This is what it feels like posting in Timog

Accurate!

Iniisip ko ang FB ay parang Mall of Asia, nandoon ang lahat ng tao, at ang Timog ay parang maliit na tindahan sa probinsya, pwede ka lang tumambay maghapon pero wala masyadong nangyayari :smile:

Palagi ako sa fb nung una, pero nakakasawa na rin puro selfie, fake news, “inspirational quotes” na hindi nakaka-inspire, etc etc. May fb lang ako ngayon para sa mga parents ko sa Pilipinas, sa messnger lang kami nakakapag-usap.

Para dito sa Japan, Line gamit namin, iwas sa drama ng social media.

Mas madaling magpost at magreport ng pictures at videos sa facebook definitely at focus ay nasa personal profile kaya popular.
Ako rin palagi sa fb, pero para sa mahabang usapan mas maganda ng format ng forum sites gay ng Timog. Mahirap gumawa ng makabuluhang usapan sa fb.

Ako hindi ko magagawa ang trabaho ko ng walang facebook. Gusto kong nakatira sa inaka pero paminsan-minsan kailangan pumunta sa Tokyo. Mag-meet ng mga contacts, mamili ng supplies etc. pero hindi ako titira doon.

Maraming tao naman na hindi puede sa probinsiya kaya kanya-kanyang preference lang yan.

Nagkukumpulan ang mga tao sa cities pero hindi naman sila nag-uusap masyado. You probably don’t even know your nextdoor neighbor sa isang 10-storey mansion. Ganon din sa social media, nandoon ang lahat ng tao pero hindi naman talaga sila nag-uusap. Gusto lang ipakita ang ginagawa at in turn tignan ang ginagawa ng ibang tao. Mag like ng ibang pictures, pero hindi yung normal na conversation.

I was looking at old threads in Timog, some of them continued for years! Example itong post ni cyclops How hard is it to get a Japanese Driver’s License?. Hindi naman siguro inexpect ni cyclops na 4 years pag-uusapan ng mga tao yan sa Timog, pero it took a life of its own. And it’s not even the longest thread in Timog Forum.

Pero bihira na ang ganyang usapan sa social media ngayon.

The other day, naligaw ako sa Tiktok sa isang mukhang popular na tao, popular siguro dahil maraming comments. Pero napansin ko sa mga comments, maraming tanong ang mga tao pero walang sumasagot pati yung Tiktoker, wala naman talagang interes sumagot ang mga tao gusto lang ng maraming view counts.

Sa Facebook kanina, may nadaanan akong profile na may mga selfies at inspirational quotes pero walang comments at may ilang likes, it’s just sad. No wonder nadedepres ang mga tao sa social media, lalo na kung ikumpara mo ang sarili mo sa ibang popular na tao.

Ngayon, kaya ko nasusulat ito ay dahil meron akong keyboard, pero ang mga tao ngayon ay cellphone ang gamit kaya hindi makapagsulat ng isang paragraph. Siguro nga tamang-tama ang cellphone sa panahon ng social media. Madaling mag-post ng pictures at video at emoji pero hassle magtype.

Gaya ng hinihigop ng Tokyo ang population ng mga inaka, social media has virtually sucked the life out of forum websites. Yung PinoyExchange nga namatay na dahil lahat ng Pinoy nasa social media na. Even Malago Forum has closed their message board and moved to Facebook.

Ayaw tumira ng mga tao sa inaka, dahil nasa Tokyo ang action.

Personally, I like this forum format better, maybe because I’m an old fart. Maybe I like the small-town vibes better than the chaos of the metropolis, even if I live here.

i’ve been reading the archives and here’s what I think: this has the potential of being a great community and resource for pinoys in japan. especially those who struggle because of the language barrier

actually, it’s not only the language barrier, its sometimes hard to deal with the isolation in Japn kahit readily available ang social media. sometimes people just want to talk to other relatable people without using their real names.

@reon bakit nga ba nandito tayo ngayon sa timog.net at wala sa isang FB group na Filipinos in Japan or something similar?

timog is of course, not only a message board. this present site started with blog posts I wrote throughout the years, tapos may kanji dictionary pa na ginawa ko sometime ago. hindi puwedeng ilagay sa isang facebook group lang.

tsaka syempre, mas okay sa akin na may sariling puwesto sa labas ng mall, kumbaga, kahit maliit lang. at least pwede mong gawin ang gusto mong gawin. maganda siyempre na may maraming members para mas maging useful ang isang message board, pero mas importante sa atin ang quality not quantity. kahit na maka-attract lang tayo ng kaunting regular members okay na.

isa pang hindi ko gusto sa facebook ay ang dami ng mga ads, promoted content, suggested pages, etc na sobrang distracting. gusto ko ng simple na site, with no ads if possible, kaya eto ang nangyari.

well, well, well… may ad ang timog sa reddit?!

Skdw83dZsa5

that’s the only way to let others know we have a message board, right? it’s better than spamming facebook groups or subreddits.

besides timog, alam mo’ng pinupuntahan kong message board? ito: SchemeBBS. wala masyadong nangyayari, kaya ok^^

That picture looks familiar, hehe!

1 Like

dito ko ginawa yan :grinning:

I found timog through this exact ad actually :rofl:may noticeable impact na ba yung ad sa member count?

1 Like

hi bump! we had around 10 new members after we ran that ad on reddit! it had like 50,000 views, maybe 300 clicks, which resulted in 10 new members, and 2 posters. not bad. :smile:

your username reminded be that I need to listen to this album. pero lagi kong nalilimutan.

1 Like

thing I don’t like about sites like reddit, it’s the upvote and downvote buttons, unpopular opinions are buried, and people only get to read the most popular comments. or maybe it’s a good thing because we just don’t have the time to read everything might as well read the most popular

i read somewhere that you can set discourse to accept google, fb and twitter login. hindi ba natin maaring i-offer yan dito sa timog?

pinag-iisipan ko yan dati pero eventually hindi ko na ginawa dahil magkakaroon lang ng unnecessary complications at mas mahirap ang maintenance ng website

isa pa, okay rin yung simpleng email validation, para masala nang konti ang members