ruby
09-23-2005, 06:35 PM
Dear mga kababayan,
Hindi ko alam na dito sa Japan eh marami palang magnanakaw ng mga panty at bra sa sampayan. Dahil sa sobrang busy ko eh hindi ko napansin na unti unti na palang nauubos sa sampayan ang mga underwear ko. Ini-report ko na sa pulis pero gusto kong mahuli kung sino mang manyakis ito. Meron ba kayong suggestions para mahuli ko ang mag-nanakaw na ito?
Salamat!
crispee
09-23-2005, 06:58 PM
Hello Ruby,
Ang napanood ko sa tv ay nag-install ng videocam. Pwede mo ring subukan ang ordinary webcam na may motion sensor (yung software). Kung kaya ng bulsa ay subukan mo ang IP webcam para kahit saan pwede mong i-check ang nangyayari sa iyong sampayan.
Ibang paraan naman para di na madekwat or masungkit ang iyong labada:
-Isampay mo sa loob. Madali naman matuyo ang mga ito lalo na kung itatabi mo sa likod ng ref:)
-Gumamit ka ng dryer, para di mo na kailangan isampay.
-Maglagay ka ng stickers sa poste ng ilaw na nakalagay ay “パンティどろぼうに注意” . Pwede rin streamer type sa bakod ng bahay mo.
ruby
09-23-2005, 08:04 PM
Dear Crispee,
Maraming Salamat sa reply mo. Meron akong webcam and laptop. bumili na ako online ng software from Intel, na-instal ko na rin yung software sa computer ko. sinubukan ko na rin, kaya lang pag gabi eh useless. at sa ngayon pinag-iisipan ko pa kung paano ko mailalagay yung camera nang hindi makikita ng mag-nanakaw, takot kasi ako baka pag nakita yung kamera eh pasukin yung bahay ko.
Ano nga pala ang ibig sabihin nung Ipinalalagay mo sa bakod ng bahay ko?
Ulit …maraming salamat.
ruby
crispee
09-23-2005, 08:17 PM
May solusyon din ang problema mo sa gabi. Maglagay ka ng outdoor spotlight na meron din auto motion sensor. Marami nito sa DIY(Do-it-Yourself) stores. Price range is 5000 yen pataas, depende sa klase. Meron din yung solar powered type. Ang ibig sabihin nung streamer ay “pantidorobo ni chui” mag-ingat sa manunungkit:D
Disadvantage lang ng ilaw na may motion sensor ay pati yung pusang gala nade-detect:p
Teka nga pala…ibig mong sabihin hindi mo ipinapasok ang panti at bra sa gabi? Kung ganun eh, sungkit-all-you-can ang magnanakaw niyan:D
hotcake
09-23-2005, 08:20 PM
Hello Ruby. Tama si Crispee sa payo niya sa iyo. Isa pang pwede mong gawin ay maglagay ka ng sensor light/security light sa garahe mo or sa veranda mo. Pero walang effect iyon kapag umaga ninanakaw ang underwear mo… Effective naman iyon kung sa gabi ka nagsasampay…
Or huwag ka nalang magsampay sa gabi… Ruby nagkapareho tuloy kami ni Crispee ng payo…
Crispee gomen, pag-submit ko ng reply ko ay doon ko na nakita ang second reply mo kay Ruby…
crispee
09-23-2005, 08:32 PM
Ok lang yun hotcake…ibig sabihin, payo ng bayan ang solusyon natin:D
@Ruby
Wag magpapakita ng takot. Kapag nahalata ng kalaban na kabado ka, lalo itong magpupursigi sa pag-atake. Unahan lang yan.
puting tainga
09-23-2005, 09:09 PM
Sa bahay namin, walang sampay sa labas, sa lahat ng panahon.
No need to worry about the thieves, pollen, dirty air, and sudden rain.
It also works for controlling the moisture inside, because almost always the air conditioner is on.
Also, since the washing machine is inside, everything can be done inside, I don’t have to go out.
houseboy
09-24-2005, 02:07 AM
Ma’am, ganito gawin mo. Next time, hiramin mo mga brief ko at yun ang isabit mo. Walang magkakainterest na nakawin ang gulagulanit, naninilaw at los-gar na brief.:yikes:
Seriously speaking, subukan mong magsabit ng panty na gulagulanit, naninilaw, MALAKI at los gar para naman ma turn-off yung magnanakaw. Aakalain niya na lola sa tuhod ng isang obachan :rolleyes: ang may-ari ng panty na yun. Siguradong hindi niya pag-iinteresan yun. Kung ninakaw pa rin, wag ka na lang mag-panty. Gumamit ka na lang ng brief.
cyclops
09-24-2005, 02:14 AM
ako rin noong sa ibaba pa kami nakatira, ilang beses ng na sungktan ng brief, puro CK pa naman. ngayong nasa itaas na kami nakatira siguro nag-lalaway ang Panty/Brief Dorobo.
cyclops:D
puting tainga
09-24-2005, 03:25 AM
wag ka na lang mag-panty.
:biglaugh: :biglaugh:
Itlog ni Columbus! Great idea!
jilmc
09-24-2005, 08:54 AM
wag ka na lang mag-panty.
:biglaugh: :biglaugh:
Itlog ni Columbus! Great idea!
Ano kayat lagyan ng sili ang panti at isampay uli:rolleyes: kawawa cguro c dorobo! :weep:
docomo
09-24-2005, 12:31 PM
… it would be better if you don’t hang your underwear outside ,for safety reasons (iwas sa mga may sayad )
shydimple
09-24-2005, 01:53 PM
Meron din ganyan dito sa place namin wherein mga 6 to 8 persons yung na victim. Fortunately, 2 kaming hindi nakuhanan.Anyways, inabangan namin siya one night. Nag set kami ng trap. Nag-hang kami ng mga underwear with other things like towels and hankies para hindi masyadong halata na trap iyon.Naglagay kami ng video camera plus 3 kaming naghintay until 3:30 am hoping na mahuhuli namin siya but unfortunately hindi kami nag-succeed. Last month one of the victim woke up at 5 early morning at nakita niyang merong isang lalaki na naka-bike na tumitingin inside the washing machine(washing machine is placed outside the apartment)and she assumed na iyon na yung theft. kumukuha rin siya kasi dito ng mga undies na nasa loob ng wasing machine minsan kasi sa sobrang pagod nung mga babae dito kapag nagrun sila ng machine sa gabi, the following day na nila kinukuha only to find out na wala na ito. I guess ito yung mga oras na “gumagala” yung mga manyakis na yan.
stanfordmed
09-24-2005, 02:07 PM
wag ka na lang mag-panty.
:biglaugh: :biglaugh:
Itlog ni Columbus! Great idea!
in other words: going commando!
Freeballing (in the case of males not wearing underwear) and Freebuffing (in the case of females)
(In a 1994 (http://www.answers.com/main/ntquery?method=4&dsid=2222&dekey=1994&gwp=8&curtab=2222_1) Seinfeld (http://www.answers.com/main/ntquery?method=4&dsid=2222&dekey=Seinfeld&gwp=8&curtab=2222_1) episode, Kramer (http://www.answers.com/main/ntquery?method=4&dsid=2222&dekey=Cosmo+Kramer&gwp=8&curtab=2222_1) goes commando for medical reasons, but the line, I’m out there, Jerry, and I’m lovin’ every minute of it!!! only hints at the true meaning).
betong
09-24-2005, 02:39 PM
in other words: going commando! Freeballing (in the case of males not wearing underwear) and Freebuffing (in the case of females)
(In a 1994 (http://www.answers.com/main/ntquery?method=4&dsid=2222&dekey=1994&gwp=8&curtab=2222_1) Seinfeld (http://www.answers.com/main/ntquery?method=4&dsid=2222&dekey=Seinfeld&gwp=8&curtab=2222_1) episode, Kramer (http://www.answers.com/main/ntquery?method=4&dsid=2222&dekey=Cosmo+Kramer&gwp=8&curtab=2222_1) goes commando for medical reasons, but the line, I’m out there, Jerry, and I’m lovin’ every minute of it!!! only hints at the true meaning).
I think that in one episode of Friends, Joey also went commando.
It apparently is called going commando, because sometimes commandoes don’t even have time to wear their undies during an attack…:rolleyes:
Teddy
09-24-2005, 03:24 PM
I’m just curious… Walang “shitagi-dorobou” sa Pinas:confused:
BEBOT
09-24-2005, 04:10 PM
Wala ngang shitagi-dorobou sa Pinas pero meron namang jeans (expensive huh) dorobou:sneaky: .
chepot
09-24-2005, 04:23 PM
dito samin meron din…pro. di naman ako nananakawan kc cguro, di nya type ang panty ko kc obatalian pants kaya…:yikes: (just kidding)di kc ako nag iiwan ng sampay pag gabi…yung neighbor kong filipina, nag-work sya sa gabi, so parating syang may sampay ng madaling araw…nagreklamo sya sakin na nawawala daw ang underwears nya, sabi ko…kung gawin na lang nya na hwag na lang nya munang sampay ang mga undies nya kc yung dorobo na yon eh talagang sa madaling araw umaatake…she followed my advice pero, ginantihan nya yung dorobo…nagsampay sya ng ganit-ganit na panty pro, nilagyan nya ng isang bottle ng tabasco:grrr: awa ng diyos,na-solved na ang problem nya…
cyclops
09-24-2005, 04:41 PM
in other words: going commando!
[I]Freeballing (in the case of males not wearing underwear) and Freebuffing (in the case of females)
Meron bang TM na nag-gaganito. me sat. and sun. freeballing din tipid sa labahin.but mon. to fri. meron kasi kailangan naming mag-palit ng uniform sa locker.
cyclops:)
andres
09-24-2005, 05:01 PM
Meron bang TM na nag-gaganito. me sat. and sun. freeballing din tipid sa labahin.but mon. to fri. meron kasi kailangan naming mag-palit ng uniform sa locker.
cyclops,
thanks for sharing
ako, top secret yung schedule ko
Teddy
09-25-2005, 04:44 AM
Wala ngang shitagi-dorobou sa Pinas pero meron namang jeans (expensive huh) dorobou:sneaky: .
How practical:D Ako naman, nawala ang isang bagong napaka-cool na Nike t-shirt sa laundry sa isang hotel sa Manila… Nagbigay sila sa akin ng P1,000 for the loss… di sapat:mad: Sa palagay ko ay may nagnakaw niyan sa laundry shop:mad: :mad: :mad: Binalik kasi lahat ng laundry bukod sa “cool” Nike t-shirt:mad: :mad: :mad: :mad: Hindi ko nang isusuot any Nike sa Pinas… Magbe-Bench na lang:p
hotcake
09-25-2005, 07:59 AM
Wala ngang shitagi-dorobou sa Pinas pero meron namang jeans (expensive huh) dorobou:sneaky: . Tama ka sa inabi mo Bebot, naranasan ko na iyan sa Pinas. Minsan naglaba ako ng Jeans namin ng mga Kuya ko ng gabi, kinabukasn nung magising ako abay ang linis ng sampayan ko…kasi nawala lahat .
rainer2005
09-26-2005, 03:33 PM
ang hirap palang hulihin ng mga underwear dorobo sa jpn.bukod sa mahal na ang mga cam at iba pang gadgets,maaksaya pa sa oras…lintek na dorobo yan!
ang maipapayo ko na lang siguro para mahuli ang underwear dorobo na yan ay pag isinampay mo ang underwear,isampay mo na naka suot sa may-ari.para sa ganoon,kapag sinungkit nya,dakmahin mo ang lintek para huling-huli!
editha
09-27-2005, 09:31 PM
nangyari din sa akin yan,ang pagkakaiba lang natin ay:yung sa akin isinoli ng dorobo sa washing machine after 3 days.at laking gulat ko tlaga kc may kasama pang sulat.ito ang nakasulat:“DEKA PANTS HAKUNA,DEBU”…naku po…tlaga nmang atama ni kuruyo…magbuhat non di na ko nagsasampay sa labas.
crispee
09-27-2005, 09:48 PM
.ito ang nakasulat:“DEKA PANTS HAKUNA,DEBU”…naku po…tlaga nmang atama ni kuruyo…magbuhat non di na ko nagsasampay sa labas.
:dogpile:grabe!:bonk :
docomo
09-28-2005, 12:33 AM
.ito ang nakasulat:“DEKA PANTS HAKUNA,DEBU”…naku po…tlaga nmang atama ni kuruyo…magbuhat non di na ko nagsasampay sa labas.
natawa din ako dito ha …tutuo talaga sinulatan ka ng ganyan ?:chatter:
piNkAhOLiC
10-02-2005, 12:57 AM
That “パンティどろぼうに注意” sign worked for my cousin! Naglagay siya sa door ng apartment niya! Naalala ko tuloy yung nangyari sa kanya… We got home around 11AM galing sa park, aba, pagdating sa house, nakita namin may guy na sinisiksik yung sarili nya palabas sa maliit na window sa kitchen!!! We were so shocked kasi unexpected talaga! Ang bilis nakaalis nung guy, nawala parang bula! We never called the cops kasi mendokusai eh. So ayun, we checked her bedroom, nandun lahat ng alahas niya and LV stuffs. TALAGANG UNDERWEAR LANG ANG KINUHA! At take note, Hindi nagtira kahit 1 pair!
DJchot
10-08-2005, 03:52 PM
nangyari din sa akin yan,ang pagkakaiba lang natin ay:yung sa akin isinoli ng dorobo sa washing machine after 3 days.at laking gulat ko tlaga kc may kasama pang sulat.ito ang nakasulat:“DEKA PANTS HAKUNA,DEBU”…naku po…tlaga nmang atama ni kuruyo…magbuhat non di na ko nagsasampay sa labas.
hehe, funny tong thread na ito a!
anong ibig sabihin nito? ----> “DEKA PANTS HAKUNA,DEBU”
ano bang ginagawa sa mga panty’t bra at madalas nakawin? bagong laba naman.
di ba, yung mga bagong hubad ang gusto ng mga lalake? yung may scent hehe
reon
10-08-2005, 05:24 PM
kumusta DJchot.
anong ibig sabihin nito? ----> "DEKA PANTS HAKUNA, DEBU"ano nga ba? “wag kang magsuot ng higanteng panty, taba.” :biglaugh:
halloween
10-08-2005, 07:40 PM
Teka bitin ata wala pang translation ang “DEKA PANTS HAKUNA, DEBU”. Alang sumasagot. Paki translate sa isang bagong salta na gaya ko.
crispee
10-08-2005, 07:49 PM
Teka bitin ata wala pang translation ang “DEKA PANTS HAKUNA, DEBU”. Alang sumasagot. Paki translate sa isang bagong salta na gaya ko.
May translation na si Reon, halloween… eto o >> “wag kang magsuot ng higanteng panty, taba.” :biglaugh:
UUlitin ko:
DEKA > Dekai, malaki, lawlaw, XXL, oversized
PANTS > hindi ito pantalon. Tawag kasi ng japanese sa PANTY ay PAN-TSU
HAKUNA> wag isuot, wag gumamit (pag romantic yung magsasabi > hakanaide ne?)
DEBU > taba! masakit tanggapin lalo na kung totoo:D (depende sa nagsasabi;) )
halloween
10-08-2005, 07:53 PM
Kakatawa naman yon, hehe, delayed reaction noh. Kala ko kasi joke. Nakisungkit na lang ng panty eh may request pa. Patawa!
alamagawa
10-23-2007, 03:20 AM
may updates ba dito? tok tok ruby ano nakita mo na ba yung mga panty mo? up ko lang tong thread…intere sting kase:p
kakkoii_daw
10-23-2007, 09:37 AM
hahaha. honga wag na lang kau magpanty kung nanakawin rin lang.
ako nga di na nagbibrief, tipid sa labahin. tsaka bacon brief na kasi mga briefs ko…
KikoyBalayon
10-23-2007, 09:40 AM
cappy, siguro grey yung kulay ng mga brief mo… kasi yun din saken eh…
g33k
10-23-2007, 09:42 AM
hahaha, pareho tayo may mga bacon na rin ako:D
@kakkoii_daw,
masakit kapag naka-jeans nang walang brief:D
kakkoii_daw
10-23-2007, 09:51 AM
cappy, siguro grey yung kulay ng mga brief mo… kasi yun din saken eh…
hahaha, pareho tayo may mga bacon na rin ako:D
@kakkoii_daw,
masakit kapag naka-jeans nang walang brief:D
hahaha. may mga bacon din pala kayo. oo meron ako grey bacon brief!
masakit nga, lalo na kapag nakaslimfit jeans, lalong lalo na kapag may dumaang seksi.
nasalaag
10-23-2007, 10:55 AM
marami pa yatang ganito ngayon eh.
pwede naman siguro sa loob na lang ihang ung mga undies, para walang magnanakaw, unless may access cya sa loob ng bahay nyo
sa tatlong lalaki jan na nagkaintindihan sa masisikip na jeans at bacon briefs: bakit, meron na bang nagnanakaw o nagtangkang magnakaw ng mga undies ng lalaki?
@g33k at kakkoii, na try nyo na pala magsuot ng jeans na walang briefs? wow mga masochist yata kayo ah
g33k
10-23-2007, 10:57 AM
^ hahaha, pain is the game
ICHIBAN08
10-23-2007, 11:06 AM
Walang ibang solusyon kundi isampay sa loob ng bahay ng hindi pagkainteresan di ba?
kakkoii_daw
10-23-2007, 11:19 AM
marami pa yatang ganito ngayon eh.
pwede naman siguro sa loob na lang ihang ung mga undies, para walang magnanakaw, unless may access cya sa loob ng bahay nyo
sa tatlong lalaki jan na nagkaintindihan sa masisikip na jeans at bacon briefs: bakit, meron na bang nagnanakaw o nagtangkang magnakaw ng mga undies ng lalaki?
@g33k at kakkoii, na try nyo na pala magsuot ng jeans na walang briefs? wow mga masochist yata kayo ah
oo, lalo na kapag bacon brief ang nakasampay. mainit yan sa mga mata ng buri-fu otaku.
masarap ang feeling kapag jeans lang! ingat lang sa metal na zipper…
KikoyBalayon
10-23-2007, 11:33 AM
aruy! patay tayo jen…
jam
10-23-2007, 11:36 AM
isa lang po solusyon dyan wag ka magsampay sa labas…yan po gawain ko although wala pa naman akong nabalitaan na ninakawan ng undies dito sa lugar namin…ingat po
KikoyBalayon
10-23-2007, 11:42 AM
sa mga guys jen… wag yung mga french bikini briefs na mukhang pantsu. baka akala ni dorobo-chan eh pambabae( pwde rin kung ganti mode hehe)
nasalaag
10-23-2007, 12:24 PM
^ boxers na lang kasi. komportable na, airy, at hindi nagbebacon! hehe…
poulain
10-23-2007, 12:39 PM
whaaah nangyari na rin saken 'to nung nasa nagano pa ako… alam ko ung kapitbahay namen na brazilian lang kumuha nun, kaya simula nun di na ako ngsampay… malay ko ba na uso pala nakawan ng undies dito… grrrr
KikoyBalayon
10-23-2007, 03:36 PM
whaaah nangyari na rin saken 'to nung nasa nagano pa ako… alam ko ung kapitbahay namen na brazilian lang kumuha nun, kaya simula nun di na ako ngsampay… malay ko ba na uso pala nakawan ng undies dito… grrrr
buti na lang at undies lang kinuha… pasalamat tayo.
pero napapansin ko parang kulang ng isa yung undies ko…
alamagawa
10-23-2007, 03:44 PM
kikoy hindi naman nag a-undies unggoy eh:D
KikoyBalayon
10-23-2007, 04:16 PM
well im unique… hehe… di na kasi kasya yung lower body sa avatar eh… pero meron ako undies nyan… mabait kasi ang ueno zoo… libre daw nila hehe…
mikoboy78
10-23-2007, 07:19 PM
whaaah nangyari na rin saken 'to nung nasa nagano pa ako… alam ko ung kapitbahay namen na brazilian lang kumuha nun, kaya simula nun di na ako ngsampay… malay ko ba na uso pala nakawan ng undies dito… grrrr
poulain kala ko sasabihin mo: “kaya simula nun di na ko nagpanty para wala na rin manakaw ang mga drobo!” hehhe:D
mikoboy78
10-23-2007, 07:21 PM
at akala nyo ba mga panty lng ninanakaw??? ako brief ko ung paborito ko pa ha… nanakaw ng kapitbahay namin! uniqlo pa naman un! huhuhu… nagkanduling-duling na ko sa kakahanap eh dito sa kwarto ko at sa buong bahay talagang wala. eh ano pa eh di na nanakaw ng tabing bahay namin na obasang! hehehee:D:D:D
TR250
10-24-2007, 12:54 AM
Yung dati kong esmi ay madalas nasusunkitan ng panti kaya ban ang pagsampay ng panti ni misis sa veranda (based on experience). Yung panti ko ay nakabandera sa labas at maski naman siguro sunkitin ni Mr. Weirdo ay tawa ko lang nai-imagine ko tuloy kung papaano ang pag trip nila sa panti ko… una isusuklob sa ulo at sisinghot-singhotin… BWAHAHAHA!!! :biglaugh:Siguradong sulit na sulit sila sa amoy ng panti ko… BWAHAHAHA!!! :biglaugh:Maski ibabad sa Clorox ay di naaalis ang amoy “BEBE”… BWAHAHAHA!!! :biglaugh:
Dati napag tripan ko ang panti ni esmi at nag “ala-masked hero” din ako kaya lang nung ipinakita ko kay misis ang aking “new super hero costume” ay binatukan ako at di kinausap ng isang araw… BWAHAHAHA!!! :biglaugh:
shiawase
10-24-2007, 02:13 AM
I just drop by to share to you guys i was also a victim of these insane people! :furious: They took my 3 victoria secrets undies and 2 panties na may pair na bras. :weep: Each in different days! Duda ko naman yung mga nakatirang russian girls malapit sa amin. :ohlord:
may_abe
10-24-2007, 08:43 AM
I just drop by to share to you guys i was also a victim of these insane people! :furious: They took my 3 victoria secrets undies and 2 panties na may pair na bras. :weep: Each in different days! Duda ko naman yung mga nakatirang russian girls malapit sa amin. :ohlord:
Wow ang mahal ng Victoria secret sayang naman… sa loob mo nalang isampay…hihihihi:D
shiawase
10-24-2007, 12:12 PM
Wow ang mahal ng Victoria secret sayang naman… sa loob mo nalang isampay…hihihihi:D
Oo nga eh, marunong sila mamili ng nanakawin. Mukatsuku! :mad:
kakkoii_daw
11-01-2007, 11:13 AM
saan po kaya nakakabili ng buri-fu ni yoshio kojima? anong brand po kaya iyon?..
mauubos na kasi itong yobyalp brip ko e… dahil sa mga dorobo…
g33k
11-01-2007, 11:31 AM
^ hindi ba nauubos yan dahil maluwag na si bacon?
KikoyBalayon
11-01-2007, 11:37 AM
wla bang playboy dito? lumalabas na kasi yung mga isaw eh…
g33k
11-01-2007, 11:39 AM
^same bacon flock together nyaaaay
nga pala suggestion pareng kakkoii_daw, para magamit mo pa si bacon(if talagang maluwag na) tahiin mo yung magkabilang gilid hahahah
kakkoii_daw
11-01-2007, 11:40 AM
^oo mga tsong, maluwang na to at sobrang bacon na… mahirap na nga mabasa ung YOBYALP e… kahapon PLAYBOY to… side B naman ngaun…
g33k
11-01-2007, 11:43 AM
hayos na style yan dude ah. matry nga din para mas mapahaba ang buhay ni bacon:D
kakkoii_daw
11-01-2007, 11:48 AM
^oo dude, tipid pa sa laundry… tsaka iwas dorobo…
lancome1111
11-05-2007, 07:59 PM
Gusto ko lang sabihin, natawa ako super sa post na ito! Meron din palang ganito dito. hahahaha!
mrs-mymelo
11-06-2007, 05:08 PM
Totoo 'to…nangyari dito 'yan…kaibigan ko mismo nanakawan…at ang daming nanakaw,kalahati nga bag ng basura…Sus me,…talagang weird itong si friend dahil hindi niya alam na ganyan na karami ang underwares niyang nawala…hayyyyyyyyy y
becbec3
11-07-2007, 01:11 AM
are these words english? i nearly understand none of them…
alamagawa
11-07-2007, 01:55 AM
are these words english? i nearly understand none of them…
english? no… it’s tagalog…you wait for dianne, she will explain tomorrow ok?
by the way nice name you have there ha, i remember my friend bukbuk :D, many pimples kase eh that’s why bukbuk:D:p
sige na nga… good night.
may_abe
11-07-2007, 08:16 AM
english? no… it’s tagalog…you wait for dianne, she will explain tomorrow ok?
by the way nice name you have there ha, i remember my friend bukbuk :D, many pimples kase eh that’s why bukbuk:D:p
sige na nga… good night.
what is the root name of alamagawa? ganda rin ng user name mo…derives from- alamang gawa sa ? Japan? peace:D
mOtt_erU
11-09-2007, 03:22 PM
Dear mga kababayan,
Hindi ko alam na dito sa Japan eh marami palang magnanakaw ng mga panty at bra sa sampayan. Dahil sa sobrang busy ko eh hindi ko napansin na unti unti na palang nauubos sa sampayan ang mga underwear ko. Ini-report ko na sa pulis pero gusto kong mahuli kung sino mang manyakis ito. Meron ba kayong suggestions para mahuli ko ang mag-nanakaw na ito?
Salamat!
… maraming ganyan sa Japan, few months ago nga, may nahuli kase may naka-install na camera… sus magugulat ka talaga… teacher pa ah… :eek: … kaya install ka nalang ng camera o kaya sa loob mo nalang i~hang yan mga undies mo…
chanel_ar
10-03-2008, 04:21 PM
Bad trip tlga ako ngaun. Gus2 pla ng magnanakaw n yan bago ang panty …langya nman oh ngaun nga lang ako nkabili uli ng bagong panty ninakaw pa di ko pa nassuot kc nilabhan ko muna at sinapay s labas dati nman walang nagnnakaw ng panty d2 s amin (cguro d nya trip kunin kc luma at pang lola haha) kainis bakit d nya pa kinuha pati bra ko n kasama s sampayan terno p nman un kainis tlga oh …
This is an archived page from the former Timog Forum website.