Yen account

halloween

12-12-2005, 10:23 PM

Mga kapatid, payuhan nyo naman ako.

Kanina tumawag ako sa Metrobank Tokyo branch at nagtanong kung anong procedure kung gusto kong mag-open ng yen account. Sabi sa 'ken ng teller kelangan daw personal akong pumunta sa office nila para makapag open nito. Di daw pwedeng through fax ang mga dokumento. Shempre, isang malaking hassle yon dahil may trabaho ako at sayang pamasahe.

Tapos naisip ko try kong tumawag sa PNB bukas since I have their number at itanong kung pwede akong mag-open ng yen account na di pumupunta ng personal sa office nila.

Sabi naman sa 'ken ng isang Pinay dito, mas mabuti daw kung iuwi ko na lang daw yung pera ko at sa Pinas ko na ipapaplit dahil mas mataas daw ang palitan sa black market kesa sa bangko at wala pang charge. Sabi ko nman di ako komportable ng may dalang pera dahil una, for safety reasons, pangalawa feeling ko mas ma ko control ko ang paggastos ko kung nasa bangko.

Sa tingin nyo, ano ang mas magandang gawin?

aimi2819

12-12-2005, 10:33 PM

Pwedeng malaman kung ano ang visa mo? Kasi kung immigrant ka naman dito mas magandang mag open ka mismo dito sa bank nila, try mo sa Post Office, mas maganda ngang kung uuwi ka ng Pinas, Yen ang dala mo, mahal nga ang charge sa Banko natin.:slight_smile:

halloween

12-12-2005, 10:38 PM

I have a working visa, specialist in humanities and international services ang status pero one year lang.

fremsite

12-12-2005, 10:40 PM

Mga kapatid, payuhan nyo naman ako.

Kanina tumawag ako sa Metrobank Tokyo branch at nagtanong kung anong procedure kung gusto kong mag-open ng yen account. Sabi sa 'ken ng teller kelangan daw personal akong pumunta sa office nila para makapag open nito. Di daw pwedeng through fax ang mga dokumento. Shempre, isang malaking hassle yon dahil may trabaho ako at sayang pamasahe.

Tapos naisip ko try kong tumawag sa PNB bukas since I have their number at itanong kung pwede akong mag-open ng yen account na di pumupunta ng personal sa office nila.

Sabi naman sa 'ken ng isang Pinay dito, mas mabuti daw kung iuwi ko na lang daw yung pera ko at sa Pinas ko na ipapaplit dahil mas mataas daw ang palitan sa black market kesa sa bangko at wala pang charge. Sabi ko nman di ako komportable ng may dalang pera dahil una, for safety reasons, pangalawa feeling ko mas ma ko control ko ang paggastos ko kung nasa bangko.

Sa tingin nyo, ano ang mas magandang gawin?

halloween san … good pm sa yo … naku ! kung tatawag ka sa PNB tom … baka abutin ka ng pasko … kasi laging busy ang line dun … dyan din kasi ako nagre-remitt ng money …kaya give ko na lang sa yo email add. nila para di ka na mahirapan sa pag-contact … email din lang kasi ako pag tapos kong mag-remitt kasi kelangan pa ng confirmation bago nila i-forward yung money sa pinas . here’s their website www.pnbtokyo.co.jp (http://www.pnbtokyo.co.jp) .
ang alam ko , kahit di ka na pumunta ng bank , makaka-open ka ng account … basta bigay mo lang yung papers na hihingin nila sa yo thru mail … for me , mas maganda nga na may bank account ka kesa dalhin mo sa pinas … too much risk … tsaka mas sigurado kang makaka-ipon ka talaga … kasi pag dinala mo sa pinas … di mo alam … nauubos na pala money mo … my opinon lang naman … :slight_smile:

houseboy

12-12-2005, 11:09 PM

Kaibigang Halloween,

Magandang gabi.

Kung kailangan mo ng Yen Account, ipadala mo na lang sa akin yung Yen mo. Ako na bahalang mag-alaga nun.

Ang umaasa,
Houseboy

neblus

12-13-2005, 11:53 AM

Halloween… bakit kailangan pa PNB o Metrobank ang Yen Account mo?

Bakit hindi na lang Tokyo Mitsubishi (or Mitsubishi UFJ) or even Shinsei bank na may full English service? Tell them “sign-shiki” so no need for hanko.

halloween

12-13-2005, 12:01 PM

I just phoned Metrobank at sabi nila I can deposit to my ATM account in the Phil.

Kasi neblus, ang gusto ko sana ma withdraw sa Pinas pag-uwi ko pero mali yung service di dapat yen account kung hindi remittance. Wrong choice of word there.

@houseboy

Sige ipatago ko sa yo pero may interes ha. Yehey! tutubo ng malaking interest ang isang lapad ko!

Dax

12-13-2005, 12:21 PM

halloween san,

Follow-up sa post ni neblus. Try mo apply ng “International Card” sa UFJ (may Mizuho din ata pero iba tawag). Ginagamit ko yan tuwing umuuwi sa Pinas. Basta may PLUS mark yung ATM sa Pinas kayang mag-withdraw up to 5k pesos per day. Ang charge ay 200 yen. Last time kong ginamit yan ay december 2004 pa so baka nagbago na.

Check http://www.ufjbank.co.jp/service/cashcard/cai_annai.html

http://www.ufjbank.co.jp/service/cashcard/image/plus.gif

Eto naman yung sa Mizuho: http://www.mizuhobank.co.jp/start/international/

halloween

12-13-2005, 12:29 PM

Talaga Dax, Y200 lang charge? Abay ok, kasi sa Metrobank ang charge kada deposit ay Y2000. Laki ng deprensya.

Salamat ha.

Dax

12-13-2005, 12:35 PM

200 yen (210 pala with tax) per withdrawal yun halloween san. Try mo muna withdraw ng mga 10k kasi baka nagbago na. Noon 5k ang limit.

Pahabol: may charge din yung balance check. 210 yen din ata.

kaori

12-13-2005, 01:13 PM

halloween san,

Follow-up sa post ni neblus. Try mo apply ng “International Card” sa UFJ (may Mizuho din ata pero iba tawag). Ginagamit ko yan tuwing umuuwi sa Pinas. Basta may PLUS mark yung ATM sa Pinas kayang mag-withdraw up to 5k pesos per day. Ang charge ay 200 yen. Last time kong ginamit yan ay december 2004 pa so baka nagbago na.

Check http://www.ufjbank.co.jp/service/cashcard/cai_annai.html

http://www.ufjbank.co.jp/service/cashcard/image/plus.gif

Eto naman yung sa Mizuho: http://www.mizuhobank.co.jp/start/international/

Ito rin ang ginagamit ko UFJ internationa card.kaya lang may bayad ang deposit na 105 yen kada deposit .pag wi thdraw mo naman sa pinas 98pesos ang kaltas kada withdraw mo.:slight_smile:

depp

12-13-2005, 05:14 PM

sa Shinseibank,wala silang charge pag magwiwithdraw ka at mag-babalance inquiry.and pwede kang magbukas ng account online.padadalhan ka na lang nila ng mga papers na pipirmahan mo.meron silang english site kaya check mo na lang.
http://www.shinseibank.com/english/index.html

http://www.shinseibank.com/english/atm/riyou_kaigai.html

puting tainga

12-13-2005, 06:14 PM

Interest rate is so low in Japan.
There is not much merit in depositing money.

I have a safe in my house.
It is hidden in a place where you can not see.
Most my friends don’t know I have a safe, because it is secret.

Not a very large safe, but not very small, maybe the size of a 15 inch television.
It weighs more than ordinary woman, hence difficult to move.

Though it cost me several lapads, I never regretted buying it.

Because I feel safe and I always have great delight in opening it.
And I don’t have to go to ATMs often.

depp

12-13-2005, 06:34 PM

your right puting tainga,kaya di rin ako mashado nag-sasave ng pera sa bangko.hati-hati ang pera.konti sa pinas,konti sa bangko,konti sa bahay.
maalwan lang kasi pag nagpapadala ka ng pera sa pinas by online.kung pupunta ka pa sa bangko e napaka-mendoksai,monthy kasi ako kung magpadala.

mcgregor

12-13-2005, 09:16 PM

naku, sa intensyon kong makapag-ipon, nag-open ako ng account sa pinas thru metrobank osaka.

bad trip, Y2000 ang charge kada deposito ko. hahaha! lugi ako!

tapos ang baba pa ng palitan ngayon. :rant:

maling-mali!

halloween

12-14-2005, 10:45 AM

Thanks Dax, Neblus at Kaori!

Nag open ako ng account through Shinsei’s online banking. Ipadadala daw sa ken yung Powerflex starter kit kaya lang sabi don sa e-mail nila, matatanggap ko “in a few days”. I tried to call them to know kung kelan yung in a few days pero di ako ma ka connect, kinalyo na ata daliri ko sa kaka dial pero alang nasagot.

Wish ko lang matanngap ko agad kasi I’ll be leaving on the 22nd baka di umabot.

Tama nga ganto na lang kesa sa MEtrobank na mahal ang charge.

Salamat ulit.

JEM_jp

12-14-2005, 10:55 AM

naku, sa intensyon kong makapag-ipon, nag-open ako ng account sa pinas thru metrobank osaka.

bad trip, Y2000 ang charge kada deposito ko. hahaha! lugi ako!

tapos ang baba pa ng palitan ngayon. :rant:

maling-mali!

bad trip talaga mcgregor… :open_mouth:

international banks are very tricky in their policy…

ang silbi nila ay no other than a legal “safe” box… :smiley:

Teddy

12-14-2005, 11:02 AM

Most my friends don’t know I have a safe, because it is secret.

Now everyone in TF knows you have one:D Watch your back!:smiley: :stuck_out_tongue:

JEM_jp

12-14-2005, 11:08 AM

Now everyone in TF knows you have one:D Watch your back!:smiley: :stuck_out_tongue:

Saan nga po ba ang address ni puting tainga?..
I’m curious about the safe… :smiley:

mcgregor

12-14-2005, 12:58 PM

bad trip talaga mcgregor… :open_mouth:

international banks are very tricky in their policy…

ang silbi nila ay no other than a legal “safe” box… :smiley:

hehe. truly!

neblus

12-14-2005, 04:07 PM

Thanks Dax, Neblus at Kaori!

Nag open ako ng account through Shinsei’s online banking. Ipadadala daw sa ken yung Powerflex starter kit kaya lang sabi don sa e-mail nila, matatanggap ko “in a few days”. I tried to call them to know kung kelan yung in a few days pero di ako ma ka connect, kinalyo na ata daliri ko sa kaka dial pero alang nasagot.

Wish ko lang matanngap ko agad kasi I’ll be leaving on the 22nd baka di umabot.

Tama nga ganto na lang kesa sa MEtrobank na mahal ang charge.

Salamat ulit.

Nagbukas din ako Halloween and nakuha ko:
(1) 4-digit code in 1 week
(2) All details to explain… another 1 week pa.

Hindi ko lang alam kung pwede withdraw sa Pinas.

halloween

12-14-2005, 10:47 PM

Ganon ba neblus? Ang haba palang pag-iintay eh uuwi na ko sa Thursday. Try ko sa UFJ mag-apply ng int’l card baka mas mabilis. Kung hindi malamang Metrobank ang bagsak ko nito. Pag balik ko ng lang ipagpatuloy ang pag process.

noycoco

12-15-2005, 08:49 AM

halloween, ang sinasabi yata ni Dax e yung mag open ka ng account sa Mizuho o UFJ na ang international card ay pwee mong gamitin para mag withdraw sa Pinas. at yung inasabi mo naman na 2,000 yen ang bayad sa Metrobank e for remittance yon. Ikaw ba ay uuwi na for good? kung uuwi ka for good e di dalin mo na lang pag uwi mo yung pera mo. Mag open ka muna ng acct. dito kahit sa post office para itabi mo lang ang pera tapos pag uuwi ka na e di dalin mo na ang perang naipon mo.kung kailangan mo naman ipadala sa pinas dahil kailangan gamitin doon e yun na ang remittance na sinasabi mo. kung babalik ka din naman dito e di maganda na nga yung mag open ka ng international account with international ATM like yung sabi ni Dax sa Mizuho o UFJ.Mas ok din kung sa Citibank mo i de deposit kasi nga makaka pag withdraw ka din sa atin sa mga ATM na may Cirrus mark. kaya lang nga sa Citibank dito sa Japan e 50 lapad dapat ang maintaining balance mo kung hindi e may fee every month na mga 2,000 yen. kung gusto mo ng remittance talaga e Tokyo-Mitsubishi bank. Kahit saan bank sa atin sa pinas ang account mo dadating. With one-time fee na 3000-5000 yen depende sa bili ng dating sa atin na gusto mo.Kahit magkano padala mo ganoon din ang one-time fee kaya mas maganda kung malaki na ang ipadala mo…Mas maganda pa kung may dollar acct. ka sa atin dahil pwedeng bagsak non sa atin dollar na papasok nga sa dollar acct. mo. kung peso kasi malaki ang kaltas sa pag co convert sa atin…pero baka masmaliit ang difference sa conversion to peso kung sa tokyo-mitsubishi kesa sa metrobank o pnb…

halloween

12-15-2005, 01:06 PM

@ noycoco

Babalik pa 'ko (Jan 4) kaya mas convenient sa 'ken ang UFJ card. BUti na lang at di ko tinuloy transaction sa Metrobank kasi kung i-remit ko ang deposit sa ATM account ko eh Y 2 000 ang charge. Thanks sa reply mo.

Sa mga gustong mag-open ng UFJ int’l card, eto ang mga pertinent info:

  1. minimum deposit at the end of the month is Y 100 000 otherwise you’d have to pay a monthly charge of Y315;

  2. withdrwal charge is Y200 at one time while balance inquiry is Y100 at one time;

  3. limit of withdrawal is Y500 000 a day

@ Neblus, Kaori at Dax

Salamat sa tips nyo. Now I have a UFJ int’l card. Buti na lang may isang staff don who can speak English kung hindi para na nman akong pipi sa Kapwa ko mahal ko (Charitable show in the PHil) sa kakasenyas.

halloween

01-01-2006, 11:31 PM

To all UFJ cardholders,

Na experience nyo na bang mag withdraw sa PInas tapos after several attempts in different banks, ang lumabas sa screen ay eto- Sorry we cannot process your transaction?

Grabe, nakaka bad trip, asang asa ka na makaka withdraw ka tapos ganon lalabas previously naman eh ok.

I really have no idea what went wrong so no choice ako but to call the UFJ bank where I opened an account. Just now, I was trying to open the website of UFJ pero in kanji characters ang lumalabas.

Could somebody tell me the number of UFJ, tokushima prefecture branch?

ANg haba ng pasakalye noh, yon lang pala ang itatanong, sensya na.

noycoco

01-02-2006, 01:58 AM

bakit nung nag apply ako sabi sa akin walang minimum account balance required daw?

noycoco

01-02-2006, 01:59 AM

To all UFJ cardholders,

Na experience nyo na bang mag withdraw sa PInas tapos after several attempts in different banks, ang lumabas sa screen ay eto- Sorry we cannot process your transaction?

Grabe, nakaka bad trip, asang asa ka na makaka withdraw ka tapos ganon lalabas previously naman eh ok.

I really have no idea what went wrong so no choice ako but to call the UFJ bank where I opened an account. Just now, I was trying to open the website of UFJ pero in kanji characters ang lumalabas.

Could somebody tell me the number of UFJ, tokushima prefecture branch?

ANg haba ng pasakalye noh, yon lang pala ang itatanong, sensya na.

balitaan mo naman ako kung ano ang mangyayari pag tawag mo sa UFJ.bakit daw kaya di ka makapag withdraw?

Hungry eyes

01-02-2006, 11:08 AM

To all UFJ cardholders,

Na experience nyo na bang mag withdraw sa PInas tapos after several attempts in different banks, ang lumabas sa screen ay eto- Sorry we cannot process your transaction?

Grabe, nakaka bad trip, asang asa ka na makaka withdraw ka tapos ganon lalabas previously naman eh ok.

I really have no idea what went wrong so no choice ako but to call the UFJ bank where I opened an account. Just now, I was trying to open the website of UFJ pero in kanji characters ang lumalabas.

Could somebody tell me the number of UFJ, tokushima prefecture branch?

ANg haba ng pasakalye noh, yon lang pala ang itatanong, sensya na.

Halloween…happy new year…hindi ba sinabi saiyo ng UFJ bank na mag sasara muna sila

…pati website di ka maka ka access…? kasi pagsasa mahin na ang UFJ at MITSUBISHI bank…

baka bukas pa mag open …konting tipid ka muna…maka ka withdraw ka rin…

thermometer

01-19-2006, 01:07 PM

Thanks Dax, Neblus at Kaori!

Nag open ako ng account through Shinsei’s online banking. Ipadadala daw sa ken yung Powerflex starter kit kaya lang sabi don sa e-mail nila, matatanggap ko “in a few days”. I tried to call them to know kung kelan yung in a few days pero di ako ma ka connect, kinalyo na ata daliri ko sa kaka dial pero alang nasagot.

Wish ko lang matanngap ko agad kasi I’ll be leaving on the 22nd baka di umabot.

Tama nga ganto na lang kesa sa MEtrobank na mahal ang charge.

Salamat ulit.
Halloween…

Details naman sa pag aaply ng international card…
nakapag withdraw ka ba sa pinas…how much charge? confirm naman po.

Dax

01-19-2006, 01:11 PM

Na experience nyo na bang mag withdraw sa PInas tapos after several attempts in different banks, ang lumabas sa screen ay eto- Sorry we cannot process your transaction?
Hi halloween,
Hindi ordinary UFJ card kundi UFJ International Card ang pwede gamitin pang-withdraw sa Pinas. Tsaka dapat may “PLUS” mark yung ATM, kung wala hindi pwede. Anyway to answer the question, nope, di ko pa na-experience ang ganyan.

Saling Pusa

01-19-2006, 02:01 PM

I checked Shinsei Bank FAQ: Q: Can I withdraw cash from overseas ATMs ? Yes, you can.
• How it works:
You can withdraw in local currency at overseas ATMs and these will be automatically converted to the concerning foreign currency from your PowerFlex Yen savings account.
• Withdrawal fees: FREE
• Exchange rate: The exchange rate for the overseas withdrawal will be based on the exchange rate used by VISA International, with an additional 4% fee.
MORAL LESSON: Actually it is not free (there is no FREE service in this world)because of the 4% fee and the FOREX of VISA which is very low! Example for 10 lapad, you are sure to lose 4,000 YEN immediately without blinking plus a lower FOREX (most likely be from 1K pesos to as much as 2K pesos (like the PNB or MetroBank rate:sick: ).

Erika

01-19-2006, 03:53 PM

Halloween…

Details naman sa pag aaply ng international card…
nakapag withdraw ka ba sa pinas…how much charge? confirm naman po.

Hi thermometer… suggestion ko lang, itry mo yung citibank cash card. Walang bayad pag nagopen ka ng account… via internet pwede tapos isesend na lang sau yung reqiurements na isesend mo ulit sa kanila, pag naapproved isesend na sayo yung cash card. Pag magwiwthdraw ka sa pinas 100 yen per withdraw ang binabawas nila. 3 yrs na akong gumagamit ng citibank cash card ng citibank pero wala namang problema, nag open ako dito tapos yung card sinend ko sa family ko sa pinas, pag magdedeposit ako via internet (thru UFJ) yung ipapadala kong pera eh makukuha kagad nila the next day.

halloween

01-19-2006, 11:06 PM

@ noycoco
Tawag ka ulit sa kanila at i-clarify mo ang tungkol sa required minimum balance kasi nung nag-inquire ako yon ang sabi sa 'ken ng isang mama don na sa kabutihang palad eh English speaking.

Di ako naka withdraw kasi isa sa requirements nila ang mag-send ng notice from the bank and the purpose is to find out whether your address is existing or not. Ang problema yung postman na shonga2 eh di nakita ang address ko kaya bumalik sa kanila ang notice. Then and there, they cancelled my card.

Nung bumalik ako dito last January 4, pumunta agad ako sa office nila and I demanded an explanation from them. Sabi ko, what if it was an emergency case and I badly needed the money? Hindi naman kasi well-founded yung fear nila dahil I showed them my bills (electricity, gas and phone) with my name written in kanji and also my passport. Isa pa, they could have called my employer if that’s what they were worrying about. Mabuti na lang very apologetic yung bank officer kasi fault naman talaga nila. Imagine mo yon, pera mo tapos di mo ma withdraw. Naisip ko lang, kung sa PInas pa, that could be a ground for filing a civil action for damages. Pero shempre, it comes with the territory eh, gaijin ka dito kaya makisama ka na lang. Haaaaay, yon ang sinapit ko don. Buti na lang at hindi lahat ng pera ko eh andon kung hindi sobrang disaster talaga.

At eto pa, for the 2nd time nagpadala ulit ng notice and this time nakita ko sa mailbox ko pero hanggang ngayon di pa ko pumupunta sa bank to inform them that I have received it. Eh ano pa gagawin ko don eh matagal pa ulit bago ako umuwi.

@Dax

Int’l card yung inopen ko with a plus mark. Yon lang talaga ang naging problema kaya nagka hassle2 ang ATM ko.

@Thermometer

Bro, pakibasa ulit po yung thread. Hmmm, as for the initial deposit, kahit magkano pwede.

ganda_girl89

01-29-2006, 10:53 PM

add ko sa thread na ito…

citibank (http://www.citibank.co.jp/en/index.html)ATM at gamit ko for the last 5 yrs at nakakapag widro ako ng phil peso sa mga may plus logo na ATM sa phil (pnb,chinabank,etc) at local currencies ng ibang bansa like RMB sa china.

walang charge kahit ilan beses gamitin sa isang araw except yung conversion ay mababa ng mga 200 pesos per lapad kung ikukumpara sa existing na palitan sa araw ng pag widro.

for security purpose,mase-set mo ang limit ng widrawal per day according sa gusto mo.minsan,naka experience akong mag widro hanggang 100T php at 4T per transaction.

good about citibank ATM ay medyo panatag ang loob ko kasi kapag may technical na error like nabawasan ang balanse kahit nag offline ang phil ATM sa kalagitnaan ng transaction ay pwedeng i-complain sa kanila at ibabalik ang pera sa accnt after investigation.

also, ang mapa follow ang mga transactions sa internet or pwedeng tumawag sa telepono nila sa japan ng libre kung sakaling may problema na malaki like nawala yung card,etc.

lastly,pagtawag sa free dial nila,english speaking staff agad ang sasagot.0120-110330

uragon

06-23-2006, 11:27 PM

hello po mga ka tf,itatanong ko lang po sana kung halimbawa na may bank account sa pinas like metrobank tpos hndi ko po nahuhulugan ng madalas eh nababawasan po ba ang amount ng pera?hndi po kc ako nakakauwi at mat nagsabi po sakin na ganun daw po system ng bangko satin kapag hndi daw po madalas mahulugan eh unti unting binabawasan ng banko.help nyo po ako pls mga ka Tf naloloka na po ako sa kaiisip,maraming salamat po sa mga sasagot and God Bless:(

tagarp

06-23-2006, 11:45 PM

Yes, may service charge kasi yon… You can remit in Metrobank here in Tokyo directly to your account … PNB too they have.

makulit

06-24-2006, 08:57 AM

Dormancy Fee ang tawag nila doon. 100 pesos every month. Ang mga savings account with no financial transactions for at least two years, they charge 100 pesos every month for dormancy fee.

uragon

06-24-2006, 09:15 AM

tagarpsan and makulitsan maraming salamat po reply nyo,ngayon dapat pala talagang hulugan ko un monthly kundi mawawala sakin pinag ipunan ko pa naman un.maraming salamat po and God Bless

mikan1227

06-24-2006, 02:20 PM

hello po mga ka tf,itatanong ko lang po sana kung halimbawa na may bank account sa pinas like metrobank tpos hndi ko po nahuhulugan ng madalas eh nababawasan po ba ang amount ng pera?hndi po kc ako nakakauwi at mat nagsabi po sakin na ganun daw po system ng bangko satin kapag hndi daw po madalas mahulugan eh unti unting binabawasan ng banko.help nyo po ako pls mga ka Tf naloloka na po ako sa kaiisip,maraming salamat po sa mga sasagot and God Bless:(

hello uragon san, nde naman po ganun basta nde bumababa sa limit yung nakadeposit mong pera sonomama lang po yun kahit nde mo nahuhulugan. i suggest na magapply ka ng online banking para macheck mo po yung account mo anytime thru mail kasi ako man ay may account sa metrobank pero kahit ilang buwan na ako nde nakakapaghulog sa account ko wala naman pagbabago dahil nde naman bumababa sa minimum deposit yung pera pinatabi ko sa banko.

maverick_jp

06-24-2006, 03:19 PM

[quote=ganda_girl89]add ko sa thread na ito…

Hello ganda_girl89,

eto ba yung yen account ng citibank na 500,000 yen ang kailangang maintaining balance mo?..if not charge ka nila ng 2100 yen monthly for account maintenance fee.

maverick_jp

michiko

06-24-2006, 05:26 PM

Hi thermometer… suggestion ko lang, itry mo yung citibank cash card. Walang bayad pag nagopen ka ng account… via internet pwede tapos isesend na lang sau yung reqiurements na isesend mo ulit sa kanila, pag naapproved isesend na sayo yung cash card. Pag magwiwthdraw ka sa pinas 100 yen per withdraw ang binabawas nila. 3 yrs na akong gumagamit ng citibank cash card ng citibank pero wala namang problema, nag open ako dito tapos yung card sinend ko sa family ko sa pinas, pag magdedeposit ako via internet (thru UFJ) yung ipapadala kong pera eh makukuha kagad nila the next day.

hello erika…nag open ako ng citibank cash card pano ba gamitin yun kasi nag open ako pero nung naglagay ang asawa ko ng pera sa post office pero di ko naman mawithdraw… ano ba dapat kong gawin…pwede ba step by step mo pakituro please kung ok lang para maituro ko sa asawa ko…salamat po…

makulit

06-24-2006, 05:35 PM

hello uragon san, nde naman po ganun basta nde bumababa sa limit yung nakadeposit mong pera sonomama lang po yun kahit nde mo nahuhulugan. i suggest na magapply ka ng online banking para macheck mo po yung account mo anytime thru mail kasi ako man ay may account sa metrobank pero kahit ilang buwan na ako nde nakakapaghulog sa account ko wala naman pagbabago dahil nde naman bumababa sa minimum deposit yung pera pinatabi ko sa banko.

hi mikan1127.

actually metrobank will charge 100 pesos every month kung dormant or walang financial transaction ang bank account mo for two years for saving account at 1 year for checking account.

the best way to avoid their monthly dormant charges is to deposit at least once in two years to your bank account kung savings account or once a year kung checking account.

linawin ko po na ang dormant charge ay ina-apply kahit nasa minimum ADB ang balanse sa bangko.

please check metrobank website for more information.

mikan1227

06-24-2006, 10:23 PM

i ganun po ba yun??? hmmm im not aware of this :confused: akala ko po kasi pagbumababa lang ng minimum amount yung deposit eh dun lang kakaltasan hawak ko po ngayon ang bank account ko review ko po yung terms and condition. nakalagay po dito sa :

dormant accounts - a service fee shall be collected on accounts which are inactive for at least 2 years and with balances of less than the minimum maintaining amount fixed by the bank.

ang pagkakaintindi ko po kasi dito eh kung ang account ko po ay inactive for a minimum of two years at wala sa minimum yung maintaining amount eh tsaka lang po sila magkakaltas:confused : kung ganun pala babawasan din lang nila ang deposit account ko kahit nasa minimum naman at nde ko nga lang nagagalaw for let say 2 years eh magbabawas sila eh ang galing naman nila close ko na lang ang account ko kasi lugi naman ako nagagamit nila ang pera ko and at the same time nababawasan pa nila ako:mad: nasan na ang interest???:frowning:

makulit

06-26-2006, 02:35 PM

okey … i stand corrected …

as per metrobank website…

  • Effective November 1, 2005:
    1.) Active accounts that fall below the required minimum monthly Average Daily Balance (ADB) for two consecutive months will be charged service fees.
    2.) Dormant accounts (Savings Account with no financial transactions for at least two years and Checking Account with no financial transactions for at least one year) with balances falling below the required minimum monthly ADB will be charged dormancy and service fees.

so yes, you are right. kahit dormant ang account basta na meet ang ADB, you will not get charged. Pero kapag dormant at below ADB, they will charge dormancy and service fees.

sorry for the confusion caused.

mikan1227

06-26-2006, 04:21 PM

its alright at least naliwanagan din po ako :slight_smile: at yung iba pa nating ka TF :cool:

uragon

06-26-2006, 09:27 PM

hello uragon san, nde naman po ganun basta nde bumababa sa limit yung nakadeposit mong pera sonomama lang po yun kahit nde mo nahuhulugan. i suggest na magapply ka ng online banking para macheck mo po yung account mo anytime thru mail kasi ako man ay may account sa metrobank pero kahit ilang buwan na ako nde nakakapaghulog sa account ko wala naman pagbabago dahil nde naman bumababa sa minimum deposit yung pera pinatabi ko sa banko.ah ganon po ba akala ko po kase basta hindi nakahulog may penalty na po,hndi ko po kase un ginagalaw para sa future namin di po ba,OFW din po ba type ng savings nyo mikansan?paano po ba mag apply ng online banking?maraming salamat po sa reply.God Bless:)

ganda_girl89

06-26-2006, 10:03 PM

Hello ganda_girl89,

eto ba yung yen account ng citibank na 500,000 yen ang kailangang maintaining balance mo?..if not charge ka nila ng 2100 yen monthly for account maintenance fee.

maverick_jp

maverick,sorry at ngayon ko lng nakita ang question mo.
yap,dapat 50 lapad ang ave balanse mo sa isang buwan sa citibank.2100 ang penalty pag bumaba dito.

pwede rin 2,000 US dollars.ito ay madedeposito sa multi money account mo .ito na bale ang maintaining balanse mo.

mikan1227

06-29-2006, 01:41 PM

ah ganon po ba akala ko po kase basta hindi nakahulog may penalty na po,hndi ko po kase un ginagalaw para sa future namin di po ba,OFW din po ba type ng savings nyo mikansan?paano po ba mag apply ng online banking?maraming salamat po sa reply.God Bless:)

meron po akong yen account sa metrobank bago pa me punta dito Japan kaya pwede ako magremit dun ng yen anytime then pwede ko rin mawidraw yung yen ko sa pinas only! try to visit their website www.metrobank.com.ph (http://www.metrobank.com.ph ) meron ka dun click to apply for their online banking it goes like this----> (about metrobank direct) click mo yung how to enroll then it follows na po. goodluck just pm me pagmeron ka po question regarding metrobank online banking :slight_smile:

maverick_jp

06-30-2006, 09:43 AM

maverick,sorry at ngayon ko lng nakita ang question mo.
yap,dapat 50 lapad ang ave balanse mo sa isang buwan sa citibank.2100 ang penalty pag bumaba dito.

pwede rin 2,000 US dollars.ito ay madedeposito sa multi money account mo .ito na bale ang maintaining balanse mo.

ganda_girl89 thanks, meron pa ko mga question. Nabasa ko sa website ng citibank na you can transfer from your YEN to multi money account ( ex. YEN - DOLLAR ) but you cannot withdraw directly from the multi money account. Ibig ba sabihin nito na kahit meron ka ng dollars hindi ka pa rin pwede mag withdraw in dollars? Kailangan ba transfer mo ulit yung Dollars mo to YEN? Then kapag nasa pinas ka peso lang ba ang pwede mo withdraw?, pwede ka bang mag withdraw ng YEN or Dollar sa pinas?

maverick_jp

This is an archived page from the former Timog Forum website.