Totoo kaya?

myukasky

10-15-2005, 01:47 PM

May nabili ako lote na malapit sa lugar namin (Malolos). Last year called yung ahente ko at sinabi na nagamit kuno yung kalahati ng lote ko ng kapitbahay ko.:frowning: Sabi ng ahente ko nagmamakaawa daw yung kapitbahay ko na nakagamit ng kalahati ng lote ko na sana mapapayag ako, kasi nga naman sayang daw yung nagawa kung titibagin.:mad: Di ba bago ka magpagawa ng bahay alam mo na kung saan yung binili mo at di yata kapani paniwala? Kaya ang sabi ng ahente ko ililipat na lang daw yung lote ko sa kalapit din ng lote na nabilihan ko. Pumayag na ako kasi awa din ang naramdaman ko at sayang nga naman di ba? Pero ano sa tingin nyo totoo kaya? Lately kasi nag isip-isip ako at parang di yata kapani paniwala. Ano kaya ang totoo? Next year uuwi ako ang gusto ko talaga malaman kung ano talaga.:frowning: Nakakainis no :rolleyes:

shyboy

10-15-2005, 02:26 PM

manloloko yata ahente mo

tower23ph

10-15-2005, 08:32 PM

para sa akin po hindi kapanipaniwala ang nangyari sa inyo. Ang sbi nyo po bumili kayo ng lote at gumamit kayo ng ahente. Meron po b kayong hawak na papel ng bilihan,halimbawa(de ed of sale,titulo o kaya ay relocation map)mahalaga po ang mga yan. Hindi po pwedeng basta basta pwedeng ilipat ng ganon ganon na lamang ang area ng binili nyong lote. (baka magkakushaba ahente mo at yung nagpatayo ng bahay) bat pinatayuan nya hindi naman pala sa kanya di ba. yun e sa aking pananaw lang naman po based on expirience.

myukasky

10-15-2005, 10:35 PM

Actually installment yun nag advanced ako ng bayad kaya napaaga sya ng one year mabayaran. Dapat talaga November of 2005 ang katapusan ng pagbabayad ko kaso nga nag advanced ako kaya napaaga ng one year. Next month ko malalaman kung makukuha ko na ang titulo kasi may babayaran pa ako. Ang hawak ko lang na documents ay ay yung mga payments reciept, kasi pinabalik nila yung contract document kasi nga ililipat ng lugar. Di ko nga napaxerox bago ko pinadala. :frowning: Di naman sa manloloko sila ang sa akin lang bakit pinapayagan nila magpatayo ng bahay na di sinusukat na kasama ang isa sa staff ng may ari ng subdivision na yun. Kaya kapag nakauwi ako malalaman ko kung ano ba totoo:rolleyes:

Thanks sa reply nyo:D :smiley: :smiley:

logical

10-16-2005, 05:01 PM

Things to consider in buying a real estate property in PHIL:

  1. Transfer Certificate of Title (TCT) - Titulo ng Lupa
  2. Tax Declaration - Dito mo malalaman ang Tax na babayaran mo sa property sa City Hall
    ( May TD both ang house & lot)
  3. Deed of Absolute Sale - Kung Cash payment. kailangan ito para ma transfer sa name
    mo ang TCT
  4. Contract to Sell - kung hulugan ang property na binili mo, then magkakaroon ng Deed of Sale pagkatapos mo bayaran.
  5. Location Map - Dito mo makikita kung nasaan ang lugar property mo.
  6. Plot Plan - dito mo naman makikita ang shape ng lote na nabili mo based on technical description na nakasulat sa TCT. dito mo rin makikita ang mga boundaries.

In your case, sa isang typical residential area na walang comprehensive zoning ay pwedeng mangyari ang overlapping of boundaries, wherein na yung kapitbahay mo ay nakapasok na pala sa loob ng bakuran mo ng di mo alam, pero sa isang developed na subdivision ay malabong mangyari.

Payo lang, be careful in buying real estate property without your personal transaction kasi nagkalat din ang maraming pekeng titulo sa atin.

myukasky

10-16-2005, 05:14 PM

Thanks logical! Wala kasi ako alam sa ganyan so now i know na kung ano ang dapat kong gawin:D Yun na nga eh subdivision yung nabilihan ko, kaya malabo mangyari yung sinabi ng ahente ko.

puting tainga

10-16-2005, 05:18 PM

Manloloko yata ahente mo.

Siguro tama ang sinabi ni shyboy.

OK ba next year? Mas mabuti ba bukas?

Sabi nga ni Agent Fox sa X-files. “Trust no one.”

Chibi

10-16-2005, 07:31 PM

May nabili ako lote na malapit sa lugar namin (Malolos). Last year called yung ahente ko at sinabi na nagamit kuno yung kalahati ng lote ko ng kapitbahay ko.:frowning: Sabi ng ahente ko nagmamakaawa daw yung kapitbahay ko na nakagamit ng kalahati ng lote ko na sana mapapayag ako, kasi nga naman sayang daw yung nagawa kung titibagin.:mad: Di ba bago ka magpagawa ng bahay alam mo na kung saan yung binili mo at di yata kapani paniwala? Kaya ang sabi ng ahente ko ililipat na lang daw yung lote ko sa kalapit din ng lote na nabilihan ko. Pumayag na ako kasi awa din ang naramdaman ko at sayang nga naman di ba? Pero ano sa tingin nyo totoo kaya? Lately kasi nag isip-isip ako at parang di yata kapani paniwala. Ano kaya ang totoo? Next year uuwi ako ang gusto ko talaga malaman kung ano talaga.:frowning: Nakakainis no :rolleyes:
di naman kita tinatakot kung saken lang uuwi ko sa 'Pinas at i tse-tsek ko agad yan ,alalahanin mo malaki pera mawawala sa iyo compare to gastusan mo plane ticket mo check mo sa Registry of Deeds baka niloloko ka na ng ahente mo,may narinig na ko ganyang kwento dito rin sa Japan nagta trabaho cash binayaran ang house&lot yun pala may iba ng may ari nun… ayun napalayas sila tsk.tsk.tsk…

Dkid

10-16-2005, 08:42 PM

Thanks logical! Wala kasi ako alam sa ganyan so now i know na kung ano ang dapat kong gawin:D Yun na nga eh subdivision yung nabilihan ko, kaya malabo mangyari yung sinabi ng ahente ko.

Share ko lang po experience ko. Actually maaring mangyari yung ginawa ng kapitbahay mo. Bumili din po ako ng house and lot package sa isang gated subdivision na malapit lang po sa lugar nyo. Hinuhulugan ko rin po yun at may kulang pa akong 2 years. Nag down din po ako ng 30% ng TCP para maumpisahan na ang house construction. Noong natapos na po yung bahay, lumipat napo kami doon, after a couple of months, nakapagpasya ako na lagyan ng bakod ang nasabing bahay ko. Bago ko maumpisahan ang gate construction, ang daming requirements: kelangan ng permit ng subdivision admin at tsaka building permit ng municipyo. at kelanagan ng cash bond 5% of the total cost. Para mabigyan ng permit,kelangan ng blueprint permado ng architect,etc. iba pa yung hassle na i follow-up mo yung approval ng plano.
Noong approved na lahat ng permits na kailangan, inumpisahan ko na po ang construction ng bakod. Wala pong isang subdivision staff na tumingin (nasa gilid ng gate mismo ang office nila). Nung umpisahan na namin ang paghukay, sabi ng contructor sa akin na kung gustuhin ko raw,pwede raw naming i extend ang bakod (as in magoverlap doon sa katabing lote,ilipat daw yung marker). Of course sabi ko, hindi po kelangan, kc bawal po yun.
Kaya, I guess tama yung ginawa mong pumayag ka na lumipat nalang, para iwas nalang sa gulo. Although you still have to give your agent the benefit of the doubt. Maari ding tama si shyboy.

myukasky

10-16-2005, 11:04 PM

Di ko sure kung iisa lang ang nabilihan nating subdivision, yung nabilihan ko kasi ganyan din ang procedure nila. May ganon pala talgang case na nangyayari, at tama ka kaya pumayag na rin ako ilipat kasi ayaw ko ng gulo.

myukasky

10-17-2005, 11:31 AM

Thanks nga pala sa lahat ng nagreply sa forum na ito at doon sa mga nagtiyagang bumasa:D Okey na pinaayos ko sa sister ko at nakita na din nya kung saan nilipat yung lot. Sabi ng sister ko mas malapit ng konti sa dati, kasi nga naman kung mas lumayo syempre di ako papayag. Pero para sa akin kahit lumayo or lumapit sya basta makita ko yung binili ko at pinaghirapan.:slight_smile: :slight_smile: :slight_smile: Thanks again guys:D Buti na lang may TF at magkakaroon na rin ako ng peace of mind!

mOtt_erU

09-12-2006, 07:28 PM

manloloko yata ahente mo

kaya nga…kaya alamin mo na yan…:slight_smile:

crister

09-12-2006, 07:37 PM

nope, di manloloko ahente nya…

Thanks nga pala sa lahat ng nagreply sa forum na ito at doon sa mga nagtiyagang bumasa Okey na pinaayos ko sa sister ko at nakita na din nya kung saan nilipat yung lot. Sabi ng sister ko mas malapit ng konti sa dati, kasi nga naman kung mas lumayo syempre di ako papayag. Pero para sa akin kahit lumayo or lumapit sya basta makita ko yung binili ko at pinaghirapan. Thanks again guys Buti na lang may TF at magkakaroon na rin ako ng peace of mind!

naayos na nya last October 17, 2005 pa…almost 11 months na nakalipas

This is an archived page from the former Timog Forum website.