Website para sa mga Pinoy sa Japan!

dcat

08-26-2004, 12:26 AM

Well, hindi ba napaka swerte ng mga baguhan dito sa Japan dahil meron na silang personal website na gawa specially for them. Ngayon, kahit sino ka man at kahit nasaan ka man, pwede nyo nang ma-kontak ang lahat ng mga Pilipinong nandito sa Japan. :cool: Cool diba.

Para saan? Para kung saan man. Pwede kayong magtanong dito tungkol sa mga problema nyo tungkol sa Japan. Kunyari, gusto nyong pumunta sa Osaka (tiga dito nga pala ako), at hindi nyo alam kung anong meron dito o kung papano pumunta. E di itanong nyo lang dito sa website na ito, at yung mga Pinoy at Pinay na nandito (pati na ako) sa Osaka ay mag-aadvise sa inyo kung anong kool. Pwede kayong makipag-kwentuhan sa mga Pilipinong nasa Japan na hindi nyo kilala. Kung cool ang usapan pwede nyong hingiin yung email address nila.

Of course, swerte din yung mga datihan dahil meron na silang powerful way para makontak at makahalubilo ang lahat ng Pilipino sa ibat-ibang parte ng Japan. Pati na rin yung mga papunta palang sa Japan at yung nakapunta na at ngayon nakabalik na sa Pinas, basta merong computer at internet kayang-kayang makapag-contribute para sa ikabubuti ng ating kababayan.

So, sa wakas, eto na yung chansa nyo para maging exciting at makabuluhan ang buhay nyo dito sa Japan. Ang galing talaga ng technology no? :smiley:

nick

08-26-2004, 09:55 PM

Dcat,

Thanks for your reply. :slight_smile:

Para sa kaalaman ng lahat, ang Timog Forum ang kauna-unahang forum na para lang sa mga Pinoy sa Japan. Maraming mga mailing lists akong alam pero iba-iba. Merong mailing lists ng mga OFW, mailing lists ng mga students, at mailing lists ng mga Pinoy na nakatira sa ganitong lugar.

We believe that Filipinos living in Japan face serious difficulties because of the language barrier. A lot of our kababayans doesn’t understand Japanese. It is our intention that this forum will serve as a medium where Pinoys can talk with other Pinoys wherever they are in Japan, where Pinoys can discuss issues that affect their lives, where Pinoys who don’t understand Japanese can ask questions and get answers, where long-staying Pinoys can share their experiences with newcomers.

Spread the word!

Nick

MARGA1GAB

02-01-2006, 09:38 PM

How can we access to that site?

reon

02-01-2006, 09:48 PM

How can we access to that site?Nandito ka na. :slight_smile: This is a VERY old thread, BTW. At si dcat ay MIA.

mbstorun

02-02-2006, 12:22 AM

oo nga buti nalang meron nito…dahil sa tulad ko na bago lang sa Japan…wala pang friends…new environment…di marunong mag salita ng salita dito sa japan tapos i’m not working pa…sa bahay lang…so because of TF…wow! nakakawili…nagtatak a nga asawa ko bakit daw di ako nabo~bore at di ako lumalabas man lang ng bahay…i dont feel bored daw ba…hayyy…di nya alamkulang pa isang araw sa babad ko dito:D

japphi

02-02-2006, 08:00 AM

Well, hindi ba napaka swerte ng mga baguhan dito sa Japan dahil meron na silang personal website na gawa specially for them. Ngayon, kahit sino ka man at kahit nasaan ka man, pwede nyo nang ma-kontak ang lahat ng mga Pilipinong nandito sa Japan. :cool: Cool diba.

Para saan? Para kung saan man. Pwede kayong magtanong dito tungkol sa mga problema nyo tungkol sa Japan. Kunyari, gusto nyong pumunta sa Osaka (tiga dito nga pala ako), at hindi nyo alam kung anong meron dito o kung papano pumunta. E di itanong nyo lang dito sa website na ito, at yung mga Pinoy at Pinay na nandito (pati na ako) sa Osaka ay mag-aadvise sa inyo kung anong kool. Pwede kayong makipag-kwentuhan sa mga Pilipinong nasa Japan na hindi nyo kilala. Kung cool ang usapan pwede nyong hingiin yung email address nila.

Of course, swerte din yung mga datihan dahil meron na silang powerful way para makontak at makahalubilo ang lahat ng Pilipino sa ibat-ibang parte ng Japan. Pati na rin yung mga papunta palang sa Japan at yung nakapunta na at ngayon nakabalik na sa Pinas, basta merong computer at internet kayang-kayang makapag-contribute para sa ikabubuti ng ating kababayan.

So, sa wakas, eto na yung chansa nyo para maging exciting at makabuluhan ang buhay nyo dito sa Japan. Ang galing talaga ng technology no? :smiley:

Hi dcat…Welcome to TF nga pala…good thing na naging member ka rin ng website na ito 'di ba:) …malaking tulong talaga ito para sa atin na malalayo sa mga pamilya…hindi pa marunong sa salita,culture,etc ng Japan.Na kapag nagka-problema ay pindot lang sa keyboard at magtanong sa mga andito…kahit papaano ay may sasagot sa mga tanong mo.Maraming mababait dito at talagang reliable ang mga sagot nila…na hindi tulad sa ibang websites.

For 18 years…this is my first time na nakatagpo ng ganitong website…noon ay naging member ako sa ibang sites…pero hindi nagtagal…wala akong matututuhan.

Talagang iba ang technology ngayon…na hindi sabagal ang distansya para maabot,makausap ang mga kababayan natin kahit na saang lugar pa sila basta may computer/internet ka/sila.Nagkakaisa,nagk ikita through internet at dito sa TF ay para kang nasa Pilipinas na rin ng dahil sa bumubuo nito,mga attitudes,mga kwentuhan,mga biruan at iba pa.

At wala ang TF kung walang nag-organized nito…mga mabutihing mga kababayanan natin na hindi inisip ang sariling kapakanan…kundi’y kapakanan ng mga kababayan nila na andito sa Japan at mga kababayan pa natin na darating pa dito sa Japan in the near future.

Mga kababayan natin na bumuo nitong TF na maraming nalalaman sa technology ngayon na gustong ibahagi ang kanilang nalalaman sa mga kababayan nila.Na naniniwala na ito ang magiging tahanan natin sa internet,na mapapanatili natin itong malinis at makabuluhang website para sa ating mga Pilipino…

Sa Administrator,mga Moderators at mga Members ng Timog Forum…Mabuhay,Mabu hay…:dowave:

maimai

02-08-2006, 10:16 AM

hi japphi…
totoo po ang lahat na sinabi nyo…kasi itong website na ito napakalaking tulong sa ating mga kababayan talaga…katulad ko, at sa iba na hindi nagtatrabaho at nasa bahay lang…malaking talaga ang naitulong na Timog Forum sa amin…kasi maraming kami natutunan dito…hindi mo na kailangan manood ng tv at intindihin mabuti ang salita nila sa wikang hapon para lang ma-up-date sa nangyayari sa atin paligid…dito all around…kahit ano ang tanungin mo,at maghintay-hintay lang ng konti sigurado dagsaan agad ang sagot nila…:slight_smile:

di tulad ng ibang forum,may matutunan kaman kaya lang hindi ka satisfied sa mga sagot …tulad ng sinasabi nyo po…marami ang mababait na tao dito at reliable talaga ang mga sagot nila sa bawat tanong ng ating mga kababayan. … …:wink:

kaya…
maraming salamat po sa mga kamember ko dito sa Timog Forum…at syempre sa Administrator,at Moderator’s…sala mat din sa inyo…:wink:

adechan

02-08-2006, 10:45 AM

ako po siguro half of my life staying here in japan, kasama na ang internet sa buhay ko.

but this is the real first time na na hook po ako sa isang place lang ang Timog

feel at home po ako, feel na feel ko pinoy pala talaga ako

dahil sa pagkakaiba nang mga status, experiences, knowledge, understanding and principles, lalong nakakapulot talaga nang mga aral.

hindi lang po nakakapulot nang mga aral at kaalaman … nakakaaliw

esturyshade

02-08-2006, 06:05 PM

oo nga buti nalang meron nito…dahil sa tulad ko na bago lang sa Japan…wala pang friends…new environment…di marunong mag salita ng salita dito sa japan tapos i’m not working pa…sa bahay lang…so because of TF…wow! nakakawili…nagtatak a nga asawa ko bakit daw di ako nabo~bore at di ako lumalabas man lang ng bahay…i dont feel bored daw ba…hayyy…di nya alamkulang pa isang araw sa babad ko dito:D
pareho tayo di rin ako labas bahay pero minsan gusto ko din makalanghap ng simoy ng hangin ba kahit lamig outside.tokyo ka rin eh di minsan kung mamarafatin mo kita tayo,dito ko sa Tamagawagakuen Machida,naliliband din ako dito sa TF minsan nuod lang ako sa kanila at basa lang natutuwa ako sa kanila ang kakalog ,kung alam lang nila na isa ko sa makulet na tao sa lipunan.hhmm;)

maimai

02-08-2006, 06:47 PM

hi esturyshade…ot tayo dito:D …pero join ka narin sa makukulit na member dito…hhehehehehe… :smiley: :stuck_out_tongue:

reon

02-08-2006, 09:04 PM

Hello TF members, actually hindi “bagong member” itong si dcat pero dahil hindi active (nakatatlong posts lang) “New Member” ang nakalagay sa kanyang title. :smiley:

Kung mapapansin ninyo August 2004 ang post niya at August 2004 nagsimula ang Timog, kaya matagal na itong post na ito (na hinalungkat ni marga1gab). Number 3 ito sa pinakalumang threads sa Timog (may 2,300 threads na sa kasalukuyan). Kaya naman mapapansin ninyo na wala masyadong tao dito dati dahil mahigit 1 year late ang reply ni marga1gab. :smiley:

esturyshade

02-08-2006, 09:28 PM

hi esturyshade…ot tayo dito:D …pero join ka narin sa makukulit na member dito…hhehehehehe… :smiley: :stuck_out_tongue:
magkano kaya per hour dito pag nag OT akesh?sabagay walang magandang mapanuod ngayon sa TV buti pa dito ang ingay ko tumawa ko kahit nag iisa ako at kahit umiiyak na ang kambal ko.naglagay na ko ng polo ng joa ko sa puwitan ko kasi pwede ng mamalansta ng aking pwet sa inet.bukas susuot nya gulat sya:eek: kasi kahet be shee akesh here naplansta ko polo nya.

maimai

02-08-2006, 09:29 PM

hi reon…:wave:hindi ko nga napansin yung date,isang taon na pala ito,~~~~kaya nga nagtataka ako bakit parang wala yata tao dito.:scratch:…ang ganda pa naman ng topic dito…:wink: … ang galing naman ni marga1gab manghalungkat ng thread… :type: …hehehehe…:lol:.: lol:

esturyshade

02-08-2006, 09:32 PM

hi reon…:wave:hindi ko nga napansin yung date,isang taon na pala ito,~~~~kaya nga nagtataka ako bakit parang wala yata tao dito.:scratch:…ang ganda pa naman ng topic dito…:wink: … ang galing naman ni marga1gab manghalungkat ng thread… :type: …hehehehe…:lol:.: lol:
buti na lang namasyal ako dito,tagal na pala itish.di bale buhayin natin muli.malamang bukas sa makalawa dami aapela.:stuck_out_tongue:

maimai

02-08-2006, 09:35 PM

buti na lang namasyal ako dito,tagal na pala itish.di bale buhayin natin muli.malamang bukas sa makalawa dami aapela.:stuck_out_tongue:

korek ka dyan…:thumb: …:smiley:

Dax

02-09-2006, 05:27 PM

Welcome back to TF dcat! Wow! Member number 7 ka pala! :bowdown:

dcat

02-12-2006, 11:18 AM

hi, everybody. Andito na ulit ako.
wow DAX, how did you predict that I’m coming back? Yours is kinda advance welcome - na touch naman ako. I guess when marga1gab uncovered this thread I was telepathically summoned back in. And it’s really nice to be back.
Actually I was writing my term paper and then suddenly thought about TF for no particular reason, and then after trying all the passwords that I’ve been using for the last 6 years I finally got in!
This thread is really very old, huh. But yes, this site is for us and we’ll do well if we follow those people who have been setting up good examples for many: helping others, sharing information, and following the rules.
C ya later. Ta ta! :cool:

Dax

02-13-2006, 12:36 PM

hi, everybody. Andito na ulit ako.
wow DAX, how did you predict that I’m coming back?No, I didn’t. May mga nag-welcome kasi sayo na akala New Member ka lang. :smiley: How did they predict your return? That is the question. :stuck_out_tongue:

This is an archived page from the former Timog Forum website.