sweetiebabe76
11-16-2005, 10:30 AM
May alam kayo sa atin na magtanggal ng varicose veins at magkano kaya ang magagastos. Syanga pala akoy bagong member lang po dito at 6 yrs. na dito sa Japan at kasalukuyang nakatira sa Saitama. よろしく ね。。。
docomo
11-16-2005, 03:49 PM

Hi sweetbabe! welcome to Timog Forum… regarding your question depende po sa budget nyo … kung gusto mo talagang maayos na gawa punta ka Makati Medical… St Lukes din ok po… (medyo mahal lang po ng konti dyan)
nikita
11-16-2005, 03:57 PM
Ang ganda ng umpisa mo ha “varicose veins”(he,he,he)
welcome po tuloy po kayo sa timog!!
DaiRyouKoJin
11-16-2005, 04:03 PM
may alam ako sa may Robinson’s Galleria. injection ang ginagawa nya. nakalimutan ko lang yung name. may pagka mahal sya…around 36K pesos ata yun. basta depende sa laki at area.
welcome sa timog
docomo
11-16-2005, 04:04 PM
Ang ganda ng umpisa mo ha “varicose veins”(he,he,he)
welcome po tuloy po kayo sa timog!!
yung iba nga nikita EB kagad eh …ok lang yan:D
thermometer
11-16-2005, 04:06 PM
welcome po…varicose…este sweetiebabe76… (joke lang!)…kung meron ka hoken medyo munra dto sa japan mrami ang puede mo malapitan…medyon ako kakilala inoperahn dto…sabi pa nga sakin…prang huhugutin ata yong mga ugat mo saka ibabalik parang ganon ata ang gaagwin…puede ka mag inquire sa pinakamalapit na hospital po sa inyo, pero kung sa pinas ang alam ko eh st luke ot makati med po…
sweetiebabe76
11-16-2005, 04:40 PM
mga chiks thanks sa welcome nyo sa akin. nikita wala akong ibang mathread kaya ito nalang napost ko. maganda ba hehehe! pwedeng malaman kung magkano talaga mahal naman yata pag sa hospital. di ba yong gamitan ng schlero theraphy non surgical.walang kayong alam na cosmetic surgical clinic. thermometer meron akong hoken ang problema nga lang ayaw kong samahan ng asawa ko sa hospital di pa kasi ako marunong masyado magnihon go,marunong mag-english asawa ko kaya di ako nahirapan sa asawa ko magcommunicate.
sweetiebabe76
11-16-2005, 04:42 PM
di naman sya gaano malaki kaya lang marami eh pangit tingnan kahit maputi ang legs ko (oh maputi daw hehehe!)kung may varicose pangit talaga.
thermometer
11-16-2005, 08:45 PM
ang alam ko chibie puede ka makipag usap sa mga doktor dahil mostly sa english terminology ang ping aralang ng doktor po dito kya kahit paano makakapag comunicate ka po sa knila… mag hoken kna lang po para makatipid po ikaw
docomo
11-16-2005, 08:51 PM
ang alam ko chibie puede ka makipag usap sa mga doktor dahil mostly sa english terminology ang ping aralang ng doktor po dito kya kahit paano makakapag comunicate ka po sa knila… mag hoken kna lang po para makatipid po ikaw
este thermometer kay chibi po ba yang sagot nyo?.. Welcome po pala
bianca marie
01-07-2007, 06:43 AM
di naman sya gaano malaki kaya lang marami eh pangit tingnan kahit maputi ang legs ko (oh maputi daw hehehe!)kung may varicose pangit talaga.
Hi sweetbabe,
Kung spider veins palang kaya pa ng injections to desolve it, pero kung nakaumbok na that is what we women called varicose veins and that my darling you need a surgery… You have to know the background ng doctor asked few questions about his works it will help you a lot. Goodluck! Oh one more thing avoid tight nylons, wag kang mag cross ng legs mo when you are sitting cuz the blood don’t flow freely.
Doctor J
02-05-2007, 02:32 PM
Hello Sweetiebabe,
Iba ibang klase ang mga varicose veins. May maliit (spider veins) at may malaki. Depende sa laki, iba iba rin ang treatment. Ang uso ngayon ay ang sclerotherapy kung tawagin. Ito ay nag-iinject ng gamot sa mga affected veins para magdikit at magsara ito. Kaya nito ang maliliit at ilang malalaking varicose veins. Kung sobrang liit, maari itong gamitan ng laser treatment. Kung sobrang laki naman, tama si bianca marie, surgery na ang kailangan dito na kung tawagin ay “vein stripping”.
Kung interesado kang magpa sclerotherapy, just send me a PM. Marami na akong ginawa nito.
Regards.
bianca marie
02-05-2007, 09:21 PM

Saan ka nagpeperform ng sclerotherapy? i got 2 i need done…Let me know Thanks! Bianca.
Doctor J
02-06-2007, 02:47 AM
Saan ka nagpeperform ng sclerotherapy? i got 2 i need done…Let me know Thanks! Bianca.
Hello Bianca Marie,
Ang sclerotherapy ay isa lamang office procedure so ginagawa ko ito sa clinic ko. May mga clinics ako sa Mandaluyong, Quezon City, and Manila. Are you in Toronto? When do you plan to visit?
bianca marie
02-06-2007, 03:08 AM
Hello Bianca Marie,
Ang sclerotherapy ay isa lamang office procedure so ginagawa ko ito sa clinic ko. May mga clinics ako sa Mandaluyong, Quezon City, and Manila. Are you in Toronto? When do you plan to visit?
Sa march ang bakasyon ko sa pinas…Can you give me your clinic telephone number sa pilipinas. One more question how much do you charge or depende sa stage ng veins? Thanks!
bikoy
04-01-2007, 04:20 PM
[QUOTE=Doctor J;234761]
Ang sclerotherapy ay isa lamang office procedure so ginagawa ko ito sa clinic ko. May mga clinics ako sa Mandaluyong, Quezon City, and Manila
hello Doctor J,
di po ba kayo magtatayo ng branch ng clinic nyo nyo dito sa japan?
I’m sure marami ang magpapa sclerotherapy sa inyo dito sa japan lalo na yung mga busy at di makauwi sa pinas…me too…gusto ko rin sana etong procedure na ito eh …pero parang masakit!
ang uso po yata ngayon eh yung laser na ILG/YAG ba yun?sana punta kayo dito sa japan …sigurado marami kaming magpapa tratment ng varicose veins!
Doctor J
04-02-2007, 10:56 PM

Hi Bikoy,
Thank you very much for the invite. Matagal ko na ring gustong pumunta ng Japan kasi marami na akong patients na sa Japan nakatira o nagtatrabaho. Medyo mahirap lang sigurong magtayo ng clinic sa Japan. Napakamahal ng mga bilihin dyan at magastos. Pero kung sasagutin mo ang ticket at titirhan ko, ililibre na kita sa sclerotherapy mo. Hahaha!
Anyway, di gaanong popular ang laser dito sa pinas when it comes to varicose veins. Pumuputi kasi ang skin kung saan nili-laser, so just imagine, imbes na pulang spider veins, “puting spider” na. At sa ating mga pinoy, kitang-kita yan dahil sa kulay ng balat natin. Bagay yan sa mga mapuputi ang balat gaya ng mga kano, pati na rin ang mga mapuputing hapones. Di naman ganun kasakit yung sclerotherapy. Pag ako kasi ang gumawa, pinapahiran ko muna ng anesthesia cream kung saan ako mag-iinject, para di masakit.
Pero higit sa lahat, depende rin talaga yan sa klase at laki ng varicose vein mo. Iba-iba rin ang treatment na appropriate sa bawat klase nito. Kanya kailangan ding makita ng doktor mo para masabi kung anong ang magandang gawin.
bikoy
04-03-2007, 02:00 PM

Hi Doctor J,
hmmmm…kung malaki lang etong tinitirhan ko eh di patitirahin talaga kita dito sa amin…kaso kasya lang talaga kami ng hubby ko sa lungga namin eh:D
Teka manawagan tayo sa mga ka TF natin at baka meron mag volunteer… …paging…paging!b aka merong gustong magsponsor ke Doctor J na patirahin sya sa house nyo at libre na raw ang pa - sclerotherapy!
anyway…meron din naman dito sa japan na gumagawa ng laser and sclerotherapy kaso ang mahal…nag-inquire ako last time eh 100,000 yen ang one leg lang depende pa sa laki ng varicose veins at isang session pa lang yun ha?..at di pa kasama dun yung consultation fee ha?imagine mo naman na ganun kamahal dito eh samantalang nabasa ko dun sa ibang thread eh ang fee lang eh mga 5,000 pesos lang ata per session dyan sa pinas
…Hayyyy mahal talaga dito sa japan ano?:scratch: :scratch:
Doctor J
04-03-2007, 11:09 PM

Haay naku talaga Bikoy,
Nagulantang naman ako sa presyo diyan sa Japan. Napaisip mo tuloy akong magtayo ng clinic diyan. Eh isang sclerotherapy session lang pala pwede na akong papuntahin ng Japan. Hehehe. Tirahan na lang. May sumagot naman kaya ng “paging-paging” mo?
Anyway, wait and see na lang tayo for my trip there (may sumagot na ba?). Kung uuwi naman kayo, eh di mas mabuti.
bikoy
04-05-2007, 12:10 AM
ayyy…yung nga palang 100,000 yen na price eh para sa ILG/YAG laser na price per leg po…yung sa injection eh di ko na naitanong ang price.
Doc J…mukhang ala pang sumasagot sa paging !..paging! natin ah…he~he~he~he!:ro ll: :roll: :roll:
jayb00r
04-07-2007, 03:53 PM
sa belo daw magaling
may belo job pa din (sabi ni james yap heheheheh…)
Doctor J
04-09-2007, 12:41 AM
Hehehe. Im afraid we dont offer those kind of services in our clinic. As they say, “only in Belo!”
bikoy
04-20-2007, 07:12 PM
hello Doc J,
yesterday eh pinatingin ko po etong varicose vein sa legs ko kasi more than 2 weeks na sumasakit yung both legs ko…feeling ko eh laging nangangawit yung legs ko and mas lalo na sa gabi sya masakit, so I decided na magpacheck-up na…So nagpunta ako sa malaking hospital malapit d2 sa amin…Question lang sa akin kung ano na feel ko sa legs ko and tapos inultrasound yung legs ko…and okey naman daw po yung blood circulation ko…hayyy kala ko eh meron na blood clot kaya masakit legs ko…buti na lang no problem:D
varicose veins lang daw! kaya lang ine schedule nya ako sa june 1 pa…i-uulta sound daw ulit bago daw ako i-sclerotheraphy and for the meantime eh pinagagamit ako ng compression stockings…para daw ma minimize yung pain sa legs ko?Hmmmm… bat kaya ganun katagal na more than one month pa ako maghihintay bago nila i-sclerotheraphy legs ko?Ganun din po ba dyan sa sa inyo na one month maghihintay after ng first visit?:doh: :doh: :doh: And sabi nga po pala nung doktor dito eh forever na daw ako magsusuot ng compression stocking everyday…yung legs ko daw kahit nai-sclerotherapy na eh magkakaroon pa raw ulit ng panibago kung hindi raw ako magsusuot ng compression stockings everday!kasi nga daw nasa lahi namin yung mavaricose veins ang legs!..nayyyy… …paano na yun eh ang init pa naman dito pag summer…tapos naka stockings ako! …ngekkk:D
…kaya ko nga gusto paalis yung varicose veins ko kasi para naman maidisplay ko ulit yung legs ko eh!!!
tapos from now on lagi na lang ako naka suot ng compression stockings!..hate ko pa naman ang naka stockings!pwede ba doc J na pag nasa bahay lang ako ko isusuot yung compression stockings(home based kasi work ko…computer po)tapos pag lalabas ako eh di ko isusuot yung compression stockings…pwede po ba yun?para naman maidisplay ko legs ko…lapit na kasi summer dito eh:D
pahabol po question: ganun ba talaga yung compression stockings?feeling ko kasi mas lalong masakit yung paa ko pag suot ko yung compression stockings eh!ang higpit sa paa…minsan minsan inaalis ko kasi ang sakit eh!parang lalong di makadaloy ata ang dugo ko!
bikoy
04-21-2007, 04:52 PM
yahoooo…Doctor J…asan ka na? sobra busy ka ata ah?..nagkamali po pala ako ng posting ng name nyo…ikaw po yung si Doc J ha?..reply ka naman pls ha?
Doctor J
04-23-2007, 11:14 AM
yahoooo…Doctor J…asan ka na? sobra busy ka ata ah?..nagkamali po pala ako ng posting ng name nyo…ikaw po yung si Doc J ha?..reply ka naman pls ha?
I sent a message yesterday. Di ko alam kung bakit di lumabas. Anyway, here it is again.
Hello Bikoy,
Ang ibig mong sabihin siguro ay doppler ultrasound. Maganda rin na ma-ultrasound yan although that is not always the case. Importante yan kapag ang procedure na gagawin ay vein stripping surgery. Anyway, tungkol naman sa pag-antay ng isang buwan bago ka ma-sclerotherapy, di ko gaano maintindihan. Ang alam ko, may sclerotherapy na ang interval in between sessions ay one month. Depende sa gamot, meron din namang every week. Pero kung di ka pa naumpisahan, di ko alam why he has to wait for a month before he does the sclerotherapy.
Yung compression stockings naman, maganda siya gamitin habang di ka pa nagagawa, at immediately after ng sclerotherapy for about a month ang advisable. Pagkatapos noon, di ko na pinapagamit. Yung ibang gumagawa nga di nagpapasuot pagkatapos ng procedure, kaya lang masmaganda pa rin kung suotin para macompress ang treated varicose at magsara. Usually narerelieve ka ng leg pains pag suot mo ito at di dapat lalong sumakit. Baka mali ang size na suot mo kaya lalong sumasakit.
Ang pag ulit ng varicose ay depende sa daily activities, family history, etc. Kung matagal ka nakatayo o nakaupo, o naka crosslegs, may tendency na magkaroon ka ng bagong varicose. Yung compression stockings nakakatulong talagang makaprevent ng bagong varicose pero ang tendency nga ay di rin sinusuot ng pasyente dahil mainit at di komportable. suotin mo na lang kung kelan convenient sayo at umiwas ka na lang sa nakakacause ng panibagong varicose.
I hope nakatulong ito sayo Bikoy.
Ingat.
bikoy
04-23-2007, 12:19 PM

hello again Doctor J:D Thank you sa pag reply mo:D tumawag na po ako ko dun sa hospital ask kung bakit one month pa ako wait…sabi eh yung doktor daw na yun eh specialist daw sa veins talaga and kailangan daw talaga na may appointment ako dun sa doktor na yun kc daw po eh marami naka -line up sa kanya na pasyente…yun kaya wait na lang ako!
and yung pong stockings eh Small ang binigay sa akin kasi sila ang sumukat dun sa legs ko sa hospital…siguro di lang ako sanay kaya masakit …ano po?anyway…thanks po talaga sa info from you:D
Doctor J
04-23-2007, 08:13 PM
no problem
sexy mom
08-21-2007, 12:52 AM
Doctor J,
Interested po akong magpasclerotherapy pero takot ako sa needles. Masakit ho ba ito? Ilang sessions kaya aabutin kasi meron ako sa parehong legs ko? I live in QC area. Sana po malapit lang clinic niyo.
This is an archived page from the former Timog Forum website.