Rashomon (羅生門) by Akira Kurosawa


Rashomon by Akira Kurosawa

Sunday ng hapon at magandang manood ng pelikula. Sinimulan ko kanina yung Russian film na Andrei Rublev, isa daw sa 100 Best Films of World Cinema, pero na-bore ako sa kalagitnaan kaya tinigil ko muna at naghanap ng ibang mas accessble na pelikula.

Digression: hindi ko gusto ang style ng mga list of best films, best albums, best books, etc. na nakalista ang mga items in reverse order (100, 99, 98 and so on). Siguro iniisip ng gumawa nito na para basahin ng mga readers ang buong article, pero sino naman ang nagbabasa ng buong article lalo na kung ranking lang naman ito ng kung ano-anong items? Weird.

Kaya bumalik na naman ako dito sa ilang beses ko nang napanood na Rashomon ni Akira Kurosawa. May vague recollection akong napanood ko na ito noong high school pa lang pero hindi nagkaroon ng malaking impression sa akin o hindi ko lang binigyan ng pansin.

Pero ang unang natatandaan kong talagang pinanood ko ng nakatutok na atensyon ay nang dumating na ako sa Japan. Hindi ko na rin maalala kung ilang beses ko nang napanood ito sa matagal ko nang paninirahan sa Japan.

Tapos ngayon nga, para lang may mapanood na familiar ay pinanood ko na naman.

Ang nakapagtataka ay kahit ilang beses ko nang napanood ang pelikulang ito ay pakiramdam ko ay ang panunood ko ngayong araw ang pinaka-intense sa lahat. Kahit na alam ko na ang kuwento, nakita ko na ang mga characters, alam ko na ang mangyayari, ganoon pa rin kalakas ang impact na nakuha ko sa panonood kanina.

Ganito siguro talaga ang magaling na pelikula.


Magaling na performance mula kay Machiko Kyo sa Rashomon

Paborito ko ang Rashomon ni Akira Kurosawa, kahit na gusto ko rin ang Seven Samurai at Ran. Kung baga sa mga pelikula ni Hayao Miyazaki, ang Rashomon para sa akin ay parang Tonari no Totoro at ang Seven Samurai o Ran ay parang Spirited Away (Sen to Chihiro no Kamikakushi).

Parang Tonari no Totoro kumpara sa Spirited Away, mas simple ang Rashomon kaysa Seven Samurai o Ran, pero hindi ko masabi na mas lesser film ito kumpara sa mas kumplikadong pelikula nina Kurosawa o Miyazaki.

Ang Rashomon ay kuwento sa isang kuwento. Kuwento ito ng isang pinatay na tao sa loob ng kakahuyan na pinagkukuwentuhan ng tatlong tao sa ilalim ng dating magara pero ngayon ay sira-sira nang gate ng Rashomon, habang may mala-delubyong ulan na bumubuhos nang walang patid.

Sa susunod na taon ay papanoorin ko naman siguro ito.