakatutok sila sa ating mga kababayang pinay sagot…mas maganda tayo sa kanila :smiley: see kahit ako pwedeng magdiscriminate nde lang mga Hapon ang pwedeng gumawa nito. well malamang tatanungin ako ng mga matatalinong kababayan natin whats my point??? isa lang kahit saang lugar ka man ng mundo mapunta foreigner ka man o nde racism is always present!!!

eh ako nga nde lang sa mga Hapon nakaranas ng discrimintation kahit sa kapwa ko Pinoy pag tanong nila ano work ko sabihin ko wala siyempre bago pa lang ako sa Japan at nagsusumikap pa lamang na matutong makapagsalita ng Nihongo at next question ano trabaho asawa mo sabihin ko salary man aba taasan lahat ng kilay bakit kamo!!! kasi nde ka belong to their group dahil ang mga asawa nila ay mas malaki ang sweldo or position in other words nde ka big time!!!( oooppppss clarification lang bago may magreact :wink: ito po ay ang mga pinay na nakilala ko sa aking lugar out of 10 eh 5 po sa kanila ang nagreact ng ganito sa akin kung kaya naman ang gamit kong panghalip ay “mga at sila”)

well malaking talakayin talga ang racism or discrimination mahirap mawala ito sa isang society especially Japan lalo na kung isa kang gaijin iba talga ang tingin ng mga Hapon.

anong pwedeng gawin??? upang mabago ang paningin ng mga Hapon especially sa ating mga Pinoy??? isa itong malaking katanungan na dapat binibigyang pansin nating mga nakakaunawa at nakakaranas ng discrimination.

anong pagkilos ang dapat simulan? sino ang dapat magsimula? panu sisimulan? o di ba series of questions :confused:

tama lang na napaguusapan ngunit kailangan may kumilos upang mabago ang dapat baguhin!!! kung talagang magagaling tayo mga Pinoy dapat ipamalas natin ang galing natin!!!

peace to all!!!

xxxholic

08-18-2006, 05:18 AM

hi,goldhorse!i agree with you that stereotyping can work both ways.di rin naman talaga natin masisisi yung ibang Hapon na may bad impression sa mga foreigners.like refusing a foreigner as a tenant.coz wether we admit it or not,marami naman kase talagang foreigner na “iikagen.”
at kahit naman siguro tayong mga Pinoy,we wouldn’t want to do business with people whom we think as irresponsible,diba?b esides,racism is everywhere…i don’ think Japan is that bad. Ako din naka experienasal, mas dadami ang hapon na may magandang impression sa mga Pinoy.

Tonyang

08-19-2006, 08:59 AM

besides,racism is everywhere…i don’ think Japan is that bad.

So kapatid, wala na tayong magagawa… tanggapin na lang natin na ganoon na lang? Tama ba itong analysis ko Brod tungkol sa Racism anywhere issue.:smiley:

This is an archived page from the former Timog Forum website.