Usapang eBook

Medyo specific 'tong tanong ko, pero bakasakaling may nakakaalam tungkol dito, hehe.

May nakakaalam ba kung paano mag-convert ng Japanese digital text file into an ebook file (na compatible sa eReader tulad ng Kindle o Kobo? Bale merong site na aozora bunko kung saan pwedeng mag-download ng japanese texts (tulad ng classic novels). Yun format niya ay .txt file, na may tags para sa formatting etc.

Eneway apparently pwedeng i-convert ang mga ito into readable files para sa mga eReader, pero medyo tricky, lalo na sa mga bagay tulad ng furigana (para sa mahirap na kanji) at vertical text formats.

Ang gamit ko nga pala ay Mac at yung calibre application. Gusto ko sanang regaluhan ng eBook yung anak ko (na may Kobo reader).

Maraming salamat sa inyong patnubay :slightly_smiling_face:

aozora bunko, maganda yan. na-try mo na ang AozoraEpub3?

may gumamit nito dito:

parang kumplikado, pero mukhang pwede naman yatang ipasok ang text mismo directly sa kindle, hindi lang madisplay ng gaano kaganda ang mga ruby: 踊子《ダンサー》, 酒場《バア》

Yes, AozoraEpub3… napagana ko na sa wakas!
Kailangan lang pala gamitin ang PC (at dehins Mac)
:rofl:

ala naman palang kwenta yang mac na yan e hehe^^