Tatanggalin na ang Technical Intern Trainee Program at papalitan ng bagong sistema

government panel tungkol sa technical intern trainee program
Government panel ng mga eksperto (NHK).

Ngayong araw ay sinabi ng panel ng mga eksperto ng gobyerno na ang Technical Intern Training Program ay aalisin na at papalitan ng bagong sistema.

Nagbigay din ang government panel na ito ng draft tungkol sa paglipat sa bagong sistema kung saan mapapadali ang medium hanggang long-term na pananatili ng mga workers sa Japan upang mapunan ang problema ng kakulangan ng mga manggagawa.

Ayon sa sistemang ito, ang mga manggagawa ay malaya ding maglipat ng trabaho at magpalit ng kumpanya.

Sa bagong sistema, ang pangunahing layunin ay hindi lamang ang pagsasanay ng mga manggagawa kundi pati na rin ang pag-secure ng manpower para sa iba’t-ibang industriya sa buong bansa.

Bilang karagdagan, sinabi ng draft na ang mga Technical Intern Trainee na nakatapos ng tatlong taon o higit pa sa pagsasanay ay makakalipat nang madali at maayos sa Specified Skilled Worker visa, na hindi na kailangan ng eksaminasyon, upang matiyak ang mga pananatili ng manggagawa sa bansa sa medium at long-term na panahon.

Ang final na report ng government panel tungkol sa gagawing pagtanggal ng Technical Intern Trainee program at pagpunta sa bagong sistema ay gagawin sa autumn ng taong ito.

Maraming balita mula sa Nikkei, Mainichi, Yahoo at NHK. (Puro Nihongo, wala pang news sa English.)