Type-O

reon

03-12-2005, 10:46 AM

Minsan kausap ko yong 7-year-old kong anak. “Sino ba ang pinaka-cute na classmate mo sa school?” Isip siya… “Aaa, si Marin-chan.” Tapos, bago ako makasagot, dagdag nya, “Blood type A nga pala si Marin-chan.” (Marin-chan wa A-gata da yo.) Natawa ako, e. :smiley: Naisip ko, “E, ano ngayon?” at “Saan mo naman nakuha yang impormasyon na yan?!”

Malaking bagay nga talaga sa Japan ang blood type dahil makikita daw dito ang personality ng isang tao. Kaya nga, malilit pa lang ang mga bata alam na kung ano ang blood type nila. (Marami sa mga Pinoy ang hindi alam ang mga blood types nila kahit matanda na.)

Kunyari, ang mga type A daw ay “kichomen” (scrupulous, meticulous, partikular sa mga bagay). Side note 1: May nagtanong sa akin na Japanese, “Kichomen ka ba?” Tapos bago ako makasagot, sabi nya, “Siyempre naman siguro. Hindi ka naman tatagal sa Japan kung hindi.” Side note 2: May nagkuwento sa akin tungkol sa isang estudyante nya sa school na hindi daw tumitigil sa pag-erase ng blackboard hanggang walang isang alikabok ng chalk na natira. Sabi nung ibang estudyante, “Sensei, type A kasi yan.”

Yung AB naman ay tipong mga “genius” at “creative” types. Medyo eccentric at may tendency sa mood swings. Tinanong ko yung isang Pinay, “Ano’ng blood type mo?” “AB”, sabi nya habang nakangiti, “Abnormal ano? At nalaman ko lang noong nanganak ako sa Japan.” Yong mga Japanese, bata pa lang alam na. :slight_smile:

“Ketchi” naman daw ang mga blood type B. Kuripot kung baga. Ewan ko kung totoo ito. Etong blood type yata ang pinaka-ayaw ng mga Japanese. Ayaw na maging kaibigan at asawa.

Yung mga type O naman ang mga easy-go-lucky types. Friendly at sociable. Mga leader-types din daw siya. Ang negative naman ay: waldas sa pera at relatively undisciplined lalo na kumpara sa mga type A. :smiley:

Ang mga Pinoy ay karamihan type O (ayon sa aking impormasyon) at ang mga Hapon, marami ang type A. May nakikita ba kayong pattern? O puro mga haka-haka lang din ito? Meron bang mga scientific basis ito? (Calling all nerds in Timog) Type O nga pala ako kaya hindi siguro ako “kichomen”, hehe. E kayo?

hotcake

03-12-2005, 11:27 PM

Hi Reon, maganda iyong article mo regarding sa blood type. Totoo na malalaman ang blood type ng isang tao regarding sa kanyang kilos. For example nalang ay ako, I am woking as a cashier sa isang supermarket. Nagulat nalang ako ng tanungin ako ng kasamahan ko kung A-gata daw ba ako, sagot ko naman sa kanya ay OO at bakit niya tinanong. Ang sagot niya kasi kanina pa daw niya ako tinitingnan, sabi ko bakit? Ang sagot niya ay wala daw kasi akong tigil sa kaaayos ng mga plastic bags. :slight_smile: Sabi nga niya A-gata wa “kichomen” dakara, which is honto.:slight_smile: One more thing is regarding B-gata, ang husband ko ay B-gata pero di naman siya “kechi”. After reading your article tinanong ko siya kung totoo ba na most of the japanese ay ayaw nila ng B-gata. Sabi niya oo daw kasi ang image daw ng B-gata ay “warui”.

goldhorse

03-13-2005, 04:26 PM

Importante nga sa kanila ang blood type, pati sa mga matchmaking ginagamit ito para malaman kung compatible ang personality ng babae at lalaki.Para sa mga interesado at gustong magbasa ng Japanese nandito yuong Compatibility Graph (血液型相性占い<無料>)

“Aaa, si Marin-chan.” Tapos, bago ako makasagot, dagdag nya, “Blood type A nga pala si Marin-chan.” (Marin-chan wa O-gata da yo.)

Siya nga pala dahil A-gata ako, gusto ko din malinawan kung A-gata ba o O-gata si Marin-chan :slight_smile:

reon

03-13-2005, 06:41 PM

Siya nga pala dahil A-gata ako, gusto ko din malinawan kung A-gata ba o O-gata si Marin-chan :)haha, mali nga ang na-type (no pun intended) ko. “A” nga si Marin-chan. eto, ikokorek ko na… :smiley:

reon

03-13-2005, 06:47 PM

hello hotcake, nice name :slight_smile:
One more thing is regarding B-gata, ang husband ko ay B-gata pero di naman siya “kechi”. After reading your article tinanong ko siya kung totoo ba na most of the japanese ay ayaw nila ng B-gata. Sabi niya oo daw kasi ang image daw ng B-gata ay “warui”.haha, B-gata ba ang mister mo? narinig ko lang naman sa ibang tao iyon. pero bakit nga ba ganoon? ewan ko, hindi ko rin alam, e. :slight_smile:

cyclops

03-13-2005, 06:49 PM

I am A-Gata nalaman ko lang ito(my blood type) last year during general health test.
Before that sabi ng mga kaibigan ko type A ako, dahil nga sa pagiging kichomen, my wife too is A-Gata imagine kung gaano ka organize ang bahay namin( pero that’s kung wala siguro kaming anak) :smiley: :smiley: .
ang A ba compatible with B?, kasi halos lahat ng kaibigan ko A or O.
Reon-san do you have a B-gata friend/s?
cyclops :slight_smile: :slight_smile: :slight_smile:

hotcake

03-13-2005, 07:16 PM

Thanks Reon.:slight_smile: I just want to answer Cyclop’s question regarding kung compatible ba ang A-gata sa B-gata. I am A-gata and my husband is B-gata. Di ko rin masabi kung compatible kami (pero we’ve been married for 10 years na) kasi magkaiba kami sa lahat ng bagay. For example sa paglilinis ng bahay, for me gusto ko kilos agad para mabilis matapos pero ang husband ko ay hindi marami siyang commercial bago masimulan ang isang bagay. Pero siguro compatible din kasi kung hindi ay di naman kami tatagal :smiley:

Dax

03-14-2005, 11:09 AM

may scientific basis kung bakit mahuhulaan ang “daitai” na personality o “ikikata” ng isang tao based sa kanyang blood type - ayon sa mga blood type experts dito. kung napanood nyo last year around october may tv special tungkol dito. ang natatandaan ko, “kichoumen” daw ang A-gata kasi basically mahina ang immune system nila. so kung “tekitou” ka maghugas ng mga pinggan, hindi naghuhugas ng kamay bago kumain et.al. ay mas vulnerable kang magkasakit kung A-gata ka, kung ikukumpara sa ibang blood types…ayon sa palabas na yun. on the other hand, ang mga O-gata naman daw ay malalakas ang immune system, kaya happy-go-lucky daw sila.

medyo naniniwala ako sa connection ng personality/“ikikata” at ng blood type. marami akong kilala na O-gata na happy-go-lucky, at A-gata na “kichoumen”, at may ilan akong kilala na B-gata na “mai pe-su” (from “my pace”: mga taong gusto lagi masunod ang pace nila), at AB-gata na medyo mahirap intindihin. PERO, ako ay O-gata at hindi naman ako happy-go-lucky. mas malapit ang “ikikata” ko sa A-gata kung tutuusin at tuwing nag-huhulaan ng blood types ay madalas akong mapagkamalang A. fyi nalaman kong O-gata ako ilang buwan bago dumating dito, at nalaman ko ang tungkol sa “ketsueki uranai” (blood type horscope) mga 1 year afterwards.

nakakatuwa ang “ketsueki uranai” kung hindi natin ito seseryosohin (katulad sa ibang horoscopes). pero sa aking opinion, hindi dapat natin ito gamiting BASIS para mag-judge ng isang tao na hindi natin kilala, dahil lang alam natin ang kanilang blood type. maraming mga ganyan dito, na may “sennyuukan” 先入観 o preconception at hindi ito maganda.

reon

03-14-2005, 10:08 PM

nagkasakit ako noong maliit pa ako kaya alam ko na na type O ako. maraming pinoy ang hindi talaga alam kung ano ang blood type nila. :slight_smile:

cyclops, tinatanong ko ang mga pinoy, pero hindi nila alam. :smiley: dax, that’s a good explanation, logical and completely plausible.

eto ang isang link sa internet tungkol sa blood type (http://www.geocities.com/Tokyo/5976/blood.htm) para sa mga japanese. nakita ko lang.

Dax

05-24-2005, 11:38 AM

“Viewers are now complaining about their children being bullied at school, couples breaking up and bosses treating underlings unfairly - all because of blood type prejudice.”

Myth about Japan blood types under attack

http://news.yahoo.com/s/cpress/japan_blood

To many Japanese, the key to their personality lies not in their stars but in
their blood type. Type A’s, they believe, are perfectionists and make good
accountants; Type B’s are sociable but selfish. Now one of Japan’s favorite
pop beliefs is running into accusations of abuse and discrimination, with critics
saying it is being used to assign jobs, match couples, even pigeonhole
schoolchildren.

Irate scientists are attacking the theory in books and Web pages. Magazines
are examining the debate in articles with titles like, “Don’t bully Type B.”

The debunkers point out that blood type is determined by the proteins in the
blood - hardly a determinant of character. “It’s mere superstition,” says
Tatsuya Sato, associate professor of psychology at Ritsumeikan University.
“Linking blood type and personality is not only unscientific, it’s wrong.”

Ryoichi Kikuchi of the Broadcasting Ethics and Program Improvement
Organization, says his watchdog group has fielded hundreds of complaints.

“Viewers are now complaining about their children being bullied at school,
couples breaking up and bosses treating underlings unfairly - all because of
blood type prejudice,” he said.

Newspaper polls show only 20 percent of Japanese say they’re convinced that
blood type influences personality. But the theory, imported from its Nazi
supporters and adopted by Tokyo’s militarist government in the 1930s, is
wildly popular nonetheless. It is also widespread in South Korea.

Blood type personality analysis appears regularly in Japanese women’s
magazines. Last year alone, more than 50 television shows dwelled on the
subject. Matchmaking agencies offer blood type compatibility tests.

It is considered perfectly acceptable to ask a person’s blood type and make
it public. Blood types are listed in Japan’s “Who’s Who in Politics and Government.”
Prime Minister Junichiro Koizumi is an A, though his permed hair, in-your-face
political style and fondness for pop music hardly fit the accountant stereotype.

Japanese television recently showed children at the Oi Nursery School in Saitama,
just outside Tokyo, being divided into four groups according to blood type to
compare how they eat snacks, clean garbage or take off their shoes at the door.
The school declined a request for comment.

The theory has been around for decades, but its dark past is little known.

The discovery of blood types in 1901 was one of the greatest advances in
medical history, but the breakthrough was then perverted by the Nazis to
claim the superiority of Germans – mostly types A and O – over Jews, Asians
and others with a larger proportion of type B blood.

The theory reached Japan in a 1927 psychologist’s report, and the militarist
government of the time commissioned a study aimed at breeding better soldiers.

The craze faded in the 1930s as its unscientific basis became evident. But it
was revived in the 1970s with a book by Masahiko Nomi, an advocate and
broadcaster with no medical background.

About 40 percent of Japanese are type A, 30 percent are O, 20 percent are B
and 10 percent are AB. O’s are said to be decisive and curious, while AB’s are
supposedly complex and suited for research and art.

The late Nomi’s son, Toshikata, heads a private group called the Human Science
ABO Center and stands by the theory. He says it’s not intended to rank people
and should be only used to make the best of one’s talent and smooth out
relationships.

“A, B and O blood classification is an effective, common indicator that can judge
human beings regardless of race and religion,” he said.

Sakumi Itabashi doesn’t buy it. A liberal arts professor and author of “The
Myth of Fortunetelling,” he blames the craze on a national passion for efficiency
and order.

“People want to find a rule in everything, including personality, because that
makes things more predictable and they feel more secure,” he said.

reon

05-25-2005, 09:00 PM

Nice post Dax,

Noong una ngang nabanggit sa akin ng anak ko yang blood type, blood type na yan, naaaliw pa ako, pero lately medyo nagsisimula na akong mapikon. Paano pag tinuturuang magsulat ng kanji, minsan sinasabi nya, “Pangit ang sulat ko ng kanji kasi type-O ako. Si Nani-nani-chan maganda kasi type-A siya.” O kaya, “Pag gusto mo daw yumaman, kailangan daw B-gata ka. Paano ako, O-gata?”

Hindi ko talaga alam kung saan nakukuha ng mga maliliit na bata yang blood type information na yan, hanggang nabanggit sa akin na ang mga grade one pala sa elementary schools ay may mga name tags kung saan nakasulat ang mga blood types nila – in case of emergency daw :rolleyes:. Kaya pagka-grade two nila, alam na ng buong madla kung ano’ng mga blood types nila (kaya nga siguro wala na ring name tags na may blood types ang mga grade two).

Kaya tuloy ang mga bata, ina-associate ang mga traits at personalities based sa mga blood types. “Yan kuripot yan dahil B-gata.” and other nonsense (mabuti sana kung puro positive). Yung mga matatanda (kahit teachers) naman (either on purpose or unwittingly), pinapalaki itong myth na ito.

Kagaya ng lahat ng superstitions (kahit na ano, kahit religions, basta hindi ma-prove scientifically), nakakaliw lang pag hindi masyadong siniseryoso. Pag nag-start ka nang mag-rely sa kanila para mag-form ng opinions, o mag-judge ng mga tao, o gawing reliable guide para sa maraming bagay, doon nagsisimula ang problema.

sensei

06-23-2006, 02:11 PM

Kunyari, ang mga type A daw ay “kichomen” (scrupulous, meticulous, partikular sa mga bagay).

Yung AB naman ay tipong mga “genius” at “creative” types. Medyo eccentric at may tendency sa mood swings.

“Ketchi” naman daw ang mga blood type B. Kuripot kung baga. Ewan ko kung totoo ito. Etong blood type yata ang pinaka-ayaw ng mga Japanese. Ayaw na maging kaibigan at asawa.

Yung mga type O naman ang mga easy-go-lucky types. Friendly at sociable. Mga leader-types din daw siya. Ang negative naman ay: waldas sa pera at relatively undisciplined lalo na kumpara sa mga type A. :smiley:

Ang mga Pinoy ay karamihan type O (ayon sa aking impormasyon) at ang mga Hapon, marami ang type A. May nakikita ba kayong pattern? O puro mga haka-haka lang din ito? Meron bang mga scientific basis ito? (Calling all nerds in Timog) Type O nga pala ako kaya hindi siguro ako “kichomen”, hehe. E kayo?

AB desu!!! Pinaghalong kichomen at wagamama…
kichomen kasi kahit yung mga nakatabinging picture frames kailangan laging nakaayos. Hindi rin ako matatapos sa trabaho hangga’t perfectly done. Tapos pag nagge-general cleaning ako ng bahay…hanggang sa pinakamaitim na singit dapat malinis.:smiley: Perfectionist ba talaga ang A type?

Hmnnn…hindi ketchi ang type B, I think wagamama would be proper. Medokusagari…tsaka ayaw patalo. Pero pinaka enjoy daw kasama ang type B.

Malamang ang pinoy karamihan eh type AB.

Bakit kaya sinasabi nung iba na hindi daw compatible ang AB sa O? Eh kami ni dadi super naka ii talaga:p

nikkichibi

06-23-2006, 02:27 PM

ako ay type B ,totoo na super wagamama at mendoksagari minsan hindi nag iisip kung tama ba ang ginagawa oh hindi basta sige lang ng sige hahahaha kung ano ang maisipang ay gagawin pero madaling magsawa , mikka bosu daw ang tawag doon eh :smiley: masyadong magastos yan ay ako pero ewan ko lang sa ibang B gata kasi kahit na pareho ng type ng dugo ay iba iba naman ang mga ugali eh ,:slight_smile:

proud me

06-23-2006, 02:37 PM

@sensei…ako type A…pero hindi naman perfectionist :slight_smile: …pero totoo nga karamihan nga dito sa japan…blood type ang madalas pagbasihan nila :slight_smile:

Raiden

06-23-2006, 03:24 PM

Best Traits: Ambitious, athletic, robust and self-confident. Natural leaders

Worst Traits: Arrogant, vain and insensitive. Ruthless

Famous Os: Ronald Reagan, Queen Elizabeth, John Lennon, Paul Newman, Elvis Presley, Gerald Ford, Mikhail Gorbachev, Al Capone

More about Japanese blood type theory of personality.

My blood type is O+, and I do have a tendency to be ruthless. :frowning:

nokiko

06-23-2006, 04:12 PM

Minsan kausap ko yong 7-year-old kong anak. “Sino ba ang pinaka-cute na classmate mo sa school?” Isip siya… “Aaa, si Marin-chan.” Tapos, bago ako makasagot, dagdag nya, “Blood type A nga pala si Marin-chan.” (Marin-chan wa A-gata da yo.) Natawa ako, e. :smiley: Naisip ko, “E, ano ngayon?” at “Saan mo naman nakuha yang impormasyon na yan?!”

http://www.zollaedplus.com/catalog/images/blood_corpuscles.jpg

Malaking bagay nga talaga sa Japan ang blood type dahil makikita daw dito ang personality ng isang tao. Kaya nga, malilit pa lang ang mga bata alam na kung ano ang blood type nila. (Marami sa mga Pinoy ang hindi alam ang mga blood types nila kahit matanda na.)

Kunyari, ang mga type A daw ay “kichomen” (scrupulous, meticulous, partikular sa mga bagay). Side note 1: May nagtanong sa akin na Japanese, “Kichomen ka ba?” Tapos bago ako makasagot, sabi nya, “Siyempre naman siguro. Hindi ka naman tatagal sa Japan kung hindi.” Side note 2: May mag-kuwento sa akin tungkol sa isang estudyante nya sa school na hindi daw tumitigil sa pag-erase ng blackboard hanggang walang isang alikabok ng chalk na natira. Sabi nung ibang estudyante, “Sensei, type A kasi yan.”

Yung AB naman ay tipong mga “genius” at “creative” types. Medyo eccentric at may tendency sa mood swings. Tinanong ko yung isang Pinay, “Ano’ng blood type mo?” “AB”, sabi nya habang nakangiti, “Abnormal ano? At nalaman ko lang noong nanganak ako sa Japan.” Yong mga Japanese, bata pa lang alam na. :slight_smile:

“Ketchi” naman daw ang mga blood type B. Kuripot kung baga. Ewan ko kung totoo ito. Etong blood type yata ang pinaka-ayaw ng mga Japanese. Ayaw na maging kaibigan at asawa.

Yung mga type O naman ang mga easy-go-lucky types. Friendly at sociable. Mga leader-types din daw siya. Ang negative naman ay: waldas sa pera at relatively undisciplined lalo na kumpara sa mga type A. :smiley:

Ang mga Pinoy ay karamihan type O (ayon sa aking impormasyon) at ang mga Hapon, marami ang type A. May nakikita ba kayong pattern? O puro mga haka-haka lang din ito? Meron bang mga scientific basis ito? (Calling all nerds in Timog) Type O nga pala ako kaya hindi siguro ako “kichomen”, hehe. E kayo?

ngayon alam ko na kung bakit tinanong sa “mensetsu” ko kung anong type ko… buti na lang type A ako… hehehehe

nakakatuwa naman to… kaya pla sa TV(fuji-tv?) parang horoscope yung blood type, nagkakarerahan for today’s fortune…

para tama tong mga haka haka na to… applicable kasi sa kin… at karamihan nga ng pinoy ay type O… at simula nung dumating ako ng japan, nagugustuhan naman ako ng mga japanese (自画自賛) at nagugustuhan ko rin sila (medyo saliwa yata to sa topic a)

eniwei, totoo man ito o hindi tingin ko isa ito sa aspeto ng kulturang hapon…

seanty

06-23-2006, 06:23 PM

hehehe kakatuwa naman ang anak mo Reon, ako at ang baby boy ke e A-Gata si Papa namin eh O-gata, kaya pala mainisin ako kpag hindi maayos ang bagay-bagay sa paligid ko hehehe

Itong 2 yrs old ko eh nakakatuwa, ayaw ng narurumihan sya or yung toys nya, pag me nakita lang na dumi sa katawan nya gaya halimbawa ng pagkain ng ice cream(malalagyan ng ice cream yung paligid ng bibig) naku eh magrereklamo na…“Mama,wipe! Wipe!!!” o kya naman pag-uwi ng bahay, hihingin agad ang alcohol kase lalagyan ang paa nya at kamay nya…hehehe

minsan, nakakatuwa kaya lang pag busy ako nakakainis kasi naabala ako sa gawain

sam_227

06-23-2006, 06:52 PM

ako ay type B ,totoo na super wagamama at mendoksagari minsan hindi nag iisip kung tama ba ang ginagawa oh hindi basta sige lang ng sige hahahaha kung ano ang maisipang ay gagawin pero madaling magsawa , mikka bosu daw ang tawag doon eh :smiley: masyadong magastos yan ay ako pero ewan ko lang sa ibang B gata kasi kahit na pareho ng type ng dugo ay iba iba naman ang mga ugali eh ,:slight_smile:

Naku! ganyan ang asawa ko maisipan talaga, B ang hubby ko at O naman ako.ang B naman madali naman pakisamahan masayahing tao,kahit may problema hindi nagpapahalata apektado,ganyan ang asawa ko ewan ko lang sa iba B gata.Medyo okey compatible naman ang O at B.Sabi naman ng iba hapon ang AB daw ang mahirap pakisamahan, pansin ko nga sa Sacho naman ganon sya gusto nya palagi sya nasusunod kahit personal na bagay na makikialam pa.ewan ko lang sa iba AB di ko naman po nilalahat.:wink:

camouflage

06-23-2006, 07:42 PM

Kaya po pala may mga kasamahan akong mga hapon na A type daw sila, pero hindi yata tumugma sa nabasa ko tungkol sa A-type ang mga kasamahan kong ito pagdating sa trabaho ah!,:frowning: kaya sa aking palagay depende na rin po ito sa tao. :slight_smile:

Type O nga po pala si CAMOUFLAGE!:slight_smile:

kate

06-23-2006, 09:13 PM

may tanun lan po:) ako dito tutal napag uusapan dito ang type na dugo…medyo ot nga lan po ng konti… curious lan po ako sa parehong type B na mag asawa ang naging anak type AB siya…?? :confused: meron kaya ditong nakakaalam o may nakaen counter na ganitong sitwasyon…??

proud me

06-23-2006, 09:48 PM

may tanun lan po:) ako dito tutal napag uusapan dito ang type na dugo…medyo ot nga lan po ng konti… curious lan po ako sa parehong type B na mag asawa ang naging anak type AB siya…?? :confused: meron kaya ditong nakakaalam o may nakaen counter na ganitong sitwasyon…?? parents parehong type B pwedeng maging type ng anak eh, type O at type B…

kate

06-23-2006, 09:59 PM

parents parehong type B pwedeng maging type ng anak eh, type O at type B…
salamat sa reply mo proud me san…kaibigan ko kase yan …mali mang pagdudahan ang kanyang pagkatao ako sana ay partawarin…tao lamang po… matagal ng tanun sa isipan ko yan kaya naman ng mabuksan ang thread na ito ay hindi ako nag dalawang isip na magtanun…kawawa naman pala un hapon kung ganun…hay naku bakit kaya may mga taong ganito ang pag uugali…na ngaun ay dahan2 kong nakikilala ang kanyang pagkatao…sori po ulit sa ot…

ritzyu

06-23-2006, 10:53 PM

may tanun lan po:) ako dito tutal napag uusapan dito ang type na dugo…medyo ot nga lan po ng konti… curious lan po ako sa parehong type B na mag asawa ang naging anak type AB siya…?? :confused: meron kaya ditong nakakaalam o may nakaen counter na ganitong sitwasyon…??

Sa pagkaka-alam ko lang ha, kung ang parents ay parehong B type ang
blood, mas posibleng ang maging blood type nang anak ay B or O type.
Baka namamali pa rin ako, hindi ako 100 percent sure diyan, antay pa tayo
nang ibang members para makasiguro rin po tayo:)

Gomen nasabi na pala ni proud me,medyo huli na pala ako.

kate

06-23-2006, 10:59 PM

Sa pagkaka-alam ko lang ha, kung ang parents ay parehong B type ang
blood, mas posibleng ang maging blood type nang anak ay B or O type.
Baka namamali pa rin ako, hindi ako 100 percent sure diyan, antay pa tayo
nang ibang members para makasiguro rin po tayo:)
salamat sa reply ritzyu san.:slight_smile: .uu ako din hindi sure na 100% kya ko naitanun dito sa thread na ito…kase aswa ko duda talaga dun sa friend ko na un eh…sana nga may tumama…he he he asa pa ano…?:confused:

Erika

06-23-2006, 11:51 PM

[quote=ritzyu]Sa pagkaka-alam ko lang ha, kung ang parents ay parehong B type ang
blood, mas posibleng ang maging blood type nang anak ay B or O type.
Baka namamali pa rin ako, hindi ako 100 percent sure diyan, antay pa tayo
nang ibang members para makasiguro rin po tayo:)

@ritzyu…tama ka nga eto may nahanap ako link …http://www.biology.arizona. edu/Human_Bio/problem_sets/blood_types/inherited.html#calcu lator

uvy

06-24-2006, 12:07 AM

[quote=ritzyu]Sa pagkaka-alam ko lang ha, kung ang parents ay parehong B type ang
blood, mas posibleng ang maging blood type nang anak ay B or O type.
Baka namamali pa rin ako, hindi ako 100 percent sure diyan, antay pa tayo
nang ibang members para makasiguro rin po tayo:)

@ritzyu…tama ka nga eto may nahanap ako link …http://www.biology.arizona. edu/Human_Bio/problem_sets/blood_types/inherited.html#calcu latortama nga sila kate,yan din pagkakaalam ko,…kaya imposibleng magiging AB dugo ng anak nila kung pareho sila kamo na B,…:wink:

kate

06-24-2006, 12:22 AM

[quote=Erika]tama nga sila kate,yan din pagkakaalam ko,…kaya imposibleng magiging AB dugo ng anak nila kung pareho sila kamo na B,…:wink:
uu nga…maraming salamat sa may thread na ito @ Reon san .pasensya na .medyo naiba ng konti ang topic ha…kundi dahil sa u hindi ko malalaman ang kasagutan nito…@proud @ritzyu @Erika @uvy salamat sa inyo…

houseboy

06-24-2006, 03:53 PM

Hmmm… totoo kaya ito?

Type B ako, tapos Ilocano pa… so ibig sabihin nun Super Kuripot?

Kaya pala lagi kong ulam ay… …:smiley:

Raiden

06-24-2006, 04:16 PM

@ houseboy

Hindi naman lahat ng Ilocano ay kuripot. Ang asawa ko ay Ilocana, pero hindi naman makunat. Di kaya dahil type O din siya? :confused:

Napansin ko lang ha na ang pinakamakunat na tao sa mundo ay ang mga Bumbay, Hudyo, at Chinese. :slight_smile:

Erika

06-24-2006, 04:18 PM

Hmmm… totoo kaya ito?

Type B ako, tapos Ilocano pa… so ibig sabihin nun Super Kuripot?

Kaya pala lagi kong ulam ay… …:smiley:

@houseboy~~~Type B ka pala :stuck_out_tongue: …totoo siguro yan kasi parati mong ulam…instant ramen??? Tama ba :smiley: ???

summerghie

06-24-2006, 04:24 PM

matagal ko rin katanungan yan sa sarili ko bakit ang mga hapon ang unang tinatanong sayo at kung anong gata(bloodtype) ka…dito kasi nila bini-base ang personality ng isang tao;eh parang pre-judgement kagad ang dating kung iisipin natin…maraming nagkakatugma sa ugali ng isang Type A, O, AB at B.pero sa tingin ko di naman lahat pareho like sabi ng iba may ugali sila na ugali ng ibang bloodtype…parang ako Type A kasi ako medyo naniwala sinabi ni sensei na medyo may pagka-perfectionist ang A gata,magastos ako parang B gata un diba,kuripot asawa ko pero A gata siya, kaya siguro depende talaga sa ugali yan ng isang tao…

pola228

06-24-2006, 05:20 PM

type O po ako at A ang asawa ko…ang dalawa naming anak ay O:D

at talagang masasabi kong compatible kami…ganun din yung mga byena ko…type O ang lalaki at ang babae type A…kaya magkasundo kami:D

nikkichibi

06-24-2006, 06:27 PM

Hmmm… totoo kaya ito?

Type B ako, tapos Ilocano pa… so ibig sabihin nun Super Kuripot?

Kaya pala lagi kong ulam ay… …:smiley:

ako ay type B at ilocana pa pero di ako kuripot:D

houseboy

06-24-2006, 06:31 PM

@houseboy~~~Type B ka pala :stuck_out_tongue: …totoo siguro yan kasi parati mong ulam…instant ramen??? Tama ba :smiley: ???

Hindi po Instant Ramen… syempre since type B ako, nagsisimula rin sa letter B ang palagi kong ulam. At yun ay walang iba kundi Tuna.:smiley:

Anong type ba ng dugo ang pinaka common dito sa Japan?

inaiinaiba

06-24-2006, 07:32 PM

ganito talaga sa japan.tingin agad sa tao.tanong kun anong blod type.tapos husga na:) .may na alala tuloy ako:O may kaibigan ako lahat sila ng family nya type o.nong malaman na kaming lahat ng family ko type B.nagtawanan sila pareho ng asawa nya:O e ang mga B daw madumi sa bahay.at kuripot.sa trabaho hindi daw tinatangap type B. darashinai daw kasi.one day nag stay sila sa bahay namin…malinis bahay namin at maarte.kankinai siguro blood type.malayongmalayo sa amin.hindi rin kami kuripot .pag humi humihingi ng tulong mga kapatid ko bigay kagad.pati bahay nila kami narin nag pagawa.pang negosyo kami rin.magastos pa nga ako mahilig sa brando. mapunta lang dep store wala na…:slight_smile: kaya medyo hindi ako naniniwala sa blood type.:slight_smile: peace to all.:slight_smile: :slight_smile: :slight_smile:

This is an archived page from the former Timog Forum website.