Thinkpad X240

Kailangan ko ng device na madaling bitbitin dito sa loob ng bahay kaya naisipan kong mag-browse sa Amazon para sa isang murang 10-inch tablet na ang pagkakaalam ko ay parang 10,000yen lang yata.

Pero nalaman ko na ang Fire HD10 ay 20,000. Huwag na lang.

Matagal na akong gumagamit ng computer pero hindi ko pa nasubukang seryosong gumamit ng isang laptop–pangit ang keyboard, maliit ang screen, mahirap gamitin ang touchpad.

Pero bakit hindi? Para lang may magamit dito sa bahay. Kaya pumunta ako sa Mercari para sa isang secondhand na Thinkpad, preferably either T- o X- series.

Kung laptop lang din, Thinkpad lang ang gusto kong gamitin. Although gumagamit ako pareho ng Mac at PC, hindi ko magustuhan ang hitsura ng MacBook–sobrang mahal pati.

Kaya eto, napabili ko nitong 5,500 yen na X240. Makinis pa ang hitsura, halos hindi nagamit ang keyboard, at may internal at external na battery. Ii ne kore.

250G HD, 8G RAM. Wala nga lang adaptor.

Agad-agad kong binura ang Windows 10 at inistolan ng Xubuntu, ang aking paboritong Linux. Pwede na pang-browse ng Internet.

1 Like