Things to bring mula Pinas

andres

09-11-2004, 03:39 PM

Kamusta kayong lahat,
Meron akong tanong… Papunta kasi akong Japan (Yokohama) itong October para magsimula ng long-term na trabaho. Ano ba ang mga okey na dalhin mula sa Pilipinas? Syempre alam ko yung mga obvious, tulad ng winter clothes, sinigang mix, etc. Pero meron ba kayong maisa-sajest na mga survival items na hindi madaling mahanap/mabili sa Japan?? :eek: Salamat!
andres

cyclops

09-11-2004, 10:30 PM

Welcom to the Forum friend.
I think you should bring Medicines with you. for colds and sipon, dahil malapit na ang tag-lamig, maninibago ang katawan mo. your favorite underwears and socks daihan mo narin,dahil mahal dito. at higit sa lahat kung first time mo palang mahihiwalay sa family/s mo LAKAS NG LOOB dahil tiyak ma-ho-home sick ka.
GAMBATTE KUDASAI…

3eleven

09-13-2004, 06:35 AM

hello andres,

welcome to japan.

ano ba ang pwedeng dalhin galing sa pilipinas? hmm, isip, isip… tama rin ang sinajest ni cylops, dalhin mo siguro ang iyong favorite underwear at magdala ka na rin ng vitamins at medicines. in case na hindi ka pa nakakabasa ng japanese para bumili ng gamot sa sarili mo.

ito siguro ang maidadagdag ko: magdala ka na rin ng maliliit na bagay na mula sa pilipinas para mayroon kang puwedeng ibigay sa mga tao sa workplace mo. ano ba ang maganda? hindi ko rin alam, e. yung mga ethnic ng bagay siguro. yung mukhang pilipinas ang dating.

lastly, dalhin mo na rin ang iyong driver’s license, baka kailanganin mong mag-drive sa japan, at puwede mong i-convert into a japanese license.

ano pa ba? magpo-post na lang ulit ako pag mayroon pa akong naisip.

andres

09-13-2004, 09:43 AM

Maraming salamat sa mga tips mga kaibigan!

Sige magdadala ako ng maraming bitamina. Yung sa driver’s license, international license ba ang kailangan o pwedeng ordinary lang? E celphone, worth it ba magdala ng celphone mula pinas? Ano nga pala ang voltage na ginagamit dyan? Dami kong tanong, 'no?

Mga maliliit kamo na gifts o trinkets na may ethnic pinoy na design? Tulad ba yan ng mga keychains?

Paul

09-13-2004, 12:51 PM

yung local license mo pwede mong ipa-convert to japanese. pero siyempre kukuha ka ng driving exam. yung international license isang taon mo lang pwedeng gamitin.

walang silbi dito ang cellphone na galing pinas. hindi mo magagamit kasi iba ang sistema nila. hindi gsm.

ang voltage ng mga wall oulet dito ay 100 volts. hindi 110 hindi 120…100. kung magdadala ka ng electronic devices, siguraduhing gagana sa 100 volts. tsaka palagay ko naman hindi mo na kailangang magdala ng electronics dito sa japan. kung baga, parang nagdala ka ng yelo sa north pole niyan.

yung mga gifts, ok na yung maliliit na bagay. para hindi ka mahirapang magdala. pasalubong ba sa boss mo o mga katrabaho.

dala ka nang pagkain na mami-miss mo. siguraduhin mo lang na hindi hahalungkatin sa narita.

reon

09-13-2004, 08:26 PM

andres,

meron akong mga japanese na kakilala na pumunta sa indonesia at korea at mga keychains at keitai (mobile phone) strap ang mga omiyage (pasalubong) nila. kaya siguro mga ganon ang popular sa mga hapon.

attached picture: yung kaliwa galing sa indonesia, yung sa kanan galing sa korea. yung sa kanan actually ay keitai strap pero ginawa kong keychain, hehe. marami tayong ganito sa pilipinas, di ba?

hayaren

10-17-2006, 01:28 AM

Bonamine, hihihihi kailangan sa Desert Safari then vitamins and medicines for colds.

sharpener

10-17-2006, 02:28 AM

Kamusta kayong lahat,
Meron akong tanong… Papunta kasi akong Japan (Yokohama) itong October para magsimula ng long-term na trabaho. Ano ba ang mga okey na dalhin mula sa Pilipinas? Syempre alam ko yung mga obvious, tulad ng winter clothes, sinigang mix, etc. Pero meron ba kayong maisa-sajest na mga survival items na hindi madaling mahanap/mabili sa Japan?? :eek: Salamat!
andres

magdala ka ng nipper at pusher
kase yan ang pinoproblema ko sa ngayon…ang mga ingrown ko

love0308

10-17-2006, 05:56 AM

Magdala po kayo ng rosary:) and mga pictures ng mahal nyo sa buhay para kung medyo senti kayo eh may iiyakan kayo:D

mamimo

10-18-2006, 09:24 AM

Maganda pong dalhin DVDs lalo ng comedy movies para kung sobrang stress kayo sa work o homesick daanin nyo na lang sa panonood.:slight_smile:

josephsoliman

10-18-2006, 09:38 AM

Kung sasabak ka sa giyera dapat preparado ka,yong baril(knowledge) bala (japanese,kanji,hira gana,katakana books)mura yan dyan sa national books store.And know your enemy(culture,langua ge etc.)goodluck.

mamimo

10-18-2006, 09:49 AM

Kung sasabak ka sa giyera dapat preparado ka,yong baril(knowledge) bala (japanese,kanji,hira gana,katakana books)mura yan dyan sa national books store.And know your enemy(culture,langua ge etc.)goodluck.

San ang gyera, umatake na ba North Korea? joke lang joseph…nice reply:)

virgo27

10-18-2006, 09:57 AM

magdala ka ng nipper at pusher
kase yan ang pinoproblema ko sa ngayon…ang mga ingrown ko

hello po… ummmmm~~~~
sa dami ng mga suggestion nyo wla nkong maisip~~:confused:
agree ako sa inyong lahat pero about dun sa suggest ni sharpener na nipper at pusher~~~~
lucky mo kpag nailusot mo sa airport:lol: … kc as far as i know, hindi pwedeng magdala
ng mga fine objects:nono: … kung gusto mo talaga magdala suggest ko lng na ibalot sya sa mga clothes mo~~ be sure na hindi sya mati-trace or else :banghead: :smiley: ~~~

so goodluck po:wavey: ~~~~

josephsoliman

10-18-2006, 10:24 AM

NO! Don’t and ever bring such nipper or cutter,joke lang yan sayo ng mga Ka-TF.Dont bring things na bawal sa plane baka mag-kaproblema ka pa dyan.Other things like Japanese-English Dictionary…hmmm… Shoes!!tama,mahal dito ang sapatos poro pa kaliwa…Maganda sapatos dyan sa pinas lalo na gawa sa Marikina.Bili ka ng balat na pwede mo magamit sa winter coz malamig na rito sa japan.Tsaka,hmmmm… Deodorant!Tama uli!Pag-makapal yong Jacket pang-lamig mo I assure you,pagpapawisan ka.Hmmmm…dala ka na rin pasulobong wala rito sa Japan,chicharon bulaklak,chicharon lapid laman,andoks lechon manok,crispy pata.(hay!tabetai)Jo ke lang.Happy trip!welcome to Japan!

Spinnaker

10-18-2006, 11:58 AM

Nahirapan ako maghanap with shampoo and toothpaste. Brand ko kasi is selsun blue and colgate respectively. Although lately may nakita na akong tindahan na mayroon colgate but I still get my selsun blue from the internet.

At least have some personal supply to survive you for 3-4 weeks until you get familiar with your new place.

meg

10-18-2006, 12:10 PM

magdala din kayo ng mga babasahin…magazines pocketbooks lalo na kung di pa marunong magbasa ng japanese characters…

Dax

10-18-2006, 01:11 PM

Nakakatuwa naman, binuhay ni hayaren itong thread ni andres na mas matanda pa sa karamihan ng members natin. :smiley:

Anyway idagdag ko lang:

  1. t-shirts, shorts & other summer clothing
    Mahal masyado dito + mas maraming choice sa Pinas kasi buong taon mainit.

  2. socks
    Usually up to size 27 cm lang ang makikita mo dito sa Japan. Ang paa ko lampas dyan kaya kung size 27 ang isuot ko hindi lang masikip, madali pang mabutas. :stuck_out_tongue:

hayaren

10-24-2006, 06:25 PM

Nakakatuwa naman, binuhay ni hayaren itong thread ni andres na mas matanda pa sa karamihan ng members natin. :smiley:

Anyway idagdag ko lang:

  1. t-shirts, shorts & other summer clothing
    Mahal masyado dito + mas maraming choice sa Pinas kasi buong taon mainit.

  2. socks
    Usually up to size 27 cm lang ang makikita mo dito sa Japan. Ang paa ko lampas dyan kaya kung size 27 ang isuot ko hindi lang masikip, madali pang mabutas. :stuck_out_tongue:

Sir Dax, you made me laugh:) Though pagpupunta ako ng Japan, I start from UAE pero over here nagkalat ang mga nakaugalian na nating ginagamit back home sa Pinas and if I got friends going home to Philippines, nagpapabili po ako ng mga gamot, medyas-di din reasonable kasi price ng medyas dito at marami pang mga abubot galing sa atin. Iba pa rin talaga ang products ng Pinoy kaya kahit saan ako napapadpad, hinahanap-hanap ko pa rin.

So Sir Dax, am figurin’ out you’re one tall guy:) napaisip ako sa comment mo sa socks, kaya pala ang gastos sa medyas ang hubby ko, now I understand.

sharpener

10-24-2006, 08:53 PM

hello po… ummmmm~~~~
sa dami ng mga suggestion nyo wla nkong maisip~~:confused:
agree ako sa inyong lahat pero about dun sa suggest ni sharpener na nipper at pusher~~~~
lucky mo kpag nailusot mo sa airport:lol: … kc as far as i know, hindi pwedeng magdala
ng mga fine objects:nono: … kung gusto mo talaga magdala suggest ko lng na ibalot sya sa mga clothes mo~~ be sure na hindi sya mati-trace or else :banghead: :smiley: ~~~

so goodluck po:wavey: ~~~~

ngeekkkk!!..my mistake…SORRY POooooo!!!
nakasanayan na kase naming magdala nyan noong talents pa kami
wayback nineteen kopong-kopong
kasama lang yan sa manicure set namin
i remember ang mahigpit na pinagbabawal noon ay sraynet
because of 911 issue lalong humigpit ang airlines, bureau of customs, etc.

anyway here are the things that you should not bring on board

again… sorry po!

forest pixie

10-25-2006, 09:33 AM

hello - singit din kahit bago lang ako - yung nipper no joke - ang nakita ko palang na nipper dito ang lalaki - para bang ang tatabasan ng kuko e kalapad. kung may ingrone (tama ba spelling) ka, di mo matatangal sa nipper nila ( oppss pero di pa ako masyadong nakagalugad ng mga pang manicure - baka naman meron dito di ko lang nakita he he) pero bawal nga sa airlines:( ang mga damit at sapatos, i agree with the previous posts from our ka TF - magdala ka nalang ng medyo marami rami - yung pwedeng gamitin pang casual at pang formal, lalo na. hindi lang ginto ang presyo dito, dyamante:) maganda naman din kasi nga ang quality at mga original (daw) ang nabibili dito - pero di pahuhuli ang mga produktong Pinoy a! Sumasabay at mas affordable pa, kaya magdala ka na ng mula dyan. huwag kang gagaya sa akin, bawat tingin sa tag price convert sa peso - di ako makabili. napapagod daw ang kasama kong hapon kasi widow shopping lang ako. antayin nyang mag wear off ang shock ko ( jeans ba namang pambabae, ang average price e 12T yen! aba ilang levis na yun sa Pinas! o baka naman nadala ako sa shop na ang namimili e walang magawa sa pera nila - ewan )
kung mahilig ka nga pala sa likas papaya na sabon, magdala ka na he he manga, bananas, pineapple, recipe books in english - hay sorry nadadala ako he he. sya sige, here’s praying that you get here safe and sound and that you will have very supportive people to be around you as you start your Japan adventure:D God bless!

kitty_chan

10-26-2006, 10:24 AM

hello po! makiki-join n rin ako.hehe

1.about dun sa nipper, pede naman magdala kse ako nadala ko naman ung nipper ko ng indi nagkaproblem sa airport. bsta make sure n ung nipper ay illgay mo sa check-in baggage mo. pag hand carry, bawal tlga.

2.yep, mga sinigang mix at kng ano2 png mix. kng mkkpagdala k rin ng toyo galing pinas. iba kse ung lasa ng toyo nila dito. pero lately bwal n ata magdala ng liquid pag magbbyahe e. sana dun s place n ppuntahan meron n lng nagttinda ng mga filipino foods. idagdag mo na ang sardines at maling. pati n rin mga sandwich spreads.hehe

3.sa mga toiletries naman deodorant. dala k rin ng khit konting sabon or shampoo para may ggmitin k sa first few days mo dito. then bili ka n lng ng shampoo sa mga kokumin dito. lotion din dont forget.malamig n dito, kelangan mo lotion at moisturizer. hehe

  1. medicines.lahat ng klase.lalo n gamot s sakit s tiyan. pati vitamins.

  2. omiyage para s mga makksama mo sa office.kahit mga keychain or anything n may nakasulat na made in the philippines. hehe. dala kna rin ng pasalubong n pagkain.mga tipong pastillas, pulvuron. ala dito nyan.wag na dried mango, marami mabbili dito nyan! :slight_smile:

so un lng…

ringo

10-26-2006, 07:50 PM

baka hindi ka hiyang sa sabon at shampoo dito magdala ka rin. magkakadandruff ka dito pag hindi ka hiyang. at saka aside from ordinary medicines for coughs, colds, and vitamines magdala ka rin ng mga skin ointments kasi pag winter makati sa balat. well, yan ay based on my experience.

ringo

10-26-2006, 07:52 PM

tsaka aside from the reason na mas mahal dito mga gamot ay napakahirap bumili ng gamot na kailangan mo lalo na pag di mo mabasa drug labels na kanji. gambatte

simor_buts

10-26-2006, 11:30 PM

Kamusta kayong lahat,
Meron akong tanong… Papunta kasi akong Japan (Yokohama) itong October para magsimula ng long-term na trabaho.

Since long term naman ang balak mo, why don’t you bring a good knowledge about computer if you’re not into computers? You will surely want a computer with internet connection so you can keep in touch with your family and loveones in the most convenient way(in my opinion) when you’re already in japan. Baka lang kasi manghinayang ka sa ibabayad pag gusto mong magparepair ng computer dito sa Japan and found out that they just reformat the disk or just changed the settings of BIOS etc. My point is learn simple things on how to maintain a computer.

Just incase you’re not comfortable at using a Japanese OS, you may also bring want to bring an English version of any Windows OS, or any OS in the market. Mahirap kasing maghanap ng computer na English ang operating system dito sa Japan. You can buy an original copy of Windows XP Home Edition for more or less P5,000.00 sa Pilipinas. Wag mo na panghinayangan yan kasi alam kong mabilis mong nababawi yan. Don’t worry, makakapagsulat at makakabasa pa rin naman ng Japanese characters ang computer mo kahit English ang OS. So first things first, learn how to install an oerating system sa computer. Mahal din pag pinagawa mo pa 'to sa isang Japanese computer store.

Goodluck!

simor_buts

10-26-2006, 11:35 PM

Jeepney!!! Dala ka ng miniature jeepney! Mura lang naman sa SM yan. Regalo mo sa mga Hapon na makakasama mo sa work. Yung kahoy na bilhin mo para hindi babasagin…

liza_k

10-27-2006, 05:12 PM

Hello. Tungkol sa nipper, meron nabibili dito. Yung regular size (ang usual na gamit natin ) cuticle nipper ang tawag doon. Yung malaki naman na nakita mo eh para sa nails sa paa. Don’t go to Matsu Kiyo wala doon. Try mo sa ibang malaking beauty shops or the dept. store. You can also order from yahoo japan…

About naman sa things to bring here. Advice ko lang wag damihan kasi baka ma-over 20k ka magbabayad ka pa… :slight_smile: You can always buy here, marami naman cheap din…

mOtt_erU

10-29-2006, 08:31 PM

  1. yep, mga sinigang mix at kng ano2 png mix. kng mkkpagdala k rin ng toyo galing pinas. iba kse ung lasa ng toyo nila dito. pero lately bwal n ata magdala ng liquid pag magbbyahe e. sana dun s place n ppuntahan meron n lng nagttinda ng mga filipino foods. idagdag mo na ang sardines at maling. pati n rin mga sandwich spreads.hehe
  1. omiyage para s mga makksama mo sa office.kahit mga keychain or anything n may nakasulat na made in the philippines. hehe. dala kna rin ng pasalubong n pagkain.mga tipong pastillas, pulvuron. ala dito nyan.wag na dried mango, marami mabbili dito nyan! :slight_smile:

so un lng…

okey `tong sinabi ni kitty chan…some omiyage na maibibigay mo sa mga makaktrabaho mo.

ako naman kagay ng sinabi ni Love San…siguro ROSARY nalang din or maliit na SANTO ng Holy family / Jesus…
para kahit makakavisit ka naman sa Catholic church na malapit sa place mo, still iba pa rin yung mini altar ka sa apartoo mo…

Saling Pusa

03-20-2007, 06:33 PM

Dami ng shampoo at sabon dito. Iba’t-ibang klase… at mura kapag sale kaya yung mga toiletries na yan ay dito mo na lang bilhin. Nagkalat ang sale kaya don’t worry. Mas mura ang toothpaste at toohbrush dito.

Yung mga rekado na lang sa pagluluto kapag mahilig kang magluto. Sinigang broth, mga Pinoy na delata (reno, viena sausage, etc), mga quick food na pag-alis ng lungkot. Basically ang unang tatama sa iyo ay food homesickness maski na favorite mo ang Japanese food, lasang Pinoy pa rin ang hinahanap kapag nalulungkot.

Marami ditong food, fish, prutas at karne at mga veggies ay fresh kaya tiyak na mag-eenjoy ka. Mga tunog Pinoy siguro ang kailangan bitbitin para naman malibang for your music. Mga personal security blankets para makaadjust nang todo-todo.:smiley:

purpletablet

03-20-2007, 06:59 PM

Maraming salamat sa mga tips mga kaibigan!

Sige magdadala ako ng maraming bitamina. Yung sa driver’s license, international license ba ang kailangan o pwedeng ordinary lang? E celphone, worth it ba magdala ng celphone mula pinas? Ano nga pala ang voltage na ginagamit dyan? Dami kong tanong, 'no?

Mga maliliit kamo na gifts o trinkets na may ethnic pinoy na design? Tulad ba yan ng mga keychains?

suggest ko lang po… baka po sa dami ng dadalhin nyo ay mag-over baggage kayo, mahal po ang babayaran.

be sure na walang liquids/gels sa hand carry. ilagay lahat sa check-in baggage.

magdala po kayo ng mga importanteng kailangan gaya:
gamot:
paracetamol- sakit sa ulo/lagnat
anti-diarrheals
mefenamic acid- non-steroidal anti-inflammatory
terramycin ointment-- gamot sa cuts/burns
vitamins
mga medications nyo just in case meron kayong maintenance na gamot na iniinom tulad ng anti-hypertensives (gamot sa high blood), anti-hyperlipidemia (gamot sa cholesterol), anti-diabetics (pampababa ng sugar)

underwear (briefs) — better ask the guys kasi parang wla atang briefs na tinda dito kundi puro boxer’s short

mga pampapogi/ personal hygiene stuff

good luck po!

… paalala ko lang po ulit, baka mag excess po sa bagahe sa dami ng dadalhin :smiley:

Saling Pusa

03-20-2007, 09:13 PM

suggest ko lang po… baka po sa dami ng dadalhin nyo ay mag-over baggage kayo, mahal po ang babayaran.
underwear (briefs) — better ask the guys kasi parang wla atang briefs na tinda dito kundi puro boxer’s short
:smiley:
Maski sila ay gentile (hindi Hudyo) ay meron ding briefs na mabibili at gumagamit din. Ang dami tatlo singko ngayon!:stuck_out_tongue:

This is an archived page from the former Timog Forum website.