crispee
08-14-2005, 10:21 AM
Tatlong tulog na lang at nasa pilipinas na uli ako. Dahil matagal na rin akong di umuwi, may mga suggestions ba kayo na gawin at hindi dapat gawin pagdating sa airport(Pinas)? Anu-anong bagay ang dapat iwasan at aasahan pag nasa immigration. Ano ba ang bagong raket ng mga tao sa loob ng airport?
Meron ba kayong karanasan na hindi masaya sa loob at labas ng airport natin? Kahit anong kwento ok lang, kailangan ko kasi ng konting idea kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa Manila. Maraming salamat.
ganda_girl89
08-14-2005, 12:14 PM
hi.buti ka pa pauwi na.
ingat ka lang doon sa sinasabing sunod sundo gang sa NAIA.yun yung susundan ang sasakyan ng dumating na balikbayan at hoholdapin pagdating sa madilim o walang taong lugar.better kung ihiwalay mo sa bag mo ang importanting gamit like pera at alahas,pasport at tiket at itago sa bulsa.
yung kasama ko naholdap last month sa may kamatsile papasok ng NLEX.
abeng
08-14-2005, 01:53 PM
pag uwi mo sa pinas???
sarap ng pakiramdam at makakapiling na ang mahal sa buhay???
sakit lng sa bulsa pero ok lng
sa airport natin nakawwwwwwww
asahan mo na ano pa??
e d bulook n nga gawain
adndyan ung hihingan ka sa custom ng pankape kuno
kunyari tutulong sayo sa pgdala ng gamit mo pero m bayad
at pag nkita mo ang sobrang higpit ng mga pilipino na wla namn sa lugar
syempre nasa arrival kana makikita mo na ang mga mahal mo sa buhay na parng nakakulong sa rehas at ang mga rehas na yun na pagkukulungan nila ay magbabayad pa sila ng trenta pesos 30 parang lng ikay masulyapan
laht ng ito ay maiintindihan mo pagdating sa pinas
salamt poooooooo
hotcake
08-14-2005, 02:36 PM
Hello Crispee. Uuwi ka pala ng Pinas, sarap naman. Kwento? umuwi ako 2 years ago (2004 October), pagdating sa airport natin ay naku sobra ang init at aabutin ka pa ng 1 hour bago ka makalabas. Payo ko lang sa iyo ay ingat ka nalang sa nagche-check ng bagahe na officer. Kasi nung turn na namin aba sabi ba naman sa akin ay ganito “Ma’m di ko na bubuksan ang bagahe mo paki-ipitan nalang ang passport mo ng 500 pesos pang-kape lang” aba may presyo pang sinabi. Malas niya kasi nung umuwi ako ay wala akong philippine peso nadala, kaya sabi ko sa kanya wala akong philippine peso. Pero ang mas nakakagulat ay ang sagot niya sa akin. " E di kahit sen yen nalang po. :eek: " Di ko maintindihan kong matatawa ako or maiinis pero shoganai na kasi kasama ang mga tsikiting at naiinitan na sila kaya ayun bigay ng sen yen para makalabas lang ng mabilis.
Akala ko duon lang kaso pagdating sa labas ganun din pala, may mga nagsaasbi na “Ma’m hatid ko na po bagahe niyo hanggang sa sasakyan niyo, sen yen lang po” Lahat ata ay sen yen na sa airport natin. Iyan ay 2 years ago ha Crispee, di ko lang alam kung magakano na ngayon
.
Anyway, goodluck at ingat pag-uwi mo.
cyclops
08-14-2005, 05:31 PM
hi crispee;
ako last year obon yasumi umuwi ng pinas after 12 years dito sa japan, with my wife and daughter.
well pag-labas palang namin sa pinto ng Northwest meron ng mga nakatayong ewan kung ano( help sir… sabi nga iba).
pag-dating sa custom wala naman akong naging problema, hindi nila tsenek ang mga MGA bagahe namin dahil may kasama akong bata pinalabas agad kami.
by the way hindi nga pala kagaya dito sa narita na ang cart use all you can sa pinas,ang cart may bayad nga pala, nakalimutan ko na kung mag kano, but you can pay in dollor or yen thats kung wala kang peso.( kart na bulok,sing-laki ng groseri kart, pwede kang matetano kung hindi ka mag-iingat)
pag-kakuha ng bagahe nag-aantay naman ang mga “sen yen-boys” para tumulong sa pag hakot ng bagahe hangan sa labasan ng airport kung saan nga-aantay ang mga sasalubong sa iyo na bibigyan mo ring nga YEN(heheheheheh…)
kung wala kang kasama at marami kang bagahe i think you will need the “sen yen boys” dahil pababa ang daan papunta sa labasan. pero kung kaya mo naman bumaba ka nga pa-back-style para hindi mag-ka-huloghulog ang mga bagahe mo. i think thats all…
oo nga pala. pag-balik mo hangat ma-aari wag kang mag-dadala nga maraming hand carry dahil maraming inspection kang dadaanan. kasi pati ang binili kong cake ng red ribbon at ice cream ay binuksan nila.
Jyane, ingat…
cyclops
tower23ph
08-14-2005, 08:15 PM
hi, konbanha! gusto mong malaman nangyayari sa pilipinas. mag log in ka sa www.pinoycentral.com (http://www.pinoycentral.com ).
crispee
08-14-2005, 09:29 PM
@ganda_girl89 Napalitan yata ng takot ang excitement na nararamdaman ko:(. Hindi naman siguro susunod ang mga holdaper sa amin kasi may convoy daw ang sundo ko:D
@abeng Salamat sa tip mo… makatang-makata ang dating.
@hotcake Hindi masarap ang umuwi. Sabi nga ni Abeng, masakit sa bulsa. May nagsabi sa akin na mag-praktis na raw akong “bumunot” ala-FPJ. Hindi bunot ng baril kundi bunot ng sen yen:D
Personally, hindi ako sang-ayon sa pagbibigay ng sen yen sa mga tao ng airport. Dapat sana hintayin nilang abutan mo ng “tip” hindi yung uunahan ka pa kung magkano bibigay mo.
@cyclops Halos pareho pala tayo. I mean Obon yasumi din uwi ko after 13 years. Wala pa kayang elevator or escalator man lang sa airport ngayon? Palagay ko ay sinadya yung hagdan para magkaroon ng raket yung mga “sen yen boys” sa loob:D
Salamat sa tip pagbalik ng japan.
@tower23ph Salamat sa link…
Paul
08-14-2005, 10:28 PM
teka, ba’t hindi ko yata na-experience yang mga sinasabi nyo? kauuwi ko lang nung march pero wala pang 30 minutos nasa labas na ko. ni hindi binuksan ang bagahe ko at hiningan ng sen yen ng kahit sino. nauna sa 'kin ang asawa ko’t anak ng isang buwan pero wala rin naman daw silang na-experience na ganyan. swerte lang ba kami o namumuntirya lang sila ng mga mukhang may maraming pera? di kasi ako nagdadala ng kahon-kahong bagahe pag umuuwi e. isang maleta at isang hand-carried luggage lang. tsaka yung cart wala namang bayad a. wag ka lang siguro mag-mukhang tatanga-tangang balikbayan at hindi ka na rin siguro aabalahin. basta pag tinatanong ako kung anong ginagawa ko sa japan sinasabi ko estudyante ako (tutoo naman e).
andres
08-14-2005, 10:44 PM
oo nga pareho lang tayo paul,
kakauwi ko lang 2 weeks ago, at walang problema. 30 minutes lang at nakalabas na ako, at walang humingi sa akin ng pera. PAL ang kinuha ko.
ang advice ko lang, kung overseas contract worker ka (tulad ko), siguraduhin mong in order lahat ng papeles mo sa POEA, or else maiipit ka pagbalik mo (tulad nang nangyari sa akin!).
good luck!
ganda_girl89
08-14-2005, 11:16 PM
crispee,
sorry kung natakot kita sa post ko.it wasnt my intention na takutin ka kundi bigyan ng babala para sa ibayong pagiingat.
docomo
08-15-2005, 03:11 AM
@ crispee
… hindi naman na bago sa ating lahat na merong mga cases ng pang raraket sa “loob man o labas ng airport” … so the best thing na dapat mong gawin o kahit na sinong uuwi sa pinas is yung maging alerto na lang … so dapat alert ka at dapat alert din yung magsusundo sa yo … yun po.
pointblank
08-15-2005, 08:08 PM
Hello Crispee,
Kung first time mong umuwi in 13 years, ang kailangan mo munang malaman ay DALAWA na ang international airport sa Manila (tatlo na nga dapat kung hindi lang nabulilyaso ang opening ng pangatlo dahil sa kasakiman ni Gloria, but that’s another story.) Lahat ng PAL passengers ay doon sa bagong Centennial Terminal, habang ang JAL at Northwest ay doon naman sa lumang terminal. Unlike 13 years ago, di na lumilipad ang Pakistan at Egyptair sa Pinas - nag-give up na sila sa atin.
I cannot tell you too much regarding the Centennial Terminal dahil hindi ako sumasakay sa PAL - mortal enemy ko kasi ang mga supladang waitress, este stewardess, nila at wala akong intensyon na bigyan sila ng negosyo para makitang linalait nila ang kapwa Pilipino. Unlike 13 years ago na medyo magaganda pa ang flight crew nila kahit na suplada, ngayon ay matanda, pangit, walang class, at suplada pa rin. In short, “saitei da yo!”, pero that is also another story…
Ang narinig ko tungkol sa Centennial Terminal ay mainit daw ito dahil minimal ang air-conditioning. Ang arrival at departure lobbies nila ay attempting to be eco-friendly, as in, naturally ventilated. May mga maliit na pocket atriums sa loob para daw mag-draw ng hangin through-out the building. The problem is, it doesn’t work. French ang designers kasi, at ano naman ang alam ng mga French sa tropical design?
Yung lumang terminal naman, rini-refurbish ng unti-unti. Pag maswerte ka, gumagana ang aircon at maayos naman. Since it is not peak season for Pinoys to go home, hindi siguro masyadong madugo. Sa Disyembre just before Pasko, aabutin ka ng dalawang oras na nakatitig sa baggage carousel at wala pa rin ang gamit mo - lalo na pagsabay-sabay ang dating ng mga flights. Doon mo mari-realize kung gaano kadaming ga-higanteng balikbayan box ang pwede palang ipagkasya sa isang eroplano!
Paglabas mo ng eroplano ay marami nang extra-curricular baggage (sa madaling salita, mga alalay at alipores) na nakaabang sa tabi ng boarding gate. Di yan mawawala sa kultura natin na mahilig magpaimportante ang tao at gamitin ang connections para magpasundo, kahit na kapatid ng pinsan ng asawa ng driver ng assistant ng mayor ng Tawi-tawi lang naman ang dumarating. Basta’t ignore ka na lang at diretso sa immigration.
Before you get to immigration, dadaanan mo muna ang malaking billboard ni Ate Glo welcoming you to her Philippines. Pag Disyembre, meron pang rondalla band, “courtesy” daw of Ate Glo. Parang gusto mo tuloy sigawan ng “hoooy, di ko kailangan ng rondalla, yung pera na ginamit niyo diyan, mag-hire na lang kayo ng additional na immigration staff at baggage handler para makalabas kami ng airport ng mabilis at di abutin ng hating gabi dito!”
Ang mga carts sa lumang terminal ay LIBRE. (Di ko alam sa bagaong terminal.) Pag-clear mo ng immigration, go ka kaagad sa rack ng carts, dahil minsan ay nauubusan. Pumili ka na rin ng medyo hindi “gata-gata” gumalaw, dahil di ko alam kung mula sa saang airport sa inaka ng Japan nila minanana yan bilang relief goods pa yata!
Pag nakuha mo na ang bagahe mo, doon naman sa mga impaktong buwaya sa customs. Suwerte-suwerte din yan kung maingay at sakim yung natapat sa 'yo. (Take note: hindi ko sinabing “kung mahigpit” dahil wala diyang tutuong mahigpit - lahat naayos.
I am proud to say na in all these years, hindi pa ako nag-aabot ng lagay - kahit na may dala akong supposedly taxable. Ang technique diyan, do not look like somebody who they can easily bully to give a bribe. Unahan lang yan ng taray. Lalo na kung wala ka namang dala, puwede ka talagang maging matapang.
When I am asked to open my baggage (I usually use boxes when flying to Manila), sinasabihan ko na sila from the start - “okay lang na buksan mo yan, pero pag binuksan mo yan at kinalkal mo ang laman, ibabalik mo yan to the exact condition before binuksan mo - okay lang sa 'yo??” Customs officials are legally authorized to inspect you luggage, but they must return it to the approximate condition before inspection - tignan mo diyan sa Narita, maingat sila kung mag-inspect; kung kahon ay ite-tape pa nila pagkatapos. E yung mga gago nating customs, cutter dito, kalkal doon, pagkatapos bahala ka nang ibalik, paparinggan ka pa nang “commercial quantity yan, ah”. Sira ba ang ulo mo, isang dosenang piraso ng Meiji chocolate, commercial quantity?!?
Siyempre nakaka-perwisyo yung buksan ang bagahe mo, kaya hamunan kayo ng tapang. Kung binuksan man at na-abala ka, just think of it as your contribution to the moral education of our corrupt customs officials - that not evey body will tolerate their hanky-panky. Actually, mas madali nga ngayon dahil sa gusot ni Gloria - maraming mamamayan ang sukang-suka na sa kasakiman ng gobyerno natin - kasama na diyan ang customs.
Of course, pag mag in-born talent ka for being carinoso, pwede rin yung charm technique imbis na taray approach. Nasa sa 'yo yon, basta’t alam mo ang rights mo bilang citizen.
Palabas mo nang customs to the arrival lobby, meron mga nagko-collect ng baggage tags - kaya yung dinikit na stub sa ticket mo sa check-in counter sa Narita, kailangan mong ipakita sa kanila.
Kung may sundo ka, bababa ka doon sa ramp na papunta sa parking area. Bawal kasi umakyat beyond the driveway apron ang mga ordinary mortals.
Kung wala kang sundo (and assuming na sa Metro Manila ka pupunta), doon ka sa “official” limousine service ng airport. Sasabihin mo kung saan ka pupunta sa counter, at bayad ka ng flat fare. Medyo mahal compared sa regular taxi, pero kung 13 years ka na wala sa Manila at di ka na sanay sa racket ng mga locals, small price to pay ito for safety.
Basta’t listo ka lang palagi (huwag kang parang Hapon na akala ay walang manloloko sa mundo!), and enjoy the Philippines!
tower23ph
08-15-2005, 08:30 PM
Mukhang ung mga expirience ng iba nating kababayan e masasaklap ano, pero mas mabuti na rin ung nag-iingat para naman hindi masayang ang pinaghirapan dito sa Land of the Rising Sun hindi ba. Gud luck n lang s pag-uwi mo manong Crispee at sans ay hindi mangyari sau ang nangyari s ilan nating kababayan. God Bless!!!
crispee
08-15-2005, 08:54 PM
Hello Manang Pointblank, Sana kasabay kita sa pag-uwi ko pero malayong mangyari yun kasi sa PAL nagtatrabaho ang isang ‘extended relative’ ni esmi. Tutal nasabi niyo na halos ang mga weaknesses ng mga ‘buwaya at buwitre’ sa paliparan, palagay ko’y handang-handa na ako mula pagsakay pa lang sa Narita. Marami na rin akong narinig at nabasang mga negative insights ng PAL employees, first time kong maging pasahero kaya sana naman eh hindi madagdagan ang bilang ng mga taong isinusuka ang serbisyo nila:).
Basta’t listo ka lang palagi (huwag kang parang Hapon na akala ay walang manloloko sa mundo!),
Listo naman po ako pero sa tagal ng inilagi ko sa bansang hapon eh di ko maiwasan ang magtiwala agad sa kahit hindi ko pa kilala. Sana pagdating ko sa Pinas ay umiral ang aking pagka-ilokano. Salamat po sa mga paalala.
To Docomo, ganda_girl89, tower23ph at iba pa, salamat din sa inyo. Mabuhay ang TF:toast:
Maruchan
08-17-2005, 12:48 AM
I had no problem when I last went home, which was just last March of this year. If you can handle your own luggage, then just ignore the ‘sen en boys.’ And don’t forget to keep your money and other valuables as close to the skin as possible.
Enjoy your vacation!
Maruchan;)here
crispee
08-17-2005, 03:57 AM
TF Friends, ohayo gozaimasu. Medyo mahirap yatang pumasok sa TF board ngayon. Panay “Timed Out” ang lumalabas sa browser ko. Eniwey, pansamantala muna akong mawawala pero susubukan kong sumilip sa board kung may pagkakataon.
Sen yen boys err pilipins hir ay kam…
Ittekimasu:wave:
Paul
08-17-2005, 08:21 AM
Itterasshai, crispee!
Enjoy ka sa pinas. 'Wag mong kalimutan yung mga pasalubong namin ha?
stanfordmed
08-17-2005, 11:27 AM
Manong crispee,
Have a safe and a wonderful trip.
Au revoir!
piNkAhOLiC
10-05-2005, 07:06 AM
Tatlong tulog na lang at nasa pilipinas na uli ako. Dahil matagal na rin akong di umuwi, may mga suggestions ba kayo na gawin at hindi dapat gawin pagdating sa airport(Pinas)? Anu-anong bagay ang dapat iwasan at aasahan pag nasa immigration. Ano ba ang bagong raket ng mga tao sa loob ng airport?
Meron ba kayong karanasan na hindi masaya sa loob at labas ng airport natin? Kahit anong kwento ok lang, kailangan ko kasi ng konting idea kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa Manila. Maraming salamat.
Dapat daw iwasan ang mga “naglalaslas ng bag”… Duhh!!:mad: I dunno kung maniniwala ako dito, kasi ilang beses na akong labas pasok sa pinas, never pa ako nawalan ng pera… Kwento ko yung nangyari. Nagpadala kasi almost 150lapad yung mom ko sa “friend” niya na umuwi last April yata yun.I was in school so yung Tito ko nalang ang sumalubong. Nawala yung pera!!! Sabi nung pinagpadalahan ng mom ko nalaslas daw yung bag niya… Which is true… Nagkagulo sila sa airport nun, naginvestigate pa “kuno” yung mga police… Wala naman nangyari… Pero alam ko, and sigurado ako na gawa-gawa niya lang yun! Itapon daw ba yung bag na nalaslas? Why would she do that to think na kakailangain yun sa investigation diba? :mad: Haayyy… Naiinis ako… Enough na… naalala ko na naman… haayyyy… 150man dayo! Jodan janai yo! Atama kuru!:mad: Waaaaaa!!!:mad:
This is an archived page from the former Timog Forum website.