Yung unang linya ng paborito kong kanta (君と暮らせたら If I Can Live With You) sa paborito kong album (Hachimitsu) ng Spitz ay ganito:
緑のトンネル抜けて 朝の光に洗われるような
Midori no tonneru nukete Asa no hikari ni arawareru you na
Like being washed by the morning light after passing through a green tunnel
Matagal kong pinag-iisipan yung kung anong hitsura ng “green tunnel” na yon at naisip ko na parang lumang tunnel na may mga lumot parang ganito:
Photo by 魔の山なんて誰が言う (Yamap)
(Nga pala, kapag tungkol sa tunnel sa Japan ang usapan, hindi rin nawawala sa isip ko yung “The Tunnel” sa pelikulang Dreams ni Kurosawa.)
May 20 years ko nang pinapakinggan ang kantang ito nang napanood ko ang Our Little Sister (海街diary), at may scene doon na nagbibisikleta sila sa isang “pink tunnel” na puno ng sakura.
Hindi ko maalala kung sinabi sa dialog ang “pink tunnel” o hindi pero habang pinapanood ko itong scene, bigla kong naalala yung kanta ng Spitz at na realize ko na ang ibig lang sabihin ng “green tunnel” ay isang daan na maraming puno sa magkabilang gilid kaya parang tunnel.
Photo by Hashimoto City, Wakayama Prefecture
Midori no tonneru = green tunnel = mapuno at malilim na daan, hindi literal na tunnel
Side note: sabi ng blog na ito, yung cherry blossoms scene sa Our Little Sister ay kinuha sa Ashitaka Large Park 愛鷹広域公園 sa Numazu, Shizuoka. Magaling nga pala ang pelikulang ito, kaya baka gusto ninyong panoorin.