timog is of course, not only a message board. this present site started with blog posts I wrote throughout the years, tapos may kanji dictionary pa na ginawa ko sometime ago. hindi puwedeng ilagay sa isang facebook group lang.
tsaka syempre, mas okay sa akin na may sariling puwesto sa labas ng mall, kumbaga, kahit maliit lang. at least pwede mong gawin ang gusto mong gawin. maganda siyempre na may maraming members para mas maging useful ang isang message board, pero mas importante sa atin ang quality not quantity. kahit na maka-attract lang tayo ng kaunting regular members okay na.
isa pang hindi ko gusto sa facebook ay ang dami ng mga ads, promoted content, suggested pages, etc na sobrang distracting. gusto ko ng simple na site, with no ads if possible, kaya eto ang nangyari.