Tagalog kanji dictionary sa Timog


Kanji character artworks by Miki Yoshihito (CC-BY-2.0)

Note: This is an old blog post, back when the Kanji Dictionary was hosted at Timog.org. I have transferred the kanji entries here are Timog.net.

Marami akong kailangang gawin, pero dahil mahilig akong mag-procrastinate, noong isang araw ay naisip kong gumawa ng parang kanji dictionary dito sa Timog, para maubos lalo ang aking oras.

Siguro iniisip mo, e andami nang kanji dictionary sa internet!

Totoo, pero marami din sa mga ito ang puno ng ads at halos hindi magamit. Isa pa, wala pang Tagalog na kanji dictionary, online man o libro. Baka mas maenganyong mag-aral ng Nihongo–at kanji–ang ating mga kababayan sa Japan kung may ganitong resource.

Pinakaimportante sa lahat, ito ang ultimate na time-waster para sa mga procrastinator. May nagawa na akong mga entries, at kung makakagawa ako ng isang entry sa isang linggo, ayon sa aking kalkulasyon, matatapos ito sa loob ng 40 taon! Maraming oras na pag-aksayahan ng panahon.

Ang mga files ng kanji dictionary, kagaya ng buong Timog ay nasa Github, kaya para ma-edit ng kahit na sino ay gagawin kong public ang repository, inaayos ko lang ngayon ang mga files.

Kaya kung marami kang oras o mahilig ka lang mag-procrastinate at may alam ka sa nihongo, baka gusto mong tumulong sa paggawa ng entries ng mga kanji.