Dahil sa corona, matagal akong hindi pumunta sa restaurant, tapos pagpunta ko may mga robot na nagse-serve ng order. Unang naisip ko ay ang galing a! Yung order, hindi mo na rin kailangan ng waitress, may mga computer tablet at puwede mo pang i-select ang English para madaling mag-order.
Matagal pa siguro magiging ganito ang Pilipinas, kasi mas maraming workers, mas mura na magbayad ka na lang ng mga servers kesa mag-employ ng robot.
Tapos pumunta ulit kami sa isang ramen shop na may taong servers, mukhang mga Nepalese (dati mga Chinese sila), kaya mapapansin talaga ang kakulangan ng Japanese workers sa Japan. Napansin ko mas “warm” ang pakiramdam kapag may human interaction, kumpara sa mga robot o computer.
Naalala ko nang pumunta ako sa paborito kong ramen shop dati. Busy ang mga servers (mga Hapon) at pagkatapos akong bigyan ng tubig wala nang bumalik sa akin.
“Sumimasen!” walang lumalapit, busy lahat at maingay.
“Sumimasen!!” napansin ako noong lalaki sa gitna na gumagawa mismo nong mga ramen. Sumigaw din sa akin habang hinahalo yung mga noodles, “Hai, nan deshou!” “Negimiso chashuumen kudasai!” “Negimiso chashuumen icchou!”
Natuwa ako sa interaction na ito, at parang mas masarap ang lasa ng dumating na ramen (dinala ng taong server hindi robot)–o baka dahil nagutom lang ako lalo sa kahihintay.
Pero siguro–malamang–robot na ang ating future, lalo na sa Japan. Lalo na kung hindi maagapan ng immigration ang graying population.