Spring cleaning at pagtatapon ng libro

Maaraw at hindi malamig kanina dahil spring na naman, kaya oras na naman ng malaking paglilinis at pagtatapon ng mga gamit. Madami-dami na rin ang mga libro (ehon 絵本 o picture book) na pang-elementary school sa bahay na hindi na mababasa. Kaya kailangan nang itapon o ipamigay.

Nakakalungkot magtapon ng mga children’s books; napapansin mong lumilipas na ang panahon. Alam mong hindi na babalik sa maliliit ang mga anak mo at hindi na nila babasahin ang mga librong dating binabasa ninyo nang magkasama.


Little House by the Sea by Benedict Blathwayt. Isang cute na kwento tungkol sa isang bahay sa tabi ng dagat na ginawang bahay ng maraming hayop.

Minsan nung maliliit ang anak ko, naglalaro kami sa isang government housing compound. Gustong-gusto ko sa lugar na iyon, maluwang kaya puwedeng magbisikleta sa loob, maraming halaman, at ang mga matatandang Hapon na kapitbahay namin ay mahilig mag-garden kaya napakaganda b ng paligid lalo na kung spring at maraming namumulaklak na halaman.

Isa sa mga oras na ito, may lumapit sa amin na isang matandang babae na nakatira sa third floor ng katabing building kasama ng kanyang asawa. May binigay siyang mga papier-mache na hayop na gumagalaw ang ulo (sa Japanese Embassy sa Pilipinas yata ako unang nakakita nito), sabi niya pinaglalaruan daw ng mga anak niya noong maliliit sila.

Natuwa ako at nalungkot din. Dahil naisip ko balang araw ay mawawala na rin sa bahay ang mga bata at pupunta na kung saan-saan.

Pero kailangan talagang magtapon, dahil limited lang ang space sa bahay. May mga tao sigurong may malalaking bahay na halos unlimited ang space. Pero may benefit din ang pagpili at pagtatapon: ititira mo lang ang mga importanteng bagay (o libro).

Maraming libro, pero piniktyuran ko lang ang ilan.


A Butterfly is Patient by Diana Hutts Aston, Sylvia Long

Sa Booksale sa Pilipinas ko pa nabili ito noong minsang nagawi ako doon, kung bakit hindi ko na maalala. Ang daming English books! kaya bumili ako ng marami.


The Goddess on Mount Arayat (アラヤト山の女神 arayatosan no megami) by Virgilio A. Almario, Alberto E. Gamos

Nasa upper elementary na ang anak ko nang makita ko ang librong ito pero binili ko pa rin, dahil bihira ang Japanese book na based sa isang folktale ng Pilipinas. (Binalik ko sa bahay.)

Nakalagay sa loob: Text © 1982 by Virgilo A. Almario. Illustrations © 1982 by Alberto E. Gamos. Originally published by Holp Shuppan, Publishers, Tokyo 1982. Printed in Japan. (Translated into Japanese)


Norah’s Ark by Ann & Reg Cartwright

Gusto ko ang librong ito, isang altenate take sa popular na bible story.


Nora’s Castle by Satomi Ichikawa

Isang libro tungkol sa adventure ng isang bata kasama ang kanyang mga laruan sa isang medyo nakakatakot na abandoned castle.


おれはティラノサウルスだ (ore wa tiranosaurusu da I’m a Tyrannosaurus) by Tatsuya Miyanishi

Paborito naming basahin ito sa bahay. Hirap magbasa ng puro hiragana pero palagi naming binabasa, nasaulo ko ang mga salita. Parang sumikat ito ay nagkaroon ng series ng ilang libro.

Hindi pa ako ready na itapon kaya binalik ko sa bookshelf.


Mrs. McGinty and the Bizarre Plant by Gavin Bishop

Tungkol sa isang obaasan at weird na halaman.


Vegetal by Tadayoshi Ito

Collection ng macro photography ng mga gulay. Hindi strictly pangbata. Ayoko sanang itapon ito pero kailangan.


Tuesday by David Wiesner

Manipis na libro at wala ding salita, pero magaling ang mga weird na illustrations.


A Woggle of Witches by Adrienne Adams

Isa sa mga unang libro na binasa namin nung nag-aaral kaming magbasa ng English.


The Read-it-yourself Storybook by Leland B. Jacobs

Nakita ko lang ito by accident sa Book-Off, at ito ang unang English book na kayang basahin ng bunso namin. Okay mga hindi conventional na stories.

At kung ano-ano pa.

Sa salita ni Marie Kondo: Nagai aida, osewa ni narimashita! Arigato!