may kumakatok ba sa inyong buddhist cult? o (ahem) jehovahs witness? mga sempai, ano ba ang tamang strategy pra maiwasan ang mgato?
maganda siguro na silipin mo muna bago ka magbukas ng pinto. kung nabuksan mo at may unexpected guests, sabihin mo nihongo wakarimasen (o kaya ang standard gaijin phrase “nihongo tabemasen”), sabay apologetic bow at dahan-dahang sara ng pinto
thanks reonsan.
minsan sabi ko nihongo wakaranai tapos nagiinglis pala yung isa ahaha
karamihan 2 pumupunta dito samin tapos ibaiba
minsan may lalaki pang taga nhk daw siya
buti hindi ako pumirma dun sa form na dala nya
yang mga members ng iba’t-ibang relihiyon na yan, madali lang tanggihan. sabihin mo lang na gomennasai, nihongo yoku wakaranai, tapos isara mo na ang pinto.
yung NHK ang mas mahirap dahil talagang kailangang bayaran ang NHK pero sabihan mo lang din na nihongo wakaranai tapos magsara ka na nag pinto.
dati noong marami pa ang nagbebenta ng subscription ng dyaryo, may kumatok sa akin na nihonjin, sabi niya baka gusto mong mag-subscribe sa yomiuri shimbun, hindi man lang japan times na english.
sabi ko mukha ba akong nagbabasa ng nihongo na dyaryo?
sabi niya sige na, subscribe ka na, kailangan ko lang makuha ang quota ko ngayong buwan, bigyan kita ng mga tissue at sabon, libre yung unang buwan tapos kanselin mo na lang pagkatapos ng isang buwan.
hindi ko nga alam kung bakit ko nilagay yung pangalan ko sa papel, siguro naawa lang ako doon sa ahente dahil mukhang isang linggo na siyang hindi kumakain pero marami akong tissue at sabon na nakuha.
tapos pagkatapos ng isang buwan pinuntahan ko yung malapit na yomiuri shimbun branch at kinansel ko yung subscription sabi ko wala akong maintindihan dito sa dyaryo ninyo puro kanji. wala naman akong binayaran
salamat sa kwento nicksan!
May mga aggresive din na NHK collectors.
Pilit nagpapapirma. “This is the law in Japan!” sabi ng isa sakin.
Dahil siguro sa sinabi ko na ayaw kong magbayad.
Mas madali ang magpanggap na wala kang alam sa Nihongo.
“kekko desu. sumimasen.”
lalu na mga babae, mag-ingat sa pagbukas ng pinto. may mga agresibong ahente ng kung ano-anong bagay ayaw umalis ng ganon lang. ung kaibigan kong babae, sabi niya doon sa salesman, iranai desu, sabay sara ng pinto, pero yung lalaki ibinasok niya yung sapatos niya sa pagitan ng pinto kaya hindi masara. kowaii
kailangan maging makapal ang mukha kahit konte